^ Hello~~o! Aw... Salamat po

Pipigain ko po ang aking utak... Sa abot ng aking makakaya. Haha.
Dahil nag-tumbling ang utak ko dahil sa university election, pag-reject ng prof namin sa napili naming company (na nainterview na rin namin), at pagkakuha ng survey forms para sa thesis namin... Nabuo na rin sa wakas ang unang kabanata.

Chapter One:
“Aina Fontanilla!” Nakangiti at open arms akong tinawag ng Tita ko. She’s my number one critic, palibhasa super successful na ng mga anak niya at sa hindi malamang dahilan, gusto niyang ang pamilya lang nila ang umaangat sa angkan namin.
“Finally, may naisip kang matinong negosyo.” Palihim na napataas ang kilay ko. So she thought that the salon, spa and bar na itinayo ko ay pawang mga failure – which I don’t want to agree with since tumagal naman ng taon ang mga yun. All three of them in one year.
“I just hope that this would work this time.” “Don’t worry. You can consult your cousins kapag nagka-problema ka. Alam mo naman kasi na with the field that you chose to finish, pang-employee relations ka lang. Ikaw naman itong nagpapahirap sa sarili mo at nagpupumilit na maging entrepreneur.” “Wala po tayong magagawa. Matigas ang ulo ko. I really want to go beyond everyone’s expectation.”
Nasanay na ako sa mga pasaring niya at ng iba pang mga tao kaya ipinagmamalaki ko na lang sa tuwina ang pagiging likas na matigas ng ulo ko.
The day marks the third month of operation of Purple Café at aminado naman ako na ito na ang pinakamatinong business na naipundar ko. Kung bakit ba naman kasi walang coffee shop sa The Business Center, at yun na rin ang dahilan kung bakit na-approve agad ang request ko na maka-avail ng pwesto sa establishment.
Maganda rin naman ang kita sa shop. Mas pure ang kaluluwa ng mga empleyado ko dahil na rin sa ang recommended manpower agency ng may-ari ng Business Center ang hinayaan kong humanap ng mga magiging empleyado ko.
“Ma’am, nandito po si Ms. Bianca.” Napalingon ako sa agaw-atensyon na babae na nakatayo sa entrance ng coffee shop.
“Bianx, ‘wag ka namang humarang sa daraanan ng swerte.” “Don’t worry. Swerte naman akong nilalang kaya siguradong suswertehin ka rin.” Bianca Hernandez was my college friend – or more like a friend from another university whom I get to work with during my internship. Tulad ko, nagtapos rin bilang HR student si Bianca kahit na gusto ng mga magulang niya na magtapos siya sa kursong Accountancy.
“Bakit nakasimangot ka na naman?”
“Si Mommy at Daddy kasi…” “Bakit?” “Gusto nilang ibenta ko ang shares ko sa HBG.” HBG or Hernandez Banking Group has been one of the leading banking firms in the Philippines, if not in Asia, simula ng ibenta ang 75 percent of shares nito kay Art Serrano, ang may-ari ng TBC.
Since si Bianca ang nag-iisang anak ng kanyang mga magulang, siya na ang nagmana ng natitirang 25 percent.
“Eh di ibenta mo. Matagal mo ng gustong…”
“And then what? Yung lalaking yun na naman ang magiging magaling sa mata ni Daddy? No way!” 
Bianca never took interest on their banking business. Her carefree personality must have threatened her father na siyang founder ng HBG, kaya naman ibinenta nito ang malaking halaga ng shares kay Art na nung mga panahong yun ay nakikilala na dahil sa nagawa nitong pag-triple sa performance ng family business nito.
After calming her nerves with four cups of coffee ay namumungay ang mga matang nag-martsa si Bianca palabas ng Purple Café. Isa siya sa mga taong kabaliktaran ang nagiging epekto ng kape sa katawan. At nakakatawang isipin na kape ang paborito niyang inumin.

9:00. Ako at ang dalawang tauhan ko na lang ang naiwan sa shop. Although 9:30 nagsasara ang TBC, sinisiguro na ng security na wala ng naiiwang customer sa kahit anong shop bago ang nasabing oras.
“Ma’am sumabay ka na sa amin.”“Hindi na. Madali na lang namang mag-commute ngayon.”“O Sir, sarado na po kami…”“Sarado na kayo Ms. Fontanilla?” 
It was Art Serrano.
“Papasara pa lang.” Binalingan ko nun ang mga empleyado ko.
“Sige na. Umuwi na kayo.”“Sigurado ka ma’am?”“Kung ayaw niyo pang umuwi, sige, ibibigay ko na ang separation pay ninyo.”
“Naku naman ma’am!”“Aalis na po kami.”Gaya ng inaasahan, nagmamadaling lumabas ng shop ang dalawa.
“Mukhang okay ka naman sa mga nakuha mong empleyado mula sa agency.”“Naku, salamat sa pagre-refer sa akin sa agency na yun.”
“No problem. Kailangan ko din namang payamanin ang isang yun para yumaman rin ako.”Napangiti naman ako. Unlike those young successful human beings, matinong kausap si Art at hindi nakakailang. Kahit mga ordinaryong empleyado ng TBC ay kinakausap nito at kung minsan pa ay tini-treat niya sa kung anu-ano.
“Bakit ka nga pala nandito? Asking me for a date?”
“No… Rather, I want you to date my friend.”“Huh?”
“Let’s go.”“Wait! Hindi pa ako pumapayag.”“I can make your business fail first thing tomorrow.”
“Oo na. Sasama na.” 