@ palmahall.up: Hmm... Sa totoo lang... Hindi ko alam 
@ Ramona: I love his name too! Siya nga ba? Hindi ko alam Ate eh >.<
@ hakyrej_inyourdreams: Si Ethan nga ba? Hindi ko po alam 
@ thecagedDOLL: Haha. Sana pwedeng kontrolin ang pagtanda
Salamat!
Ehems. Speech muna. Ayun. Muntikan na akong tuluyang mag-empake at lumayas sa CC dahil napapadalas ang topak ko. Huu~ Grabe na talaga ang takbo ng utak ko. Haha. Haay~ Nami-miss ko na si "Ethan" ko. Ang ordinaryong nilalang na si "Ethan".. Oh well.. Hindi ko na naman siya crush. At least napakinabangan >:3
Chapter Three:
“Bakit nga pala mag-isa ka dito?”“Someone set me up on a date.”“Blind date? So, tapos na yung date ninyo?”“Not really…”Ano ba? Bakit niya ba ako kinakausap? Pero kung sabagay, hindi ko rin naman kasi ipinaparamdam na ayaw ko talaga siyang makausap. As a matter of fact, parang gusto ko pa siyang on the spot na hanapan ng flaws para lang magising na ang nahihibang kong puso. Dahil na rin sa pagiging at ease niya sa akin ay naging ninety percent at ease na rin ako.
“Ikaw? Inaantay mo ba yung girlfriend mo?”Sa pagkakaalam ko, bago pa man makagraduate ng college ang batch nila ay wala na sila ng girlfriend niya. Ewan ko lang kung may nililigawan siya at that time.
“Hindi ko na inabutan. Mukhang nainip na pag-aantay sa akin.”“Ha? Pinag-antay mo?”
“’Wag mo nga akong tingnan ng ganyan. Pakiramdam ko, willing kang ipakulong ako dahil lang dun.”“E bakit mo kasi pinag-antay?” Tinungga ko nun yung iced tea na kare-refill lang nung waiter.
“Tayo na lang ang mag-date.” 
Kahit na nalunok ko na ang pobreng iced tea ay parang biglang nawindang ang internal organs ko at ginusto pa atang ibalik yung likido pabalik sa bibig ko at saka ibuga kay Ethan.
“Naku Ethan. Tigilan mo ako ah.” 
Agad naman siyang tumawa. So, ano yun? Joke?
“You never failed to amuse me. Walang kupas ka talaga Aina.”
“Hangga’t naka-heels ako, ako pa rin si Aina.” 
Umariba din ang aking inner talent sa pag-arte at kunwari ay may sinipat akong message sa cellphone ko.
“I’m sorry Ethan. Saka na lang tayo magkulitan. Sa bahay ako pinapatuloy ng aking butihing magulang.”
“Ihahatid na kita.”“No need.” Nginitian ko siya, ewan ko nga lang kung nanginginig ang mga labi ko sa kaba na hindi ko naman alam kung saan na ang source ngayon.
“Mauna na ako.” 
I then left him there. Nagsisimula na naman kasing lumandi ang puso ko and I am not liking it one bit. Hindi na ako yung teenager na dapat magkaroon ng ganoong reaksyon. Besides, walang kwenta kung ganun pa rin ang mararamdaman ko para sa kanya. He’s not the Ethan that I used to know. People change, and Ethan’s just another mortal na hindi kayang i-evade ang ganung phenomenon… Or whatever it is really called. Ba’t ba kung anu-anong terms ang nahahagilap ko?
“What are you two doing here?” 
Automatic na napataas ang kilay ko ng makita ko sa loob ng Purple Café ang mga pinsan kong si Chance at Callix. Sila yung mga pinsan ko na tinutukoy ni Tita Emily.
“Having our cup of coffee?” 
Nginitian ako ni Callix na syang pinakamalapit sa edad ko. Despite not liking their mother, naging ka-close ko naman ang dalawa. Lagi rin kasing sa kanila ako naiiwan sa tuwing may medical mission na pupuntahan ang parents ko noong maliit pa ako.
“We didn’t know na ito ang magiging location ng bago mong business.” Tumayo nun si Chance at ipinaghila ako ng upuan.
“Ilang buwan na ito?”“Three months.”
“Is this business for good?”“I guess.” 
Bukod sa pamilya ko at iilang kaibigan ay itong dalawa ang naging mentor ko sa mundo ng pagnenegosyo. Both of them are successful entrepreneurs: Callix with his own engineering firm and Chance with his law firm.
“You could have just sue your employees from your previous business Aina.” Ng maloko ako ng mga empleyado ko noon ay ito rin ang naging payo ni Chance. He’s a top notch lawyer at paniguradong mababayaran ako ng mga nagkasala para sa mga damage na nagawa sa akin. Kahit siguro ipaglaban nito sa korte ang paniniwala kong nagsasalita ang mga manika ko ay mananalo ito.
“Chance, you know kung gaano kabait itong si Aina.” 
Inakbayan naman ako ni Callix.
“And I don’t think she would be facing the same problem this time. I heard na si Art ang nag-recommend ng agency kung saan galing ang mga empleyado ngayon dito and that guy would not accept any tenant on his dearest establishment kung hindi naman umabot sa ninety-nine percent ang success rate ng business.”Pagkatapos akong bulabugin nung dalawa ay nagsimula na akong tumambay sa likod ng counter. Parehong nasa TBC ang main office ng mga business nila kaya mababantayan daw nila ako. Bata pa lang ako ay sila na ang tumayong mga kapatid ko, and habang lumalaki ako ay lalo silang humihigpit.

Siguro darating ang araw na kahit sa pag-aasawa ay kokontra ang dalawa. Sana ay huwag akong magdilang anghel.
“Ma’am sino yung dalawang gwapo dito kanina?”
“Huh?”
“Yung kausap niyo po pagdating ninyo.”“Grabe ma’am! Ang daming gwapo dito.”
“Ah mga pinsan ko.” Napabuga ako nun ng hangin.
“Huwag na ninyong pagpantasyahan ang dalawang yun. Playboy ang isa at yung isa naman ay candidate para sa pagiging matandang binata.” 
Sana lang ay huwag makarating sa dalawa ang mga sinabi ko kundi baka sa kung saang bakanteng lote na lang ako matagpuan ng mga magulang ko. Kawawa naman sila kapag nagkataon… At kawawa rin ang populasyon ng mga nagmamaganda sa mundong ibabaw.
“Good morning sir!” Finally ay nawala sa akin ang atensyon nila.
“Hi Aina.”