DNC #1.
"WAT AN AMEYZEENG OWFA! BAT WEYT! DERS MOW! if you call for the next 10 minutes, we will give it to you for a low low price of $1999.00"Sa tuwing batong bato na ako sa bahay at wala akong ibang magawa, nanonood na lang ako ng HSN o TV Home Shopping Network.
Nakakaenjoy lang kasi `yung paulit ulit na sinasabi nila, nakakatuwa `yung boses ng narrator at nakakaamaze naman talaga `yung mga binebenta nila dun.
May suklay na umiikot at parang plantsa kung makastraight ng buhok ng babae, may kutsilyo na malambot pero matalim, may kama na may lamang hangin sa loob, may sinturon na kaya kang papayatin habang nagrerelax ka in a few minutes at kung anu-ano pang mga bagay na makakapagpadali daw ng buhay natin.
Wala naman na talaga akong balak mag aral pero dahil para na akong sasabog dahil napaka boring sa bahay, binigyan ako ng nanay ko ng pang enroll. Kahit na anong course, kahit saang school basta lang hindi niya ako makita sa bahay ng school hours.
Pumapasok na ako sa school, mabuti naman akong estudyante pero paminsan minsan ay talaga namang tinatamad ako. Papasok ako ng school pero hindi ako aattend sa klase. Minsan tumatambay at ang mismong tambayan ko ay ang labas ng classroom namin.
Lagi din akong mag isa dahil hindi ko nga talaga kailangan ng makakasama. Hindi ako mahilig makipag usap at ayaw ko sa lahat ay maging dependent sa ibang tao. Kaya kahit nasa block section ako, halos kakaunti pa lang ang kilala ko sa mukha at pangalan.
Naglalakad ako papasok ng school isang araw. May earphones na nakakabit sa magkabilang tenga, malakas ang volume, metal rock ang tugtugan at talagang feel na feel ko ang musika.
Feeling ko nga nasa music video ako eh. (So Gay)
Napatigil lang ako sa pag fifeeling at paglalakad ng may maramdaman akong may kumalabit sa akin. Ready na akong sabihin ang ‘wala akong pera’ dahil akala ko ay pakalat-kalat na pulubi lang ito pero nagulat ako ng may isang pamilyar na mukha ang bumungad sa may kanan ko.
May sinabi siya pero hindi ko narinig kaya tinanggal ko ang earphone ko sa kanang tenga ko.
“Hi Kuya!”Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Mapapansin mo sa mukha niya ang nunal niya sa may kaliwang mata niya na nagpapacute sa—teka. Ano ba `tong pinagsasasabi ko.
“Bakit?”Binigkas ko na may malamig na himig. Gusto ko kasing ipaalam sa kanya na kahit hindi ko sabihin na ayaw kong may kausap ako.
“Di ba ikaw `yung kablockmate ko?”Parang nag ilaw naman ang light bulb sa utak ko ng marealize ko na kaya pala pamilyar ang boses at mukha niya sa akin.
“Ah. Oo”Sinabi ko as cold as possible na tipong giginawin siya at kakailanganin niya ng jacket sa sobrang lamig. (Weh, korni ko) Nagsimula na akong maglakad at balak bumalik sa music video ko ng marealize kong sinasabayan niya ako sa paglalakad.
Napahinto ako at huminto din siya. Ano ba `tong babaeng `to, gaya-gaya.
“Bakit ka huminto?”Tinignan ko lang siya ng mabuti at inobserbahan. Gusto ko din sana tanungin kung bakit siya huminto nung huminto ako pero ayun, naglakad na lamang ako dahil hindi ko nga trip makipag usap sa iba.
Kinabit ko na ulit ang earphone ko sa tenga ko na tinanggal ko kanina, pero dahil sa sobrang lakas nito, hininaan ko na lang ang volume para marinig ko kung magsasalita itong babae na `to.
Pero teka, dapat wala akong pakielam sa kanya ah?
“Bakit ganun…”Tinignan ko lang `yung babaeng kanina pa nakikisabay sa paglalakad ko. Nakatingin lang siya sa dinadaanan namin habang naglalakad. Ako naman, hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin. Pero dapat talaga wala akong pakielam eh.
“Bakit ang misteryoso mo?”Tumingin siya sa akin. Medyo nagulat ako kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. Sa iba na ako nakatingin pero nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin pa din siya sa akin.
Kinalabit niya ako saka ako tumingin sa kanya, medyo nahihiya pa ako.
“O?”Tumigil siya sa paglalakad at ngumiti.
“Wala wala. Ako nga pala si Louise. Ikaw?”Iniabot niya ang kamay niya. Natulala ako panandalian sa kamay niya dahil ayaw ko man sabihin, first time lang na may gustong makipag shake hands sa akin.
“Titigan mo lang ba kamay ko o ipapakilala mo din sarili mo?”Sa hindi malamang kadahilanan at parang hindi labag sa puso`t isipan ko na dapat ay labag na labag ito, hinawakan ko ang kamay niya at nakipag shake hands. Nailang ako nung ngumiti siya sa akin.
“Roi. Roi nga pala”At bakit…
Bakit ako nagpakilala?
Replies:tots: ahihi. salamat :">
mikan35: wala pa, ikaw naman. hehe. name mo nga pala?
Anya: salamat ng marami!
Nekeisha: woah. pwedeng keisha na lang tawag ko sa`yo?
Joy: yie. salamat :">
Bianca: ikaw naman eh. pinapakilig mo me. ahihi. salamat! :">
Rachelle: oyy~ me is very thankful c:
Jeh: Salamats c:
Juna: ankyot ng name. aha. Salamat
Marielle: sige ah, pag nawala ka iiyak ako. haha joklang. salamat
Gia: Yie. kinikilig ako sa`yo. hihi. :">
Lyn o Zee: d ko na syor kung ano itatawag ko sa`yo :/ :/ :/
Blue: Salamat ng marami!
EM: Alam mo `yung stalker? hahaha. salamat em
Shamie: wala pa eh. ngayon pa lang oh. haha. salamat
