Kung akala niyo madaling maging lalaki... DOTA, barkada, babae? HA. Ulit.
Akala niyo lang yun.One message received.Lafs.Ano?? KAUSAPIN MO KO. Fvck.Kasalukuyan akong nasa byahe pauwi ng bahay. Dapat magkikita kami ni Miki ngayon since hanggang 8pm ang klase niya, may one hour vacant naman siya at hanggang 11am lang pasok ko ngayon.
Actually, dapat may overnight kaming lakad ni Miki. Pero syempre, kasama barkada niya. Trip lang daw nila. Ok sana eh. Kung hindi lang ako mahilig sa overnight-overnight na yan. Pang-chicks lang yan eh. Sus.
At dahil dyan, DAHIL DYAN NAGALIT SIYA.
Magdadalawang buwan na rin kami ni Miki. Hindi ko na rin sasagutin kung kamusta kaming dalawa. Hindi ko rin kasi alam ang sagot. Naguluhan ako eh.
Siguro nga kasalanan ko rin kung bakit siya nagalit. Nung kinakausap niya kasi ako kagabi tungkol dun, ang sinasagot ko lang 'Sige. Ttry ko lafs'. Wala naman kasi akong siguradong sagot sa kanya. Ayaw ko rin namang diretsahin na 'Ayaw ko, hindi ako makakasama' kasi... ewan ko. Gusto ko lang ganun.
Kaya ayan. War freak nanaman girlfriend ko.
Ok naman na sana sakin kung overnight eh. Basta ba kasama si Tiban. At pag kasama si Tiban, syempre may isasama ding chicks yun. Si Nica.
Ok sana db? Ang dami namin. Eh ang kaso. Hindi naman gusto ni Miki. Kasi hindi nga naman namin bahay yun tapos kung makapag-aya kami ng kasama, akala mo mansyon namin eh.
Eh mansyon nila Mia yun. Edi sige, ako na mali.
At kapag nagagalit siya na may kasamang english na mura, umaatras ako. Nakakatakot kasi. Pag nagalit na yan, dire-direcho na. Parang siyang nagtatransform. First blood ba. Kaya ayokong ginagalit tong babaeng to eh.
Lagi na lang kasi akong talo. Pambihira.
"Eh baliw ka naman pala kasi pre eh. Ayusin mo. Tsk." Nakababa na ko ng bus nung tumawag si Tiban. Nagalit pa sakin ang walang hiya.
"G@go. Kung alam mo lang na ayaw kang isama ni Miki. Kanino ka pa kaya kakampi. Tss." Syempre hindi ko sinabi yun.
"Eh baliw ka rin pala pre eh. Anong magagawa ko? Umaatras lahat ng fighting spirit ko pag nagagalit na siya eh." Sagot ko habang kinakamot-kamot yung ulo ko.
"MAS BALIW KA G@GO. Bakit mo kasi ginagalit!"
At sa hinahaba-haba ng diskusyon naming dalawa, na kesyo may planong ganito, dalian mo pare lumuwas ka na ulit nagtetext na sakin si Nica na drama ni Tiban, pumayag na sina Mia na isama si Tiban at Nica. Kaya pagdating ng 6pm, bumalik na ulit ako sa school nila Miki. Dun daw kasi sila maghihintay.
Ewan ko ba. Pero kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.
One message received.Lafs.Asan ka na?To: Lafs.
Text: Lapit na lafs. Love you.
One message received.Lafs.K. Ingat.8:30 ang usapan sa gate ng school nila pero 8:25 na medyo malayo pa ko. Pag minamalas ka nga naman oh.
Galit parin sakin si Miki. Tss. Kahit siguro ako eh. Magagalit din ako sa sarili ko.
Nagkita muna kami nila Tiban sa may McDo bago pumunta sa gates. Habang naglalakad kami, inaasar-asar pa ko ni Tiban. Kesyo ang bading ko daw pag dating kay Miki.
Ikaw na maging girlfriend si Miki, mababading ka talaga.Wala pa kami sa may gate, nakita ko na siyang nakaupo sa may gilid. Yakap yung bag niya habang nakikipagkwentuhan kina Mia. Bigla namang tumibok ng mabilis yung puso ko. Alam niyo yun? Parang pinaghalong kaba at kilig.
"Ayan na pala sila Penn eh. Hello." Si Mia yung nakakita samin. Ngumiti lang ako habang lumalapit kay Miki. Dahan-dahan. Pero...
"Tara na Mia?" Tiningnan niya lang ako sa mata saka niya ko nilagpasan.
Malala na ito.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ETO NA! Ay grabe. Natuwa ako sa comment mo Karina. MAHAL NA KITA! Hihihi. Yay-ed you! HUGG! :">