silent reader po ako 
support

Thank you!
parang na gets ko.. cguro nabading to !! haha
exciting. SUPPORT!
Hahahaha! Thank you!
Tengene, andami kong tawa sa intro.

Support! 
Thanks!

Tengene.
May bago na naman akong tatambayan. HAHAHAHA!!!
))
Dod! Magcomment ka nga dun sa RMFRK! Hahahaha!
hahahaha ang adik nung intro ee
anu nangyari?? bakit naging curved???
SUPPORT
Bakit naging curved? Hihihi!
Read the first chapter!
Thanks!
HERE IT IS, GUYS!
A. "Hey, Baby!" Bati ko sa girlfriend ko ng 8 years na si Asia. Umupo na rin ako sa tabi niya.
"Hi, Dylan." She smiled. Teka, parang may mali. And what? Tama ba narinig ko? 'Dylan' lang?
"May problema ba? Masama ba pakiramdam mo?" Hinalikan ko siya sa noo niya.
"We need to talk, Dylan." Napaatras ako ng kaunti. Iba ang dating sakin ng aura ngayon ni Asia, parang wala siyang gana. Parang nawawala yung glow niya.
Which is kakaiba dahil masayahing babae ang fiancee ko. Mabait siyang tao, bihira lang siyang magalit at kapag nagalit siya... malumanay pa rin siya magsalita. Kaya nakakapagtaka ngayon ang ikinikilos niya.
"About what?" Umayos siya ng upo. Nandito kami sa park na paborito naming puntahan. Nakaupo rin kami rito sa bench na paborito naming upuan.
"About us." Nakatingin siya sa kamay niyang nakalatag sa lap niya.
"Anong meron? May problema ba satin?" Nag-umpisa na akong kabahan. Hindi naman ako tanga para hindi ko maintindihan ang ipinahihiwatig niya. Marunong naman ako makiramdam! Pero sana... mali yung iniisip ko na gusto niyang mangyari.
"Oo, Dylan. May problema sa ating dalawa, hindi lang isa sa atin ang may problema." Natulala ako sa mga binitawan niyang mga salita.
"Anong gusto mong ipahiwatig, Asia?" She sobbed. No, please don't cry.
"Have you ever thought of being with somebody else?" I shook my head.
"I mean, Dy--Since first year high school, tayo na. We had our fights and yes, we conquered them together. Nagbreak man tayo dati pero nagkakabalikan din tayo agad. Hindi ko binigyan ng chance yung ibang nanligaw sakin, ikaw naman hindi ka nanligaw nung mga type mong girls. Hindi mo ba naisip na kahit minsan... may mas better sa akin?" Huminga ako ng malalim. Ang tagal mag sink-in sa akin ng mga sinasabi niya.
"Bakit, Asia? Have you met someone who's way better than me?" She shook her head.
"Wala, Dylan. Pero what if---" "P---inang what if yan!" I shouted. Hindi ko na mapigilan. Never akong pumitik sa harapan ni Asia because she doesn't deserved it. Hangga't maaari, hindi ako sumisigaw at nagagalit sa harapan niya.
"I'm sorry, Dylan." She cried.
"I love you so much pero kailangan na muna nating maghiwalay." Tumulo bigla yung pinipigil kong luha.
"8 years, Asia! 8 years?! Itatapon mo lang dahil sa isang maliit na 'what if?' Hindi mo ba naiisip kong anong iiwan at tatalikuran mo?" She sobbed.
"You know me, Dylan. Hindi ako gumagawa ng isang desisyon--maliit man o malaki--na hindi ko pinag-iisipan ng husto." She defended herself.
"Maybe someday, pasalamatan mo ako dahil dito." She tried to smile.
"Pasalamatan? Bakit naman kita papasalamatan sa pananakit na ginagawa mo sakin ngayon?" She winced.
"Dahil baka someday, makilala mo talaga kung sino yung nararapat sa'yo at pasasalamatan mo ako dahil binigyan natin ang isa't isa ng space para makilala pa yung sarili natin, para makapag-explore pa sa mga bagay na hindi natin na-experience ng hindi kasama ang isa't isa. And you never know, baka tayo nga ang para sa isa't isa..." Nanahimik ako at tinignan ko kung saan siya nanggagaling.
May punto siya, paano nga kung hindi kami ang para sa isa't-isa? Paano kung may ibang tao ang nakalaan para sa amin? Hindi pa naman siguro nakikita o baka nakita na namin pero hindi pa namin nare-realize.
"Sinisave ko lang tayong dalawa sa posibilidad na magsisi tayo pagkatapos nating ikasal." Bigla siyang nagsalita.
Yung kasal... "Paano na yung nalalapit nating kasal?" My voice broke.
She breathed first.
"We're calling it off."Nanahimik lang ako sa kinauupuan ko. Tahimik lang akong umiiyak.
So this is it?
Sa hinaba-haba ng 8 years... hindi matutuloy yung inaasam kong wedding?
Sa hinaba-haba ng 8 years... hindi rin kami magkakatuluyan? "Dylan Marcial Alejandro, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Ayokong isipin mo na may iba dahil ikaw yung pinaka the best na nangyari sa buhay ko, I would never cheat on you. I love you, Dylan." She leaned in to kiss me.
"I love you, too, Anastasia Reynoso." She hugged me tightly.
She pulled away.
"Goodbye, Dylan." And then she left.
Goodbye, love.
Ang hirap talagang makabuo ng break-up scene. Ang bigat sa dibdib ng mga emosyones! XD
And again, refrain from silent reading. lol
Thank for reading! <3