CHAPTER 6- I’M NOT SURE IF THINGS ARE GETTING BETTER OR WORSE“Naku buti na lang at matalino itong kaibigan kong ito men! Pakopya naman mamaya sa accounting.”PATAY!! NGAYON BA YUNG LONG QUIZ DUN??!!!
ANAK NG TIPAKLONG NAMAN O!!
“NGAYON BA YUN??”Napakamot tuloy si Derek ng ulo.
“Ahh..oo..bakit hindi ka nag-aral?”Patay.
“….hindi
”“AHUHUHUHUHUHUH…TAPOS NA ANG MUNDO KO. BABAGSAK NA AKO SA ACCOUNTING!! WALA NA. WALA NA.” 
Binatukan ko nga.
”Hoy! May isang oras pa mag-aral ka kaya”“Eh bakit ba kasi hindi ka nag-aral? Saka bakit parang bangag ka ha? Ba’t parang wala kang tulog. Buti sana kung nag-aral ka ng accounting kaya ka ganyan ngayon pero hindi, hindi, HINDI! HINAHAYAAN MO AKONG BUMAGSAK. GANYAN KA NAMAN EH!! AHUHUHUHUHUHU..” 
Binatukan ko nang mas malakas.
”ARAY! Huwag ka namang mambatok. Ikaw na ang may kasalanan sa akin ganyan ka pa.”“O sige na. teka pupunta na ako ng library mag-aaral lang ako..”“Teka, ba’t ka nga walang tulog?”Sumasakit talaga ang ulo ko dito sa kaibigan ko minsan eh.
“Hoy! Bakit nga?”“Teka. Mag-aaral na ako sa library.”At tinungo ko ang library para makatakas kay Derek.
Tignan mo nga naman yun oh. Sa akin pa isinalalay ang grade niya sa accounting.
“Teka ba’t nga wala kang tulog?”Hindi kasi mawala sa isip ko yung mga salitang…
“Salamat pinasaya mo ako.”Ewan.
Buong gabi, ang gusto ko lang mangyari eh makita lang siya ulit. Iniisip ko pa lang ang mukha niya gusto kong tumalon sa tuwa.
Hindi kaya…
Ay, naku, Kung anu-ano na naman ang pinag-iisip ko.
Makapag-aral na nga ng accounting.
“Liam?”The Lord is testing me.
“Alice?”“Hi.
”Ayoko nang umalis. Dito na lang ako.
“Ah…ah…ehh…uhm..kasi..ano..ahh..”Tinawanan niya tuloy ako.
“Sige na. Aalis na ako nagugulo ata kita.”Okay lang. Huwag ka na umalis.
“Ahm..kasi ano..teka..sa-saan ka ba pupunta?”“Dun sa study table sa harap mo. Mag-aaral din ako."Yes! Dito lang pala siya eh. Hehehehe.
“Ah si-si-sige.
”Pasang-awa ako sa quiz.
Eh kasi naman si Alice umupo pa sa harap ko. Ayan tuloy.
“Alam mo pare, in-love ka noh?’“Ano bang pinagsasabi mo?”“Ang huling beses na pasang-awa ka sa isang test eh kay Rina.”“Alam mo, Derek, tama na nga yan.”“Pre, mahigit isang dekada na tayo magkaibigan, mukha lang akong sira pero kilala kita. Sabihin mo na.”“Hindi naman ako in-love. Gumagawa lang ako ng tama.”“Ano na naman ba yang palusot mo ha? Alam mo limang taon na ang nakalipas Liam, masaya na rin si Rina ngayon, wala ng masama.”Ngayon ko lang ulit naalala ang pangalan ni Rina.
“Okay fine pre. Naalala mo yung sinasabi ko sa’yo na namatay dahil sa hitman ni Papa?”“Yung anak ni mayor Baliwalo?”“Oo yun.”“YUNG GIRLFRIEND NIYA ANG GUSTO MO?? ALAM MO BA KUNG ANO ANG GINAGAWA MO??”“HINDI!! HUWAG KA NGANG MAINGAY!! Teka, pinapatawa ko lang si Alice. Naguguilty kasi ako sa ginawa ni Papa.”“Alam mo pre, may mga itatanong ako sa’yo sagutin mo nang maayos.”“Kalokohan na naman yan eh.”“Hindi, teka umayos ka nga. Una, kaya ka ba hindi makatulog kagabi eh dahil inaalala mo si Alice?”Tumango na lang ako.
“Nagkukuwentuhan ba kayo?”Tumango ako ulit.
“Eto, style mong bulok kapag gusto mo yung babae eh, pinakain mo ng ice cream?”Nakakainis. Kung bakit ba kasi may utak itong si Derek. Nakakakaasar.
“Oo na.”“Pre, huwag mo nang ipagkaila. Hindi ka guilty. May gusto ka dito.”“Ano bang pinagsasabi mo! Tama na nga yan. Tara na.”“Saan tayo pupunta?”“Diyan. Diyan lang. Tara punta ka sa bahay.”“Sige.”At naglakad na kami palabas ng campus .
Dumaan kami ng soccer field at nakita ko siya ulit doon, nakaupo.
“Teka lang Derek.”“Siya si Alice noh?”“Alam mo pag hindi ka tumigil sa kakalove guru mo huwag ka nang umasa na makakapasa ka sa accounting.”“Sorry naman, joke lang ho.” 
Pinuntahan ko na si Alice.
“Alice?”“O Liam!”“Pupunta kasi kami ni Derek, yung kaibigan ko, sa bahay namin para kumain, gusto mo bang sumama?”Ano bang pinagagagawa ko?!
Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.
Di bale na. Kung sa impiyerno na rin naman ang punta ko dahil sa pagkukunwari ko kay Alice eh di lubusin ko na.
“Uhm…”Please?
“Sige..pero kailangan ko bumalik din dito sa school kasi dito ako susunduin eh.’“Sige walang problema, ihahatid kita.”Anong ihahatid??
Utang na loob ko sa kanya yun, kasi pinapunta ko siya sa bahay ko.
“Tara na. Ahm Alice eto nga pala si Derek.”At bumiyahe na kami papunta sa bahay.
“Ikaw pala si Derek, yung pinsan nung Brazilian?”“Hehehehe..yup!..no one else but me! Alam mo masarap magluto ng pasta yang si Liam eh.”Nakakainins talga itong kumag na ‘to.
“Ahm..ehh..hehehehehehe..hindi naman masyado..medyo lang..”“Sus!! Bakit ka ba nahihiya ?? May gusto ka kay Alice noh?! Yihee!!”NAKAKAINIS! KUNG HINDI LANG KITA KAIBIGAN MATAGAL NA KITANG BINURA SA MUNDONG IBABAW !!

Nahiya tuloy si Alice.
“Alam mo Derek, gusto mo bang isaksak ko sa baga mo mamaya ang isang buong plato ng spaghetti ha??”“Joke lang. Peace!”Grrrr…
“Talaga? Magluluto ka ng spaghetti mamaya?”“Ahh..ehh..si-sige..”At dumating na kami sa bahay. Pinalambot ko na muna yung ground beef kaya pumunta muna ako sa sala kung asan sila.
“Alam mo ba Alice na matagal na kaming magkaibigan nitong si Liam?”“Talaga? Kelan pa?”“Noong grade 1 pa..paano kasi..ganito yung nangyari ha..makinig kang mabuti..”DEREKKKK!!!!! HUWAG MO NANG IKUWENTO YAN!! Nakakainis talaga.
“Okay..hehehe..natatawa na ako hindi ka pa nagsisimula..tignan mo kasi si Liam parang hiyang-hiya na..hahahaha”“Hayaan mo na yan..kaya kami naging magkaibigan eh kasi one time sa klase naming naka-aircon biglang nangamoy ng napakabaho. Tapos nalaman namin na yung amoy eh nanggaling sa banda kay Liam. Ayun, naglabas pala ng bomba etong si Liam sa shorts niya.”“Hahahahahaha” 
ARGGHHHHJ!!! NAKAKAASAR. NAKAKAHIYA KAY ALICE!!
“Ooookkayy. Tama na yan! Teka puntahan ko lang yung niluluto ko.”“Sige pre, alis ka muna para iligtas ang konting dignidad na meron ka pa. Hahahahaha”“Eh paano kay naging magkaibigan?”“Napakabait ko kasi kaya ako lang ang tumulong sa kanya noong araw na yun. Ipinagtanggol ko siya sa mga nang-aasar sa kanya. Kaya ayun. ““Hehehehe..ang cute naman ng storya niyo..”“Hay naku. Tama na nga yan. Eto kumain na kayo.”Don,
Inimbitahan ako ngayon ni Liam sa bahay niya kasama yung kaibigan niyang si Derek. Ikinuwento nga pala sa akin ni Derek kung paano sila naging magkaibigan. Paano kasi noong grade 1 pa sila eh nagpoopoo si Liam sa shorts sa loob ng classroom. Si Derek lang yung nagtatanggol sa mga pang-aasar ng mga classmate nila kaya ayun.
Nagluto rin pala si Liam ng spaghetti para sa amin. Ang sarap. Magaling pala siya magluto pero hannggang pastas pa lang ang specialty niya.Nagkuwentuhan lang kami habang kumakain hanggang sa kinailangan ko nang umalis kasi susunduin na ako sa school.“Pare, ihatid mo na itong si Alice pagabi na .”“Oh, hindi ka ba sasama?”“Hindi na. May date pa ako saka..hihihihi..”“Ano na naman??”“…para makapagbonding kayo ni Alice..YIHEE!!”“Sige na umalis ka na bago pa kita matuluyan.”“Sige pre, ingat kayo! Ingat ka Alice!”“Bye Derek.”Hinatid niya ako sa school at nagjoke time na naman si Liam habang papunta kami dun hanggang sa dumating yung sundo ko.
“Liam”“Oh, bakit?”“I had fun today. I hope…can we do it again?”Kung gusto mo araw-araw pa!
“Sure.” 
At sumakay na siya sa koste at umalis.
Don, I’m scared but I think..
I’m falling in love all over again.
It’s been such a long time…
But I think I’m falling for her.