Chapter 2: Zahirah's POV:Kahit na matured na ako siyempre iba pa rin kasi best friend ko si Justine di ba? Unlike yun kapag sa artista okay lang magkaroon ng green thoughts kasi artista sila.

Pero best friend ko nga kasi siya kadiri ang dating as in eww, yuck. Parang nag-iisip ka ng masama sa kapatid mo. Gosh! Bad!
Nagba-blush pa rin ako kapag naalala ko.

Ganoon nga pala “iyon” kapag bagong gising. Nakatayo. LOL Hindi ako nagiisip talaga minsan.

Pero in fairness... tsh!
Absurd anong nangyayari sa malinis kong utak?! Haayy... Erase. Erase. Erase.
Bago ko pala makalimutan at para mawala na rin ang kaberdehan. Ako nga pala si
Zahirah Henson, 27 yrs old, single and available, NBSB. Hahaha! Nagtratrabaho ako bilang Financial Analyst sa isang multinational company here in AU. Sabi nila mukha daw akong primary student kaya ugali ko tuloy parang bata kasi people always treat me that way.
Iyong supladong lalake kanina, siya ang best friend ko si Justine. Hayaan niyong siya na ang magpakilala sa sarili niya. Basta best friend ko nga ang mayabang na lalakeng yun, unfortunately. Nakatira kami sa isang flat with 2 other friends. Bakit kami magkasama sa bahay? Long story pero ang pinakamaikling sagot. Best friends kasi kami.
Blag.
Tsh! Lalabas na ang 'the don', signal kasi niya yun pagbagsak ng pinto na palabas or papasok na siya ng kanyang kwarto.
“What?” I asked. He was standing and leaning against the wall in the kitchen while staring at me.

He didn't answer back. He just continue with his staring habang nakasasiklop ang dalawang kamay sa dibdib niya.
“Problema mo?” Titig lang. Sige lang Justine matunaw ako sa tingin mo.
“Ano nga?” Nakakapikon na siya. Yun titig niya kasi parang nanuot sa kaluluwa.
Bigla pa naman akong nag-blush.

Naalala ko kasi bigla ang nangyari kanina. And ayoko ng tinitignan ako sa mata ng deretso. Poker face ako at mata ko lang ang nagsasabi ng totoo kaya ndi ako tumitingin basta sa mata ng tao.
“I thought so.” He said.
“What?” I asked clueless.
“Pinag-nanasaan mo ako. Hindi ko alam na all this time naglalaway ka pala sa akin.” Anong pinagsasabi niya? Emoterong palaka talaga ito minsan. With feelings pa kasi talaga... umaakto siya na akala mo natatakot siya.
“Whew! Ang kapal ng mukha umaabot hanggang dito oh.” Umarte akong parang tumutulak sa pader.
“Aminin mo na. Tsk! Kaya pala gustong-gusto mo kong katabi matulog. Pinagplaplanuhan mo akong rapin.” Nasanay lang naman talaga akong matulog na katabi siya during that time. Pero...
“Leche tumigil ka nga. Kadiri mga iniisip mo. Hindi ka ba kinikilabutan?” Naiinis na talaga ako. Ginutom na nga niya ako inaasar pa ako. Bisit na buhay ito.
"Ayos. Ayaw pang umamin.""Magtigil! Baka ikaw ang may pagnanasa sa akin." Ganting pang-aasar ko sa kanya.
"Ay ayoko sa'yo payatot ka kasi. Pa-ya-tot!" "Ewan." Pikon.

Kakaasar talaga siya. Nag-pout pa ako. Ayoko talaga ng nilalait ako. Napipikon ako.
"Hahaha mam pikon ka na? Aminin mo na kasi. Hindi naman ako magagalit." Tawa siya ng tawa.
"Ewan sa'yo maghanap ka ng kausap mo." belat!

Tas nag-roll ako ng eyes.

Ginulo niya yun buhok ko.
“Tara na nga kain tayo sa labas.”“Yes dad.” Well ganyan lang talaga kami ni Justine. Intindihin niyo na lang siya. Tatanda lang kayo kapag pinatulan niyo ang pinagsasabi niya.
Besides ganito na talaga kami simula noong maging close kami laging nag-aasaran, magkakapikunan, mag-aaway sanay na nga ang mga housemates namin sa amin. Tinatawanan na lang kami at minsan inaasar. Ang cute daw kasi namin.

Duh?!
Lumabas kami ng flat para kumain. Ang flat namin parang condo pero hindi ganoon kasosyal at walang swimming pool pero may elevator, sa 11th floor yun amin.
Ay ang layo na niya. Lagi na lang ako iniiwan ng lalakeng ito. Susme ang bilis naman kasi niyang maglakad ang laki pa ng hakbang.
Syempre tatakbo na naman akong parang primary student na hinahabol ang kapatid niya.
"Antayin mo ako dad. Sapakin kita ee."Huminto siya tas lumingon. Noong nakalapit na ako sa kanya, pinalibot niya yun braso niya sa baywang ko. Oh! Oh! Lagot na.

Ang favorite past time kasi niya kilitiin ako sa tagiliran. Para akong tangang nagtatalon at nagsisigaw sa daanan, kakahiya. Buti na lang mahina ang boses ko talaga kahit sumigaw ako para lang akong nagtaas ng konti ng boses.
"Ayo--ko --na. Pea--ce na." Sabi ko in between laughter and pigil na pag-sigaw. Inaalis ko yun kamay niya sa baywang ko. Tawang tawa naman siyang tumigil at naglakad na ulit.
Medyo malapit na kami papunta sa may bilihan ng food ng may lumapit sa amin.
“Hi! --.” "Huh" 