Teentalk

Poll

how do you find the story?

k lang
cute
ganda na rin
weird
no comment

Author Topic: Just The Girl [ENDING & EPILOGUE] 6.4.11 tnx sa lahat ng nagbasa! luv u all!  (Read 6343 times)

i.dont.have.a.name

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1222
  • Karma: +31/-4
  • I love writing as much as I love imagining!
Re: JUST THE GIRL |TWO|*new story! please support! readers?
« Reply #15 on: March 12, 2011, 08:17:17 pm »
Jeh: hahaha!! yare na pala.. baka mamaya nyan maging kaaway ka na rin ni Joelle ha..  ;D

Ishe: hehe!! thanks sis! kilig ba talaga? ako kasi naniinis ako sa pagiging prankster ni Raylee.. haha!!  :)

hakyrej_inyourdreams

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2751
  • Karma: +107/-28
  • Take a risk. Tempt fates. Stand out. Never regret.
    • Facebook Page! <3
Re: JUST THE GIRL |TWO|*new story! please support! readers?
« Reply #16 on: March 13, 2011, 01:30:18 pm »
AHAHAHA. :D Okay lang. Sa kanya na si Raylee ::)
Never lose hope. Someday, you will have your own coloured rainbows.

i.dont.have.a.name

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1222
  • Karma: +31/-4
  • I love writing as much as I love imagining!
Re: JUST THE GIRL |TWO|*new story! please support! readers?
« Reply #17 on: March 13, 2011, 06:32:32 pm »
hahaha!! bakit, may iba ka nang gusto Jeh??

hakyrej_inyourdreams

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2751
  • Karma: +107/-28
  • Take a risk. Tempt fates. Stand out. Never regret.
    • Facebook Page! <3
Re: JUST THE GIRL |TWO|*new story! please support! readers?
« Reply #18 on: March 13, 2011, 09:05:31 pm »
Yeah yeah yeah! AHAHAHA. Nemeeen.
Never lose hope. Someday, you will have your own coloured rainbows.

i.dont.have.a.name

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1222
  • Karma: +31/-4
  • I love writing as much as I love imagining!
Re: JUST THE GIRL |TWO|*new story! please support! readers?
« Reply #19 on: March 14, 2011, 06:59:25 am »
uyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!! sino??  :D :D :D :D :D :D

i.dont.have.a.name

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1222
  • Karma: +31/-4
  • I love writing as much as I love imagining!
Re: JUST THE GIRL |ONE of THREE|*new story! please support! readers?
« Reply #20 on: March 15, 2011, 08:32:58 pm »
||ONE of THREE||

Hay! 38 degrees? Buti naman bumaba kahit konti.. Sabi kasing ‘wag eh! Ngayon ito nanaman tayo, ampait pa man din ng lasa ng mga gamot na yan! And yes! Im sick! The day after the so called get together.. kainis! Baka nagtataka kayo kung anong nangyari.. ganito kasi yun..

Feeling ko parang binuhusan ng napakalamig na tubig yung ulo ko ah, bakit ko kasi naisipang magdive ng hindi nag wawarm up? Manalo pa kaya ako? Hala sige! Isang balikan nalang Joelle! Geez, nahihilo na ako ah!

Ayoko na!

“Joelle?? Anong problema? Kaya mo yan!” cheer pa nila, O-K, kayo kaya dito! Nahihilo na nga yung tao eh! Hindi naman masamang sumuko diba?

“Raylee! Si Joelle!” sigaw naman ni Jiance, pinipilit kong hindi lumubog nun, naramdaman ko nalang na may humila sa akin.. pero teka? Papunta sa gitna ng pool?? I need help here!!

“wait! I give up ok? You don’t have to drag me here! Panalo ka na! bitiwan mo nga ako!” at least I managed to shout.. at masunurin naman, binitiwan nga ako, pero dito naman sa gitna!  :o

Pag ako nakaligtas dito at nabuhay pa, magtago ka na! >:(

Pinilit kong lumangoy pa, Nakakapit ako sa gilid ng pool, tapos tinulungan ako ni Keith na umakyat, gosh! I don’t like this feeling!

“why? What happened? Ok ka lang?”

“yeah! Maybe”

Tapos tumayo na ako, naglakad ako papunta sa isang abnormal na namimilipit sa katatawa.. one thing left to be done..


Kick him into the pool! >:(

Ewan ko talaga kung saan ko nakuha yung lakas ko na makalapit pa sa kanya at masipa pa sya palaglag sa pool, siguro sa sobrang inis ko na rin.. pasalamat ako dun!

Inalalayan nalang ako ni Jiance paakyat, I felt like I am about to vomit.. what’s the matter with me??

“sorry.. sorry talaga, akala ko kasi nagbibiro ka nun para matalo mo ako eh.. sorry” yung itsura nya kala mo batang nahuli na hindi pumapasok sa school..

“eh loko ka pala eh! Parang sinasabi mo na ring mandaraya yung bestfriend ko, hello Raylee wake up! Swimmer ka kaya! Panong matatalo ka?” nakikipagtalo na si Jiance sa kanya..

“parang ganun na nga yung naisip ko, but I’m really sorry.. promise, hindi ko na talaga yun uulitin!” talagang guilting guilty na yung tono ng boses nya..

“pwede kung mag aaway kayo wag dito? Hindi nakakatulong eh..” sobrang tamlay na ng boses ko..  :-[

“ang hina pala ng resistensya mo?” tignan mo to..  ???

“hayaan mo paglumakas na ulit ako, sayo ko unang itetest yung lakas ng suntok ko..”  >:(

“chill! Biro lang..”

“hay! Bakit naman nagkaganito ka? Ano bang nangyari? Aquaphobic ka ba?”

“nyah? Aquaphobic?! Never! Kanina pa kasi talaga masama ang pakiramdam ko.. kaya nagdecide ako na hindi nalang siguro ako makikidive sa pool.. kaso lang..”

“napasubo ka dahil sa iba dyan?”

“well, mainly, it’s not his fault, it’s mine, kung di ako nagpauto, edi sana diba hindi to nangyari..” oo nga..

“but partly, may kasalanan din naman ako..” wow! Sya ba ito? Mukhang ito ata yung may sakit eh.. “kaya ako nalang magbabantay sayo dito, sige na Jiance, mag enjoy ka na dun” what’s wrong with this guy?

“pero--“

“it’s really ok” natouch naman ako dun..

“o-k” tapos bumaba na rin si Jiance kasi sinenyasan ko na syang ok na ako..

“what’s up with Raylee?” parang di sya yung kausap ko eh..

“bumabawi lang ako.. I am really sorry..”

“are you trying to make a record? Andami mo nang sorry ha..” nagsmile sya nun..

“how do you feel now?”

“better, pero medyo nahihilo pa rin..”

“wala akong dalang gamot ngayon eh, ah.. gusto mo ng tubig?..” worried talaga sya nun, para tuloy hindi sya si Raylee

“nope.”

Tapos umalis sya nun sandali, ako naman naisip ko yung nangyari kanina, muntikan na talaga ako nun, minsan nga yan nabibilib nalang ako sa sarili ko kasi nagagawa ko yung parang napakaimposible na..

“ito oh, idoble mo, towel ko yan pero ok lang na gamitin mo, para naman di ka masyadong lamigin..” how swe… oh well

“thanks!”

Ewan ko na yung iba pang nangyari sa akin basta nagising nalang ako nung pauwi na, kasi naman nagtatalo nanaman sina Raylee at Jiance kung sino yung maghahatid sa akin, iniinsist kasi ni Raylee na sya nalang daw kasi malapit lang daw yung bahay nila sa amin.. at it ended up na si Keith ang naghatid kay Ji at ako naman kasama ang weirdong si Raylee..

“pupuntahan ka nalang namin dito bukas ha.. para malaman kung kumusta na yung pakiramdam mo, matulog ka na agad ok? Babalik nalang kami bukas..” tapos hinawakan nya pa yung noo ko para tignan kung mainit pa rin ako.. “tsk! Tsk! Pagaling ha?” then he flew away..

NAMIN? KAMI? Ganun ba talaga sya kaguilty sa nangyari o ganun lang talaga kataas yung lagnat ko?

“Julie, o gamot mo, tumawag pala si Jiance at tinanong kung kumusta ka na raw”

“ma? Diba po bawal ako sa antibiotics? Allergic ako dun diba? Bakit naman po erythromycin pa?”

“sus bata ka, hindi ka naman kasi iinom nyan kung hindi ka nagkaganyan, ano bang nangyari sayo ah? Isa pa, bata ka pa nung naallergic ka dyan, matanda ka na.. ayaw mo lang naman kasing uminom eh..”

“ang allergy ma, hanggang pagtanda yan..”

“inumin mo nalang para tapos na..”

“si Raylee pala nanggaling na dito, nagkausap ba kayo?”

“po? Kailan?” :o :o

“kanina, mga 8:30, bakit? Hindi mo ba sya nakita? Pinaakyat ko nalang sya dito sa kwarto mo eh, kasi busy ako, akala ko gising ka na nun?”

“hindi ko po sya nakita, ma naman, kagigising ko lang po kaya”

“ah, baka hindi na yun tumuloy dito, kaya pala umalis na sya agad.. yung batang yun eh talagang nag aalala sayo, iyon ba eh b—“

“ hindi po ah! Bawal pa!”  ::)

“bakit hindi? Ayos lang naman sa amin na magkaroon ka ng bestfriend na lalaki..”

“ah.. hindi po kami magbestfriend ma.. kung alam mo lang..” sabi ko nalang pabulong sabay smile ako.. buti naman at bumaba na rin si mama..

Pero teka, pumasok sya dito sa kwarto ko? Nakakahiya naman kung nakita nya akong natutulog!! Baka pa nakanganga ako o kaya eh kung ano yung posisyon ko.. waaah!! Ayoko  nalang isipin.. at anu rin pala kung anong itsura ko? Care nya dun..

Thankful talaga ako kasi summer break na atleast kapag nagresume na yung klase eh hindi na ganun ka fresh yung nangyari..

Tingin ko naman hindi ako masyadong maboboring ngayong vaction, exciting nga kasi bibisita kami sa mga pinsan ko ng dalawang linggo..

5 oras ang byahe namin, dahil nga taga Sta. Maria Bulacan kami, nagbyahe muna kami papuntang Malolos saka kami tumuloy sa ruta namin papuntang San Pablo sa Laguna, 3 years na rin since huli akong nakarating ng Laguna..

“ma? May makakain po ba dyan? Matagal pa po ba ang byahe?” naiinip na ako

“mga 2 oras nalang, dyan sa bag mo, may nilagay akong chips jan”

“ok po”

Mahirap talaga kapag dalawang may edad ang kasama mo sa byahe, naku! Hindi ka naman makarelate sa pinag uusapan nilang revenue daw.. feel ko na matutuyuan na ako ng laway nito eh..

Pagkakuha ko ng chips sa bag, may nakita ako na kwintas, nilagay ko pala ito sa bag kagabi.. ano namang naisipan ko at dinala ko ito?..

ishe

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 877
  • Karma: +15/-1
Re: JUST THE GIRL |ONE of THREE|*new story! please support! readers?
« Reply #21 on: March 16, 2011, 06:32:41 am »
first!!!. . ang sweeeettttt ni Raylie. . kaso bano!!. . hahaha  ;)

i.dont.have.a.name

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1222
  • Karma: +31/-4
  • I love writing as much as I love imagining!
Re: JUST THE GIRL |ONE of THREE|*new story! please support! readers?
« Reply #22 on: March 16, 2011, 08:16:35 pm »
LOL! banong-bano talaga.. hehe.. ikaw ba naman nalulunod ka na nga hilain ka pa sa gitna? aber?  ;D

sakura_fubuki

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 27
  • Karma: +3/-0
  • TeenTalker
Re: JUST THE GIRL |ONE of THREE|*new story! please support! readers?
« Reply #23 on: March 16, 2011, 11:12:13 pm »
hahaha.. another story na kababaliwan!


hehe.. natuwa naman ako.. kasi vacation nah...


eto na naman ang bisyo ko...


ang mag basa nang mag basa ... hehehe


support ko poh iito.. hehe

can't wait for the next chaptie :)



LIKE!LIKE!LIKE!

i.dont.have.a.name

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1222
  • Karma: +31/-4
  • I love writing as much as I love imagining!
Re: JUST THE GIRL |ONE of THREE|*new story! please support! readers?
« Reply #24 on: March 17, 2011, 09:56:45 pm »
wowowowowow!! that's a WOWER! anong name mo sis? nakakatuwa naman yung term mo na 'bagong kaaadikan' that made me smile.. thanks for the support sis.. yay for you!  ;D

SampAgila

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 84
  • Karma: +5/-0
  • TeenTalker
Re: JUST THE GIRL |ONE of THREE|*new story! please support! readers?
« Reply #25 on: March 19, 2011, 10:43:29 pm »
hi...new reader here...
cute...

i.dont.have.a.name

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1222
  • Karma: +31/-4
  • I love writing as much as I love imagining!
Re: JUST THE GIRL |ONE of THREE|*new story! please support! readers?
« Reply #26 on: March 20, 2011, 02:46:23 pm »
hello sis.. thanks sa pagbasa ng story.. anong name mo? Eloise nga pala.. keep on reading ha.. thanks again! yay for you!  ;)

x-iRis-x

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3229
  • Karma: +192/-44
  • Hasta la vista, BABY
Re: JUST THE GIRL |ONE of THREE|*new story! please support! readers?
« Reply #27 on: March 20, 2011, 02:59:42 pm »
HAHAHAHAHAHA! Ala lang epal lang. Joke. Sasabihin ko lang gano ako natutuwa sa storya mo :D. Dapat mag pranked joke pa ko kaso baka di mo tapusin basahin at magalit ka sakin kaya wag na hahaha :D Ang taas ng energy ko noh? Di ko din alam baket eh binaha na lang ako bigla
ng energy  ;D
Magiging inactive na

i.dont.have.a.name

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1222
  • Karma: +31/-4
  • I love writing as much as I love imagining!
Re: JUST THE GIRL |TWO of THREE|*new story! please support! readers?
« Reply #28 on: March 20, 2011, 03:13:22 pm »
||TWO of THREE||
Ayun! Nandito na pala kami, pero wala dito yung mga pinsan ko, nag outing daw sila, sayang naman hindi ako nakasama..

“naku! ito na ba si Julie?, aba eh lalong gumanda!” si tita Alice pala, nakatatandang kapatid ni mama.. “akala kasi ng mga bata na bukas pa kayo darating kaya kung saan nanaman sila pumunta..”

“ayos lang naman yun ate, matagal pa naman kaming magsstay dito eh..”

“oh Julie? Ikaw ba ay nagugutom na?”

“naku tita, kanina pa po.. si mama kasi eh..” ;D

“tsk! Tsk! Tara dito, may cake sa ref..” sabay sumama na ako sa kitchen.. ang kapal ng mukha ko diba? Hindi naman, super close kasi yan ako sa kanila, sanay na yan sila sa katakawan ko..  :)

Maya maya lang rin naman may narinig na akong sasakyan, baka sila na yan..

“Julieanne! Tara dito, hinahanap ka ng mga pinsan mo..” sila na nga ;D

Dali- dali naman akong tumakbo palabas.. di ko nalang namalayan na yumakap nalang sa akin si Nicole,.

“Aye Juyan!” ahaha! bulol pa rin pala sya?

“oh, kumusta na Nikay? Natatandaan mo pa rin ako? Namiss kita ah!” tapos hinug ko rin sya..

“Joelle? Wow! Tumangkad ka ata ah! Mas matangkad ka na sa akin ngayon oh..” oo nga no?

ganun? Kulang ka siguro sa vitamins?, pero infairness ah, maganda ka pa rin..” nga pala, cousin ko, si Nancy, ate ni Nikay..

“ate Juyiyan! Hug!” tapos tumakbo sya palapit sa akin..

“yuck! Layuan mo nga ako Jesther! Kadiri!”

“whoa! Tumangkad ka na oh? Hanggang balikat na kita.. congrats!”

“naman! At matatangkaran pa kita, just wait..”

“yeah! In your sweet dreams..”

“I actually missed you.. that’s why I never had one since you left” tapos umarte akong nalulungkot..

“cheesy sis! Tigilan mo nga ako..nangingilabot ako ha”

“yuck kuya feel mo rin!” tapos ginulo nya yung buhok ko.. >:(

“o mga bata, pasok muna at magbihis na kayo..”

Geez, namiss ko talaga ang mga taong ito, lalo na syempre si brotherhood.. naku! Ang lalaking pinakamamahal ko! Pangalawa kay papa.. ;)

Isa pa sa reason kung bakit ansaya ko kasi ngayon, after 2 weeks, kasama na namin si kuya pauwi, gagraduate na kasi sya this coming Friday.. Magkakakuya na ulit ako!!!

Sabi nila papa, bawal daw talaga kaming magsama ni kuya, parang sasabog daw kasi sina mama sa sobrang pag-aalala kung asan nanaman daw kami pupunta at anong oras uuwi.. well, wala na tayong magagawa, andito na kami ngayon, at kung anong oras naman kami uuwi.. who knows?

Wow! Namiss ko ito ng tatlong taon ha..

“bakit parang humahaba nanaman ang leeg mo?”

hindi ah..” ::)

“asus! Itanggi pa ba? Wag kang mag alala sis, andyan sya sa taas..”

“eh anu din kung andun sya?”

“puntahan mo na..!” tapos tinulak pa ako.. kainis! >:(

Nung pahakbang na ako sa hagdanan, bigla naman akong inunahan paakyat.. oo lang talaga eh, gentleman talaga!  ???

“kuya ha? Hindi ka man lang nagkaroon ng dugong gentleman.. kainis!”

“oh! Joelle nandito na pala kayo? Kelan pa?” gulat pa yung itsura nya

“kanina lang actually,.”

“sis naman! Ganyan lang ba talaga ang sasabihin mo? Wala man lang bang kiss? Sabay hug? O kaya I miss you!”

“whatever Jesther!”

“kuya Jes talaga! Kumusta Joelle?”
 
“same, nothing’s new”

“may nagbago actually..” tapos gumawa sya ng box sa kamay nya ???

“gumanda ang sis ko no? ;)

“kuya? Will you please?” atribida talaga! >:(

“sa totoo lang, tama naman si kuya Jes, you look prettier than the last time I saw you”

“naku! Wag mo masyadong pinupuri yan! Lalaki ang ulo nyan! Tignan mo nga ngayon oh? Pumapalakpak na yung tenga nya..” tapos tumawa naman sya na parang wala nang bukas..

“kuya? Pwede? Spokesperson ba kita?”

“namiss ka lang nyan Joelle!”

“kung alam ko lang, mas namiss mo naman!” grabeh talaga sa mga pambara ito..

“oo lang, kung kayo nalang din ang mag uusap siguro uuwi nalang ako..”

“tignan mo, nagselos oh..”

“oo lang talaga..” kakainis naman! Paano daw kami makakapagbonding nito? May gwardya??  :-\

“balita ko sa bulacan ka na rin mag aaral this year? Bakit naman parang biglaan ata? Kung kelan naman graduating na..”

“oo nga, gusto kasi nya dati pa dapat..” KUYA! >:( >:(

“Ganun? Kuya talaga ha.. hindi ko nga rin alam kay mama, pero ayos naman siguro kasi baka maging kaklase rin kita.. edi ok yun diba?” wow! Nakangiti sya! Namiss ko to ah! :D

“malay natin..”

“sis! Dun muna ako sa loob ah.. maglalaro muna ako ng playstation..”

“SALAMAT NAMAN KUNG GANUN!” sigaw ko habang pababa sya.. SALAMAT TALAGA EH! ;D

“haha! Namiss ka lang nun! Tsaka ako rin..” ha?  ???

“thanks! Oo nga pala, tanda mo pa ito?” tapos pinakita ko yung kwintas na dala ko..

“Ah, nasa iyo pa rin pala yan? Akala ko nga tinapon mo na yan eh.. wala naman yang kwenta eh..” tapos nakita ko na medyo napayuko sya..

“hindi ah! Syempre talagang tinatago ko ito, galing ata ito sa nag iisang kababata ko”

Napasmile sya dun.. “alam mo pa ba yung kwento nyan? Ako kasi medyo nakalimutan ko na eh..” bakit mo naman kinalimutan?? :(

“ah, hindi na rin eh..” tapos nagsmile ako ng fake para hindi ako magmukhang disappointed

“busy?” tanong nya naman, mukha ba akong busy?

“hindi naman, bakit mo natanong? Mukha na ba akong haggard?” with matching turo pa sa mukha ko

“sort of.. kagagaling mo lang sa byahe, dapat nagpahinga ka muna, ako nalang sana yung pinapunta mo dun..” naks! :D

“nyeh? Di naman ako disabled pasaway! Ok na rin ito no.. namiss ko kaya itong tree house natin..”

“namiss ka rin naman nito eh..” tapos nagsmile nanaman sya.. ow-key.. ::)

Ayun! Nairaos ko naman yung 1st week ko kasama ang mga taong ito.. masasabi kong walang kasing saya ever! This week pala fiesta dito sa amin.. timing nga eh! Kainan nanaman ito!!!

“baka mamaya nyan pagbalik mo sa manila hindi ka na makilala ng mga kaklase mo kasi batchoy ka na..” >:(

“kuya, inggit ka lang kasi hindi ka makakain ng maayos kasi may singaw ka!” kainis talaga eh..  :P :P

“haha! Sige mang asar ka..”

“Pikon! Bleh!” :P

“kayo talaga.. andami ko naman atang namiss sayo.. malakas ka na pala kumain ngayon ah..

“yeah! No to diet eh..”

“wow! May nadagdag pala sa mga listahan mo, eh dati ang nakalagay lang dun eh ‘study hard’ at ‘no to boys’..”

“kulang! ‘I love gays’ pa!” nakita ko nag iba yung itsura nya “haha! Joke lang!”

“naku! Yan! Siguro nga type mo talaga mga bading, sabi ba kasing pagkamalan akong bading noon? Helleur?? Siguro type mo ko no? tapos nag act sya na parang bading talaga “hindi naman siguro maling magbigay ng kwintas na designed pambabae kasi nga diba babae ka naman.. kung talagang babae ka nga??”

“loko! Biro ko lang naman yun eh.. kasi nga talagang cute yung design eh.. parang ginawa nga ng babae.. kala ko nga binili mo lang eh…”

“hindi ah! Syempre magbibigay nalang nga ako ng regalo sa may birthday, dapat yung talagang may sentimental value na!”

“yeah! Yeah!..” wait? Akala ko ba.. “akala ko ba nakalimutan mo na yung history ng kwintas na yun?” ???

“hindi ah! Ang sabi ko lang medyo.. as in slight..” tapos nagsmile sya.. wow! Slight ah.. eh parang lahat ata ng detail eh nasabi na nya?

“nalimutan ko lang kung ilang taon ka nyan?”

“seven ata?”

“hindi eh..tingin ko 8th birthday mo ata yun..” ???

“hey! Akala ko ba nakalimutan mo?”

“sabi ko nga ATA diba?”

“lusot..”  ::) ibang klase rin no? actually 8th bday ko nga.. sinabi ko lang na 7th para itry sya.. grabe tong taong ito.. weird din ah..

Oh well, kapag nag eenjoy ka talaga, hindi mo namamalayan na lumilipas na pala ang oras.. at araw.. ayun! I’m back with my usual routine tuwing bakasyon.. nakaupo sa study table ko, nagsasound trip, nagsusulat ng mga salitang lumalabas mula sa isip ko.. tapos laging may..

“Joelle! Bumaba ka nga dito at ipunin mo yung mga hanger dyan sa cabinet mo..” .. may sisigaw..

“wait lang ma! Papunta na po!” buti nalang naipon ka na agad yung mga hanger dito.. “ma, ito na po”

“ilagay mo dyan sa may basket.. o ikaw ba nalinis mo na yung kwarto mo? Tagal ko nang sinabi yun sayo ah..”

“ma, puso mo po.. tapos na po.. kahapon pa..akyat na po ako ah..” geez.. nakilimutan ko tuloy yung iniisip ko kanina.. anu na nga yon?  ???

“ay! Joelle, sabihan mo rin ang kuya mo na maglinis ng kwarto nya.. darating na pala si----- Bukas.. dito nalang daw sya muna titira habang naghahanap sya ng boarding house nya..”

Ang ingay naman ng music ni kuya! “sino po ma?”

yung crush mo ba..uy natuwa! Opo ma, nalinis ko na po.. naks sis! Dalaga ka na talaga..”  >:(

“naku kuya! Taong malisya ka talaga! Hindi ko nga naintindihan kasi naman kala mo bingi kung makavolume ng music eh!” kainis! Bakit kasi narinig pa nya yun? Pero hayaan mo na Joelle, isipin mo.. dito sya magsistay.. wow! matagal ding ano! Basta!  ;D ;D

« Last Edit: March 20, 2011, 03:31:36 pm by i.dont.have.a.name »

i.dont.have.a.name

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1222
  • Karma: +31/-4
  • I love writing as much as I love imagining!
Re: JUST THE GIRL |ONE of THREE|*new story! please support! readers?
« Reply #29 on: March 20, 2011, 03:22:14 pm »
Quote
HAHAHAHAHAHA! Ala lang epal lang. Joke. Sasabihin ko lang gano ako natutuwa sa storya mo . Dapat mag pranked joke pa ko kaso baka di mo tapusin basahin at magalit ka sakin kaya wag na hahaha  Ang taas ng energy ko noh? Di ko din alam baket eh binaha na lang ako bigla
ng energy 

HELLLOOOOO!!! (dapat kong pantayan yung energy mo..)  ;D ;D ;D
wow salamat naman at natutuwa ka pala sa produktong mula sa aking isipan.. hehe. kunwari lang makata ako..
ganyan talaga minsan ang buhay, we cant help it basta bigla nalang tayong nafufull battery.. dapat tinuloy mo yung pranked joke mo. i'd love to read it. kaya go.. ituloy mo.. nakucurious ako e..
new reader ba kita or assuming lang talaga ako? haha. Eloise nga pala ang name ko, what's yours? and btw. yay for you.  :-* ;D

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website