Chapter 37: WHEN HE’S JEALOUS It’s been 1 week since Andrew kissed me and told me he really loved me.
SHET! Bakit ganun? Kahit inaalala ko lang ngayon… namumula pa rin ako.
After that kiss… after explaning to me what really happened last summer and between him and Ms. Shelley I finally understood everything. Ako lang pala kasi ang hindi marunong makinig sa mga explanations. Tsk tsk… stupid me!
Breaktime namin ngayon. Hinihintay ko si Wes, Aly and Dan. Sabay-sabay kasi breaktime namin ngayon kaya kakain kami sabay-sabay. Kahit gustong gusto ko man na kasama si Andrew ngayon.. alam naman natin, at alam ko rin.. na HINDI PWEDE. Ano na lang iisipin ng mga ibang students dito sa akin at sa kanya? Isang malaking kahihiyan yun pag nagkataon! And mawawalan ng work si Andrew. Alam ko parang hindi naman na niya kailangan yun… pero nakakahiya pa rin yun.
BEEP BEEP
From: Andrew
You look beautiful when you’re thinking about me.
Tumingin ako sa kaliwa at kanan ko. Huh? Asan siya? Paano niya ako nakikita? Tumingin naman ako sa itaas at nakita ko yung faculty room sa building namin. Kita nga pala ang garden na to sa faculty room. Nakita ko siyang nakasilip sa bintana ng faculty room. Nag-helow siya sa akin. At bago pa ako maghelow sa kanya, tumingin ulit ako sa kanan at kaliwa ko.
BEEP BEEP
From: Andrew
Bakit mag-isa ka lang? Sino hinihintay mo?
To: Andrew
Aly, Dan and Wes. Magllunch kami.
Aaminin ko, nahihirapan ako sa situation namin. Ang may alam lang naman na kami na ni Andrew ay si Aly, Dan at Wes. Nung una nga, parang alanganin pa si Wes sa amin ni Andrew. Mahirap daw yun. Delikado. Pero sa huli, at dahil sa pag-eexplain ko sa kanya naging okay naman na sa kanya. Wag lang daw ako sasaktan ni Andrew at baka makalimutan daw niya na professor namin siya. I know that’s sweet. Siguro kung hindi ko mahal si Andrew magugustuhan ko si Wes. Pero hindi eh… kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.
Bago pa magreply si Andrew, dumating naman na si Wes.
“O bakit ikaw lang?”
“Andun na sila sa canteen. Ayaw na nila pumunta dito dahil masakit na raw paa nila kakalakad. Ako na lang tuloy pumunta dito. Matagal ka ba naghintay?”
“Oo kaya! Kanina pang 11 ang tapos ng class ko. Wala kasi yung isa kong prof! 1 and a half hour na ako naghihintay sa inyo.”
“Hahahaha!!!! Ang cute mo talaga Sam pag nagppout.”
“Che! Manahimik ka nga!”
“Hahaha!!! Tara na nga!”
“Fine!”
Kinuha ni Wes yung mga gamit ko. Ayaw kong binubuhat niya yung gamit ko pero kahit naman anong pilit kong sabihin sa kanya na wag niyang buhatin… di pa rin siya nakikinig! Pasaway talaga eh!
Bago kami umalis, nakita ko naman si Andrew na nakatingin sa amin. Numiti lang ako sa kanya. Tapos umalis na rin ako.
If truth to be told.. excited na ako mag-uwian. Dun lang kasi kami nagkakasama ni Andrew. Hindi na nga breaktime favorite subject ko eh. Uwian na. HAHAHAHA!!!!
6 pm ang uwian ko ngayong araw. 7 naman ang uwian ngayon ni Andrew. Habang naghihintay sa kanya, pumunta muna ako sa library.
“Sam! Sam!”
“Wes? Bakit nandito ka pa? Akala ko sabay kayo ni Aly uuwi?”
“Ah… eh… may gagawin pa kasi ako. Ikaw?”
“Ahm… alam mo na…”
“Ahh… samahan na kita.”
“Sige.”
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ni Wes sa library. Nung mga quarter to 7 nagtext na sa akin si Andrew.
BEEP BEEP
From: Andrew
Baby, saan ka?
BABY?! Woot! Saan naman niya napulot yun? Lagot yun sa akin pag nagkita kami!
“Si Sir ba yan?”
“Ah… oo.”
To: Andrew
Library with Wes. Pababa na ako. Wait.
“Wes, alis na ako ha. Ikaw.. di ka pa ba uuwi?”
“Ah… paalis na rin. Sige, ingat ka Sam!”
“Bye!”
Patakbo na ako umalis ng library nun at nagkita na kami ni Andrew dun sa park malapit sa school. Pagkadating ko sa park, nakita ko siyang nakaupo dun sa pinakamalayo na bench. Tumingin naman ako sa paligid ko and safe naman ang lugar.
“Kanina ka pa?”
“Di naman.”
“Sorry. Ang layo kasi ng library.”
“Okay lang.”
“Tara na?”
“Okay.”
Tumayo na siya at pumunta sa sasakyan niya.
Yung totoo?! Anong problema niya? Kulang na lang may nakalagay sa noo niya MAINIT ANG ULO KO! Ano ba problema nun? Hindi naman siya ganyan nung isang araw at kaninang umaga ah?
Pagkasakay namin tahimik lang siya at hindi nagsasalita. Hindi kagaya kahapon na ang ingay ingay niya at ngiting ngiti pa.
“Okay ka lang ba Andrew?”
“Oo.”
“Pagod ka?”
“Hindi naman.”
“Eh ano?”
“Wala.”
“Eh bakit tahimik ka?”
“Wala lang.”
UGHHHH!!!!! Naiinis na ako ah! Para siyang high school student! Ano ba nangyari dun sa mature Andrew na kilala ko?! Nakakainis!
“Bahala ka kung ayaw mo magsalita!”
Ni isa sa aming dalawa hindi nagsalita habang nagddrive siya. Naiinis ako. At the the same time, nagtataka kung bakit ganito siya ngayon. May nagawa ba akong mali? May nasabi ba ako sa kanya? Anong problema niya? May nakaalam na ba sa amin kaya namromroblema siya? Ano?!
Bago pa dumating sa subdivision namin, lumiko siya. Pumunta kami sa isang restaurant. O anong ginagawa namin dito?
Huminto kami dun sa isang restobar. Tinignan ko lang siya nun tapos tumingin na lang ulit ako sa may labas ng bintana. Naiinis pa rin ako sa kanya.
“Look… I’m sorry baby.”
“Stop calling me that!”
“I’m serious… I’m sorry.”
“Ano ba kasing problema mo? May… may.. nakaalam na ba…”
“No…no baby. No.”
“Eh ano?! Bakit ka nagkakaganyan?”
“Kasi… “
“Kasi?”
“Kasi…”
“Kasi, ano nga?!”
“Nagseselos ako kay Wes.”
WHAT THE HELL! Di ko inaasahan yun! Siya?! Magseselos kay Wes? SIYA?

Gusto ko sana pigilan yung sarili ko tumawa pero hindi ko na mapigilan eh.
“HAHAHAHAHAHAHAAHAHA!!!!!!!!!!!!!!!!!”
“SAM NAMAN! BAKIT MO AKO TINATAWANAN? NAKAKAINIS LALO EH!”
“I---I’m so---sorry. Hahahahaha!!!!”
“Hayyy…”
Huminga na ako ng malalim at hinawakan ko ang kamay niya.
“Sorry. Bakit naman?”
“Eh kasi… sobrang close niyo. Tapos palagi pa kayong magkasama. And… feeling ko gusto ka talaga niya.”
“Andrew… friends lang kami ni Wes. And.. alam mo naman na any other day.. if I would have to choose between the two of you, I would choose you between him. And siya? May gusto sa akin? Okay ka lang?”
“Yeah… I’m a man, Sam. Syempre mararamdaman ko yun.”
“Whatever! Eh kahit ano naman ang gawin niya… hindi ko siya gusto. And friends lang talaga kami. I promise.”
“I’m sorry. Nagiging immature na ako.”
“It’s okay.”
“I love you, Sam.”
Waaaahh!!! Ayan na naman siya! Sobrang titig na naman niya sa mga mata ko!
“Mamumula ka na lang ba diyan hanggang mamaya?”
“CHE! Ang daya mo eh!”
“Hahahaha!!!!! Tara, may surprise ako sayo eh.”
“Ano yun?”
“Basta. Tara na!”
Bago pa siya lumabas ng sasakyan, hinila ko siya papalapit sa akin tapos niyakap ko siya.
“Wooooh”
Ngayon ko lang narealize… sobrang namiss ko siya ngayong araw.
“I love you too, Andrew. And I really miss you so much!”
Hi guys! ayan na po yung UD. Sorry ngayon lang and wala pang color codes. Next time na lang po. Enjoy reading!
