17
It’s now or never
Maaga akong nagising today, hindi naman dahil excited ako, kinakabahan lang talaga. HAHA! Para namang ang hirap ng gagawin ko no?
Since school activity ito, 1pm pa yung start. The time before that will be allotted for the preparation. Nung makarating na ako sa school, dumiretso na ako agad sa classroom, and to my surprise may nagpapractice na agad and guess who?
“pag-ibig nga kaya?
Pareho ang nadarama, ito ba ang simula?
Di na mapipigilan, pag-ibig nga ito
Sana’y di matapos ang nadaramang ito oh
Woooh oohh ohh”“pagkat nararamdaman” sabi naman ni Adrian
“pag-ibig natagpuan…” tapos sagot ni Li.
Alam nyo yung tamang blending? Yung ang sarap sa tenga? Naaaaks! Kami na ang mananalo nito!
“malalaman mo lamang ang nararamdama—““wait!” putol naman bigla ni Adrian kay Li. Bakit? Ang ganda na eh!
“o?”“your nose is bleeding again” nagulat naman ako, ganun din si Li.
“what the?” agad namang tumingala si Li then pinunasan yung dugo sa ilong nya. Si Adrian nakatingin lang kay Li pero yung tingin nya yung something na parang gusto nyang sermonan si Li pero mas nangingibabaw yung worry nya na hindi nya alam kung ano ba yung dapat ireact.
“don’t worry. Kulang lang ako sa tulog” pero di pa rin nagbago yung itsura ni Adrian.
“let’s go to the hospital” ganun ba kalala yun?
“wag nang masyadong OA, ayos lang ako, game na ulit”“bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi naman sayo diba, hindi ka superwoman, wala kang super healing powers at iisa lang ang buhay mo, bakit ba palagi mo nalang akong pinag-aalala sayo? Ang hirap na Kate eh, gusto mong lumayo ako tapos ganyan naman yung nangyayari sayo, sa tingin mo ba madali yun?”“hindi lang naman ikaw yung nahihirapan eh, ako rin. Ang kaibahan lang nating dalawa, ikaw sigurado ka pa, ako hindi na” tapos tumayo si Li
“maghuhugas lang muna ako” then nung papalabas na sya tumakbo naman ako patago sa kabilang kwarto, medyo shocked pa rin ako sa mga narinig ko.
Anong meron?

Narinig ko nalang may malakas na ingay mula sa room, si Adrian pala, sinipa nya yung isang upuan kaya natumba and now he’s sitting on the floor. Di ko maexplain yung mukha nya,
pero umiiyak sya.
Hindi nalang muna ako pumasok sa room, bumaba muna ako para mapahupa yung tension pero nung napadaan naman ako sa may restroom ng babae nakita kong nakabukas yung main door, andun si Li sa may sink, and for the very first time…
I saw her crying. 
***
It’s almost 12 noon, lahat kami nararamdaman na yung kaba. Ready na rin yung lahat except si Adrian. He’s looking everywhere for Li. Hindi na kasi sya bumalik pagkagaling nya sa CR kanina.
Nobody knows what happened, and I also pretended not to know anything about it. Ang alam lang ng lahat eh yung nagiging pabigat nanaman si Li up until the last minute before the main event.
“ganyan naman yun forever. Kung kelan matatapos na, saka naman tayo bibigyan ng sakit ng ulo.”“wala ngang pakialam sa ibang tao, too selfish”“Ano pa nga bang aasahan mo? Hindi naman na kayo nasanay?” sabi naman ni Angel habang inaayos yung buhok nya. As usual, she’s pretty, and even prettier today, kaso lang I was a bit annoyed nung ginatungan nya pa yung dalawang gossip naming kaklase instead na pagsabihang wag silang mag isip ng ganun.
They don’t know her.
They don’t know what happened.“12:30 na! handa na ba lahat? Bakit parang hindi ko ata nakikita si Li at Adrian?” nagsimula nang maghead count si Mia.
“Hindi na darating si Li” sabi pa ni Angel with assurance.
“darating yun”Nagulat naman silang lahat sakin nung bigla akong nagsalita, di na kasi ako makatiis. Grabe nang kajudgemental ng mga tao.
“darating yun” inulit ko naman
“she was here this morning” nanahimik naman yung mga tao
“haaay. Buti naman pala” biglang sabi ni Angel.
“kala ko ifefail nya tayo eh”Nagsecond the motion naman yung iba.
“Cedie, can you help me with my hair?” lumapit naman sakin nun si Angel.
Sayang, gusto ko sana syang tulungan, kaso wag nalang pala.
“that’s girl’s stuff, have other girls to help you, I’m not done yet with myself” tapos lumabas naman ako nun.
Sa tingin nyo asan si Li nagpunta? Hindi naman sya yung tulad ng sinasabi nila na bigla-bigla nalang magdedecide na hindi pumunta eh. Hindi naman ata nya balak magpatalo by default.
2pm.
Nasa gitna na kami ng program, wala pa ring Adrian at Li na dumarating. Dalawang category nalang at duet na pero wala pa rin sila, everyone is panicking now.
“OH THANK GOD ADRIAN YOU’RE HERE!!” narinig kong napalakas yung boses ni Mia from the backstage. Yes, they’re here!
After naming sumalang sa stage, yun na yung dalawahang tinig, nagtataka lang ako kasi di ko pa nakikita si Li.
Lumapit naman sakin nun si Adrian.
“Cedie, I need a favor”“ano? Bakit wala pa si Li? Asan sya? Kayo na yung susunod”“that’s the favor I need to ask”“WHAT? Don’t tell me you’ll ask me to sing?”“loko! No”
“aw joke, ano?”“kate’s not coming.”“eh paano yung—““she’s confined in the hospital right now, I need you para bantayan sya, she’s silly and once she’s awake tatakas nanaman sya tapos—“
***
“sira ka talaga” sabi ko sa natutulog na babaeng nakahiga sa hospital bed sa harap ko. Anemic sya, tapos ang lakas pa ng loob na magpagod ng todo-todo sa mga rehearsal namin.
Kung anong nangyari sa contest? Ewan ko. Ang natatandaan ko lang eh pagtapos kong marinig na nakaconfine nga si Li dito sa ospital, hindi ko na pintapos yung sinasabi ni Adrian at tumakbo na ako ng sobrang bilis papunta rito. There was something that moved inside of me and gave that adrenaline rush they so called. Either I got so mad at her for being that weak or
it was some sort of a panick attack? I don’t know.
I sat on the chair beside her bed. Bakit ba may mga taong grabe kung mang-abuso ng katawan nila?
“excuse me? friend ka ni Ms. Kate?” nagulat naman ako nung biglang lumapit yung nurse sakin
“ah, opo”“dapat pagsabihan nyo syang alagaan yung sarili nya. Mahirap gumastos, napupuno na ng dextrose yung katawan nya eh” habang inaadjust nya yung flow control ng dextrose.
“palagi po ba syang andito?”“mas madalas pa sa palagi” ngumiti naman sya
“eh ganyan lang nang ganyan yung problema nya. Pasaway na bata. Kilala na nga sya ng lahat ng nurse dito. Suki na yan”“ahh..” ibigsabihin ganun kalala yung anemia?
“palala nang palala ang anemia kapag tumatagal sa katawan, itong si Kate eh two years na. Di magandang tambayan ang hospital” tapos sinara na nya yung pinto ng ward.
“two years?” tumingin naman ako kay Li. Ewan ko pero naiinis ako na hindi ko naman maintindihan kung bakit
“bakit ba hanggang ngayon napakamisteryosa mo pa rin?” Do you know the feeling when you thought you’ve known enough but still it failed to make you understand what’s happening?
“bakit ka nandito?” nagulat nalang ako nung biglang nagsalita yung pasyente na nasa harapan ko ngayon
“ikaw, bakit ka nandito?” sumimangot naman sya nun
“anong ginagawa mo rito? Paanong nandito ka ngayon? Diba may culminating activity sa school?”“ikaw? anong ginagawa mo rito? Paanong nandito ka ngayon? Diba may culminating activity sa school?” mukha namang napipikon na sya nun, aba! Ako nga naman talaga ang mas may karapatang magtanong sa kanya nun!
“nambibwisit ka ba?”“hindi”“eh kung sapakin kaya kita dyan? Umuwi ka na nga!” “wow! Sino kaya sa atin ang nakahiga sa hospital bed ngayon at sya pa ang malakas magbanta na mananapak? Mukhang magaling ka na ah” tumagilid naman sya nun, nakatalikod na sya sakin.
“ayokong makipag-usap sayo, umuwi ka na”“ayokong umuwi at gusto kong makipag-usap sayo” tumayo naman ako then lumipat dun sa side kung saan sya nakaharap.
“ang kulit mo!” “oo naman, nature na yun, lalo na kung may gusto kang malaman” tinitigan ko lang sya ng diretso sa mata. Seryoso ako, it’s now or never.
“Cedie, please? Pagod na ako” nabigla ako sa itsura nya nun, parang pinagsama-samang bigat ng loob at epekto pa nung kondisyon nya yung nakita ako.
Nagulat tuloy kaming dalawa nung biglang bumukas yung pinto. Si Adrian pala.
Unlike sa usual batian nila, nilagay lang ni Adrian yung dala nyang food sa lamesa then umupo na sya sa may couch. Ang tahimik na tuloy masyado ng atmosphere.
“ah, sige pala. Andito na si Adrian” yung lang yung sinabi ko tapos tinap ko si Adrian sa balikat nya then lumabas na ako ng pinto. Pero bago ako tuluyang makalabas narinig ko namang sinabi ni Li kay Adrian na
“Hindi na nya kailangang malaman” then I shut the door. Ewan ko, ang bigat lang sa pakiramdam ko na gusto kong maging involved sa nangyari, kung anuman yun, pero parang naipamukha ata sakin ni Li ngayon na wala akong karapatan.
Which is perhaps, true. Sino na nga ba naman ako? Isa lang hamak na chismoso. Biro lang!
Sa sobrang kakaisip ko sa mga pangyayari hindi ko nalang tuloy namalayan na may kasalubong pala ako, nakabangga tuloy ako!
“sorry po!” tinulungan ko naman syang pulutin yung wallet na dala nya.
“Cedriel? Cedriel Dacanay?” napatingin naman ako sa nagsasalita
“Mr. Villamayor!” ito yung napakabait na daddy nung ka-MU ng kapatid kong spoiled bratt. Ewan ko nga kung asan ba nagmana yung Kevin na yun eh! Hay naku! Napakabad influence sa kapatid ko.
“anong ginagawa mo rito, hijo?”“may binisita lang po akong friend. Kayo po? Check up ninyo?” may sakit kasi sa puso itong si Mr. Villamayor.
“ah wala, may bibisitahin din akong kamag-anak eh. Balita ko pala sa ibang school ka na nag-aaral ha? Bakit mo naman biglang naisipang magpublic school?”“idea po nina mommy eh, pero so far naeenjoy ko naman po.”“that’s good! Sayang lang at wala nang magbabantay sa anak kong si Kevin. Nagiging sakit sa ulo nanaman lately eh”“hahahhahah! Sinabi nyo pa” pabulong ko lang na sinabi. LOL!
“o sige, hijo, nice bumping unto you, see you then!”“sige po!” tapos dumiretso na sya.
***
The section went to visit Li the next day. First time lang pala nila nalamang may anemia si Li. For two years, ngayon lang nila nalaman. Konti lang naman yung mga pumunta kasi raw yung iba eh may mga lakad pa. When everyone went home, ako lang at si Adrian yung natira, but random nalang ata nung bigla syang nagpaalam at may bibilhin daw sya sa tindahan. Now, it’s only me and her in the room.
Syempre sabi ko nga diba kahapon, that was now or never, and she said never. So I decided to contain my curiosity.
“himala” sabi naman nya habang kinakain nya yung apple na bigay ng section
“ha?”“ang tahimik mo ngayon. Nanuno ka no?”“nope. I just knew my place now.” di naman na sya sumagot nun. Binato nya lang sakin yung isang mansanas, buti nalang kahit papaano mabilis yung reflex ko at nasalo ko
“kumain ka nalang, kung ano-anong pinagsasabi mo”“so ganun na pala ang tamang pag-alok ng pagkain, ibabato? Paano pala kung hindi ko nasalo? Edi sayang?” ewan ko pero bigla nalang akong nahigh blood nang di ko maintindihan.
“eh nasalo mo naman, nothing to argue about”“still, pagkain ito, siguro naman hindi nakalimutang maituro ng mommy mo sayo na hindi dapat binabato ang pagkain, diba?” bigla namang nag-iba yung itsura nya nun, napikon ata or something.
“I’m sure she taught me that” tapos nun binaba nya yung mansanas na kinakain nya
“that’s one thing for sure a person won’t ever forget to teach …
especially when she knew that she will have to leave soon.” That shut me up. Does she mean?
You hit the right spot, Cedie and that was very rude of you.
~.~.~.~.~
AND FINALLY! I hope you guys enjoyed reading the update! Sorry kung sabaw. I LOVE YOU ALL!
