||FOUR||
Naks naman talaga! Wala talaga akong sinabi dito eh.. talagang nerd masyado, ang galing! Pasado sya sa section namin! Yey! Madadagdagan nanaman ang kabarkada ko!
“galing natin ah? Top 1 daw oh! Ikaw lang nga yung nakapasa sa first section eh.. idol!”“ahaha! Ganun? Galing ko naman palang tsumamba eh!”
“pahumble! Tara, ituturo ko sayo yung dati kong room..”Medyo matagal din akong hindi nakapunta dito, 2 months.. haha! Sobrang namiss ko itong room na ito!

Wow! di ko maimagine na last year ko na dito sa school na ito.. could I wish for more?
“so dito ka pala nag iingay, nakikipagchismisan, at napapagalitan ng teacher mo?” sabay tumawa sya..
“joke lang!”“oo, dito nga!” sabay pagpasok ko ng pinto namin, nagulat nalang ako sa surprise..
“what the! Ang KULIT MO RIN NO?!?” hala ka? Anong ginawa ko??
“HA?!? Ano?!?” kainis na to.. sabi bang sumigaw? Nakita ko nga na gulat yung reaksyon ng kasama ko eh..
“Joelle.. ikaw lang pala.. akala ko yung pasaway na bata na.. sorry.. anong ginagawa mo dito?”“eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?”“wala.. wait nauna akong magtanong.. why are you here and.. who..?” sabay turo nya..
“don’t point fingers! Kasama ko sya, new classmate natin.. tinutour ko lang sya dito sa school para mafamiliar na sya agad..”“may pa tour-tour pang nalalaman.. masasanay ka rin naman kapag nagtagal ka na..” binulong nya, pero malakas..
“kaklase ka ba ni Joelle?” “ay hindi! hindi! Principal ako dito..” 
tapos tumuloy sya maggitara.. ‘tong taong ito ang galang din ah..
“nevermind.. ganyan talaga yan eh.. tara, ituturo ko naman kung saan yung music room namin..”“sure..”Papalabas na kami nung..
“happy tour lovers! Yuck!” sabay tumawa pa sya..
“Raylee nga pala!”“nice meeting you.. Earl.. Earl Domingo pala..” pero ayun.. deadma sya.. naku! Makaugali naman kasi!
“pasensya ka na dyan ah..”“ayos lang..”Pansin ko na medyo hindi na ganun kaganda yung aura ni Earl after ng encounter with Raylee.. kaya di naman nagtagal eh umuwi na rin kami, hinatid na rin ako ni Earl sa bahay, nakahanap na kasi sya ng boarding house, haha! Sa tapat ng bahay namin.. ang layo diba?
“thanks at sorry na rin..”“ok lang talaga yun, pero ngayon palang napapaisip na ako kung pano ako makikitungo sa taong yun for a year?”
“good luck sa maiiisip mo, but believe me, hindi yan tatalab.. kahit nga ipakulam mo yan wa epek eh..” tapos tumawa naman sya..
“mukhang hindi mo sya kasundo ah?”“bestfriend ko yun no!”
“oh?!?
”“sa kabaligtaran.. sige na.. bye!”“bye!” tapos naglakad sya patalikod para nakaharap pa rin sya sakin, sige.. mabangga lang ito ng sasakyan ewan nalang..

Ganun lang naman kasimple nagtapos ang aking
date.. anu daw? Tsk! Joelle, masyado kang mapagsamantala..

***
Hindi ko alam kung masyado lang ba akong excited o late lang talagang sumikat ang araw ngayon? Sobrang dilim pa kasi sa labas at ramdam ko pa rin yung lamig ng hangin.. 4:35am palang.. ahaha! Ewan ko nalang kung malate pa ako nito..

First day ng last year ko sa school. Odd.. but hey! Great din pala..
“ang aga palang ha? Nakabihis ka na? gaano ka ba excited? Naunahan mo pa atang tumilaok ang manok ah?”“yeah kuya.. umagang umaga.. pagpatuloy..”
“oo nga Jesther, tigilan mo nga muna ang kapatid mo”“ma, sa school nalang po ako bibili ng lunch ko ha?”“naku! Baka naman hindi ka nanaman kakain nyan? Magbaon ka nalang..”“ma naman.. ngayon lang naman, first day of school… please?” tapos nagsmile ako..
“o sige na nga..” tapos napansin ko na napatingin si mama sa may pintuan.. nagulat pa nga ako kasi bigla nalang syang napangiti
“o hijo, andito ka na pala.. tara’t mag agahan ka na..”“naku tita tapos na po ako.. salamat po”“wow! isa pang excited oh?” sabi naman ni kuya..
“di naman masyado.. good morning po pala.. good morning Joelle”“wow! SPECIAL mention ah..”
“kuya alam mo— ““oo na! oo na! gwapo na ako!” dugtong naman nya agad..
“KAPAL! Tara na nga Earl.. baka tuluyan pang masira ang araw ko eh..” tapos tinignan ko ng masama si kuya..
“sige po, mauna na po kami..”“mag iingat kayo ha..” wow! nagsalita naman si papa..
“opo!” and this is it.. fourth year high school.. here I come!!!!
...
“Tensed?”“i—uh.. medyo..”“don’t worry, hindi naman sila nangangagat..” 
tapos nagsmile lang din sya..

Papalapit na kami sa room namin nung makarinig kami ng parang may nagrarambulan sa unahan.. galing pala yun sa Rm. IV-A… Uyah! Sa room namin.. nagulat pa si Earl nung biglang may lumabas na hyper na nagsisisigaw sa hall way..
at sino pa ba ang magpapakahiya ng ganito??“wala ka ring kasing kulit no?? sabi ngang hindi ko alam yung chords!!!” umagang umaga bad trip??
“oh? Keith? Kumusta? Ano nanamang problema nun?” “
sabi kasi kanina ng mga babae dun” tapos tinuro nya yung katabing room
“ang yabang daw nya.. ayun! Simula nun bad mood na sya”Pumasok na kami ni Earl kesa makiintriga pa kami.. as expected maraming nagulat… meron pa ngang nagtanong ng ‘
Boyfriend mo Joelle?’ nyayk!
Lahat sila interesadong makilala si Earl maliban nalang dun sa isang nasa gilid.. naggigitara lang sya, as usual, sabagay nakilala naman nya na kasi si Earl..
“Everyone please take your sits” pumasok na naman yung principal sa amin, talaga bang maingay kami?
“I bet you missed each other pero hindi reason yon para sumigaw sa hallway.. am I right Mr. Ocampo” miris!
“yes ma’am!” sabay tumayo pa sya at sumaludo.. pasaway talaga..
“as I can see, mayroon tayong transferee, from Laguna?”“probinsyano pala yang boyfriend mo?” binulong nya sa akin
“Shut up! Ang yabang mo! Isa pa hindi ko sya boyfriend please?” “and you two? Anong business nyo? Care to show respect to a person speaking in front of you?” yan! Napagalitan pa tuloy!
“come here hijo.. introduce yourself to the class” tumingin naman sa akin si Earl bago sya tumayo.. nagthumbs up naman ako sa kanya..
“good morning everyone! Earl.. Earl Domingo, yah, I’m from Laguna, 16 years old, what more can I say, hoping to be friends with you guys!” tapos nun nagsmile nanaman sya.. tilian naman yung iba.. kainis nga!

Kala mo nalagyan ng ice sa kili kili..
“good start.. warm welcome.. congrats!” nagwink naman ako sa kanya..
may narinig naman akong nagmimimic sa tabi.. who else?
“pssst! Ang sama mo alam mo yun?” lumingon naman sya
“hindi eh..”
“ganyan ka ba talaga mag welcome ng bagong kaklase? Pero ayaw mo na masama ang impression sayo? Eh bakit ganyan ang ginagawa mo?”“so you’re asking me na humingi ng pasensya dyan sa katabi mo?” hindi ko gusto yung tono nya ah..
“yung katabi ko, Earl ang pangalan, and I’m not telling that you have to say sorry, I’m trying to explain that you MUST show some respect.. got the idea?”Ewan ko ha.. pero hindi na sya umimik nun, ginawa nya, lumapit kay Earl na katabi ko tapos nag mano.. oh yeah!
“welcome PO Earl sa aming section PO sana PO eh may enjoy ka PO, Raylee nga PO pala.. nice to meet you again PO!” talagang emphasized yung po eh.. halata mo namang puzzled si Earl sa ginawa ni Raylee.. ako naman, natawa talaga ako.. ewan! First time.. natawa talaga ako sa ginawa nya..
“uy! Move on!” sabay maya maya lang natawa na rin sya sa ginawa nya.. hanggang sa ayun na nga.. nakanunot nalang ang noo ni Earl sa nakikita nyang dalawang siraulong tumatawa..
I bet, Masaya rin naman minsan kasama itong si Raylee, matagal na rin naman kami nyang magkaklase, kaso lang nga minsan lang talaga.. He just got an attitude that can immediately make me irritated..
Ipinaliwanag ko na rin naman kay Earl yun nung nga snacks time, kasama naman namin ngayon si Jiance, na halata mong kinikilala pa rin si Earl..
“hindi yan nangangain.. promise” bulong ko naman kay Earl kasi talagang nawiweirdohan sya kay Jiance
“So ikaw pala yung kababatang kinukwento sa akin ni Joelle.. Nice to meet you.. Jiance nga pala..” tapos nga offer sya ng hand..
Ang sarap ng ice cream.. grabeh! Perfect sa klima!
“.. and so may gusto ka sa bestfriend ko?” bigla nalang nagslip yung ice cream na hawak ko.. ANO DAW?

Tumawa naman dun si Earl.. pero hindi nya sinagot..
“hey! Hey! Grabeh naman kayo kung magtanungan, tungkol pa talaga sa akin ha? In fairness sa harap ko pa? how nice?”“wala na akong ibang maitanong eh.. malay ko ba kung nakikinig ka? Akala ko busy ka dyan sa kinakain mo eh..”“busy nga, pero yun na nga, lumusot yun eh!”“nevermind.. eh si Raylee? Who is he?”“ah.. maraming description yun eh.. which? The positive or the negative one?”“both”“sige, I’ll explain the positive.. tapos si Joelle ang sa negative.. he’s our second honor,..”“first kasi yang kausap mo” singit ko naman
“..and he’s one of the school’s heartthrob.. obviously gwapo naman kasi”“you think so?”“.. hobby nung kumanta at maggitara, kaya yun laging may dalang gitara, so far, maganda rin naman yung boses.. gentleman..”“
I disagree”
“friendly” EHEM!
“mabait din” EHEM!
“you’ll find more if you’ll know him better”“grabe makapuri ah? Baka mamaya nyan kidlatan ka! Hala! Lumayo ka sakin! Ayokong matusta ng buhay!” 
Natawa naman si Earl,
“why? Mali ba yung sinabi nya? Then you tell me the negative side..”“naku! Sigurado hindi hahaba ang usapan, simple lang, lahat ng kabaligtaran ng sinabi nya.. yun na yun!”
“oh? You really like him, don’t you?”“yeah! I don’t!”

Natapos na rin naman yung parang ang habang Snacks time..
___________________________
Weak Update. I know. haha sorry readers..Ishe: nakukulitan ka rin? haha! pareho tayo! oo. ibang klase sila kung sumimple!
