Teentalk

Author Topic: Fireworks. Chapter 1.  (Read 379 times)

simplesentiments_moi

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 39
  • Karma: +3/-0
Fireworks. Chapter 1.
« on: April 25, 2011, 02:42:12 pm »
I originally posted this story on my Facebook account and since, well, my friends liked it, I hope you girls would to. Be nice, please? Initially I wrote this without using changed colored fonts but for the sake of uniformity, I edited. If you want me to read your story as well, leave a link. xoxo/ Author's note


Fireworks. Chapter 1: I see you
[/size]
by simplesentiments_moi, you can also call me Mich. :)

High school kami nung nakilala ko siya, kaka-transfer ko palang, e may elementary yung highschool na yun, so magkakakilala na sila. Iilan lang kaming transferee, nakakahiya nga e, maingay pa man din ako nung elementary, pero pagtapak ko sa classroom nung highschool, binansagan ako na pinakatahimik samin. Kahit hindi talaga.

 
Nung highschool ako nag-umpisa magsulat ng diary, kasi nga, wala akong kilala. Buti nalang kahit papano, mababait mga classmates ko kaya hindi ako inaapi. Di nga lang din ako pinapansin. Pwera sa kanya.


Ang pangalan niya ay Jessy, Jessy Raymundo, actually nickname niya lang yung Jessy, ambaho kasi ng pangalan niya. Julio Emerson Raymundo. O diba ambaho. Malamang iniisip mo kung saan galing yung Jessy, hindi ko din alam. At hindi na rin niya maalala.

 
Mabait si Jessy, matalino din...gwapo pa. Hindi siya yung pinakagwapo sa batch namin...yung bestfriend niya yung pinakagwapo. Si Nathan Marquez pero ang askad ng ugali, ultimo titigan lang siya e nagagalit agad.

 
Actually, dalawa ang bestfriend niya, yung isa babae, maarte at malandi, si Stella. Ewan ko, ayoko talaga sa babaeng yun, nung first year kami, since allowed ang make-up at alteration ng uniform, kay Stella yung pinakamaiksi. Ewan ko talaga dun.

 
So anyway, si Jessy nga lang ang namamansin sakin nung mga first week ko sa school, natural na mabait siya, pero thinking about it, Class President din kasi namin siya, kaya siguro ganun. Hindi tumagal yung pagiging tahimik ko sa room, pagdating ng third week ng first quarter, madami nakong friends.  At tsaka pinapatay narin nga pala ko ni Stella sa tingin.


Ang chismis sakin, crush daw niya si Jessy, eh wala naman kung ano man samin ni Jessy. TH eh.

 
"Alex," may nagsabi bigla. Tumingin ako at nakita ko si Nathan, ayun gwapo parin. Junior nako ngayon at ako nga pala si Alex, Alexandra Fernandez, pero Alex nalang. Pag sobrang close tayo, kahit Lex nalang.

 
"Oh Than, bakit? Nu kailangan mo?" sabi ko, close na kami ni Nathan ngayon, hindi na niya ko sinungitan simula nung binatukan ko siya nung nagalit kasi nakatingin daw ako kahit hindi naman. Natuwa pa nga siya kasi for once daw may lumaban sa kanya, adik ba.


"Wala... gusto ko lang makasama ang pinakamatapang na babaeng kilala ko. Ay mali, pinakamamahal pala,"
sabi niya, sabay upo sa tabi ko sa may hagdananan sa labas ng classroom. Free time, absent TLE teacher namin. Eh sabay TLE namin kasi hinalo nalang yung dalawang section kasi isa lang teacher at part-time lang yung teacher nayun. Hindi na humanap ng replacement yung school.


Hinampas ko siya ng malakas sa braso.

 
"Adik ka, pag may nakarinig sayo, papatayin ako ng fansclub mo..." Nakita kong dumaan si Jessy, punta daw siya CR. Sabi ko ingat, wag siya magpakain kay Stella. Natawa lang kami ni Nathan. kasi alam naman naming magtatago silang dalawa dun sa likod ng malaking puno ng mangga sa may labas ng gym e. (Hiwalay kasi yung gym namin sa school, at may creepy na garden malapit) Si Jessy at Stella na nga pala... 4 months na sila masaya. At 4 months na rin nadudurog ang puso ko.

 
Naalala niyo yung sinabi kong diary? Yun, pahamak yun, nawala yung diary ko isang araw, pagkatapos kong isulat na may gusto ako kay Jessy. Yes, nagkagusto ako kay Jessy. Mga second year na nun, tapos binalik naman ni Stella, kaso gutay-gutay na parang naglabas siya ng sama ng loob sa mga sinabi ko. Sabi niya na hangga't hindi ko ipapakitang gusto ko si Jessy, hindi niya sasabihin lahat ng iba ko pang sikreto sa diary. So malamang, ayun, waley ako. Sad.
 
"Ui Lex, sang mundo ka na naman nagpunta?" Sabi ni Nathan.

"Sa mundo kung saang kaming dalawa lang ang nandun,"
sabi ko, nanlaki yung mata ko sa sinabi ko.

"Si Mr. Right mo nanaman?" sabi niya, nagulat ako kasi parang nalungkot siya pero ewan ko kung bakit.
 
"Ah.. Eh... Oo."

"Hay, kung alam lang niya kung gaano ka kaganda, kabait at kasarap kasama, siguro matagal ka na niyang inagaw samin ni Jessy,"
sana nga alam niya Nathan. O kaya pwede ring mabulok na si Stella. Pwede ring yun.

"Pero habang hindi ka pa sakanya, pwede bang akin ka muna?"
« Last Edit: April 25, 2011, 02:44:10 pm by simplesentiments_moi »

vampdubistaaa

  • Guest
Re: Fireworks. Chapter 1.
« Reply #1 on: April 25, 2011, 03:07:54 pm »
Hi Ate Mich! (Hehe~ nakiki-FC lang :D) I'm Feii, and I'm here to support your story. ;)
Gustong-gusto ko kasi yung pangalang Nathan eh. Naaalala ko si Nathan Kress. Yung sa iCarly? Hahaha! :D
Tapos yung naiisip ko naman dun sa Stella... yung sa Winx Club? Hahahahaha! ;D
Naabutan ko pa kasi yun nung elem ako eh~ :P
Nice title, BTW. Yun yung kumbaga nag-lure sa'kin na basahin 'tong story mo eh. Haha~ :D

simplesentiments_moi

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 39
  • Karma: +3/-0
Re: Fireworks. Chapter 1.
« Reply #2 on: April 25, 2011, 03:11:44 pm »
Hi Ate Mich! (Hehe~ nakiki-FC lang :D) I'm Feii, and I'm here to support your story. ;)
Gustong-gusto ko kasi yung pangalang Nathan eh. Naaalala ko si Nathan Kress. Yung sa iCarly? Hahaha! :D
Tapos yung naiisip ko naman dun sa Stella... yung sa Winx Club? Hahahahaha! ;D
Naabutan ko pa kasi yun nung elem ako eh~ :P
Nice title, BTW. Yun yung kumbaga nag-lure sa'kin na basahin 'tong story mo eh. Haha~ :D


Haha. Salamat sa support. Stay for the next chapters a? :)

airamae_guerrero

  • jellybean
  • **
  • Posts: 128
  • Karma: +1/-3
  • TeenTalker
Re: Fireworks. Chapter 1.
« Reply #3 on: April 25, 2011, 10:48:07 pm »
hi ate mich :) si amae to :) . hahaha. meron din akong story dito eh. mas madaming views  pag dito :) update update :)

tinbloostar

  • taffy
  • ***
  • Posts: 382
  • Karma: +18/-4
  • live better not bitter. ♥
    • facebook
Re: Fireworks. Chapter 1.
« Reply #4 on: April 25, 2011, 11:09:29 pm »
Support. :"> Alluring sa akin ang tagalog style na story. Or pagka-taglish. Keep posting. Ü

Its <3 Me.
My Story|Ü|

lil.fifi

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 38
  • Karma: +2/-0
  • TeenTalker
Re: Fireworks. Chapter 1.
« Reply #5 on: April 26, 2011, 07:57:27 am »
hello support ko po ito ate ??  :-[ ::) ::)

**pwede ba kita tawaging ate??**

 interesting masayado ang susunod na mangyayari ate??

 btw filliane here pero fifi nalang po  ;D ;D
« Last Edit: April 26, 2011, 08:00:33 am by lil.fifi »
Beauty is power; a smile is its sword.

simplesentiments_moi

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 39
  • Karma: +3/-0
Re: Fireworks. Chapter 1.
« Reply #6 on: April 26, 2011, 09:26:05 am »
hi ate mich :) si amae to :) . hahaha. meron din akong story dito eh. mas madaming views  pag dito :) update update :)

oh hi! update ako later, i guess. :) thanks for dropping by.

simplesentiments_moi

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 39
  • Karma: +3/-0
Re: Fireworks. Chapter 1.
« Reply #7 on: April 26, 2011, 09:27:00 am »
Support. :"> Alluring sa akin ang tagalog style na story. Or pagka-taglish. Keep posting. Ü

Salamat sa support. Thanks for dropping by. :)

simplesentiments_moi

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 39
  • Karma: +3/-0
Re: Fireworks. Chapter 1.
« Reply #8 on: April 26, 2011, 09:28:09 am »
hello support ko po ito ate ??  :-[ ::) ::)

**pwede ba kita tawaging ate??**

 interesting masayado ang susunod na mangyayari ate??

 btw filliane here pero fifi nalang po  ;D ;D


Hi Fifi! Sureness, call me Ate, I hope you find the next chapter interesting as much as I did. :) xo.

lil.fifi

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 38
  • Karma: +2/-0
  • TeenTalker
Re: Fireworks. Chapter 1.
« Reply #9 on: April 26, 2011, 09:53:03 am »
Hi Fifi! Sureness, call me Ate, I hope you find the next chapter interesting as much as I did. :) xo.
cge ate hihintayin ko. naeexcite ako. ;D ;D

**si nathan din ang lupet ng banat kinilig ako ate  :D :D**
Beauty is power; a smile is its sword.

simplesentiments_moi

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 39
  • Karma: +3/-0
Re: Fireworks. Chapter 1.
« Reply #10 on: April 26, 2011, 10:03:18 am »
cge ate hihintayin ko. naeexcite ako. ;D ;D

**si nathan din ang lupet ng banat kinilig ako ate  :D :D**


Marami pa yun, hari ng banat si Nathan e. :)

lil.fifi

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 38
  • Karma: +2/-0
  • TeenTalker
Re: Fireworks. Chapter 1.
« Reply #11 on: April 26, 2011, 10:36:00 am »
ate maguupdate ka ba ngayon ? :-X :-[

** hahahhaa  8) feeling ko matagal ng may gusto si papa nathan kay alex  :D :D :D

**adik naman pala si stella kay jessy eh. wawa naman si alex :'( **
« Last Edit: April 26, 2011, 11:42:48 am by lil.fifi »
Beauty is power; a smile is its sword.

purple_teenprincess

  • jellybean
  • **
  • Posts: 273
  • Karma: +11/-1
  • I ♥‌ PURPLE
    • Fat Love ♥
Re: Fireworks. Chapter 1.
« Reply #12 on: April 26, 2011, 11:03:23 am »
hi mich!! Grace hir..  :)

support ko 'to.. ang ganda ee!  ;) Thumbs up!  :D

simplesentiments_moi

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 39
  • Karma: +3/-0
Re: Fireworks. Chapter 1.
« Reply #13 on: April 26, 2011, 04:34:15 pm »
ate maguupdate ka ba ngayon ? :-X :-[

** hahahhaa  8) feeling ko matagal ng may gusto si papa nathan kay alex  :D :D :D

**adik naman pala si stella kay jessy eh. wawa naman si alex :'( **


Post ko na chap 2. :)

simplesentiments_moi

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 39
  • Karma: +3/-0
Re: Fireworks. Chapter 2.
« Reply #14 on: April 26, 2011, 04:46:42 pm »


Chapter 2: Pabili Candy

Hinampas ko siya ng malakas na malakas, muntik na nga siya mahulog sa hagdan e.

"Ano ko? Candy? G*go ka ba?" Sumigaw ako sakanya. Tumawa lang siya ng malakas.

"Awww, ang cute mo talaga pag galit." sabay kurot sa pisngi.

"Pero kung candy ka, akin ka na nga lang?" sabi niya.

"Oo na, kung candy ako, sayo ako." sabi ko, sabay sandal sa pader. Nagulat ako nung kinuha ni Nathan yung kamay ko tapos may hawak siyang ballpen. Bago pa ko maka-react, may nasulat siya. Tinignan ko yung sinulat niya. Pero bago ko mabasa, tumayo na siya at bumaba papuntang canteen (kaka-bell lang, lunch na namin)

"Candy" nakasulat sa kamay ko. Langya.

"NATHHHHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN!" Tumakbo ako pababa, at nakita ko siyang nakapila, kakabigay lang ni Ate Rose sakanya nung dalawang Mountain Dew tsaka dalawang Piattos.

"Oh, bakit ka namumula?" sabi ni Jessy, na for once hindi kasama si Stella, nakangiti. Kung hindi lang ako siguro galit sa pangit na si Nathan at kung hindi lang ako takot sa mga mahabang kuko ni Stella, niyakap ko na si Jessy sa gitna ng canteen. E wala e.

"Wala bro, gutom lang si girlfriend." sabi ni Nathan, sabay lagay ng braso sa balikat ko. Ambango pala niya. Ah letse, Alex, focus.

Teka lang wait, GIRLFRIEND?! @#$%

Nakita kong nagulat si Jessy at parang namumula, nagsara pa nga yung mga kamay niya, nag-fist. Pero nakangiti. Ako din nangiti. Nagseselos kaya siya? Tanong ko sa sarili ko? Ah hindi siguro, baka feeling niya inaagaw ko bestfriend niya. Yung bestfriend niyang mabango. Lintik na, ALEX! FOCUS!

"Oo, boyfie ko na si Nathan, diba Hon?" then I put my arms around Nathan's waist tapos kinuha ko yung bote  ng Mountain Dew na ininuman niya tapos uminom ako, sabay sabing "Bakit dalawa pa binili mo? Diba share tayo?" Nangiti lang si Nathan. At ako nasusuka sa pinaggagagawa ko. Pero dahil sa galit na mukha ni Jessy, naging worthwhile. Ang b*tch ko.


"Oh kelan pa?" sabi ni Jessy, na sa sobrang galit, mukha na siyang najejebs.

"Kanina lang," sabi ni Nathan. Ang kinis pala ni Nathan sa malapitan, ni isang pimple wala. AH LINTIS NA, ALEXANDRA! FOCUS!

"Ah, congrats bro, sa wakas," sabi ni Jessy. SA WAKAS? Anong sa wakas?!

"Onga e," lumayo si Jessy samin, bibili lang ng pagkain niya tsaka ni Stella. Yung pangit na yun.

Sinubukan kong tanggaling yung kamay ni Nathan sa balikat ko, pero hindi, parang winelding sa balikat ko yung kamay niya e. Nung nakaupo na kami dun sa madalas naming table, binitiwan na niya ko. Tapos bigla siyang nalungkot.

"Siya, no?" Sabi niya.

"Ha?" sabi ko.

"Si Mr. Right? Si Jessy?"
Hindi kinaya ng puso ko yung sinabi niya.

"Hindi AH!" Pumiyok ako sa 'ah'

"Buti hindi ka pumiyok kanina nung nandyan si Jessy kundi alam niya na nagsinungaling ka," Pumipiyok  kasi ako pag nagsisinungaling.

"Ah...Eh..."

"Okay lang, Lex, okay lang na ako muna si Hon mo," sabi niya, nakangiti, pero malungkot yung mga mata niya.

"Ano bang sinasabi mo?! Ikaw na nga si boyfie diba? Ako na si Candy mo, wag ka na mag-emo"
sabi ko, baka sakaling lumusot. Niyakap niya ko, sana walang guidance, mahirap na magka-offense. PDA pa.

"Kahit alam kong hindi tayo totoo, paparamdam ko sayo na ako nalang dapat si Mr. Right mo," binulong niya sakin. Feeling ko maiiyak ako nung mga panahon na yun, buti nalang hindi.

Niyakap ko siya, keber na sa guidance, "Than, salamat a, ewan ko kung pano ko makakabawi sayo neto," binulong ko sakanya.

"Edi iparamdam mo nalang sakin, na kahit hindi tayo totoo, susubukan mong magustuhan ako..." binulong niya ng mahinang mahina.

"Boyfie, ang bango mo," sabi ko. Tapos tumawa siya pagkatapos naming magyakapan sa gitna ng canteen. Feeling ko may bulls-eye na sa likod ko e. Mga fangirls niya nagkalat. Nakatingin ng masama.

"Ang cute mo talaga, kaya kita love e."
sabi niya, nakikita kong palapit si Jessy at yung panget niyang girlfriend.

"Ganon? Mahal agad? Kanina lang tapos mahal agad?" sabi ko, natatawa.

"Sino ba nagsabing kanina lang kita minahal? Tagal na no,"
sabi lang ni Nathan.

"So totoo pala," sabi ni Stella nung nakaupo na sila sa table.

"Na kami? Oo," sabi ni Nathan sabay akbay.

"Congrats Lex,"
sabi ni Stella, ah p*cha, close tayo? HA? Close ba tayo? Ngumiti lang ako tapos nag thank you.

Nung buong lunch, after bumili si Nathan ng totoong lunch namin na share kami, pero tatlo kanin, dalawa sakanya, hinawakan lang niya yung kamay ko. At mukhang nanggagalaiti na si Jessy at nanggagalaiti din si Stella kasi nakatitig lang sakin si Jessy at tahimik lang kami ni Nathan. Si Nathan na may malambot na kamay. Ah ALEXANDRA FERNANDEZ, Nakakailan ka na? Focus!

Nung next class namin, hinatid ako ni Nathan sa room tapos tumabi sakin si Jessy, (magkaklase kami ni Jessy, si Nathan tsaka si Stella naman yung classmates), tapos sabi niya,

"So...kayo na talaga?" sabi ni Jessy.

"Hindi ba halata?"
tapos tumunog yung phone ko.

Hon, paalisin mo si Jessy diyan, nagseselos ako. Love u. -Boyfie


Pinakita ko kay Jessy yung text tapos tumingin ako sa classroom nila tapos ngumiti. Umalis si Jessy sa harapan ko.

Lumabas si Boyf---si Nathan pala sa room nila, tapos niyakap niya ko ulit.

"Wag ka na magreklamo, lumabas si Ma'am, at nakatingin si Jessy... sana wag mong pagsisihan na kahit joke lang, na tayo," sabi niya.

"Ang drama mo talaga."


"Sana lang talaga, malaman mong ako si Mr. Right at hindi siya," sabay alis ng room.


 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website