Chapter 40: DILEMMA
Nakatulala lang ako sa harap ng bulletin board namin. Naririnig ko ang mga bulong ng mga tao sa paligid ko at lahat yun hindi maganda. Naririnig ko rin naman na pinagtatanggol ako nila Aly at Dan. Pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at hindi rin ako makapagsalita. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung sino ang gumawa nito sa amin. Wala namang ibang tao ang nakakaalam n secret namin ni Andrew. Halos mga kaibigan ko lang ang nakakaalam at alam ko na wala ni isa sa kanila ang gagawa nito. Pero sino? Sino ang gagawa sa amin nito? Anong motibo niya?
Si Andrew…. Sheez! Si Andrew, kailangan ko siya puntahan. Ngayon na.
Magsisimula na sana ako tumakbo ng…
SAM!
Nakita ko siya doon sa dulo at dali-dali siyang nagtatakbo papunta sa akin. Pinagtitinginan siya ng mga students at wala silang ginawa kundi magbulungan.
Sam! Can you hear me? Love?
What the! Ano ba siya?! Bakit niya sinasabi yan ngayon? Hindi na namin malulusutan to!
Fck! Lets go, Sam!
Kinuha niya yung coat niya at nilagay niya sa may shoulders ko. Naglakad lang kami ng naglakad hanggang nakarating kami malayo dun sa may bulletin board. Hindi na namin naririnig yung mga pinagbubulungan nung mga tao.
SAM! SAM! SAM! Can you hear me? Are you okay? SAM!
A---Andrew…
Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Umiyak na lang ako ng umiyak. Ayaw ko mahiwalay sa kanya pero hindi tama eh. Hindi ako pwede magpaka-selfish ngayon. Trabaho niya to… dapat isa sa amin ang mag-sacrifice.
Shhhhh… stop crying, love. Everything’s fine.
FINE?! ANDREW! Saan ang fine sa lahat ng ito?! Alam mo bang pwede kang mawalan ng trabaho sa nangyari?
So?!
Anong so?! Andrew… hindi tama to eh. I think…
Don’t you dare Sam! Alam mong di ako papayag sa plano mo.
Pero… I think kailangan muna natin maghi—
No! FCKING NO! I toild you before, wala ako pake kung mawalan ako ng trabaho. Ikaw ang pinorproblema ko.
Ako? Bakit ako? Eh ako nga tong namromroblema sayo.
Nanlaki yung mata ni Andrew sa akin. Hindi ko siya magets. Bakit ako pinoproblema niya? Di ba siya nag-iisip?
Lumapit naman bigla sa akin si Andrew at niyakap niya ako ng mahigpit. Tapos naririnig ko na lang siya na tumatawa.
Andrew! Hindi naman oras ngayon tumawa eh. Ano ba!
I’m sorry… hahaha!!!
Bumitaw na siya sa akin at kiniss ako sa forehead.
Ikaw naman kasi. You don’t have to worry about me. Minsan nga isipin mo naman sarili mo.
Ha? Ano daw? Bakit ako?
Look, wala ako pake sa work na to. I’m here because of you. Pero kung kailangan ko umalis para di ka dumugin ng mga tao na walang utak, I’ll go. Ikaw lang naman mahalaga sa akin dito. I’m thinking of you. Ayaw kong kung anu-ano isipin nila sayo ngayon. Yun ang problema ko.
What the hell! All this time yun lang ang iniisip niya? Na baka ma-bully ako? Samantalang ako… wala siyang pake kung matanggal siya. What the!!!!
Aray naman Sam!
Binatukan ko siya ng super lakas. Nakakainis siya eh! Nagworry ako for nothing!
Ikaw kasi eh! Anong tingin mo sa akin? Di marunong lumaban!? Hoy! Kung ikaw nga kaya kong sigawan sila pa kaya?!
I know your strong love. Ayaw ko lang makarinig ng kung anu-ano about sayo na di naman totoo. Naiinis ako pag ginaganun ka nila.
Niyakap ko lang siya nun. Ibang klase talaga tong tao na to. Bakit ba ang swerte ko sa kanya?
Pumasok ako ng second class ko. Kahit saan ako pumunta nakatingin sa akin yung ibang tao. Nawiwirdohan lang ako dahil yung mga professors walang mga pakealam at tahimik lang sila. May iba pa nga na nakatingin sa akin at parang nangingiti na di mo malaman. Weird.
Break time na namin ngayon. Niyaya ako ni Aly at Dan na kumain sa canteen. Ayaw ko sana pero pinilit pa rin nila ako. Pagkadating namin sa canteen madami pa ring tao ang nakatingin sa akin at nagbubulungan sila.
Hayaan mo na sila Sam. They’re not worth it.
Right. Inggit lang yung mga yan. Duh! Si Andrew ba naman boyfriend mo! Hmpft!
Umupo na kami doon sa isang table. Saglit lang din dumating na si Wes.
Sam, are you okay?
Hay nako Wes! Bakit ba kasi ngayon ka lang dumating?
Sorry. Na-late ako ng gising eh. Late ko na rin nabasa text mo Dan.
Tsss…
So, kumusta ka na Sam? Anong sabi ni Andrew? Ano raw balak niya?
We’re fine. I’m fine. Ayaw ko lang talaga na pinagtitinginan ako at pinagbubulungan.
So… di pa siya nakikipag… alam mo na…
Di ko alam Wes. Bahala na siguro muna. Wala pa ako balita eh.
Ahh… okay.
Kumain lang kami ng kumain nung break time. At nung time ko na for my third class iniwan ko na sila at pumunta muna ng comfort room bago pumasok sa room. Pagpasok ko ng comfort room may tatlong babae na sumunod sa akin.
Look who’s here. Samantha Perez. The campus slut! Hahaha!!!!
Sabay-sabay sila tumawa pero ako wala lang ako pake sa kanila at diretso lang ako sa ginagawa ko.
So… kumusta naman ang magkaroon ng boyfriend na professor? Take note, professor mo pa. No need na ba mag-aral ha?
Sabagay…. Bakit pa di ba? Eh kung isang gabi lang naman ang kapalit ng mataas na grade eh. !@#$!
Hindi na ako nakapagpigil at sinampal ko siya ng malakas. Kitang-kita sa mukha niya na nagulat siya sa ginawa ko. Kahit ako rin naman nagulat. Hindi naman kasi ako palaaway.
Don’t you dare call me a !@#$! If I were to compare myself to you, with your outfit and your make up, you already gave meaning to the word. For your information, I studied hard to have good grades. You don’t know it since you haven’t gotten grades higher than 2. Maybe it’s time for you to do the same? Right?
Lalabas na sana ako ng comfort room nung biglang sinabunutan ako nung babae. Yung dalawa naman niyang kasama sinasabunutan na rin ako kaya ang ginawa ko sinipa ko yung isa tapos kinagat ko yun isa at dahil mahaba yung buhok nung isa pinalupot ko yung buhok niya sa braso ko at knaldkad ko siya dun sa pinakamalapit na cubicle. Nung tangkang lalapit ulit yung dalawa, humarap ako sa kanila ng nakataas yung kilay.
Isang hakbang pa, ihihilamos ko talaga yung pagmumukha ng kaibigan niyo dito sa bowl. Isa pa!
Natakot naman yung babaeng hawak ko kaya nagmakaawa siya sa mga kasama niya na wag lumapit.
Samantha Perez, hindi ka makakatakas dito. Isusumbong ka namin na ikaw ang nauna sa away na to. Ha!
Sige. Pero sa tingin mo ba may maniniwala sayo?!
Bakit wala?! You’re a !@#$, Samantha!
I know! I have to be a !@#$ when it’s necessary! Wag ka mag-alala… di ako tanga katulad niyo. Pagpasok niyo pa lang, binuksan ko na yung phone ko at nirecord lahat ng sinabi niyo. So sino sa tingin mo paniniwalaan nila sa ating dalawa ha?
Hindi na nakapagsalita yung isa at yung isa naman kanina pa hinahawakan yung kinagat kong kamay niya.
Nung binitawan ko yung isang babae, dali-dali na silang nagtatakbo palabas.
Hayyy!!! Fudge! Ngayon ko lang nagawa yun ah. Pambihira! Mga bobita mirasol ata yung mga yun! Tss… mga gusto lang magpapansin.
Ito na siguro yung dahilan kung bakit natatakot si Andrew. Hindi kaya tama siya?
Lumabas na ako ng comfort room ng biglang may humawak sa mga kamay ko.
Sht! Andrew naman! Nagulat ako sayo!
Anong nangyari sayo?!
Wala lang. I’m fine.
Teka… inaway ka ba nung mga babaeng nakita ko na kakalabas lang dito?
Hindi na ako nakapagsalita nun at siya naman ginulo na niya yung maayos niyang buhok at niluwagan yung tie niya.
Fck! This is what I’m telling you, Sam! Ito yung kinakatakot ko.
I’m fine. Wala naman sila masyado nagawa sa akin. And nalabanan ko naman sila. Sila pa nga natakot sa akin.
I know you’re strong, love. Pero paano kung hindi lang yan kayang gawin ng ibang tao dito sa campus? Ha? Paano ka? Hindi naman 24/7 katabi mo ako.
I know… kaya nga nagpapalakas ako di ba?
Fck! Pag nalaman ko talaga kung sino gumawa nito, lagot sa akin.
Tatanungin ko pa lang sana si Andrew kung anong balak niya nung narinig ko yung announcement.
Calling the attention of Ms. Samantha Perez and Mr. Andrew Ildefonso. Please proceed to the Director’s office immediately.
Again, calling the attention of Ms. Samantha Perez and Mr. Andrew Ildefonso. Please proceed to the Director’s office immediately.
Tinignan ko lang si Andrew na may bahid ng takot sa mukha ko. Kiniss naman niya yung forehead ko at hinawakan yung kamay ko.
Finally! Kanina ko pa to hinihintay eh. Lets go?
Ha? Ano?
Don’t worry love, everything will be fine now. I promise.