DNC #2.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero sa tuwing may klase kami, napapatingin ako sa direksyon kung nasaan siya. Tipong kahit nasa harap ako at siya naman nasa likod, napapatingin ako sa likod at kunwaring tinitignan ang orasan.
Sa tuwing papasok ako ng classroom, siya agad ang hahanapin ng mata ko.
Gusto kong tumigil sa pagtingin sa kanya, gusto ko talaga. Nakakailang pa nung isang beses na nagkatinginan kaming dalawa, gusto ko iiwas ang tingin ko pero parang hinihigop niya ang mga mata ko.
Nung ngumiti siya, lumakas kabog ng dibdib ko.
Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya agad agad dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pero ilang segundo lang ang nakaraan, tumingin ulit ako sa kanya, hindi na siya nakatingin sa akin pero bigla akong napangiti.
Ah syet. Anong nangyayare?
Napaaga ako ng punta ng school kaya pumunta muna ako ng library. Nakakita ako ng mga pamilyar na mukha, mga blockmates ko na nagkakasiyahan dun sa may isang table pero dahil ayaw ko nga ng mga tao, nagpunta ako sa quiet area ng library.
Kumuha ako ng isang libro kung saan man at naupo mag isa. Ikakabit ko na sana ang earphones ko ng makaramdam akong may mainit na aurang papalapit sa akin. Hindi nga ako nagkamali.
“Oy, bakit andito ka?”Ibinungad na naman niya ang ngiti niya. Tumigil panandalian ang pintig ng puso ko pero after 0.002 seconds, bumalik na ito ulit. Hindi ko maintindihan, dahil ba nagulat ako o dahil sa presensya niya ito.
Hindi ako nagsalita at ipinakita ko sa kanya ang librong hawak ko na hindi ko alam kung tungkol saan.
“Ah, tungkol saan `yan?”“Ewan. Babasahin ko pa lang”Nakita kong sumimangot siya na parang sinasabing ang sungit sungit ko. Buti naman at nagets niya `yun di ba?
Hindi na siya nagsalita pa kaya kinabit ko na lang ang isang earphone ko sa kaliwang tenga ko para marinig ko pa din siya kahit papaano. Binuklat ang librong nasa harap ko at binasa ang nakasulat doon.
Hindi ko na siya tinignan pa at nagconcentrate na lamang ako sa kanta at libro. Pero para akong ewan nung mga 5 minutes ng nakakaraan, akala ko nagsalita siya kaya napatingin ako sa kanya.
Nakayuko siya sa table at natutulog. Kitang kita ang mukha niyang antok na antok kahit na medyo natatakpan `yun ng medyo brownish niyang buhok. Ang cute talaga ng nunal—teka. Ano na naman ba `tong pinagsasasabi ko.
Hindi ko na namalayan, ang tagal ko na pa lang nakatitig sa mukha niya. Biglang dumilat `yung mata niya at nagkatitigan kaming dalawa ng ilang segundo. Bumilis tibok ng puso ko na parang nagpapalpitate ako.
“Sorry, nakatulog”Iniayos niya ang upo niya pati na rin ang buhok niyang gulo gulo. Nag iinit ang buong katawan ko na parang gusto ko na umalis ng library dahil sa nangyari kanina.
“Ok ka lang?”Napatingin ako sa kanya.
“Namumutla ka”Huminga ako ng malalim para mapabagal ang tibok ng puso ko. Ano ba `tong nararamdaman ko. Naiinis na ako ah.
“Ok lang ako”As cold as possible na sinagot ko. Ayoko na ng ganito. Ayoko ng nandito siya. Naiirita ako. Naiirita ako sa nararamdaman ko. Letse.
“Oo nga pala, may tanong ako”Tinignan ko lang siya, hinihintay ang tanong niya.
“Bakit minsan hindi ka pumapasok sa klase pero nakikita naman kita sa school na pakalat kalat?”Napangiti ako. Ewan. Napangiti lang ako bigla. Kahit pala wala kami sa classroom, nakikita pa din niya ako.
“Pag tinatamad”“Pwede ba `yun?!”“Cutting. Depende kung gaano ka kabait na estudyante”Parang naamaze naman ang mukha niya na tipong nakakita ng isang malaking teddy bear sa likuran ko.
“Talaga?! Pag mag cucutting ka sama ako ah?”Sabay ngiti niya. Napaiwas na lang ako ng tingin. Cutting? Ako, kasama siya? Siya, kasama ako? Ok lang sa kanya `yun? Eh lalaki ako tapos babae siya tapos..
TEKA NGA ROI. Eh bakit ka ngumingiti d`yan!?
“May isa pa pala akong tanong”Sa puntong ito, kapag ganito kakulit ang isang tao sa akin at kausap ng kausap sa akin, tinataboy ko na. Pero bakit kapag siya…
“Bakit nandito ka? I mean, tignan mo nandun sila…”Tumingin naman siya sa medyo malayo layong table kung saan nakatambay ang mga blockmates namin, hindi na ako tumingin pa.
“Tapos ikaw, nandito”Tumingin naman siya sa akin na parang gustong gusto malaman kung ano ba ang dahilan kung bakit lumalayo ako. huminga ulit ako ng malalim.
“Ayoko sa mga tao”“Ha?”Napakunot ang noo niya na parang hindi niya nagets ang pinagsasasabi ko.
“Ayaw mo sa tao? Eh bakit ako nandito?”Tumayo siya bigla na ikinagulat ko. Para akong nagpanic ng hindi ko malaman nung tumayo siya.
“Pasensya na sa istorbo”Papalayo na siya ng bigla kaming nagulat nung hinawakan ko ang braso niya.
“Teka.”Nagkatinginan kaming dalawa. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano nangyari sa akin at pinigilan ko siya sa pag alis na kapag ibang tao naman ay ako pa ang nagpapaalis.
Ngumiti siya sa akin na para bang may laman ang ngiti niyang `yun. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko, wala akong masyadong marinig kundi ang pagtibok nito.
Umupo ulit siya sa pwesto niya kanina, sa tabi ko.
“Akala ko ba ayaw mo sa tao?”Natigilan ako sa tanong niya. Kinakabahan pa din ako.
Akala ko din eh.
Replies:tots: Hindi naman kasi to nakakakilig ehh~ haha
Jeh: Hahaha. Oo nga eh
Zii: MAY SOMETHING!! Ako na naman tong si something. hahaha
Gia: Kasi boring naman kung seryosong seryoso di ba? hahaha
Jes: HAHA OO NGA TAMA KA JAN! :> Mikan? Natsume at Mikan?
