Everything starts at highschool. Don't you agree? I mean, dito nagsisimula ang mga friendship na pangmatagalan, yung heartbreak na mahirap kalimutan, yung kilig na masarap balik-balikan at yung LOVE na ayaw mo nang iwan. Basically, majority of my diary entries are from my highschool experiences. Yoon kasi ang time na parang ang dami mong gusto at insecurities sa buhay.
I still perfectly remember myself the moment I entered our classroom during the first day of classes on my first year of highschool. I am chubby, small, dark and loud. I am confident because I thought things will change instantly in highschool. Akala ko pag highschool ka na, you'll be pretty and boys will fall in love with you like they do in movies.
Of course, that's not true. During my first year in highschool, it was hell for me. Andiyan yung criticisms sa itsura mo at yung kagustuhang magkaroon nang guys at lovelife. Aminin, lahat tayo dumaan sa ganun. Pero hindi ko naisip non na masyado pa pala akong bata para magisip ng ganong bagay. Minsan pala yung mga taong hindi mo aakalaing magiging related sayo, eh magkakaron pala ng significant place sa buhay mo. How
stupid of me, right?
------
Umupo ako sa 2nd row malapit sa pintuan. Natatawa ang mga katabi ko kasi napaka-ingay ko. Lahat ng new students eh kinakawayan ko at kinikilala ko. Sabi nga nila friendly ako. Yun na ata ang trademark ko noong 1st year highschool ako, take note: 1st day of classes palang yan. Sa harap ko ay may lalaking mas maliit sakin at hindi nagsasalita.
Narinig ko naman ang usap-usapan nilang siga daw yun sa dating school nila. Ang sabi ko pa nga
"SIGA?!?!? SA LIIT NIYANG YAN?!?" kinalabit ko naman si mr. bulinggit.
"Huy. huy huy!!" Matagal ako tumitig sakanya at medyo 20 years din bago siya lumingon sakin. Nakita ko naman siya na magkasalubong ang kilay at parang iritang-irita. Ang cute na bata.
"Ano?" whoa, siga nga!
"Anong pangalan mo?" "EJ.""ano? Ichi?""EJ." tapos humarap na uli sa board. Ang cute ng boses eh. kinalabit ko uli siya at lumingon siya na magkasalubong uli ang kilay.
"ano?""pasara ang pinto. salamat!" Nakaupo naman siya pero pilit niyang inabot ang pinto. Kinalabit ko uli siya at tumingin sakin na iritang-irita.
"Yung ilaw din. paki." Sinara naman niya ang ilaw tulad ng sinabi ko. Pinasara ko medyo maliwanag na kasi sa classroom paano mataas na ang araw. Napangiti nalang ako.
Sinong mag aakalang ang mr.bulinggit na yan ang magbibigay ng thrill sa buhay ko?
--------
But people do change. As years pass by, maraming nagbabago. I slowly became lady-like and I finally experienced the love story I was craving for. I became smaller than boys and I slowly became stupid in different concepts.
Tinangkaran na ako ni Mr. Bulinggit at ng the rest of the boys in the class.
In terms of appearance, im still simple. Pero mas naging attractive than before. Naging confident sa itsura kahit paano dahil na rin siguro sa mga naging manliligaw. Palit-palitan na ng mga syota ang bawat isa sa klase, and hell yeah, kasama ako sa exchange na yon. Doon ko din naprove na minsan pala yung mga taong hindi mo aakalaing magiging related sayo, eh magkakaron pala ng significant place sa buhay mo.
Mare-realize mo din, na pag pumasok ka na sa larangan ng pag-ibig sunod-sunod na katangahan ang maco-commit mo. Parang liliit ang mundo mo. Well, sa akin inborn na ata ang stupidity ko. Ewan ko lang sainyo.
*****
Sabi nila, walang taong "Bobo"..."Tanga" lang.
Yung 'Tanga' na nasa iyo na lahat ng pagkakataon at chansa pero pinalagpas mo pa.
Yung tipong abot-kamay na pero pinalayo pa.
Yung bagay na pinakawalan mo na di ba pero ngayon hinahabol habol mo na.
Tapos yung dating alam mong sumira sayo, nung bumalik, tinanggap mo pa.
YAN ANG TANGA. Enumerate kapa gusto mo? Name it.
Pero ang masasabi ko lang, yan ako.
Oo, Tanga ako..
Sa panahon na ito, dapat hindi pa tanga-tanga lalo na sa pag-ibig. Madali kang maloloko. Pero kung ikaw na nasa mismong sitwasyon, mahirap.
Mahirap hindi magpakatanga.
Pero aminin mo...Hindi ba't..
Sa mga bagay kung saan ka nagpakaTANGA..
...ay ang mga bagay kung saan ka mas MASAYA?
*****
At alam mo ba kung ano ang masasabi ko tungkol diyan?
Guess what, it's for you to find out.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Obliviousdarkangel(c)2011
THIS STORY IS BASED ON THE AUTHOR'S LIFE STORY. REAL NAMES OF THE CHARACTERS ARE CHANGED FOR THE SAKE OF THEIR PRIVACY. REMEMBER, THIS IS PURELY THE AUTHOR'S INTELLECTUAL PROPERTY. ANY MEANS OF PLAGIARISM SHALL ANSWER TO THE CONSEQUENCES GIVEN.
Author's Note:
Hi friends! It's me obliviousdarkangel, waking up from the dead at nagbabalik sa CC. Isa ako sa mga pinaka-naunang members dito sa CC year 2006 or 2007 ata yun? Anyway, sa mga hindi nakakakilala sakin. I am Kym or Kymie, the author of these IMMATURE stories: Do you believe in Magic? & A Labyrinth Love. I was 13 years old when i created those and I decided to create another story for a change.
I am 17 now, and since mag 18 na ako, naisip kong ipost dito sa CC ang isang story na matagal ko nang ginagawa. It is my own love story, na until present ay on-going. I dedicate this to candymag at least bago ako tuluyang magdalaga, bilang isang malaking part of my growing up. And of course, i want to share this story of mine para sainyong lahat. Im hoping it can teach you realizations and lessons in life. Obviously, ANG BIDA AY AKO. At ang mga characters dito ay malamang lamang kilala ng iba sainyo. Tulad ni prettychq18 na siyang bespren ko sa totoong buhay. Basta, expect pictures din on each events per chapter, kasi sabi ko nga..true-to-life to.
I hope you read and enjoy my story. PLEASE? I appreciate comments and sana supportahan niyo ako on this one tulad ng pagsuporta niyo sa ibang stories ko.
Also, support my bestfriend's stories. Magkaka-connect ang story namin. Read The Novelist by prettychq18. Andiyan din ako sa story na yan, at ang mga characters ng story na to. Ayun, thank you so much! And pls! Enjoy 