Teentalk

Poll

Kaninong love team ang bet mo?

KiYen Till the end!!! :D
4 (40%)
YenPhen Forever!!! :D
6 (60%)

Total Members Voted: 10

Author Topic: Could It Be: Ch.37 || TRAGEDY || Readers pls.  (Read 15739 times)

ayanne

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 934
  • Karma: +39/-4
Re: Could It Be: Chapter 3- Start of Something New? Updated! ;)
« Reply #30 on: May 24, 2011, 07:50:05 am »
pag nagka'time ako,
baka may ikwento ako sa post ko tungkol kay Mr. Egoistic ko.  :D

Cge2x!!! Aabangan ko yan!!!
Yes! Magkakatime na yan!!! ayie...
hahaha...:D

leighsha

  • jellybean
  • **
  • Posts: 172
  • Karma: +7/-3
  • i can. i will. i did.
Re: Could It Be: Chapter 3- Start of Something New? Updated! ;)
« Reply #31 on: May 24, 2011, 11:32:41 am »
Hahaha...Bitin ba sis? Bakit? hehehe...
Waizzz... :D ;D :D ;D
Thank u sis!!!!
Haha...super kilig...nanyare tlga un eh. hahahaha.... :D :D :D
GOD bless u sis. :)

wow! hehe  :D
edi blush naman ng sobra ikaw?
grammar geekazoid. dreamer. aspiring writer. wanting to be either a lawyer or CFE or both. single by choice. program planner. conversationalist.

eros469

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 768
  • Karma: +36/-2
  • love.. love.. love.. mine'LYF :)
Re: Could It Be: Chapter 3- Start of Something New? Updated! ;)
« Reply #32 on: May 24, 2011, 11:48:44 am »
Cge2x!!! Aabangan ko yan!!!
Yes! Magkakatime na yan!!! ayie...
hahaha...:D


aiyeeehh.
mamaya siguro magkakatime ako.
 ;D ;D
nabitin ka sa NO BOUNDARIES ko?


eto ang KARMA ko. O0
[the story next to NB]

ayanne

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 934
  • Karma: +39/-4
Re: Could It Be: Chapter 3- Start of Something New? Updated! ;)
« Reply #33 on: May 25, 2011, 01:03:02 am »
wow! hehe  :D
edi blush naman ng sobra ikaw?


Hahaha...Kamatis sis! Yung hinog na hinog! hahaha....
 :D ;D :D

leighsha

  • jellybean
  • **
  • Posts: 172
  • Karma: +7/-3
  • i can. i will. i did.
Re: Could It Be: Chapter 3- Start of Something New? Updated! ;)
« Reply #34 on: May 25, 2011, 11:36:23 am »
Hahaha...Kamatis sis! Yung hinog na hinog! hahaha....
 :D ;D :D

IKR! hahaha  ;D
grammar geekazoid. dreamer. aspiring writer. wanting to be either a lawyer or CFE or both. single by choice. program planner. conversationalist.

ayanne

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 934
  • Karma: +39/-4
Re: Could It Be: Chapter 4- Two is Better Than One...haha!
« Reply #35 on: May 26, 2011, 11:34:25 am »



*** Chapter 4 ***

|| Two is Better Than One…haha… ||





Adrienne’s POV


   “Group 1 meeting, after class sa garden”
   “Group 3 sa quadrangle”
   “Group 5 sa… san nga ba? ay wag nalang pala…”


Ayan kanya-kanyang pa-meeting ang mga leaders, puro na kasi kami reporting ngayon at kailangan pabonggahan. May meeting kami mamaya sa quadrangle.
Hulaan niyo kung sino ang leader ko…
 
??? ??? ???

sino pa? edi ang aking gwapong stalker!  ::)

??? ??? ???



Si Stephen!  :D  :D  :D

 Ang weird nga eh kasi halos lahat ng subjects kagroup ko siya, kahit random na yung pagpili. Siguro kinuntsaba niya yung mga teachers para maging kagroup ako, patay na patay talaga sakin si Stephen…tsk!tsk!tsk!  8) ::)  ;D

toinkz! Ambisyosa!  >:(

Hehe…Hayaan mo na kunsinsya minsan2x lang ‘to.  ;D

“Nette may baon ka ba?”

“Oo, ikaw?”

“Meron kaso parang gusto kong bumaba sa canteen”

“Adrienne may naghahanap sayo!!!”   >:(

Galit?!  ???

Teka sino kaya yun?

Paglingon ko sa door si Shana…Grabe namiss ko siya!  :D

“Ui! Kamusta na?” Hi-nug ko siya agad…

“Ito ok lang…ikaw?”

“Ayun ganun pa din…maganda at habulin...”




:o
???
:-X

::)

Sabi mo eh!





“--Ng aso at kabayo…haii naku ang hirap maging maganda sa paningin ng animals…”

 ;D  :-X ;D

Hui! Joke lang yun syempre noh! Mamaya maniwala kayo.  Maganda din naman ako sa paningin ng tao nuh! Yun nga lang sa mga malalabo ang paningin…hahaha...

“Hahaha…kaw talaga! Ui! May laro si Kiel ngayon, kalaban nila yung taga Xavier High School, gusto mo manuod?”

“Oh? Ngayon na? Nagstart na ba?”

“Oo, kanina pa…pero hindi pa siya lumalaban.”

“Ahh…inaantay ako…” Toinkz!

“Haha…oo nga…anu nood tayo?"

“Syempre naman! Mamaya matalo pa yun pag di ako nakita! Hahaha…”

Bakit nga ba parang masyado akong ambisyosa ngayong araw ano?! Pansin mo?
   
“Hehehe…oo nga…lika na dali!”

“Wait lang! masyado ka namang excited…joke…! May kukunin lang ako..wait”

So ayun, nagmadali akong pumunta sa upuan…

“Nette! May laro daw si Kiel…nood tayo, gusto mo?” Infairness ang laki ng kukunin mo ah! ;D

“Sige! Sige!”

“Group 5 ngaun na lang pala ang meeting natin. Now na!”

 :o >:( :(


“Ay! Parang nanadya...haha.”

“Oo nga eh! Kainis ah...” Naku! Gugulpihin ko na yang leader nila eh!

“Sorry ah?”

“Ok lang…Di naman ikaw ang may kasalanan, yung leader niyong sungot. Wahaha. Joke! Tsaka, kasama ko naman si Shana…hehehe…May papabili ka?”

“Wala…cge na baba ka na! Cge ka mamaya tapos na yun.”

“Teka! Bakit parang tinataboy mo ko? ”   :(

“Adik! Hindi. Cge na lumayas ka na!”

Akala ko ba hindi?  :-\ :(

“Opo na nga…”

“Joke lang! Ingat!”  ;) ;D

   Ayun nagtawanan kami tapos lumakad na din ako ng mabilis papunta sa pintuan… lalabas na sana ako kaso…

“Bawal na daw lumabas, dadating na daw si Mrs. Manson.”  ???

“Huh?! eh ang aga pa ah…tsaka diba lagi siyang late?”

“Anu daw…anu… maaga daw siya ngayon kasi may lakad siya mamaya.”

“What time daw?”

“Ewan! Basta bawal daw bumaba!”  >:(

Galit?! Init ng ulo ng mga tao ngayon ah!

Hehe…Pero, anu ba yan! Di ko makikita si Kiel lumaban?   :-\:(

Haii…Pero hindi pwede! Matatalo siya pag di niya ko nakita.  :D

Kinacareer mo na yata ang pagiging ambisyosa mo ah?! Di naman! Slight lang!

“Babalik din ako agad. Sigurado naman kahit maaga sinabi niya late padin. Hehe”

Sabi ko. Bakit naman kasi! Panira naman ‘to si Stephen.Sana ok lng…Please!

“Bahala ka.” Yey! Kaso mukang galit! Hehehe…nagseselos?haha…joke.

“Yen Lika na! Baka lumaban na siya…”

“Andyan na.”

So ayun bumaba na kami.Sakto sila Kiel na. Galing talaga ng timing ko. Hehe.

Bago siya pumunta sa pwesto niya, tumingin siya sa paligid, (hinahanap ata ako.  ::) ;D)

Ehem! Ambisyosa syndrome na naman! Hmp!

So ayun, parang may hinahanap nga, lumagpas yung mata niya sakin pero…pero…pero…


 :o :o :o



OMG! Bumalik tapos…tapos!


  :D:o :D



NGUMITI siya sakin! OMG! Matutunaw ako nito! I smiled back.  ;D

Maya-maya nagstart na yung game.

“Shana! Nakita mo ba? Nginitian ako ni Kiel! Waahhh!!!”

“Oh?! Naks! Ayiee…kaya pala parang hihimatayin ka na dyan sa kilig. haha”

Lumalamang si Kiel sa laban, syempre kasi andito ako eh.hehe. joke!

Pero di na siya ulit tumingin sakin.  :(

Pero ok lang kasi ansarap niyang panoorin ang gwapo! Haii…Sarap niyang titigan. Sana ganito na lang lage ang view. Ang gwapo talaga niya kahit pawis na and mukhang exhausted, mukhang ang sarap alagaan.

Haii…

“Anu oras klase mo?”

“Huh? Uhmm. 1pm. Bakit?”

“Late ka na! 1:05 na.”  :o

“Patay! Sabi pa naman ni Stephen maaga si Maam. Lagot!”

“Hala ka! Cge na! Alis ka na!”

“Opo. Aalis na.”

Lahat naman sila tinataboy ako! Akala ko ba friends ko sila?!   :-\:( :'(

Andrama! Malamang late ka na! Sabi ko nga.

“Cge balitaan na lang kita… Kung sino mananalo. Sigurado naman si Kiel”

“Thank you! Paki kindatan na lang din siya para sa kin, huh?!”  ;) :-X

Yay! Ang manyak! Haha…joke lang naman yun.

“Hehehe… Oo cge...Bye2x… Maya nalang…”

Hala! Oo daw oh?! Naku mamaya madevelop si Kiel sa kanya…hindi pwede! 

Toinkz! Baliw!

“Ok.Bu-bye...”  :-*

   Haii…Kumaripas na ko ng takbo. As in sobrang bilis daig ko pa yata si Flash. Hehe. Kaya pag dating ko ng room…

Nakatunngo na akong nag-greet...

G-go *hinga* od *hinga* a-af *hinga* ter *hinga* n-noon *hinga*

“Hui! Wala pa si maam” Sabi ng classmate ko sa likuran ko. 

:o :-\ :-[


Nakakahiya naman oh! Strike 3 na! naku! Todo effort pa naman ako sa pagtakbo! Sayang effort. 

“Oh? Bakit hingal na hingal ka? Tumakbo ka? Eh ang aga pa naman ah?”

“Eh kasi maaga daw si maam ngayon eh.”  ???

“Weh?! Eh lagi ngang late yun db? Sino naman nagsabi niyan?”

“Yung stalker ko—“ :D

Naku! Lumalala na ang pagiging ambisyosa ko ah…tsk!tsk!tsk!

“Ano?!” Pa-joke niyang sinabi. Alam naman niya kung sino yun, of course na-kwento ko na sa kanya.

“Este si Stephen…”

“Ganun?”

Ayun! Kiwenento ko na lang kay Nette yung nanyare kanina sa baba habang wala pa so maam. Hehe…pareho kaming kinikilig kaya medyo maingay kami.

“Oh? Akala ko ba maaga si Ma’am? Eh 15 minutes na siyang late oh!”

Tumingin ako sa orasan…aba’y oo nga! Late siya! Nu ba yan!

“Oo nga nuh?!”

“Baka niloloko ka lang ni Stephen…”

“Nyek! Bakit? Close ba kami?”

“Ayan na pala eh…oo nga maaga siya ngayon…mas maaga ng 5 minutes kaysa sa usual niyang dating…”  ;D

“Hehehe…oo nga…haii…makikinig na naman tayo ng history niya.”

“Makakatulog na naman ako”

“Buti ka pa nakakatulog, eh ako, kahit antok na antok na ko, hindi pwede eh…kasi kitang-kita niya.”

“Hehehe…or baka naman dahil kay Stephen?”

“Adik! Hindi nuh! Kaw talaga!”  :-[

“Asus! Ako pa niloko mo…cge na lipat na tayo.”

   Lumipat na kami sa upuan namin, may seat plan kasi kay Ma’am, sa ibang subjects namin wala.

“Good afternoon class”

“Good afternoon Mrs. Manson”

“So our topic today is the history of---


   My life…as usual…palagi naman eh..kahit walang konek sa lesson kinokonek….haiii…

“The Roman Empire”

So yun, nagdiscuss na siya…Lakad dito, lakad dyan! Favorite niyang lakaran eh yung center isle, tapos sisindakin ka ng mata niya…Kaya di ka talaga makakatulog.  :(

“Eh ngayon? Ano masasabi nila? Yung mga ate ko lagi akong kinakawawa, sinasabihan ako ng bobo…Pero tignan niyo ngayon…Maipagmamalaki ko ang trabaho ko…Eh sila? Ayun! Yung mga anak nila mga nabuntis ng dalaga, maaga nag-asawa!”

Hindi ko alam kung bakit at paano kami napunta dyan, eh ang layo naman ng history ng Rome dyan.

Laging ganito pag A.P. time eh, di lang world history matutunan mo, may package pa na history ng teacher…oh db? Buy 1 take 1? Nyek! Ano yun, burger?   ;D

Actually, ilang beses na nga niya nakwento yan eh, kulang na lang ipatest niya…siguro mapeperfect namin yun. Hehehe…Ang mean ko…  :-[ :-X

“Eh yung anak nga niyang dalaga na, di pa marunong magbukas ng de lata eh!...”

Habang nagsasalita siya, naglalakad siya sa may center isle...At! Ayan na naman!  :o :-[

Lagi nalang ganito, maglalakad siya simula sa first row (row nila Stephen Right side siya). Medyo hihinto sa 3rd row (row namin, Left side kami) Pareho kami ni Stephen na nasa center isle ung seat, (naiimagine niyo? :-\) Eh pag naglalakad si Maam sa center isle, normal lng naman na sundan namin ng tingin, kaso si Stephen, susundan niya ng tingin si maam habang naglalakad tapos pagdating ng row namin naiiwan yung tingin niya, kahit si maam eh nasa likuran na.

Kaya ang laging nanyayare eh, nagkaka-eye-to-eye contact kami parati.  Tapos bigla siyang iiwas ng tingin.

Haii…ewan.

Sa totoo lang, tingin ko… I’m beginning to have a crush on Stephen, not because he’s handsome and all (well, siguro konti  ::) :D;D), pero dahil siguro sa mga eye-to-eye contacts namin at sa mga pinapakita niya. Ay ewan! 

Kasi naman eh! Professional abisyosa na ata ako.

Bakit ba ang bilis ko mafall?!   :-\:( :-[

Haii…hayaan mo na…dalawa na sila ni Kiel, tutal...



Two is Better than One…Haha…

 ;) :D ;D







-- Chap 5 --



Quote
Hope you liked the update!
Do I have new readers?
Welcome!
Feel free to comment/suggest!  ;) :)
GOD bless us all! :)


« Last Edit: June 28, 2011, 04:29:52 pm by ayanne »

eros469

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 768
  • Karma: +36/-2
  • love.. love.. love.. mine'LYF :)
Re: Could It Be: Chapter 4- Two Is Better Than One. Basa na!
« Reply #36 on: May 26, 2011, 12:20:08 pm »
Oi Stephen ba't ayaw mo manood ng laro ni Kiel si Yen?
selos ka noh?  :D

Hala Yen, wag masyadong kompyansa, baka ung friend mo ang nilingon ni Kiel.  :P
*ang KJ ko. haha.  ;D ;D ;D

nabitin ka sa NO BOUNDARIES ko?


eto ang KARMA ko. O0
[the story next to NB]

ayanne

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 934
  • Karma: +39/-4
Re: Could It Be: Chapter 4- Two Is Better Than One. Basa na!
« Reply #37 on: May 28, 2011, 07:48:05 am »
Oi Stephen ba't ayaw mo manood ng laro ni Kiel si Yen?
selos ka noh?  :D

Hala Yen, wag masyadong kompyansa, baka ung friend mo ang nilingon ni Kiel.  :P
*ang KJ ko. haha.  ;D ;D ;D

Hahaha...Oo nga malay niya ung nasa likuran niya, hahaha...professional ambisyosa/assumer (may ganung word ba?) kasi si Yen kaya pagbigyan na natin. hahahaha... :D
Pero what if kung sa kanya nga?  :-X

Thank sis!
GOD bless u!  :)

eros469

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 768
  • Karma: +36/-2
  • love.. love.. love.. mine'LYF :)
Re: Could It Be: Chapter 4- Two Is Better Than One. Basa na!
« Reply #38 on: May 28, 2011, 02:45:41 pm »
Hahaha...Oo nga malay niya ung nasa likuran niya, hahaha...professional ambisyosa/assumer (may ganung word ba?) kasi si Yen kaya pagbigyan na natin. hahahaha... :D
Pero what if kung sa kanya nga?  :-X

Thank sis!
GOD bless u!  :)


wala ata. assuming ang meron.   :D

aiyeeeeee.  :D
super kilig kung xa nga yung nilingon.
weee.
lingonin ka ba naman ng ultimate crush mo. waaaa.
ewan! UP ka na sis.
naexcite tuloy aq masyado.  ;D
nabitin ka sa NO BOUNDARIES ko?


eto ang KARMA ko. O0
[the story next to NB]

ayanne

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 934
  • Karma: +39/-4
Re: Could It Be: Chapter 4- Two Is Better Than One. Basa na!
« Reply #39 on: May 30, 2011, 09:47:17 am »

wala ata. assuming ang meron.   :D

aiyeeeeee.  :D
super kilig kung xa nga yung nilingon.
weee.
lingonin ka ba naman ng ultimate crush mo. waaaa.
ewan! UP ka na sis.
naexcite tuloy aq masyado.  ;D

Hahaha...baka mamaya or tomorrow sis...hehehe...
Pero actually, I'm thinking of deleting this...maybe it's not yet time... :-\
Cguro pag wala pa din akong new readers after chap 5. hehehe...sorry sis...
:D

GOD bless us! :)

eros469

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 768
  • Karma: +36/-2
  • love.. love.. love.. mine'LYF :)
Re: Could It Be: Chapter 4- Two Is Better Than One. Basa na!
« Reply #40 on: May 30, 2011, 12:17:01 pm »
Hahaha...baka mamaya or tomorrow sis...hehehe...
Pero actually, I'm thinking of deleting this...maybe it's not yet time... :-\
Cguro pag wala pa din akong new readers after chap 5. hehehe...sorry sis...
:D

GOD bless us! :)

NAKU!
wag ka panghinaan sis.
gusto mo promote natin sa thread ko ang story mo?

ako nga e, kahit wala masyado nagbabasa ng story ko,
tatapusin ko pa rin.  ;)
nabitin ka sa NO BOUNDARIES ko?


eto ang KARMA ko. O0
[the story next to NB]

ayanne

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 934
  • Karma: +39/-4
Re: Could It Be: Chapter 4- Two Is Better Than One. Basa na!
« Reply #41 on: May 31, 2011, 08:25:44 am »
NAKU!
wag ka panghinaan sis.
gusto mo promote natin sa thread ko ang story mo?

ako nga e, kahit wala masyado nagbabasa ng story ko,
tatapusin ko pa rin.  ;)

Hehehe...ikaw nalang kasi reader ko sis eh.
hahaha...
Siguro tatapusin ko muna yung draft nung story.
Hehehe...
Thank you sis!
Popost ko na ung chap 5 in a while. :D

eros469

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 768
  • Karma: +36/-2
  • love.. love.. love.. mine'LYF :)
Re: Could It Be: Chapter 4- Two Is Better Than One. Basa na!
« Reply #42 on: May 31, 2011, 09:27:15 am »
whoa! hindi yan sis noh!
mga silent readers lang mga yan.
plug natin story mo.  ;)

hintayin ko UPDATE mo. O0
nabitin ka sa NO BOUNDARIES ko?


eto ang KARMA ko. O0
[the story next to NB]

ayanne

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 934
  • Karma: +39/-4
Re: Could It Be: Chapter 4- Two Is Better Than One. Basa na!
« Reply #43 on: May 31, 2011, 03:20:36 pm »
whoa! hindi yan sis noh!
mga silent readers lang mga yan.
plug natin story mo.  ;)

hintayin ko UPDATE mo. O0

Thanks for the support sis!  :)

ayanne

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 934
  • Karma: +39/-4



*** Chapter 5 ***

|| Sweet Dreams, at least beautiful nightmare! :P ||





Adrienne's POV

July 01
Thursday

“Before I forget, you have a group project, but this would be very different because you’re going to be grouped with other sections that I handle.”
Sabi ng teacher namin sa values.

Mukhang exciting ‘to ah…sana okay mga maging kagrupo ko.

“Anu daw? Wow!”
“Nakaka-excite naman yun! Sana makagroup ko yung crush ko.”
“Ako sana yung bestfriend ko.”


“Bago kung anu-ano ang pag-usapan niyo, makinig muna kayo. Since kayo ang highest section, automatically kayo ang gagawin kong leader ng group, 2 person from each sections that I handle for each group. Next meeting magbubunutan tayo kung sino-sino ang mga makakagrupo niyo. The following are sections that I handle: blah…blah…blah…Pearl—“

 :o
 :o
 :o


OMG! Section yun ni Kiel! Wooaahh…sana makagroup ko siya…ay sana pala hinde…ah ewan! Basta! Bahala na!  :D

“That’s all for now, see you next meeting.”

“Bye sir.”

Two times a week lang kasi ang values naming, Tuesday and Thursday, so sa Tuesday pa namin malalaman ang groupmates namin.
 
“Di ba Pearl si Kiel?”
“Buti na lang handle sila ni sir, sana maging groupmates natin sila ni JM no?!”  ???
“Oo nga, sigurado gaganahan ako nun!”
  >:(

Grabe naman ‘tong mga ‘to! Anlalandi! Inaagawan ako kay Kiel!  >:(

Sakin lang siya pwede grumupo noh!  :P

At ikaw, hindi malandi?   ???

Hindi! konti lang! toinkz!  :P

“Sino kaya makakagroup natin, ‘no Nette?”

“Asus! Di mo na lang diretsuhin, makakagroup mo kaya si Kiel?”

“Haha…ikaw talaga! Hindi naman noh. Curious din ako sa iba kong makakagroup.hehe.”  ::)

“Oo na lang.haha.”


July 06, 2010
Tuesday


Ang bilis nga ng araw eh, next next week 1st periodical exam na namin.

Haii…Akalain niyo un? Tuesday na?!  ;D

(Actually finast-forward lang yan ni Ms. Author eh, na-eexcite ata.)

Psst! Wag mo nga akong isali! Bakit ba? Gusto mo tanggalin kita?  >:(

Sabi ko nga eh!   :-X

hahaha…eto na…bukod sa nababaliw na ko, kinakabahan na din ako.



“Para sa section niyo, ito ang magkakagroup:
group 1, blah…

grp 2, blah...blah...

group 3, blah...blah...blah...

group 4, blah…blah…blah...blah...

etc.

 Group 7, Ms. De Vega and…



 :-\


Sana si Nette...Please....


:-\
:o
???
:o

“Ms. Santos.”

Ay... Si Rica? Yung crush ni Stephen? Karibal ko?

Toinkz!

Mukhang mabait naman siya at masaya kasama kaya ok lang.

Kaso sayang di ko kagroup si Nette... haii…   :(

“Okay, isang representative for each group, punta dito. tatawagin ko per group tapos bubunot kayo dito ng tigdadalawa sa bawat sections.

Group 1…

2…

3…

4…

5…

6…

7”


Tumingin ako kay Rica, sumenyas naman siya na ako nalang.
Aba’t! Inuutusan ako?  >:(
Haha…joke.

So ayun tumayo ako and bumunot ng bumunot, bale 7 lahat ng sections na hawak ni sir including us,so 12 lahat ng binunot ko. Pag-upo ko, tinignan ko mga groupmates ko isa-isa, hoping to see Kiel’s name…


 :o


“Andrew Kiel Fernandez, with smiley face pa huh?!Ayie! Group mo siya!”

“Haha…Oo nga Nette. Naeexcite na ko.hahaha. Pero sayang di tayo groupmates.”  :(

“Oo nga eh!”  :(

Pagtapos kong tignan and ilista yung names and contacts (Take note! May contacts!  :D ;D hahaha…joke!) ng mga kagroup ko, binigay ko kay Rica yung mga papel, haha…sa kanya yung kalat!  ;)
Joke. Naguilty din naman ako agad so ang binigay ko yung nakalista na then tinapon ko na sa trash can yung papers.

“So ang project niyo ay documentary film about our society issues, bibigay ko next week yung mga topic niyo. I expect that maganda ang kalalabasan ng projects niyo because you almost have this whole school year to work on it, you’ll pass it to me after your 3rd periodicals. That’s all, goodbye!”


:o
:o
:o


Whaaattt???! Buong school year?!  :o

Almost lang! Exage.

Ganun na din yun! Buong--

Ehem! Almost!

Fine!  >:( Almost buong school year ko makakasama si Kiel?  :o :D ;D

OMG! Wahaha…Ito na ang chance ko! Madedevelop na siya sakin! Bwahahaha…Toinkz!  ;)

Haii…ano kaya manyayare? Everyday ko kaya siya itext? Tawagan? Ah hindi! Mas maganda, everyday na lang ako magpapameeting, para lagi kaming nagkikita!  ;) :D

Hahaha…Tama! Naku! Lumalandi na naman ako. Argh…Can’t help it.Sayang pagkakataon.haha…samantalahin habang meron.  ;) ;D

Haii…So ayun, wala naman masyadong nanyare, pinag-usapan lang namin ni Rica kung sino yung cocontact sa kanila para sabihin na magmemeeting kami tomorrow after class. And syempre, napag-usapan din namin na, ako yun.haha…  ;D

So nung gabi, tinext ko silang lahat pero syempre di nalang muna ako nagpakilala sinabi ko lang yung section namin and yung agenda.hehehe…except kay Kiel.  :D

Nakakatuwa nga eh nagreply siya.

Sender: Group-Kiel
        Hey! Ka-group pala kita?
        Don’t worry punta ako sa meeting tom.
        Kamusta na?
:)


Wahaha…Mamatay ako sa kilig, may smiley face pa!  :D
Alam ko ang babaw, pero sadyang ganito si Adrienne Joy De Vega, madaling kiligin. Hahaha... Di ko ineexpect na magrereply siya. At mas di ko ineexpect na kilala pa niya ako. Haha. So ayun nagreply naman ako agad, syempre di pwedeng pinaghihintay ang mahal ko noh!  :D :-X

Eew! Ang corny ko ata!  :-[

From: Me
   Haha. Oo nga eh. Kilala mo pa pala ako
   Kala ko hindi na eh,hehe.
   Ok lang naman ako. Ikaw?


Sender: Group-Kiel
   Oo naman. Di pa naman ako ganun katanda.
   Tsaka nagmemo plus ako. Haha. Joke.
   Diba classmates tayo nung elem?
   I’m fine. Gawa mo?


Sabi na nga ba nagmemo plus ka eh! Effective pala talaga yun? Haha.

   From: Me
      Oo.hehe. Wala lang. Nood ng tv while texting.
      How ‘bout you?


   Sender: Group-Kiel
      Listening to music. Alam mo yung first join club?


:o

???

???

   From: Me
      Not sure, bakit ano meron?


   Sender: Group-Kiel
      Ah. Wala naman I happened to like their song Nobela.
      Ugh. Sige, got to go…Goodnight.
:)

   From: Me
      Ok. Goodnight. Sweet dreams. GOD bless.


Waikz!!!Grabe Talaga!  :D ;D :D

Alam ko parang wala lang yun, pero todo kilig talaga ako. Grabe ansarap sa feeling. Haii…


Sweet dreams Kiel ko, dream about me.  :D

Edi, hindi na yun sweet dreams! Nightmare na!

Aba! Panira! Ok lang!



Kahit di Sweet Dreams, at least beautiful nightmare! :P





« Last Edit: July 08, 2011, 07:27:14 am by ayanne »

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website