Please login or register.

Login with username, password and session length


Poll

Ilang chapters pa ba ang gusto mo?

1-5
6-10
11-15
16-20
20-above

Author Topic: Para Sa'yo: Chapter 28: Gitchi Gitchi Goo  (Read 19256 times)

xajxiajxD

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1158
  • Karma: +47/-3
  • k'die
    • TUMBLR
Re: Para Sa'yo: Chapter 23: Doraemon
« Reply #480 on: December 06, 2012, 11:03:37 pm »
Ikaw na talaga Ej! Makabanat ka, wagas hahahaha naeexcite na ko, sana iuwi ni Serene si Ipis nya, este iinvite pala sa party ng papa niya
Be a lady,not a !@#$.

prinsesangmanhid

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 51
  • Karma: +1/-0
  • Fan ako ni Bob Ong. Mwa.
Re: Para Sa'yo: Chapter 23: Doraemon
« Reply #481 on: December 07, 2012, 12:07:00 am »
Ang gandaa <333. Astig talaga ng mga kwento dito :*

Riri

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 609
  • Karma: +33/-2
  • MAHAL KITA... seryoso ka ba??
    • Yeah! It's Riri
Re: Para Sa'yo: Chapter 23: Doraemon
« Reply #482 on: December 07, 2012, 10:31:56 pm »
my ghad!! pwede matunaw sa sinabi ni EJ~~~~~~~~~~


KILIG TO THE BONES!!  :D


bgjhstvbfdgj,srhvgsvhljsdggif   ;D ;D ;D ;D ;D ;D ;D ;D ;D ;D ;D ;D :D :D :D :D

phantomknight

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 509
  • Karma: +32/-8
  • I'm Danny.
Re: Para Sa'yo: Chapter 24: Double Celebration
« Reply #483 on: December 23, 2012, 06:42:42 am »
Chapter 24: Double Celebration

Nalaman kong hinatid pala ni Kuya yung bag ko at pinahiram ko rin kay Ipis yung shirt ni Kuya. Nakatulog naman ako ulit at paggising ko.

"Alas otso na?! :o "

Napatingin naman ako sa nakahiga sa kama tapos nakangiti lang siyang nakatingin sa'kin.

"Bumili lang siya ng pagkain. Uuwi ka na ba sainyo para mag-celebrate? Tumawag pala yung Papa mo kanina. Ako na yung sumagot. Sorry. Nagpaalam na ako sa kanya kung pwedeng isama si EJ sa celebration niyo, pumayag naman siya. Okay lang ba? :) "

Napatingin naman ako sa cellphone ko at may text nga ni Papa.

'Sama mo na si EJ. Magka-birthday pala kami eh. Ayos! ;) '

Tumingin na lang ako kay Tito Sky at tumango sabay ngiti. May dapat pala akong i-look forward ngayong araw.

"Dadalhan na lang namin kayo ng pagkain, Tito Sky. ;) Pagaling po kayo ha? :) "

Tumawa naman siya. "Okay naman na ako, Serene. Salamat. :) "

Bigla namang pumasok si Ipis at may dala ngang pagkain. "Dad, bumili lang ako ng pagkain namin ni Serene. Hospital food muna kasi yung sa'yo."

"Tito Sky, andiyan na siya. Aalis na kami ha?"

"Okay! Mag-ingat kayo lalo na ikaw! Mag-ingat ka sa anak ko! ;D "

Hinila ko naman palabas si Ipis. Kailangan na naming makarating sa bahay asap. Paniguradong inaantay ako nun ni Papa.

"Oi Serene! Saan tayo pupunta? Bakit natin iniwan si Papa?"

"Punta muna tayo sa bahay niyo at maligo ka at magbihis nang maayos. Papa mo ang nagsabi nito."

Sumakay na kami ng trike at nagpunta agad sa bahay nila. Pinapasok ko agad siya.

"Bilisan mong maligo! Tsaka wear your best! Birthday mo ngayon kaya dapat ikaw yung may pinakamaayos na suot!"

Pumasok na lang siya sa kwarto niya agad at pinag-antay lang naman ako ng 2o minutes. Okay. Pagbigyan na. Birthday niya naman eh.

Sumakay ulit kami ng tricycle at nung malapit na kami sa bahay, pumara agad ako at tumakbo papasok sa loob.

Pagpasok ko, tumingin sa'kin yung buong pamilya ko. Pagtingin ko sa likod ko, wala si Ipis. Pumunta ulit ako sa may gate at nakita ko siyang nakatayo sa may tabi.

"Oi! Pumasok ka nga dito!"

"Ayoko. Nakakahiya. :-[ "

Bigla ko naman siyang kinaladkad papasok ng bahay namin.

"Pa, Ma, Ate, Kuya, kaibigan ko po. Birthday niya rin ngayon. Wala siyang kasama mag-celebrate kaya sinama ko siya." Halata kong nagulat silang lahat except kay Papa. Nakaayos na rin sila ng gamit at halatang paalis na rin. Wala ba silang balak antayin ako? ^-^

Tumakbo naman ako papalapit kay Papa sabay yakap ng mahigpit. "HAPPY 42nd BIRTHDAY PAPA!!! :-* :D " Sabay kiss sa cheeks niya.

"Di mo naman na kailangang sabihin kung pang-ilan 'di ba?" Natawa na lang ako. "Maligo ka na bilis! Magsisimba muna tayo taka family lunch."

"Yes, Sir!" Sabay saludo sa kanya. Dali-dali naman akong pumunta sa kwarto ko, naligo, nagbihis, nag-ayos at tadaaaaa! Tapos na! 8)

Pagbaba ko, nakita ko si Ipis na nakaupo sa sofa nang mag-isa. Nakita ko naman sina Ate at Kuya sa kabilang sofa. In-iinterrogate yata siya.

"Ate, Kuya, wala kayong makukuha sa kanya. Hindi ko siya boyfriend kaya shoo! Tara na at magsisimba pa tayo."

Nakita ko si Ipis na gulat kaya nagtaka naman ako. Hawak niya pa rin yung paperbag na may pagkain. Hindi pa siya kumain? Magugutom siya niyan. Ako rin pala. Haha.

Sumakay naman kami ng kotse na hiniram ni Mama sa kapatid niya, na Tito namin, at umupo ako sa likod at tumabi sa'kin si Ipis.

Kinuha ko yung paperbag sa kanya at kumuha ng kakainin ko kahit kaka-sipilyo ko lang. "Kumain ka na rin. Isang oras ang pagsimba kaya baka magutom tayo." Tumango naman siya. "Ano pala religion mo? Baka bawal ka."

"Roman Catholic ako. Pareho lang tayo."

Napatango na lang ako pero deep inside nagtaka. Pano niya nalaman na Roman Catholic ako? Pero madali lang naman yung malaman eh.

Tahimik na lang kaming kumakain habang yung buong pamilya ko eh nagdadaldalan.

"Ma o! May dinala ng boyfriend si Serene!" Sumbong ng Ate ko.

"Hindi pa boyfriend, manliligaw pa lang ata." Sabat ng Kuya ko.

"Kaibigan lang naman daw sabi ng Papa niyo."

"First time magdala ng lalaki ni Serene eh! Birthday pa ni Papa. I smell something fishy!"

"Pustahan, dun din papunta niyan. Pero siyempre, dadaan muna siya sa'kin. 8) " Sabay akbay kay Ipis. Pinagsasabi nito?

"Tumigil na kayo. Nakakahiya naman kay EJ. Pareho kaming may birthday ngayon kaya espesyal ang araw na 'to sa'ming dalawa. Sana wag kayong ganyan."

Natahimik naman bigla sina Ate at Kuya. Napangiti na lang ako. Ang bait talaga ni Papa.

Malayu-layo pa sa simbahan, naubos na namin yung kinakain namin.

Pagpasok namin sa simbahan, sakto namang magsismula pa lang.





"...PEACE."

Nag-'peace be with you' naman ako sa ibang tao tapos nag-kiss sa cheeks nina Papa at Mama. Ganun din ang ginawa nina Ate at Kuya. Tumingin naman ako kay Ipis na nakatayo lang at hindi gumagalaw o kahiy man lang mag-'peace be with you'.

"Ui." Tumingin siya sa'kin kasi ako ang katabi niya. "Peace be with you. :) " Sabay tapik sa braso niya.

"Peace be with you." Sabay namang sinabi nila sa kanya.

Lumapit naman si Mama sa kanya at bigla siyang niyakap. "Peace be with you."

Lahat kami nagulat, si Papa hindi. Ang weird ni Mama eh. Bigla ba namang mangyakap.

"Peace be with you. :) " At nakipag-shake hands naman si Papa sa kanya.

After namin magsimba, pumunta na kami sa Max's para mag-lunch. Waaaaa~ Mga tipong once a year lang kami sa ganyan kasi pinag-iipunan talaga. Makakakain ako nito ng marami. :>

Um-order na si Papa ng marami talang pagkain plus bottomless iced tea. Weeeee~ Pero siyempre, nag-pray muna kami before. Habang kumakain ako, kinausap ako ni Papa.

"Serene, salamat pala sa sandok na regalo mo. Kaaga-aga, buo na ang araw ko. :) "

Natawa naman ako. "You're welcome, Pa. Basta para sa'yo. ;) "

Bakit sandok? Kasi magaling magluto si Papa. ;D

"Elaine, pwede favor?"

"Ano po yun?"

May binulong sa'kin si Papa. "Asdfghjkl..."

 :o "SERYOSO KA DIYAN PA?!"

"Sige na, please? Birthday ko naman o. ;) "

"Pero Pa..."

Mahaba-habang pilitan pa ang nangyari pero napapayag niya rin ako. Mahirap 'to pero kakayanin. :-X Binigyan niya ako ng kakailanganin ko at inubos ko na yung kinakain ko.

-0-0-0-

"Saan ba tayo pupunta?" Nakasakay kami ngayon sa bus at medyo malayu-layo pa pupuntahan namin. Inaantok pa man din ako. Siesta.

"Gisingin mo na lang ako pag nasa Baclaran na tayo ha?"

Umangal pa siya pero pinikit ko na agad ang mga mata ko. Magpopower nap lang ako.



Paggising ko, ang bigat ng ulo ko. Pano ba naman hindi bibigat eh nakasandal siya sa ulo ko at tulog din? Naman!

Pagtingin ko sa bintana, medyo malapit na nga kami sa Baclaran.

"Ui. Gising na. Malapit na tayo." Ang lapit ng mukha niya. :-[

Bigla niya naman dinilat ang isa niyang mata at ngumiti sa'kin. Inirapan ko lang. Pumara kami sa may Baclaran at pumunta muna kami sa Baclaran church para magsindi ng kandila.

"Pray tayo ha? Tsaka sabihin mo na rin sa Kanya kung anong birthday wish mo. Paniguradong matutupad yun."

Tumango naman siya at nagdasal na. Pati rin ako. After nun, nag-taxi na kami papunta dun.





"Star City?" At nagbayad na ako sa taxi. "Oi! Bakit ikaw ang nagbayad?! Nakakahiya na. :-[ "

"Wag kang mag-alala. Birthday treat 'to sa'yo ni Papa kaya hindi ko 'to pera."

Tama. Yun yung favor ni Papa kanina. Napa-oo na lang ako na kahit dapat buong pamilya kasama ko ngayon.

Alas kwatro na ng hapon kayo medyo okay naman na ang panahon. Mild lang yung init. Pagpasok namin, aba't malamig naman pala.

"Antayin mo ako dito ah."

Nagtaka naman ako sa kanya pero inantay ko lang talaga siya. Pagdating niya, may dala na siyang papel. Admission yata yun dito ah? Hala! Sabi ni Papa ilibre ko rin siya.

Kinaladkad niya ako dun sa may background na Star City at nilabas yung cellphone niya.

"Ngiti ka ha." Inakbayan niya naman ako. Ngumiti na lang ako at...

*click*

May picture na kami. "Ang cute mo. :) " Pinakita niya sa'kin yung picture namin na nakatingin siya sa'kin. Bakit hindi siya tumingin sa camera? :-[

Pumasok na kami tapos pinaikot yung papel sa wrist ko tsaka nilagyan ng stamp.

"Ang cute! Parang relo! :D " Natuwa lang ako talaga.

Pinat niya naman yung ulo ko. "Para kang bata. Tara na nga."

Una naming pinuntahan ay yung ballet show na free showing daw. Pagpasok namin, ang daming bata! Tapos may dalawang ducks sa stage. Tapos parang nagpapa-wave siya sa mga tao. Nung biglang tumuro sa'min.

"WOOOOO~!!!" Sabay clap-clap. Nakakatuwa talaga. ;D

"Welcome to ... ni Juan!!!" (Sorry nakalimutan ko kung anong tawag dun.)

Tapos nagsimula na.





"HAHAHAHAHA!!! NAKAKATAWA TALAGA YUNG ALENG NANININGIL NG RENTA!!! HAHAHAHAHA!!! PATI SI JUAN NAKAKATAWA!!! HAHAHAHA!!!" Hagalpak ako ng tawa. Pagtingin ko sa kasama ko, nakatingin lang siya sa'kin, nakangiti. May dumi ba ako sa mukha? ???

Ginulo niya buhok ko. "Tara na. Lazer Blaster na tayo."

Ewan ko kung anong pinagsasasabi niya kaya sumunod na lang ako. Alam niya yata 'tong Star City na 'to eh! First time ko kasi. Dapat nga ako yung mag-eescort sa kanya. Biglang bumaliktad tuloy. :-[

Nung natanaw ko yung malaking letters ng 'Lazer Blaster', super nakangiti ako. Gusto ko 'to!

Pagpasok namin, may kung anong binigay na papel si Ipis tapos sinuutan na kami ng armor. Pagkatapos nun, binigyan kami ng baril tapos pumasok na.

Medyo nag-adjust pa ang mga mata ko sa mga ilaw-ilaw sa loob. Nung naka-adjust na ako, bigla akong tumakbo at nagtago. Mission Impossible 'to. Gusto ko 'to. 8)

May natanaw akong tao tapos bigla ako bumaril. Boom! First shot ko! Ang saya! ;D

Lumipat naman ako ng puwesto at nag-antay. Second shot!

Lipat ulit, baril, lipat, baril, ilag, baril... hanggang sa maka-sampu ako.

"ONE MINUTE LEFT!"

Narinig ko naman. Naghanap ulit ako ng pwedeng barilin pero wala na talaga. Pagtingin ko sa likod ko, nakita ko si Ipis na hawak yung baril niyang nakatutok sa'kin. Inunahan ko naman siya sa pagbaril at nag-ilaw naman yung armore niya. Yehey! ;D

"3... 2... 1... STOP." At nagsilabasan na kami.

Pagtingin ko dun sa board, top 2 lang yung number ko. 11 nabaril ko at walang nakabaril sa'kin. Pagtingin ko dun sa top 1, 15 shots?!?!?! :o Ang adik nito ah!

Pagtanggal ko ng armor ko, nakita kong may dala-dalang malaking stuff toy si Ipis. Lumapit naman ako sa kanya.

"Saan galing yan?"

"Binigay sa'kin. Ako raw nanalo eh." Sabay kamot niya sa ulo. Parang di siya satisfied na nanalo siya ah!

"Ikaw yung top 1?! :o Adik talaga eh. Dapat ako nanalo dun! 0 death! Ikaw may isa!"

"Tinamaan mo ako eh. ;) "

Tinaasan ko na lang siya ng kilay tapos naglakad na kami palabas. Bungad na bungad pa lang, may nakita kaming umiiyak na bata. Linapitan naman siya ni Ipis tapos lumuhod.

"Nasaan Mommy o Daddy mo?" Mas lalong lumakas yung iyak nung bata. Ako naman ang lumapit tapos kinarga siya.

"Lalalalala~ Ang gwapo-gwapo mo. Hindi na yan iiyak. Ngiti naman diyan. :) " Bigla siyang tumigil sa pag-iyak at tumingin sa'kin sabay ngiti. Ang cute niya talaga! Magaling talaga ako pagdating sa mga bata. ;)

"Mommy..." Sabi niya sa'kin. Hala!

"Hindi ako nanay mo." At umiyak na naman siya. Waaaaa~ "Joke lang. Sige na nga. Ako mommy mo. Ngayon lang."

“Hmp. Maarteng bata. Gusto lang makayakap sa’yo eh.”

“Oi narinig ko yun. Wag ka nga. Kawawa naman ‘tong batang ‘to.”

“Oo na. Tara na at pumunta na tayo sa guard.”

Pagkasabing-pagkasabi niya nun, biglang umiyak ulit yung bata.

“O tahan na. Tutulungan ka lang naming mahanap parents mo.” Umiling-iling siya habang umiiyak. “Anong gusto mo?”

Sabay turo niya naman ng malaking barko na nagsswing-swing. “SERYOSO KA?!” Tumango naman siya kaya wala na kaming nagawa ni Ipis kundi pumunta dun.

Wala kaming nagawa kundi sumakay dun. Wala akong ibang nagawa kundi sumigaw nang sumigaw dahil nakakatakot na ewan.

Pagkatapos dun, inalalayan ako ni Ipis na umupo kahit karga niya yung bata na tuwang-tuwa. Bata ba talaga 'to? Ba't hindi siya takot?

Napasandal ako kay Ipis. Hilong-hilo na talaga ako.

After kong magpahinga, pinuntahan pa namin ang ibang rides tulad ng Magic Forest, Grand Carousel, Pirate Adventure, at marami pang iba. Ang naenjoy ko lang eh yung Peter Pan na feel na feel ko talagang nasa Neverland ako. Ang weird lang eh itong dalawa na nag-eenjoy talaga. Nakalimutan ko palang sabihin na pangalan pala nitong bata eh Ken.

"Gabi ng Lagim! Waaaaa~"

Akala niyo takot siya? Hindi. Super amazed siya to the point na pumapalakpak siya. Ano 'to? Don't tell me papasok kami diyan. :-X

Hinila naman ako ni Ipis kaya napasama ko at pagpasok ko pa lang...

"WAAAAA~ PAPA! MAMA! GUSTO KO NG UMUWI! :'( " At todo yakap ako sa kasama ko.

Takot ako sa aswang, tsanak, dwende, kapre! Waaaaa~!

Laking pasalamat ko nung nakalabas kami dun. Akala ko talaga katapusan ko na.

Pagtingin ko sa kasama ko, tuwang-tuwa na naman si Ken habang si Ipis eh namumula?

"Bakit pulang-pula ka diyan? Okay ka lang?"

Lalapitan ko sana siya hanggang sa naalala kong sobrang yakap ko pala sa kanya kanina. Nakakahiya. Baka hindi siya nakahinga nang maayos. :-[

Papunta na kami sa Snow World nang bigla naming makita si...

"Mr. Anghel!" Napatingin naman siya sa'kin.

"Hi Serene!" Tapos tiningnan niya yung katabi ko. "Hi Pinsan! At hi sa cute na batang katulad mo. :) "

Lumapit naman siya kay Ipis at ngumiti. "Happy birthday nga pala." Tumango lang si Ipis.

"Sige, aalis na ako. Mukhang naaabala ko date niyo ni Serene."

"Mr. Anghel, hindi-"

"Don't worry, Serene. Sa'tin lang 'to. Bye." At tuluyan na siyang umalis. Hmp. Hindi man lang pinatapos yung sasabihin ko.

Tapos yun na nga, pumasok na kami sa Snow World. Binigyan kami ng jacket at karga niya pa rin si Ken.

"Ui okay ka lang ba? Gusto mong ako naman ang humawak sa kanya?"

"Okay lang ako. Wag kang mag-alala. Preparation na 'to pag nagkaanak tayo. ;) " Aba't~?! Babatukan ko na sana siya pero hawak niya pala yung bata. "Eto naman. Joke lang yun."

At pumasok na kami.

-0-0-0-
"Ang lamig talaga dun." Nakakaantok na lamig kaya hindi nakapagtatakang tulog na si Ken. Karga pa rin siya ni Ipis. Seryoso, hindi ba siya nangangalay. Pagtingin ko sa orasan ko, alas otso na pala?! :o

Sinabihan ko naman siyang umalis na kami dun kaya pumunta na kami sa exit para ma-inform din na may nawawalang bata na kasama namin. Paglabas namin, may lumapit agad na lalaki sa'min.

"Ako pala ang Papa ni Ken. Pasensiya na kung naabala niya kayo." At kinuha niya na si Ken.

"Hindi nama po. Nag-enjoy nga kaming kasama siya, Mr?

"Tito Ruben na lang. Maraming salamat sa pagsama sa anak ko. Birthday niya kasi ngayon." Nagulat ako. Magka-birthday pala sila ni Ipis.

Biglang lumungkot yung mukha ni Tito Ruben. "At ngayon din ang death anniversary ng asawa ko, ng mama niya. Tumakas siya at nagpapasalamat akong kayo ang nakahanap sa kanya. At least alam kong masaya siya ngayong birthday niya."

Nalungkot naman ako bigla. Sa batang edad niyang yan, ganun pala yung naranasan niya? :(

Pinat ni Ipis yung ulo ni Ken at sinabing, "Pakabait ka ha? Kahit wala na yung Mommy mo, nandiyan naman ang Daddy mo na mahal na mahal ka. At sigurado akong binabantayan pa rin kayo ng Mommy mo. Ingat ka lagi at mag-aral kang mabuti."

At nagpaalam na kami sa kanila. Bigla naman may inabot si Tito Ruben kay Ipis.

"Para saan po 'to?" Pati ako nagtaka.

"Tickets niyo kung sakaling bumalik kayo dito. Isama niyo na rin pamilya niyo. ;) "

"Tito Ruben, kayo po ba ang may-ari ng Star City?"

Ngumiti lang siya at umalis na.



Nasa taxi na kami ni Ipis at gabi na pala talaga.

"Serene, may pupuntahan pa ba tayo?" Umiling naman ako. "Pwedeng last favor ko ngayong birthday ko?" Tumango ako.











"Sumama ka sa'kin. May sasabihin ako sa'yo."

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.



Ate Xaj, Riri, Ate April, salamat sa pagbabasa lagi. Appreciated kong lubos ang pagbabasa niyo nito kahit super lame na ng mga updates. :-[ :-\ :)

prinsesangmanhid, Bakit naman manhid? Sa pagkakaalam ko, walang taong manhid. ;) Ako pala si Danny. Ikaw? :) Salamat. :)

PS. Sorry talaga kung ang lame na ng mga updates. Hindi talaga ako makabalik sa dati. Feeling ko wala na akong kwentang author. Pero tatapusin ko pa rin 'to, promise. Maraming salamat sa mga magbabasa! :)

Next Chapter: Confessions

kayiiesh

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 8
  • Karma: +1/-0
  • candy ninja 17
    • Ang Notebook ni Kayiiesh
Re: Para Sa'yo: Chapter 24: Double Celebration
« Reply #484 on: December 23, 2012, 05:59:20 pm »
Wheeeeeeeeeeeeee! Fan po ako ninyo! Sorry nga po kasi silent reader po ako  :D Anyway, salamat sa inspirasyon! Ang cute talaga ng plot ng story niyo. At sobrang relate po talaga ako sa pagtulog sa library. ;D
Ang notebook ni.....
❅   c l e r i c   m i s h u w a k i   ❅

xajxiajxD

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1158
  • Karma: +47/-3
  • k'die
    • TUMBLR
Re: Para Sa'yo: Chapter 24: Double Celebration
« Reply #485 on: December 25, 2012, 10:58:09 am »
Merry Christmas Dan! HOHOHOH akala mo lang lame, kasi ikaw gumagawa eh, kami reader, samin ka maniwala hahahaha
Natawa ako sa sandok na regalo, matry nga din yan minsan, baka mapukpok sa ulo ko..hahaha
Tsk, kaya mahirap maguwi..i mean, magdala ng lalaking friend sa bahay, napagkakamalan bwahahaha
Be a lady,not a !@#$.

phantomknight

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 509
  • Karma: +32/-8
  • I'm Danny.
Re: Para Sa'yo: Chapter 25: Confessions
« Reply #486 on: December 28, 2012, 10:49:22 am »
Chapter 25: Confessions

"Ang lamig."

Bukod sa malapit ng mag-December (Opo, hindi pa Christmas sa kanila), eh gabing-gabi na talaga.

Medyo lumapit naman ako sa kanya kasi sa lahat ng pwede kong katakutan eh multo pa. Ewan ko ba sa kanya kung bakit pa dito niya ako dinala sa sementeryo. Nakakatakot talaga. >_<

Napahawak na talaga ako sa damit niya. Para ba 'tong sa mga movies na biglang may lalabas na mga kamay sa ilalim ng lupa? Ayoko. Kung anu-ano na tuloy naiisip ng utak ko.

"Ui Serene. Natatakot ka? Humawak ka na lang sa'kin. Sorry kung kailangan pa kitang dalhin dito. Wag kang mag-alala, bibantayan tayo ni Mommy." In-offer niya sa'kin yung braso niya at dahil sa takot ko, bigla na lang akong pumulupot sa kanya. Namumula yata siya?

"Ba't ka namumula? Okay ka lang?"

Iniwas niya naman yung tingin niya. "Okay lang ako."

Bigla na lang siyang tumigil sa paglalakad kaya napatingin ako sa kanya. Malungkot yata siya. Tumingin naman ako sa harapan at nabigla ako sa nakita ko.



'SAN ANDRES, MICHELLE
Born: March 10, 19xx
Died: November 18, 2011'


Sino kaya siya? At pareho silang apelyido ni Ipis. First death anniversary niya ngayon. Bigla akong kinabahan. Ngayon ang birthday ni Ipis. Wag mong sabihing---

"Hi Mommy. Long time no see." Napatakip naman ako bigla ng bibig at may namuong luha sa mga mata ko.

Tumingin siya sa'kin at ngumiti, malungkot na ngiti. May pumatak na isang luha sa mata ko.

Umupo naman siya kaya naupo na rin ako. Walang nagsasalita sa'min. Siguro kinakausap niya Mommy niya.

"Alam mo, Serene..." Napatingin ako sa kanya. "Nawala si Mommy nun. Dapat sana mag-cecelebrate kami ng birthday ko. Pero umaga pa lang malungkot na ako, hindi ko alam kung bakit." Tumigil siya pero nakangiti pa rin. "Nung araw ding yun, nakipagbreak sa'kin girlfriend ko, si Mika, na di ko man lang alam kung bakit. Siyempre umiyak ako. Mahal ko yun eh." May tumusok sa may dibdib ko, ano yun? "Kaso nanghina na ako at parang mamatay na rin ang pakiramdam ko nang malaman kong naaksidente si Mommy, nabunggo daw siya, hit and run. Pagdating ko sa ospital, hindi na raw humihinga si Mommy. Hindi niya man lang ako inantay. Hindi... hindi..." Nanginginig ang boses niya. Umiiyak na ako. Huminga muna siya ng malalim. "Kaya simula nun, sinabi ko kay Daddy na hindi na ako mag-cecelebrate ng birthday ko, akala ko may sumpa eh. Tapos simula nun, naging woman hater na ako, wala na akong pinagkakatiwalaan na babae kaya yun, naging playboy ako." Tumingin siya sa'kin. Bigla ko namang kinusot yung mata ko. "Umiiyak ka?"

"H-h-h-hindi. Napuwing lang ako. Sige, ipagpatuloy mo na yung kinukwento mo."

"Tapos na eh. Si Mommy naman kakausapin ko." Tumango ako. Pag alis ko ng kamay ko sa mukha ko, nakita ko yung kamay niyang may hawak na panyo, in-ooffer niya ba 'to sa'kin?

Kinuha ko naman. Alam niya naman pala na umiiyak ako, tatanong-tanong pa. Hmp.

"Mommy, una sa lahat, gusto kong mag-sorry kasi ngayon lang kita binisita dito at hindi rin ako pumunta sa libing mo. Hindi ko matanggap nun eh." Tumigil siya sandali. "Alam mo, hindi ko pa rin kasi matanggap na... na wala ka na dito Pero siguro kailangan ko ng maintindihan kung bakit nangyari 'to... Sorry rin pala kasi naging playboy 'tong gwapo mong anak." Lumaki ang mga mata ko. Napanganga ako. Tumingin siya sa'kin kaya nabigla ako.

"Hindi ba ako gwapo?" Nagkibit balikat lang ako. Sumimangot naman siya. "Gwapo ka. Birthday mo naman ngayon eh." Binalik niya na ang tingin niya sa puntod. Teka... namumula na naman siya? Habit niya yata yung ngayong birthday niya. "Pero dahil sa babaeng kasama ko ngayon..." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Naging mabait na siguro ulit ako. Hindi na ako woman hater. Mahal kita eh. Pati rin 'tong katabi ko." Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, mas mabilis pa yata sa speed of light! Ano ba kasing pinagsasasabi niya? :-[











"Mommy, she's the girl closest to my heart...











...my bestfriend."


At biglang tumigil ang pagtibok, bigla yatang naging bato.



Wheeeeeeeeeeeeee! Fan po ako ninyo! Sorry nga po kasi silent reader po ako  :D Anyway, salamat sa inspirasyon! Ang cute talaga ng plot ng story niyo. At sobrang relate po talaga ako sa pagtulog sa library. ;D

Hello. OMG. Natuwa ako sa sinabi mo. Maraming maraming maraming salamat! Okay lang maging silent reader. At least ngayon kilala na kita! Anong name mo? Ako pala si Danny. :) Sana hindi pa huli, Merry Christmas! :) ;)

Merry Christmas Dan! HOHOHOH akala mo lang lame, kasi ikaw gumagawa eh, kami reader, samin ka maniwala hahahaha
Natawa ako sa sandok na regalo, matry nga din yan minsan, baka mapukpok sa ulo ko..hahaha
Tsk, kaya mahirap maguwi..i mean, magdala ng lalaking friend sa bahay, napagkakamalan bwahahaha

Ate Xaj, salamat. :') Natuwa ako sa sinabi mo. Sige, maniniwala ako sainyo. ;) Hahahahaha. Never pa naman akong nagregalo ng sandok kaya hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari pag yun nga ang niregalo ko. Hahaha. Ang technique para hindi mahirapan, magdala ng maraming lalaking friends sa bahay! Hahahahahaha. ;D Sana di pa late, Merr Christmas! :)

kayiiesh

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 8
  • Karma: +1/-0
  • candy ninja 17
    • Ang Notebook ni Kayiiesh
Re: Para Sa'yo: Chapter 25: Confessions
« Reply #487 on: December 29, 2012, 06:36:55 pm »
Grabe! Unexpected talaga ang mga kilig moments dito!  :D Syempre, kampi ako kay San Andres para kay Serene kaya't go lang ng go! Piliin kung sino ang PARA SA'YO!
Ang notebook ni.....
❅   c l e r i c   m i s h u w a k i   ❅

xajxiajxD

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1158
  • Karma: +47/-3
  • k'die
    • TUMBLR
Re: Para Sa'yo: Chapter 25: Confessions
« Reply #488 on: December 29, 2012, 08:34:13 pm »
Happy New Year Dan! HAHAHAHA
Okay lang siguro magregalo ng sandok, basta marami hahahahaha
Etooo namang si Ej, bestfriend? hindi nga? Kunsabagay, dyan yan nagsisimula hahaha nadedevelop pa yan
Be a lady,not a !@#$.

phantomknight

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 509
  • Karma: +32/-8
  • I'm Danny.
Re: Para Sa'yo: Chapter 26: Wet Look with Taho
« Reply #489 on: December 30, 2012, 03:41:41 pm »
Chapter 26: Wet Look with Taho

Saturday na ngayon. Sa Monday na ang intrams namin. Last minute practice ko na 'to since napasok na lang ako bigla sa basketball. Okay lang naman kasi ito lang maitutulong ko sa batch namin. Hindi na ako kasala sa iba pang events eh.

Anong nangyari last time? Eto sa pagkakaalala ko...

*flashback*

"SERENE ELAINE ROMERO! NAKIPAGTANAN KA BA?! BA'T NGAYON KA LANG UMUWI?!" Galit na galit si Mama. Hindi ko siya masisisi. 4AM na kasi.  :-X

"Elaine, yan ba ang pahabol mo sa'king regalo? Apo? :) " Ngiting-ngiti naman si Papa. "Sana kambal! ;D " Anong nakain ni Papa? -_-

"Ano ba yan, Serene! Naunahan mo pa ako! Kwento mo sa'kin bilis!" Binatukan naman siya ni Ate. Mukhang may topak talaga ang mga lalaki sa pamilya namin. Pero infairness, inantay talaga nila akong umuwi.

"Pagod na po ako. Bukas ko na lang po i-kukuwento."

Nahalata yata nilang wala ako sa mood kaya hindi na sila pa umangal. Umakyat na ako sa kwarto at paghiga ko pa lang, nakatulog na ako.

*end of flashback*

Pero sumunod na araw naman nun, kinuwento ko sa kanila. Si Mama lang yung medyo mahirap paintindihin pero tinanggap niya na rin naman. Nung araw ding yun, si Ipis lang ang pinag-uusapan nila buong araw kaya naglaro na lang ako ng Tetris Battle maghapon.

Pagtingin ko sa cellphone ko, 6:30 na pala. Isang oras na rin pala akong nagppractice. 5:30 pa lang kasi, nandito na ako. Wala naman kasi akong magagawa. Maaga akong nagising. Umupo muna ako sa bench kung saan nakalagay yung tubig ko. Uminom naman ako.

Bigla na lang ako atakihin sa puso nang may biglang tumakip sa mga mata ko.

"Hulaan mo. Sino ako?" Mas bumilis pa yung pagtibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya. Anong ginagawa niya rito?

"Kung di mo aalisin yang kamay mo, lilipad ka ng 15 meters above the ground. Magpasalamat ka at napigilan ko reflexes ko. Baka bali na buto mo ngayon."

Tinanggal niya naman agad yung mga kamay niya na nakatakip sa mga mata ko tapos tumayo siya sa harap ko. Weird lang kasi biglang nanlaki ang mga mata niya tapos tumalikod. Anong sumanib dito?

"Hoy. Anong nangyari sa'yo?"

Hindi pa rin siya gumalaw tapos kinuha na lang yung bola at nag-shooting na lang siya.

Nung nakapagpahinga na ako, bumalik naman ako sa court at makikipaglaro ako sa kanya ng one on one pero biglang tumakbo palayo sa'kin tapos siya naman ang umupo sa bench. Iniinis yata ako nito. ^-^

Nagpractice na lang ako ulit at hindi ko na siya pinansin. After 15 minutes, nakita ko siyang may hawak ng taho. Nakatingin siya sa malayo. Anong iniisip nito?

Lumapit naman ako dun kung saan siya nakatayo at manghihiram sana ng pera pambili rin ng taho. Pagkalabit ko sa kanya, tumingin siya sa'kin at nanlaki ulit ang mga mata. Mukha ba akong multo?! >:(

Pero ang nakakagulat, bigla niya akong niyakap. :o :-[ Ayan na naman, sasabog na dibdib ko. :-[



"Shete naman, Serene! Wag ka munang lalapit sa'kin! Mamaya na pag tuyo ka na!" Ha? Bakit? Anong tuyo? Hindi ko siya maintindihan. Huminga muna siya ng malalim at bumulong...






"Babala lang yan. Baka di ko mapigilan sarili ko at halikan kita."



Short chapter lang. Sorry kung sabaw ako. HAPPY NEW YEAR EVERYONE! Magpapaulan ako ng pasasalamat next year! Mahal ko kayo! :-* <3

Danny.

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2694
  • Karma: +35/-10
Re: Para Sa'yo: Chapter 26: Wet Look with Taho
« Reply #490 on: January 05, 2013, 10:33:10 am »
Happy new year sis!


Ayan nahabol ko na ang story mo. Hehehehhe

Namimiss ko na ang characters nina Sir Dads at Tito Sky, ang kukulit kasi eh... Pare-pareho sila ng daddy ni Serene. Yung tipong pagkasama mo there will never be a dull moment.. Hehehehe

Halatang halata ng naiinlove si Ipis kay Serene... Aaaayyyyiiiiieee...

phantomknight

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 509
  • Karma: +32/-8
  • I'm Danny.
Re: Para Sa'yo: Chapter 26: Wet Look with Taho
« Reply #491 on: January 05, 2013, 10:38:30 am »
Happy new year sis!


Ayan nahabol ko na ang story mo. Hehehehhe

Namimiss ko na ang characters nina Sir Dads at Tito Sky, ang kukulit kasi eh... Pare-pareho sila ng daddy ni Serene. Yung tipong pagkasama mo there will never be a dull moment.. Hehehehe

Halatang halata ng naiinlove si Ipis kay Serene... Aaaayyyyiiiiieee...


Happy New Year din sa'yo! Waaaaa~ Na-touch ako kasi binasa mo talaga. :) Yay sa'yo, Ate Sandy! At dahil kailangan nating mag-ingay dito sa cc, i-dededicate ko dito ang Next Chapter: CC Spirit! ;D Pero wala pa sa ngayon, bbyahe na kasi ako mamaya eh. Malapit na kasi ang pasukan.

candygirl10795

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2694
  • Karma: +35/-10
Re: Para Sa'yo: Chapter 26: Wet Look with Taho
« Reply #492 on: January 05, 2013, 10:48:11 am »
Happy New Year din sa'yo! Waaaaa~ Na-touch ako kasi binasa mo talaga. :) Yay sa'yo, Ate Sandy! At dahil kailangan nating mag-ingay dito sa cc, i-dededicate ko dito ang Next Chapter: CC Spirit! ;D Pero wala pa sa ngayon, bbyahe na kasi ako mamaya eh. Malapit na kasi ang pasukan.


Wow! Thank you so much sis! Have a blessed trip! Sensya na sa short comments at busy pa konti... Hehehe

xajxiajxD

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1158
  • Karma: +47/-3
  • k'die
    • TUMBLR
Re: Para Sa'yo: Chapter 26: Wet Look with Taho
« Reply #493 on: January 05, 2013, 06:45:44 pm »
Nakapagpigil na pala si Ej sa lagay na yan ah, bigla nalang nangyayakap hahahaha gustong maligo ng taho haha, sexy talaga ang wet look, kaya iwasan yan Serene  ;D
Be a lady,not a !@#$.

phantomknight

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 509
  • Karma: +32/-8
  • I'm Danny.
Re: Para Sa'yo: Chapter 26: Wet Look with Taho
« Reply #494 on: January 06, 2013, 08:01:16 pm »

Wow! Thank you so much sis! Have a blessed trip! Sensya na sa short comments at busy pa konti... Hehehe

Okay lang, Ate. Nakarating na pala ako dito. Na-flat nga pwet ko sa biyahe ko kagabi. Hahahaha. May pasok na bukas! Pero wala pa ako. ;D

Nakapagpigil na pala si Ej sa lagay na yan ah, bigla nalang nangyayakap hahahaha gustong maligo ng taho haha, sexy talaga ang wet look, kaya iwasan yan Serene  ;D

YAY sa'yo, Ate Xaj! Thank you for always supporting may story. :) And kahit late na, HAPPY NEW YEAR!!! ;D

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Be a Running Princess

by: guest, 2014-04-15

Remember how you said you'd try to exercise more this summer? Here's a totally fun way to do it! :D The Etude House Princess Run is happening on May 25 at Bonifacio Global...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved