Chapter 3
Flashback
“Huy Yvonne. Di ba may binigay na map dun sa application form? Saan ba yung Gate A na yun. Ang aga aga, pagod na tayo.”, medyo naiirita na ko kaya nagreklamo na ko.
“Malapit daw sa McDonald’s yun e.”, parang hindi siya sure nung sinabi niya yun.
“McDonald’s? Wait, wait. Ang daming kainan dito. May Army Navy, Kenny Roger’s, pati Yellow Cab. Meron din mga ngayon ko lang nakita. Tapa King, Tropical Hut, Tokyo Tokyo, Mang Inasal. TAPOS MARAMI PANG IBA. Mukang mag-eenjoy ako dito pag dito ako pumasok ah. ANG DAMING MAKAKAINAN!”, malakas yata yung pagkakasabi ko. Nakakahiya naman. Baka sabihin nila hindi ako pinakain saamin. Huhuhu.
“Chelsea, you’re mad. Ang daming nakatingin sayo o. Naglalaway ka pa yata.”, napakasupportive naman ng best friend ko.
“You can’t blame me. You know I love food. I even prefer food over sleeping, diba? See, may McDonal- ayun yung McDonald’s!”, napalakas na naman yata yung pagkakasabi ko.
“Ano ba! You’re too loud kaya. Alam mo, isa pang sigaw mo, iiwan kita dito.”
“Sungit naman. Alam mo naman na hyper ako lagi e.”
“Aigoo... nagtampo pa yata. Dangssin eun, gwaenchanhayo? (Are you okay?)
“Eung.” (Yes.)
“Naega mianhaeyo, arassojyo?” (I’m sorry, okay?)
“Arasso.” (Alright.)
“But, that namja (man/guy), has been staring at you all this time. He’s been snickering as well. Siguro natatawa sayo. You, glutton, you.”
“Eh? Are you serious?”, I examined this guy who was “staring” at me daw. He’s tall. I mean, tall. O_O Maputi rin siya, looking at his body, he’s been going to the gym... I guess? It is well build kasi. Ang tangos ng ilong niya, and his eyes, perfect almond-shaped! And his lips, those lips... so... so... kissab- OH MY GOD AM I TURNING INTO A PERVERT!? You can’t blame me. Kasi naman...
“EARTH TO CHELSEA!? Nakikinig ka ba sakin? Kanina pa ko dumadaldal dito but it seems you aren’t paying attention.”, she then looked at me intently, “Oh my God, baka matunaw!”
I came back to my senses, “Huh? What are you saying? Matunaw? Ang alin?”
“Ang alin? Edi ‘yang hotness overload na nakatitig din sayo!”, term naman. Hotness overload? Well, I can’t argue with that. Pero yung term e. Hahahaha. Manyakis.
“Sigurado ka ba? Baka naman namamalik-mata ka lang. Kung anu-ano na nakikita mo. Adik ka siguro no?”, sumimangot lang siya. “Naku, 7:45 na! 8 o’ clock yung exam, tara na!”, hinila ko na papasok ng Gate A si Yvonne. Doon din pumasok si HO. :”>
Umakyat na kami sa location ng testing room namin. We didn’t wait outside for the proctor to come na. Dumirecho na kami ng upo sa seats naming. Yvonne is 04. I’m 09. Assa! (Yeah!) Magkatabi kami. Dati akala ko magkalayo kasi 04 tapos 09. Pero pavertical pala yung pagbilang, so k lang. Carry lang. Yung katabi ko, wala pa. Late yata. Naku, pumasok sana siya. Wala akong makokopyahan. I’m not saying na wala akong makokopya kay Yvonne. She’s smart. It’s just that, she’s righteous. Hindi siya nagpapakopya pag exam. Oo, kahit ako, hindi niya ako pinapakopya. In short, madamot siya. Joke lang, nagflying kiss ako kay Yvonne.
“Alam kong iniisip mo. Magtigil ka. Isa pa, if you pass, you pass. You fail, you fail.”, pinangaralan ako. Hehehe.
“Kthxbai.”, sabay flying kiss ulit.
Nagflying kiss lang din siya sakin. After nun, may biglang nag-giggle. Napatingin si Yvonne sa direction nung giggle. Tapos nanlaki lang LALO yung mata niya. O_O Then, she faced the board. Syempre, curious that I was, tumingin ako sa direction nung pinaggalingan nung giggle. Si 014, dumating na. Si HO. AHHHHH!
Pumikit siya ng mabilis. Parang nag-beautiful eyes. Tapos nag-smile, then tumingin na siya sa board. Para kong natunaw sa ginawa niya. I was puzzled. And flustered. Hihihi arte gumaganon na ko ngayon. Dumirecho nalang din ako ng tingin, baka sabihin niya, I’m stealing glances. Baka macharge as guilty pa ako, mahirap na. Hahahaha.
Dumating na yung proctor. Maraming sinabi. Too long; didn’t listen. Hahaha. Sama ko naman. Anyway, nagbigay siya ng instruction on how to properly write the name and other necessary fields to be filled up. Ewan ko ba, pero nung sinabi nung proctor na fill up the name box daw, tinignan ko yung kay 014. Pero medyo malayo, at maliit siya magsulat. Kaya hindi ko nakita.
But I didn’t stop there. I tried looking at it again. Tapos tumingin siya sakin, awkwardly... tapos ngumiti siya. Napatingin tuloy ako sa harap. Nakakahiya. Aiyooooo.
“Miss, is there any problem?, tanong nung proctor
“Sir? Ah, eh, wala po. Sorry po for interrupting your directions.”
“It’s okay. Please focus on your own paper.”
“Yes, sir.”
Tumingin ulit si HO sakin. Sabay ngiti. Tumango nalang ako. Mukang nadisappoint siya kasi hindi ko binalik yung ngiti. Pero ayoko nang mainterrupt yung directions. Baka madisualify pa ako sa pagkuha ng exam.
Ang tagal nung exam. Tapos Math pa yung inuna. Ang sakit sa ulo. Mangiyak-ngiyak ako kasi wala akong masagot ng maayos. =( Si Yvonne, muka namang walang problema sa pagsagot nung Math. Pag tingin ko sa left ko, si HO, diredirecho lang. ‘Perfect package’, I said to myself. Gwapo na, matalino pa. Haha.
Mabilis natapos si HO, pero hindi nakalagay sa loob ng folder yung answer sheet niya. Anong trip nito? Baka makita siya ng proctor niya, baka mapagalitan. I refrained from looking at his direction, given na nakalabas yung answer sheet niya, baka sabihin nangongopya ako. :3
Nagbreak muna ng 20 minutes. Lumabas agad kami ni Yvonne ng room para pumunta sa restroom. Bumalik kami right after to avoid being late for the second half. We saw HO along the corridors. He’s eating his snacks. Nakakatuwa naman siyang kumain, he looks very peaceful while eating. He looked at me. Tinignan ko lang din siya. Then, a girl came from behind and gave him a back hug. He looked surprised and looked behind to see the girl who hugged her. Nung nakita na niya yung girl, he hugged her and she hugged him back. I don’t know pero nakatingin lang ako sakanila nung magkayakap sila.
Ang cute nila tignan. They look so good together...
The proctor then signalled for us to go back inside the testing room. Madali nalang yung sumunod kasi English comprehension nalang yung exam. And Science pa pala. I don’t have any troubles with Science though kaya maaga akong natapos.
I kept my answer sheet inside the folder together with the test booklet. I sat comfortably waiting for the exam to come to an end. I felt someone staring at me. Si HO, nakatingin sakin. I stole a glance at him, kaso nakatingin din siya sakin. So hindi nakaw yun? Whatever. Pero inalis ko agad yung tingin ko sakanya. Baka sabihin e... Hmph.
The proctor told the others to stop answering and gave a series of instructions again. We diligently followed para naman makauwi na kami ng maaga. Although maaga pa kasi mag tu-twelve noon palang naman. Pero ayaw nga namin magstay sa labas ng matagal.
Lumabas agad ng exam room si HO. Ewan ko pero for some reason, lumabas din ako agad after all the announcements. Pag labas ko, nakita ko siya, only to see him with the girl from before. Tumalikod nalang ako tapos hinintay ko lumabas si Yvonne.
“Ya, bakit hindi mo ko hinintay?”, she said, parang naiirita
“Ah, jjinja! Naega michin geoya!” (Ah, really! I’m going crazy!)
“Waeyo?” (Why?”)
“Molla. Jal moleugess neundeyo.” (I don’t know. I’m not sure.”
“Aish, ang labo mo talaga kausap! What’s wrong?”
“It’s nothing really. Gaja!” (Let’s go!)
“Joha, arraso.” (Okay then.)
We went straight home then. Di ako makatulog. Bakit iniisip ko siya. Si HO. T.T Hay, makikita ko kaya siya sa university? E ang laki nun. Hay, sana nga. :”> LANDE!