CHAPTER 5 : DARREN & I DARREN POV Nag-ring na yung bell ..
“ Yes ! uwian na.. “ sabi ko.
Bago pa ako lumabas ng classroom ay inayos ko muna ang sarili ko. Remember what ate sungit said ??
hahaha. Syempre dapat gwapo !! baka may mga girls sa labas ..
“ pauwi kna ba ?? “ tanong ni dave.
Dave is my bestfriend. Magkapitbahay lang kaming dalawa.
“ oo, pauwi na ako. ““ sabay na tayo ! ““ sige.. “Palabas na kami ng gate pero may nakita akong girl sa garden. Nag-iisa alng siya. Nakaupo lang siya dun e halos lahat ng mga students ay umuwi na. na-curious ako kaya nilapitan ko siya.
“ ahm, hi ??” sabi ko.
“hello. ““bakit di kpa umuuwi ? e kse halos lahat ng mga students ay umuwi na.. ““wala. Gusto ko lang ienjoy sa school ang bawat araw na binibigay sa’kin ng Diyos. ““bakit ??”Hindi na siya nagsalita. Bigla na lang siya nalungkot ..
“ hoy Darren, uuwi ba tayo o uuwi ?? mag gagabi na oh ! “ sigaw ni Dave.
“teka lang, papunta na.”Pagkatapos ay nagpaalam na ako kay…
“ naku !! nakalimutan kong itanung yung name niya !! ““iba ka talaga ! mambabaiktima ka na naman ! ““hindi ah… parang kakaiba siya e. gusto ko siyang maging kaibigan. ““naku.. o tapos, liligawan mo tapos lolokohin mo ??”“hindi nga !! hmp. “Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad hanggang makarating ako sa bahay.
5:30 pm“wala pa pala si Ate, makapaglaro na nga lang muna ng soccer ! “* * *
DAPHNE POVASSEMBLY(GYM) bago mag-uwian.
5:00 pm“class, kung sino ang gusto sumali sa dance troupe, maiwan. Yung mga hindi sasali, pwede nang umuwi. Goodbye and thank you. ““goodbye and thank you Ma’am !” sabi namin.
Aalis na dapat ako pero biglang may humatak sa’kin.
“Daphne, sali tayo !”anak ng teteng !!
si William my loves na naman pala !
nagbablush na naman akoo.. tst.
“eh?”“tara, Sali tayo !” yaya niya sa’kin.
“hindi ako sanay e.”“tuturuan kita. Madali lang sasayawin natin.”“baka hindi ko kaya.. ““kaya mo yan ! you can do it !” nakangiti siya. Ang cute niya talaga pag nakangiti ! hindi ko siya matanggihan pag nakangiti na siya.
“sige na nga.”“yes !!”“bakit ??”“wala, sige. see you tomorrow ! interpretative dance ang napili ko. Panuorin mo mamaya sa youtube yung Mad Interpretative dance. ““hmm.. sige.”“wag mong kakalimutan ha ! bye !” pagkatapos ay bigla na siyang tumakbo paalis.
* * *
WILLIAM POVYes ! Yes ! Yes ! Nayaya ko siya ! hahaha. Ganda ng kapartner ko !Pauwi na ako ng bahay.
5:45 pm na nang makauwi ako. Nagbihis na agad ako para makahabol sa laro naming ng basketball. Kalaro ko mga kabarkada ko.
“aalis ka ?” tanong ng mommy ko.
“opo. Nandyan na po ba si daddy ?”“wala pa. baka hindi makauwi yun. Madami kasing ginagawa sa office e.”
“sige po. Aalis na ako.”“sige, mag-iingat ka !”
“opo.” Sabay takbo.
Unico iho ako ng pamilya namin. Hirap kasing magkaanak si mommy kaya hindi na ako nasundan.
“oh, nandito nap ala si William e.” sabi ni Rey.
“tara, game na !”Nag-umpisa na kami. 8 lang kami kaya 4 members lang sa isang grupo. Naglalaro kami sa basketball court na ipinagawa ng daddy ko sa subdivision namin.
* * *
6:00 pm “tara, uwi na tayo.” sabi ko kay Alex.
“sige. kayo ba magkapartner ni William ??”
“oo. hehehe.”
“naks namen..” 
Habang naglalakad kami ni Alex ay nagkukwentuhan kami.
“bakit parang nawala nagalit mo sa kanya ?”
“ewan ko ba. Basta nbigla na lnga nawala yung galit ko sa kanya and besides, nag-sorry na siya sa’kin.”
“naku sis, that’s a crazy little thing called LOVE !
hahaha. “
“hindi ah.”
“nakuuu.. jan nga nagkatuluyan yung mga pusa namin e. hahaha. ” tawa ng tawa si Alex.
“bilisan mo nga, gabi na e.”“ok. sige na nga Mrs.Rivas.. hahaha. “ 
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Hinatid muna ako ni Alex hanggang sa makasakay akong taxi.
6:15 pm.“ sige, Alex babye ! salamat !”“wala yun Mrs.Rivas. ingat ! hahaha.. ”
Luka talaga yun kahit kelan.. 
Umandar na yung taxi na sinasakyan ko. 15 mins. Later, nakarating na ako sa bahay.
“ Darren ??”“hello Ate ! bakit gabi ka na umuwi ha ?! dib a sabi ko sa’yo, wag kang magpapagabi ?!!
isusumbong kita kay Tita Lyn !! “
“hoy ! wala ka pong sinabi sa’kin bata !! tsaka bakit, mas matanda ako sa’yo ha !”“kahit na.. sumbong parin kita.”
“may atraso ka sa’kin ah !!”“oh, bakit na naman ??”
“tinawag mo akong Ate Sungit kanina !!” 
“

”
“aba, luko ‘to ah !”Hahablutin ko na sana siya pero bigla siyang umalis ng sofa.
“ouch !” 
Nasusob kasi yung mukha ko sa sofa.
“hahaha. Ate, ok ka lang ba jan ?? jan kna lang ! hahaha.”

Tawa parin ng tawa si Darren.
“sa tingin mo ?!!” 
“buti nga sa’yo ! bhelat !! hahaha.. “
“ggrrrr… nkakabwisit ka na !! humanda ka sakin !” 
Biglang tumakbo paakyat si Darren. Habulan kami ng habulan buti hindi nababasag yung mga naka-display kasi lagot kami sa tita ko. At sa wakas ! nahuli ko si Darren ! hahaha..
“ano ha?? Manunura ka pa ?!”
“hindi na po Ate, sorry .. “ malungkot na sabi niya.
“oh sige, bumili ka na ng uulamin natin.”
“sige, akin na yung pera para makabili na ako.”Inabot ko na saknya yung pera at binitawan ko na siya. Bigla siyang tumakbo pababa ng hagdan.
“bibili na ako Ate kong MASUNGIT ! hahaha..”
tawa siya ng tawa.
“che !!”
Umalis na si Darren…
Hindi ako nagsisisi na nagkaroon ako ng kapatid na tulad ni Darren. Sa katunayan, magkapatid lang kami ni Darren sa ama. Naghiwalay ang mama at papa ko kasi nag-asawa ng iba ang papa ko. Galit nag alit ako noon kasi iniwan niya kami ni mama.

Nagkasakit ng tuberculosis at namatay siya. Grade 2 lang ako noon.

Kinuha ako ni papa at inalagaan kahit ayoko skanya. Kaya galit ako sa mga lalaki,
NBSB ako. 8 years lang ako noon at 6 years old naman si Darren. Lagi lang akong mag-isa dati, hindi ako pinapansin ng nanay ni Darren. Si papa, lagging nasa trabaho. Inaalagaan at sinasamahan lang ako ng yaya namin..

Lumipas ang mga taon, nagging Masaya naman ako doon.

Pero biglang nawalan ng trabaho ang papa ko. Naghirap ang buhay namin.
Madalas nang mag-away ang papa ko at ang nanay ni Darren. At dahil sa kahirapan, iniwan ni Madrastang Pangit ang papa ko at sumama sa ibang lalaki.

Siguro yun ang dahilan na Darren kaya ayaw niyang magseryoso sa mga babae ..
“hello Ate Sungit !”
sabi ni Darren.
“nakabili ka na ?”“oo, kumain na tayo, gutom na ako e.”
“sige..”
