medyo walang kwenta update ko ngayon,
pagtiisan nyo nalang basahin.

Chapter 4
January 3, 2006
3 days na rin after nung sinabi nyang ayaw nya ako tantanan.
3 days na rin syang hindi nagpaparamdam.
Ba’t ganon? Sabi nya ayaw nya ako tantanan pero hindi sya nagpaparamdam.
Bahala na nga. Life goes on pa rin naman kahit wala sya. Di rin naman kami.
Hay, ba’t ba kung ano ano nalang pumapasok sa utak ko ngayon.
“Gonzaga, Quimson, Lorena, and Coronel… Prepare yourselves for the Metrobank Mathematics Olympiad 2006. We have 3 Saturdays for exclusive review sessions…”
“Hoy!” sabay hampas ng ballpen sa kamay ko.
“Saan’g planeta ka ba ngayon?”“Earth.”“Tange!” sabay batok.
“Aray! Tama naman sagot ko ahh. Ba’t mo’ko binatukan? Nakakadalawa ka na ahh.”“Miss Gonzaga! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?”
Errr. Tinaasan ko ng kilay si
Shiela tapos tumayo ako para sagutin yung tanong ni Mr. Guirigay.
Si
Shiela Coronel nga pala ang close friend ko, kaklase at seatmate. Maganda yan kaya lang pinagkaitan ni Lord ng height. Matalino din.
Latik tawag ko jan kasi sa Bisaya lingo ang payat ay may bansag na “baltik”, since Shiela name nya, pinagdugtong ko yung last syllables ng name nya at ng “baltik”.
Si
Sir Robin Guirigay ang Mathematics teacher namin. At the same time choir adviser ko din at drum and lyre organizer ko rin. Naka-assign sya sa main site ng school namin pag umaga, pag hapon naman, andito sya sa new site kasi sya ang pumalit sa namatay naming Math teacher.
“Opo. Nakikinig po.” Bigla akong bumait. Kainis. Nakatingin pa lahat ng classmates ko sakin.
“Then kindly repeat my explanation about the Pythagorean Theorem.” Napakaseryoso nya sa sinabi nya.
“Huh? Seryoso? Hindi naman yan Pythagorean Theorem diniscus mo Sir ahh.” hindi naman talaga sya nagdiscuss ehh.
“Nagrereklamo ka?” naku po, galit ba to?
Tiningnan ko mga kaklase ko and I could see it in their eyes na para bang gusto na nila ako pagtawanan pero hindi nila magawa kasi alam nila magagalit ang teacher namin. Wow! Sino ba hindi mamatawa, the great
Andrea Francine Gonzaga nagmukhang parang maamong tupa. Errr. Naku, lagot na. Pag ako pinadiscus talaga nito, humanda ka talagang Latik ka.
Hindi naman sa hindi ko alam kung ano ang pinapadiscuss nya sakin. It’s just that pinaka hate ko talaga ang magdiscuss.
“No, but what you have discussed to the class awhile ago wasn’t about the Pythagorean Theorem. It was about the upcoming Metrobank Mathematics Olympiad on the last week of this month.” Lumingon ako ulit sa mga kaklase ko at inirapan ko sila lahat. Naupo na agad ako pagkatapos.
Nagbell naman for 15 minutes break pero hindi ako tumayo sa upuan ko. Nakatulala pa rin ako. Check ako ng check sa phone ko pero wala talagang message galing kay Ken. Mostly from Jay yung messages asking why hindi ko na sya tinitext. Paki nya? Yun yung laro ko ehh. Paiibigin ko tapos iiwan sa ere. Masama na ang masama.
“Oi Andrea, may nakilala ako sa press conference Marianne yung name. I-text mo naman ohh. Ikaw din Shiela, I-text mo rin.” Si
Dan Kent nga pala yun. Kagagaling lang kasi namin ng press conference the week before Christmas vacation. Editor in Chief kasi sya ng school paper namin, ako naman naassign for literary then nilipat sa science column. Kaklase ko rin sya at kaclose rin namin ni Shiela. Palabiro yan, matalino pero tamad mag-aral tulad ko. Haha. Kaya nga nagkakasundo din kami sa maraming bagay.
“Ba’t ko naman i-tetext yan?” At nagsabay pa kaming sumagot ni Shiela.
“Teka, hindi choir ‘to. ‘Wag kayo magchorus.naka-STOP sign pa sya nun.
" Ahmm type ko kasi. Kaso ang layo. Taga Bukidnon ehh.”, talagang malayo, from different schools kaya ka’compete namin dun.
“Ayaw maniwala na seryoso ako na gusto ko manligaw sa kanya. Patulong, pu-leaseeee..”, yan kasi, sobrang palabiro, ayaw na tuloy paniwalaan.
WAIT!!!Did I hear the word Bukidnon??

Parang nabuhayan ako ng dugo sa katawan. Dali-dali akong lumapit kay Dan Kent at kinuha ang number ng Marianne na sinasabi nya. Nagtaka nga sila ano daw nangyari sakin. Hindi ko naman sila pinansin. Naiinis pa rin ako kay Shiela kaya tinext ko yun Marianne at binenta si Dan sa kanya. Ayun, mabait naman sya at nagpaalaman ko na talagang nag-eexist si Ken. Nagkataon din kasing pareho sila ng school at kabarkada pa ni Ken ang karibal ni Dan kay Marianne na si Mark.
Whoa! Small world talaga noh. Una, yung Cielo, nag-aaral ng same school na pinapasukan ni Michael at Jay. Ngayon naman, si Ken at si Marianne same school din. Parang scripted reality ‘to ahh. Ano kaya susunod? Abangan…
Nagbell na naman for the next subject pero wala ang teacher namin. Nag-extend siguro ng Christmas vacation so free kami basta hindi lang kami makakaistorbo sa ibang sections.
“kanina pa talaga kita nahahalatang hindi mapakali. Ano ba problema mo?” halata mo naman pala, ba’t mo tinatanong? hay, sasagutin ko ba ang tanong nya? sasabihin ko bang pinuproblema ko si Asungot? In the first place, ako lang naman talaga gumagawa ng problema ehh. wala naman talaga akong problema.
“wala.” wala naman talaga akong problema di ba?
“sige, kunwari, hindi kita kilala. kunwari ako din hindi kita kilala. so aalis na ako at mananahimik na. -”“ano ba gusto mo palabasin? Spill it.”kainis na. ayaw pa kasi sabihin ng diretso kung ano nahahalata nya ehh. alam naman nyang she knows me more than I know myself kapag emosyon na pinag-uusapan.
“namomroblema ka noh kasi sa ICNHS gaganapin yung Olympiad ngayong taon na ‘to? Sabi ko naman kasi sayo, isa-isa lang.”“What? Did I hear it right? ICNHS?”Tama. Sa ICNHS nga gaganapin ang Math Olympiad, dun sa school ni Cielo, Jay at Michael. Naku! Paano na ‘to? Bahala na nga lang. Mabuko ang mabuko. Pero sandali, chance ko na ‘to para ma’meet si Cielo. Excited na ako! Wooo… Ma-text nga si Asungot.
To: Asungot
Hey! Ano last name ni Cielo?
From: Asungot
Lacandula. Bakit?
To: Asungot
Wala lang. San nakatira?
From: Asungot
Suarez Subdv. Bakit naging interesado ka bigla sa last name nya?
To: Asungot
I want to meet her. Anong section?
From: Asungot
Owwsz. Palusot ka pa, miss mo ko noh?
To: Asungot
Kapal! Haha. Hindi ahh. so anong section sya?
I want to know more about you.Hala! Ano ba ‘tong pinagsasabi ko? Nagiging careless na ako ahh. Yucks!
To: Asungot
Oi, don’t get me wrong ha.
To: Asungot
Oi, magreply ka.
From: Asungot
Ang defensive mo. I love you.
To: Asungot
I love you too. JOKE! Haha. Kala mo maloloko mo ako'ng playboy ka ha.
Asungot calling… 
hala. ba't tumawag?
“hel-lo?”“sana wala ng joke yun
kasi hindi ako nag-jo’joke nung sinabi ko...”
*toooot…
Waaaahhh. Ang gulo nya, grabe!

Ba’t di nya ako pinagsalita?

Natitipid ba ng load yun?

Matawagan nga…
Calling Asungot…*operator answered
(The number you dialed is not a number... echus!)
Ano daw?

Three times ko sya tinawagan pero wala talaga. Ganoon pa rin sagot ni operator.
Sumuko nalang ako. Siguro na dead batt yun. Nagresume yun klase namin for the last subject in the afternoon. Puro lang naman seat works kaya hindi masyadong hassle.
Bago ako umuwi ng bahay, nagpunta muna kami ng main site kasi nagmeeting kami for our Student Government Candidacy. Kinuha kasi akong candidate for SG Secretary kahit ayaw ko. Sabi nga nila walang pilitan pero walang tanggihan.
An hour after, nakauwi din ako sa bahay. Nabihis muna ako bago ako nahiga at naging busy sa kakatext. [Wag nyo ipagkalat pagiging text adik ko, lagot ako sa tita ko. Haha.]
Hmm mga 6pm na rin kaya nakapagcharge na rin siguro si Ken, matawagan nga…
Ay sandali, ba’t Ken na tawag ko sa kanya?
Calling Asungot…
“thank God, may sumagot na!” waa. Parang naexcite pa ata ako.
“…hel-lo?” hala, kelan ka pa naging babae?
“ay teka, wrong number ata natawagan ko. Bye.” Ouch! Ba’t parang may kumurot nung narinig ko yun boses ng babae?
“if you’re looking for my brother…” kapatid lang naman pala ehhh..
“…he’s still unconscious right now…”