CHAPTER 1-FRIDAY, FRIDAY(oh tama na huwag mo nang kantahin, ayoko yung kantang yun)
“Anong gusto mo?”
Bakit pa kaya siya nagtatanong eh tuwing Biyernes naman iisa lang ang order niya.
“Gusto ko yung oreo cheesecake saka choco java chip na tall.”
Yan din yung order niya last week at noong nakaraang lingo at ilang lingo pang nakaraan.
“Na naman? Favorite mo talaga yun. Alam mo sa susunod na nating anniversary kailangan marunong na ako gumawa ng cheesecake para hindi ka na mag-oorder dito sa Starbucks, namumulubi na ako eh.Hehehehehe”Namumulubi na pala eh ba’t sila nandito tuwing Biyernes?
“What’s your order sir?”“Isang oreo cheesecake, isang choco chip java na tall, at isang red tea. “Malamang tulad ng dati pero dahil waiter lang ako dito eh malamang kailangan ko pa ring magtanong. Oo nga pala kilala ko sila. Di ba sa starbucks nagtatanung ng pangalan? Yung babae si Alice tapos yung boyfriend niya si Don. Matagal na sila. Eh kasi noong bago pa lang ako dito napanisn ko na tuwing Biyernes nandito sila. Apat na buwan na ako dito eh. Kilala na nga ata nila ang mukha ko.
“Your name sir? Don right?”“You’re very observant. Sa bagay kung ako din ikaw at lagi kaming nandito ni Alice eh mamemorize mo din. Oo tama Don.”“I just do my job sir.”“Nga pala, anong pangalan mo baka naman makakuha kaming ng discount pag kilala namin ang waiter?”“Liam ho sir.”“Liam. Nice to meet you. Eto nga pala girlfriend ko siguro kilala mo na.”“Yes sir, Alice po dib a ma’am?”“Eto naman may ma’am pa. Hahahahaha parang ang tanda ko tuloy. Oo Alice. Nice to meet you Liam.”Sa tingin ko, kaedad ko lang sila. Mga 18 siguro yung babae tapos parang mas matanda yung lalaki eh pero siguro mga 19 lang yung lalaki. Hindi kumakain yung lalaki lagi lang siyang red tea ng red tea. Pula na nga siguro ihi noon eh. Hahahahaha.
Gusto mo ikuwento ko sa inyo kung paano ang routine nila. Sa iisang lugar lang sila umuupo yung malapit dun sa may pintuan na kaharap lang nitong cash register kaya makikita mo sila. Magtatawanan sila at magkukuwentuhan. Siyempre hindi ko naman alam tungkol saan yun. Tapos alam mong aalis na sila kapag hinalikan na ni Don si Alice sa ulo kasi nandiyan na yung sundo ng babae. Tapos ganun ulit sa susunod na Biyernes.
Minsan magbibiruan sila na parang kakantahan pa ni Don si Alice lalo na pag malungkot si Alice eh kasi ubod ng pangit ang boses ni Don kaya napapatawa niya si Alice. Hindi ata marunong mahiya si Don eh.
Ahh eto last month ata yun birthday ni Alice pinasara ni Don yung buong starbucks. Mayaman si Don eh. Tapos pinalagyan niya ng roses yung floor tapos ang daming lobo sa buong coffee shop pati yung music na pinapatugtog yung gusto lang ni Alice. Parang prom nga noon dito kaso sila lang yung sumasayaw. Kung babae ako nagtitili na ako sa “sweetness” eh hindi bitter ako noon eh kakabreak lang sa aking ng girlfriend ko kaya ayun nagkulong ako sa kitchen habang lahat ng kasamahan ko sa trabaho nanood sa labas. Hahahaha. At saka hindi naman ako babae bakit ako titili? Straight ako. Hahahahaha
NEXT WEEK FRIDAY“Liam?”Nagulat ako naalala niya yung pangalan ko. Pero bakit ganun wala si Don? Saka parang balisa si Alice?
“Pumunta na ba dito si Don?”_______________________________________________________________
Comment naman diyan people! hahahaha. Lab you guys for reading this! 