Chapter 26: MR. D
Spell… NGANGA! Yan yung nangyari sa akin nung pagkakita ko sa nanay ni Wesley. Sigurado ba siyang nanay siya ni Wesley? I mean… she looked so young. Siya na ba talaga yun?
Hoy Sam, magsalita ka nga! Pinagmumukha mo akong tanga eh!
Ay sht! Oo nga pala. Sa sobrang paghanga ko sa nanay ni Wesley, nakalimutan ko na na kinakausap niya nga pala ako.
Ahm… good evening Mrs. Porth. I’m Samantha. Samantha Perez.
Good evening to you too. Please enjoy yourself.
Thank you Ma’am.
Umalis na rin bigla yung nanay ni Wesley. Ayun lang? I mean… hindi ba siya magsusungit sa akin kagaya ng ginawa ng nanay ni Dao Ming Zi (tama ba spelling? Hahaha!!!) sa Meteor Garden noon? Hay… kung anu-ano naman tong iniisip ko!
Naghanap na kami ng upuan ni Wesley. Umupo kami malapit sa pool ng bahay nila. Ang ganda ganda ng bahay nila. Super yaman siguro nila. I wonder kung bakit hindi dito tumitira si Wesley.
Wes…
What?
Akala ko ba… masungit yung nanay mo? Mukha naman siyang mabait ah.
Akala mo lang yan! Plastic yan eh.
Hala ka! Wala ba siyang ni kunting pagmamahal sa nanay niya. Alam ba niya yung salitang RESPETO man lang?
Talaga? Para namang…
Pag sinabi kong plastic siya… plastic siya. End of conversation! Aalis muna ako. Kukunin ko lang yung masks natin.
Badtrip yun ah! Isasama niya ako dito para ganunin lang?! Eh kung iwan ko kaya siya dito? Ugh! Kung di lang ako mabait eh! Nakakainis!
Naghintay lang ako saglit kay Wesley sa upuan tapos humingi ng tubig. Medyo matagal siya dun sa loob kaya nag-ikot ikot muna ako sa garden nila. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Hindi ko alam kung dahil ba sa mukha akong ewan compared sa kanila o dahil wala akong mask o baka naman kasi ako yung “date” daw ni Wes. Hay! Kung alam lang nila na sapilitan to!
Umupo ako dun sa may swing sa may garden nila. Ang daming ilaw dun sa part na yun tapos may mini pond sila. Habang nakaupo ako dun, naramdaman ko na may papalapit sa akin.
Hi.
Ahmmm… helow po.
I heard that you’re the date of the son of Mrs. Porth? Am I right?
Yes, I am. Hmm.. may I know who you are Sir?
Oh… just call me Mr. D.
Mr. D? As in…Dragon?
Hahaha… you could think of it in any way you like.
That’s weird.
Why is that weird?
I think its weird that I’m talking to strangers like you. No offense, sir.
None taken. Actually, I just wanted to meet Wesley’s date. I’m his friend, by the way. Are you fine here alone?
Yes sir. I’m just waiting for Wesley to come back.
Hmmm… wanna dance? Just so you could have something to do while Wes’ inside. I believe that he’s talking with her mother.
Nawiwirdohan na ako sa lalaking to. Yung totoo? He looks older than me pero hindi naman halata sa body built niya. If only I could look into his face. Sayang! Bakit kasi may mask pa? hayyy! Ano, papayag kaya ako? Feeling ko rin matagal pa si Wes sa loob eh. Wala naman mangyayari kung pumayag ako di ba?
Sure.
Tumayo ako dun sa swing tapos nagsayaw kami. Andun lang kami malapit sa mini pond nagsayaw. Abot naman kasi dun yung music eh.
Parang may kilala akong tao na ganun din ang moves sa kanya pag sumasayaw. Yung shoulders niya... body built… and his eyes… katuld na katulad nung kay…
HAY! Ano ba?! Remember, I’m trying to forget about him!
Okay ka lang Sam?
Okay lang. May naaalala lang ako sayo. Anyway… di naman siya ganun ka importante. Paano mo pala nalaman yung name ko?
Ah… I’ve heard your name sa iba kanina. Hmm… sino naman yung naaalala mo? Your ex, I presume?
Tumigil na kami magsayaw. Umupo ako sa swing tapos siya naman umupo sa grass. Napa-smile ako sa ginawa niya. Unlike nung ibang lalaki, wala siyang keme kung madumihan siya.
Nah. I can’t consider him as my ex. Ewan ko kung ano tawag nila dun. Wala naman kasi akong alam sa mga ‘love terms’ na yan.
Hahahahahaha!!!!!!
I was shocked. That laugh… I know that laugh. It can’t be… noooo….
HAY! Ano ba Sam! Tigilan mo na nga yan! Impossible naman yang iniisip mo! Tumigil ka!
What happened between you and that guy, if you don’t mind me asking?
I don’t know. One day were fine then boom… biglang nalaman ko na lang na mahal pa pala niya yung ex niya. Take note… kamukha ko pa yung ex niya na namatay na.
Baka naman… mali ka rin ng pagkakaintindi sa kanya? Di mo rin siya masisisi kasi… siguro sobrang mahal din niya yun ex niya na yun. Lets just say na… baka nung una ayun nga yung dahilan na nagustuhan ka niya pero in the end… malay mo minahal ka talaga niya.
Natahimik ako sa sinabi niya. May point nga naman siya. Bakit ba di ko naisip yun? Hayyy… pero masakit kasi eh. Sana sinabi niya yun sa akin.
You can’t blame someone kung takot na rin sila ma inlove ulit lalo na kung ganun yung nangyari sa past nila. Right?
Magsasalita na sana ako nung biglang narinig ko yung boses ni Wesley na papalapit na sa amin.
Aalis na ako Sam ha. It’s so nice meeting you by the way. Have fun and enjoy the night.
Umalis na siya bigla at sakto naman na dumating si Wes doon sa may gilid. Hindi man lang ako nakapag-thank you dun kay Mr. D.
Sino kausap mo?
Si Mr. D. friend mo raw eh.
Huh? Okay ka lang? Wala akong friends na invited dito. Tsk tsk… wag ka nga makipag-usap sa di mo naman kilala. Tinuruan ka ba ng nanay mo niyan?
Tssss… kanina ka pa ha! Naiirita na ako sa mood swings mo!
Hayyyy!!! Naiinis kasi ako kay Mommy!
Pwes kung naiinis ka, wag mo ibuhos sa akin!
Fine! I’m sorry, okay? Gusto ko na talaga umuwi. I can’t stand being in here.
Kunting tiis na lang Wes. Matatapos din ang gabing to. Tara, ikain na lang natin to.
Pagpunta namin sa table kung nasan yung mga foods, nakita ko na naman si Mr. D. Sino kaya siya? O well… baka naman kilala nung nanay ni Wes. Nagkatitigan kami saglit tapos bigla siyang nawala na lang sa paningin ko dahil sa sobrang dami ng tao. Pero after niya mawala sa paningin ko… may narinig ako sa dalawang babae na nag-uusap na sobrang kinabilis ng tibok ng puso ko.
Look! That’s Mr.Drew. Yung sikat na businessman bachelor.