Prologue
“3 years muffin.. 3 years..
Pagdating ng araw na yun,
ikaw at wala ng iba pang babae ang ihaharap ko sa altar.”
“..3 years?!
Kahit pa gawin mo’ng 1 year o bukas na agad,
alam nating dalawa na hinding hindi na mangyayari un..” 
“Please hold on. Hindi ko kakayaning mawala ka.” 
*tooot.. tooot.. tooot*
Naniniwala ka ba sa pag-ibig?
So what is love then?
Nasusukat ba ng distance yun?
They say, “Love knows NO BOUNDARIES.”
Eh paano kung ang boundary na yun ay napakahirap paniwalaan,
maniniwala ka pa rin ba?
Will you try to gamble for love?
IF you say Yes, then ilang beses ba pwedeng magpatawad?
Ilang beses ba pwedeng magmahal?
NO BOUNDARIES..
Ito ang story ng pag-ibig na nagsimula sa isang wrong send na text message.
Pero possible ba talaga yun?
Distribution of copy in any other means without the author’s consent is extremely prohibited.
2011 © eros469. All Rights Reserved.
first story ko po.
sana magustuhan nyo.
TRUE TO LIFE KO TO. but I changed some names of the characters. names lang naman, hindi yun mga nangyari. medyo mahirap to pero kakayanin ko alalahanin.

sana supportahan nyo..
Navigation
...1 ~ The Shadow of the Past ...2 ~ ...3 ~ Boys, Boys, Boys.. ...4, 5, 6,7......8 ~ What's w/ the 'IIIKKKKAAAAAWWWW??...9 ~ Katangahan...10 ~ The Man Who Cares...11 ~ The Gossips and The Rejection...12 ~ Tame Me IF YOU CAN...13 ~ The Big Disaster...14,15......16......17......18......19......20 [Part 1] ~ The Curse of the Prom Night...20 [Part 2] ~ The Curse of the Prom Night...21 ~ UNTITLED...22 ~ REBOUND...23 ~ Realizations Sucks!...24 ~ Better or Bitter...~EPILOGUEChapter 1
December 29, 2006Christmas vacation ngayon, walang pasok.
Best in gala na naman ako nito kasi malapit na ang New Year,
pagkatapos nun eh balik eskwela na naman.
Pero as usual, dito lang malapit sa amin. Bawal pa gumala masyado.
Ang strict kasi ng pamilya ko. All eyes on me ang drama ng lahat.
Wala naman akong sakit para maging ganoon sila kahigpit pero sige na nga lang.
Sabi kasi nila mahal lang daw talaga nila ako kaya sila ganoon.
So much of the drama, ako nga pala si
Andrea Francine B. Gonzaga,
14 years old, 3rd year high school student ng MCNHS. Phomx2 palayaw ko.
Kung bakit? Ganito kasi yun, nung nag-aaral pa daw sa MSU-Marawi yung aunt ko,
may room mate syang Maranao na Phomx2 yung palayaw.
Ang talino daw kasi kaya ayon, yun din yung ginawa nilang palayaw sakin.
As if naman no na magiging katulad nya ako kung gagayahin nila yun palayaw nya.
Hindi kami mayaman pero spoiled bratt ako. Ewan paano nangyari yun pero ganoon ako pinalaki eh. Nakukuha ko talaga pag gusto ko. Pero with exemptions din naman yun.
*Isa pang revelation sa buhay ko ay adopted ako. Haha. PangMMK nga buhay ko ehh pero mas pinili kong dito isulat sa CC ang lovelife ko.
*cellphone rings*
Calling Jacqueline..Si
Jacqueline yung childhood best friend ko.
Partners in crime nga kami kung tawagin kasi
sinasakyan ko lahat ng kalokohan nya. Tonotolerate ko yung mga mali nya
pero pag talagang hindi na dapat, sinasaway ko din naman sya.
Ganoon din sya sakin.
/start of conversation/
“Hello Jac, napatawag ka?”
“Nandun kina Josebel ang barkada. Punta ka raw doon. Hinihintay ka nila.”
“Ayoko, ang init pa.”
“Puntahan mo na. Susunod nalang siguro ako ‘pag natapos ko na ginagawa ko.”
/end of conversation/Wala na akong choice kundi magpunta dun sa bahay ng kabarkada ko.
Pagdating ko dun, naupo lang agad ako sa tabi nila. Nagkukwentohan sila,
ako naman busy kakatext sa mga text friends ko. Hindi rin naman ako
makarelate sa topic nila kaya mabuti ng magbusy busyhan din ako.
Then out of nowhere, may isang unknown number na nagtext.
Sender: +639204981587
Hi cielo, ken to. Musta ka na? Miss na miss na kita.
Why did you changed your # ng walang paalam? Did we broke up?
Din man db? Pls rep. I love you so much.
Nabigla ako dun sa message nya. Sino ba naming hindi db?
First of, I don’t know any Ken. Second, hindi ako nagchange ng number.
Third, wala akong boyfriend. And lastly, hindi Cielo pangalan ko.
And since hindi ko naman sya kilala at wala akong balak kilalanin sya,
hindi ko sya nireplyan. Pero ang kulit nya. Tawag sya ng tawag.
hindi ko naman sinasagot.
“Kainis naman to oh! Kelan pa kaya ako patatahimikin ng taong to? Err.”“Sino ba kasi yan?”“Baka isa na naman sa mga biktima nya yan. Kawawang lalaki, nadali ni Heartless.” English yun ah. Kelan pa naging Englishero tong mokong na to?
“Magtigil nga kayo! Kung makaasta, parang sinong mga santo kayo ah. Tsaka hindi ko to kaano ano, hindi ko nga kilala.” Napasimangot ako.
“Sagutin mo na nga kasi yang phone mo at nang malaman mo kung sino.”“Ayoko nga! Ken nga daw sya. Naghahanap ng Cielo. Girlfriend nya ata.
Hello? Francine here! At wala akong boyfriend noh!”“Ang sabihin mo, wala kang inaangkin kasi ang dami na nila.”Hindi ako nakapagsalita dun sa sinabi nya. Nung namalayan nilang tulala lang ako, nagtawanan silang lahat. Andito pa rin kami sa bahay nila Josebel. Si Lemuel at si Jay-el yung nangungulit sakin kanina. Si Lemuel, boyfriend ni
Jacqueline at si Jay-el naman yung boyfriend ni Josebel.
Tama nga naman sila. Wala akong inaangkin kasi andami na nila. Hindi naman talaga ako ganito noon. Sabihin nalang nating
I just learned to fight back ‘because somebody taught me the name of the game. Ang sakit kaya nun!
/flash back/
[6 months ago]
*cellphone rings*
Archie’hon calling..
“hello hon, nagising ba kita?”
“hindi naman. Kagigising ko lang din.”
“ok. Bumangon ka na, tapos magbreak fast. I-loload kita mamaya pagdating ko sa gym. Iloveyou hon. Ingat ka. Tatawag ulit ako sayo mamaya, may sasabihin akong importante.”
“ok. Iloveyou too. Ingat ka rin.”
After 30 mins. Katatapos ko lang kumain nun.
“tao po!”
Teka, kilala ko yun boses na yun ahh. Binuksan ko yun pinto and poof! It became coco crunch. *joke!
“ate jhing! Halika, pasok ka. Kelan ka lang dumating?”
“actually, kakarating ko lang talaga phom.”
“dumiretso ka agad dito sa bahay? Bakit?”
“may importante kasi akong sasabihin sayo.”
“tungkol kanino po? ano naman po un?”
“tungkol kay Archie.”
“bakit? Napano honey ko? Kakatawag lang nun ahh.”
“so hindi mo pa talaga alam?”
“ano nga po un?”
At ikiwento sa akin lahat ni Ate Jhingung balitang dala dala nya pa galing Palmera Bulacan. Nanlumo ako sa nalaman ko. Ang sakit talaga. Perfect two na sana kami pero gumuho bigla yung mundong nabuo naming dalawa, mga pangako at pangarap, nung nalaman kong nakabuntis sya at ikakasal na sila nung babae.
Ang sakit sakit sakin nun. I cried myself to sleep at night pa nga nung mga araw na sariwang sariwa pa ung sakit sa puso ko. Si Archie kasi yung second chance. I mean, 2nd BF ko sya. We have Visayas in between. 14 lang ako at 19 na sya. Nasa Mindanao ako, sa Iligan at si Archie nasa Luzon but God knows mahal ko sya[Archie]. Minahal ko sya talaga.
/end of the flash back/
Nagtungo ako sa may kusina nun kasi sumariwa na naman yung sakit na naramdaman ko 6 months ago. Nang makita ko yung wall clock, mag-6pm na pala kaya nagpaalam na ako sa kanila. Sinubukan naman nila akong pigilan kasi alam daw nilang mag-iiiyak lang ako sa kwarto ko pero nagsmile lang ako sa kanila.
“Hinding hindi na ako iiyak dahil sa lalaki noh.” Tapos umalis na rin ako.