Teentalk

Author Topic: The Bipolar Story - Chapter 30 Part 2 (New Update!)  (Read 3249 times)

tarush_gal

  • taffy
  • ***
  • Posts: 479
  • Karma: +8/-6
  • 직감 Intuition.
    • flavors.me
Re: The Bipolar Story - Chapter 11 FINALLY!
« Reply #30 on: April 11, 2011, 05:27:32 pm »
C H A P T E R 11

“Okay guys! Here’s the list of the groups and and the group members.”

Nagpatawag ng meeting si Kuya Jacob para masabi na saamin kung saang grupo kami mabibilang. Mas maganda daw pag maaga namin malalaman para makilala na namin kung sino ang magiging kasama namin sa activities this sem. Flinash sa projector yung group 1 at sinabi rin ni Kuya Jacob yung mga names ng mga members.. nag patuloy-tuloy lang ito hanggang umabot sa group 6. Lumabas muna ako para mag CR.

“..Hannah Francisco, Carlo Montez and Jean Tiongco. Andito ba kayong anim? Please stand up para mag form kayo dun sa dulo.

Tamang tama pag pasok ko dun ko narinig yung pangalan ko. Agad naman ako lumapit sa mga groupmates ko. Nag hi at hello naman kami sa isa’t isa para maging comfortable kami.

“Kulang pa tayo ng dalawa. Since wala pa sila, mag usap muna tayo. Let’s get to know each other first.”

Galing pala sa iba’t-ibang department tong mga kagroup ko. Lahat sila mga freshmen na katulad ko. Yung dalawa taga Mass Communication, yung isa Legal Management, tas yung isa naman, Tourism. Dumating naman yung isa, si Ate Hannah, 3rd year Multimedia Art student. Ayun, kwentuhan for the mean time dahil binigyan kami ng time para makipag interact sa mga new groupmates namin. Habang nag kwe-kwentuhan kami, may biglang nag salita sa likuran ko..

“Group 6?”

“Ikaw ba yung Alex?”

Bigla ako natahimik nung narinig ko yung sinabi ni Carlo :O Joke time lang ata ito eh.

“Ah oo, ako nga. Sorry late kasi may inasikaso pa ako sa isang major namin.”

@____@ SIYA NGA! OMGGG. Bat parang tensed ako ? OA ka Jean ah!
Inayos naman namin yung upuan namin para makasama siya sa circle.

“Nakapag introduce na pala kami, Alex. Ulitin na lang namin dahil late ka. Ako pala si Hannah, 3rd yr. MMA.”

Nagpatuloy ang introductions hanggang umabot sa akin.

“Jean, 1st yr Med. Tech.”


“Diba ikaw yung kaibigan ni Channa? Orgmate pala tayo.”

Napatingin naman saamin yung mga groupmates mo. Bat ba ang lakas ng radar ng mga tao sa paligid pag nagsasalita itong si Alex? Ano bang meron? /raises eyebrow

Tumango na lang ako para makapag move on sa discussion about sa groupings. Per group may assigned na event na ico-cover sa mga activities ng university. Una ang Sportsfest so 1 week activity yun. Kailangan raw magkakasama kaming groupmates during activities. Tapos after event, kailangan i-compile lahat ng shots tas ipa-pass during org meetings. Bakit feeling ko matrabaho? T___T Naging team leader namin si Ate Hannah dahil siya ang pinakamantanda saaming anim.

“Guys, 2 weeks from now na ang start ng sporstfest. Please be ready.”





2 weeks later..


Quote
[From: Ate Hannah]

Group assembly sa tapat ng main building at 3PM. Sasabihin ko na rin sainyo kung sino makakapair niyo sa dispersion. Thank you.

-Hannah.

This is it! Ito ang first kick off activity ng org and i’m excited! Matagal ko ng winiwish na mag cover ng mga activities :O First time lol.

Andito ako sa bahay dahil wala namang pasok this whole week dahil sa activity. Inayos ko naman mga dadalhin ko. Tripod, extra battery, charger, extra memory card.. check check! 12 na pala nung tumingin ako sa orasan kaya kumain na ako. Since 3 pa naman ang assembly, nanuod muna ako ng tv hanggang sa nakatulog ako..


2:45PM

Bigla akong nagising nung ginising ako ni manang dahil hindi ko man lang raw pinatay yung tv, nag sasayang raw ako sa kuryente -__-.

“Diba may papasok ka?”

“Huh? Oo anong oras na ba?”

“Quarter to 3 na.”

“Qua..ANO?! QUARTER TO 3 NA?!!!”

Nag panic mga cells ko nung sinabi saakin na mag t-three na. Shoot ano ba yan! Mala-late ako sa GA! Magagalit si Ate Hannah! Agad ako dumiretso sa bathroom at naligo ng mabilisan. Toothbrush, bihis, suklay, kuha gamit and go..

“Manang, magpapahatid po ako kay manong Lino.”

“Wala siya. Kasama niya mama mo, may pinuntahan.”

“ANO?!! HALA!! I AM SUPER LATE!”

Magpapahatid sana ako para hindi hassle at para mabilis ako makarating sa school pero WALA! No choice mag co-commute ako. Anong oras ako makakarating sa school? Nag abang na ako ng jeep pero walang dumadaan. Pag minamalas ka nga naman oh! Pag nagmamadali ka, walang jeep.. the irony..

After ilang minutes, may dumaan rin na jeep, finally! Agad naman ako sumakay. Time check: 3:30. Shoot talaga, SHOOT!

Nakarating na ako sa school 10 minutes before 4. Tumakbo ako agad papunta sa main building at na-spotan ko kaagad si Ate Hannah..

“Ate Hannah! I’m so sorry! Nakatulog kasi ako tapos late na ako nagising. Sorry!”

“Nako akala ko hindi ka na a-attend. Kanina pa nag start yung mga games. Sa volleyball kayo mag co-cover. Dun na kayo sa gym 2.”

“Kayo? Sino pala magiging partner ko?”

“Si Alex. Late kayong parehas eh. Andun siya.” Sabay turo dun sa may fountain.

SFKDJFKASHFDSJH lagi na lang late yun. Nag kataon pa na partner ko WHAT TO DO??

“Start na kayo baka mahuli pa kayo. Text na lang kayo kung may kailangan, okay? Alis na ako. Bye! Good luck!”

Man, good luck talaga.

Xiahnnen

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 14
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: The Bipolar Story - Chapter 11 FINALLY!
« Reply #31 on: April 11, 2011, 11:53:50 pm »
PUTEK Alam mo ba kung anong iniisip ko ngayon? =)))
Naiisip ko si Rico kay Alex. Ewan ko ba! Ganun na ba talaga ako kaadik kay Rico? OMG HAHAHAHA
Anyway, batukan kaya kita? Sasabihan mong bitin ako magupdate eh ikaw rin naman! =)))))) /shot

Update agaaaad~

tarush_gal

  • taffy
  • ***
  • Posts: 479
  • Karma: +8/-6
  • 직감 Intuition.
    • flavors.me
Re: The Bipolar Story - Chapter 12 (la la la)
« Reply #32 on: April 12, 2011, 06:20:36 pm »
C H A P T E R  12

“Uh..Kuya Alex?”

Ano daw, kuya? Wait, pwede naman ah! Senior ko siya kaya dapat lang tawagin ko siyang kuya. Bigla naman siya napatingin saakin with a disbelief look.

“Ikaw ba partner ko?”

“Ah eh oo, sabi ni Ate Hannah eh.”

“Ow. Tara na. Late na tayo dun sa event.”

Tumayo siya at nag lakad kaya sinundan ko nalang siya. Ang bilis naman mag lakad ng tao na ‘to -____- Mukha akong nakabuntot sa kanya na parang alalay dahil nangunguna siya at ako naman ay nasa likod, magaling.

Nung pag pasok namin sa gym, ang dami na palang tao. Dahil nga late kami, nasa 2nd set na pala ang game. Hinanda ko na yung SLR ko at pinalitan yung lens. Hahanap na sana ako ng magandang pwesto para makapag picture nang biglang..

“San ka pupunta?”

“Uh.. hahanap ng magandang pwesto para makakuha ng magandang shots.”

“Sama na ako sayo. San ba yun?”


Tinuro ko kung saan ako pwe-pwesto, dun sa place na malapit sa bench ng isang team. Hindi naman kami pwede pumwesto dun sa isang place kundi matatamaan kami ng bola. Sumunod naman si Kuya Alex saaakin kaya umupo na kami sa sahig. Nag kukuha na kami ng mga shots, minsan fail minsan okay. Nangangawit na nga braso ko dahil sa bigat ng lens ng camera ko -___-    Tumigil muna kami sa kaka kuha dahil nag break time. Habang tinitignan ko yung mga shots ko..

“Ang papanget naman ng mga kuha ko.”

Tinignan ko si Kuya Alex habang siya tinitignan mga kuha niya from his camera. Akala ko ako kinakausap niya pero hindi pala kaya bumalik ako ulit sa ginagawa ko kanina.

“Patingin naman ng mga kuha mo.”
Dahil dun, tumingin ako sa kanya na nakatingin na ngayon saakin.

“Sa..akin ba?”
sabay turo sa sarili.


“O..o? May iba pa ba tayong kasama dito?”


Sabi ko nga -__- Inabot ko naman sa kanya yung camera ko tas nag tititingin na rin siya sa mga kuha ko. Dahil ilang pa din ako, tumahimik na lang ako at pinanuod yung mga nag lalaro ng volleyball. I don’t actually enjoy watching any kind of sport. Nakaka bore eh. After ng ilang minutes, nag salita din siya.

“How’d you do those shots?”

Ano ba namang klaseng tanong yan? Hindi ko alam?

“Uh..nag ta-take lang ako ng mga pictures?”

Nag chuckle siya ng onti. “Sorry. Ang labo ba ng tanong ko?”

Actually, oo napaka labo. Ni hindi ko nga alam isasagot ko eh.

Napangiti na lang ako ng isang awkward na smile sabay shrug. Di ko alam ire-react ko.

“What I mean is, ano ginawa mo sa settings at naging still yung mga shots mo? Hindi ko magawa eh. Puros blurred mga kuha ko.”

“Ilagay mo sa ‘sports’ mode yung setting ng cam mo...or mag manual ka na lang. I-adjust mo yung aperture tas shutter speed. Kailangan balance kasi it’s either magiging madilim o maliwanag yung mga kuha mo.”

After ng breaktime, nag patuloy ang set 4 ng game. Instead na mag picture ako, nanuod na lang ako dahil na pagod na ako sa kakakuha, speaking of tamad nga naman diba? XD Si “kuya” Alex, ayun ang tahimik sa tabi, kuha lang ng kuha. Minsan pag tinitignan niya yung mga kuha niya, napapakunot siya ng ulo; siguro hindi satisfied. Minsan naman, nakangiti. Weird, parehas sila ng pinsan niya na weird.

Quarter to 6 na ng matapos ang laro. Nag si-signal na ang aking tyan na gusto ng makaramdam ng pagkain. Nakakagutom naman kasi na maupo dito at manuod at kumuha ng mga litrato noh! Pagkatapos kong ayusin mga gamit ko, tumayo na ako para lumabas ng gym.

“Jean..”

Napatigil naman ako lumingon sa likod ko.

“Kain tayo. Don’t worry, treat ko ako nag yaya eh.”


----

PUTEK Alam mo ba kung anong iniisip ko ngayon? =)))
Naiisip ko si Rico kay Alex. Ewan ko ba! Ganun na ba talaga ako kaadik kay Rico? OMG HAHAHAHA
Anyway, batukan kaya kita? Sasabihan mong bitin ako magupdate eh ikaw rin naman! =)))))) /shot

Update agaaaad~

Suntukin kita eh. Puros nalang mukhang bibig mo eh si Rico! XD Ayan na po ang update!

tarush_gal

  • taffy
  • ***
  • Posts: 479
  • Karma: +8/-6
  • 직감 Intuition.
    • flavors.me
Re: The Bipolar Story - Chapter 12 & 13
« Reply #33 on: April 12, 2011, 11:01:23 pm »
C H A P T E R 13


“Salamat pala kanina dun sa pag turo sa akin.”


“Wala yun. Thanks din pala dito sa food.”


“No problem.”

Andito kami sa ‘freedom park’ ng university kung saan napapalibutan ng mga food booths. Umupo naman kami sa benches at kumain. Medyo marami pa ring tao dahil nga sa ibang games; baka nanunuod sila or tumatambay.

“Ang techie mo pala.”

“Huh?”

“I mean you’re good when it comes to cameras..”

“Oh. Nasanay na rin kasi ako.”

“Oo nga pala, tatay mo pala si Roberto Tiongco; the famous photographer. Just curious, bakit ang layo ng kinuha mong course? Ayaw mo ba maging katulad ng tatay mo?

“Supposed to be Multimedia Arts ang kukunin kong course kaso ayaw ni dad. Baka raw wala akong maging future. Since anjan naman siya, he could always teach me photography. So, past time ko na lang ang pag kukuha ng mga pictures.”

“You could have been your dad’s junior. Sayang.”

“That’s what he likes, I can’t go against it. Besides, satisfied naman ako sa kinukuha ko ngayon. It’s within my line of interest. Eh ikaw, bakit film?”

“Interest. I was fascinated in film productions and on how to produce a film. Na-inspire ako nuong tumira kami sa France for 2 years before. Ever since then, gusto kong pag aralan ang film making.”

“Wow. Ang lalim naman pala ng pinahuhugutan mo kung bakit film making ang kinuha mo.”

Tumawa lang siya. Kung saan-saan na napadpad ang pag uusap namin hanggang sa nag pasya na kami na umuwi na dahil past 7 na.

“Thanks ulit sa free food.”


“Wala yun. Tinuruan mo ako kanina eh. In fact, nakuha din ako ng mga magagandang shots.”

“Patience lang yun bago ka makakuha ng magandang shot. Mag experiment ka lang.”

Naramdaman ko na nag vi-vibrate yung phone ko sa bulsa ko.

“Sige, una na ako.”

“Teka, pano ka nga pala uuwi?”

“Andito mama ko, dinaan niya ako.”

“Ah. Akala ko mag co-commute ka at dun ka mag a-abang ng jeep dun sa lugar ng mga lasinggero.”

“Nako simula nung nangyari yun, never na ako nag aabang ng jeep dun. Na-trauma na ako.”

Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Nababato na ata si mama at kanina pa tawag ng tawag.

“Alis na ako. Kanina pa tumatawag si mama eh. Sige, thanks pala ulit!”

Habang papalakad, nakita ko siya na nag wa-wave.





After ilang days, halos napapadalas ang mga meetings ng mga PPPM after nang sports fest dahil sa pag compile ng mga pictures para sa documentation. Meaning, lagi kong nakakasama ang mga groupmates ko every afternoons dahil sa documentation. After nang sportsfest, may isang activity nanaman ang naganap sa university, ang university fair. Marami kaming cinover na activities dahil 1 week long ang celebration. Si “Alex” pa rin ang partner ko. Wag ko na raw siyang tawagin na kuya dahil one year lang naman daw ang agwat namin at since si Channa hindi naman siya tinatawag na kuya. Okay naman kami—in terms of partnership. Wala nang ilangan in my part which in the first place na pinagtatakahan ko kung bakit nga ba? @__@


*beep*

Quote
   From: Alex

   6PM, tapat ng main building. See you.



“I smell something fishy.”

Nagulat ako sa boses na narinig ko sa likuran ko. Agad ko naman tinago ang cellphone ko at humarap kay Channa.

“Alam mo ba yung chismosa, ikaw yun.”


“Napapadalas ang pagkikita niyo ni Alex ah. May tinatago ka ba?” nakatingin siya saakin with a grin.

“Tigilan mo nga ako Channa. Diba nga partner kami sa PPPM? Parang di mo alam ah.”

“Tigilan mo din ako! Jan nag sisimula yan!” nakatawa pa rin siya.

“Nang alin naman?”


“Heh, pa innocent epek ka pa jan! Denial.”

“Nang alin nga?  ??? I don’t get it.

“Jan nag sisimula ang pag develop ng feelings!”

 :o Nanlaki mata ko dun.  “Haaa?! Hoy! Kung anu-ano pinagiisip mo jan! I-kain mo na lang yan.”

Biglang tumayong si Channa. “Pag yan nangyari, hindi kita tutulungan!”

Tulungan sa alin? Itong si Channa, nababaliw na ata.

“Nababaliw ka na ata. Umupo ka nga!”


Hindi niya ata narinig sinabi ko at patuloy pa rin siya nag sasalita.

“Nasa akin ang huling halakhak pag ikaw, Jean ay nag kagusto kay Alex!”

Nanglaki nanaman mata ko. Gusto ko na takbuhan itong si Channa at nababaliw na nga talaga.

NICQii 7:^|

  • Guest
Re: The Bipolar Story - Chapter 12 & 13
« Reply #34 on: April 12, 2011, 11:20:07 pm »
wuw! nakarami na ng chapters
btw, hello sis
new reader
support ko pa rin 'to

Xiahnnen

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 14
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: The Bipolar Story - Chapter 12 & 13
« Reply #35 on: April 12, 2011, 11:26:28 pm »
Ay teh! Ayos, dalawang chapters sa isang update! \:D/
Bait naman ni Alex dito. Kala ko magiging bad boy siya eh =)))) /shot
Teh, ikaw na techie. XD Ikaw na may slr XDDDDDDD

tarush_gal

  • taffy
  • ***
  • Posts: 479
  • Karma: +8/-6
  • 직감 Intuition.
    • flavors.me
Re: The Bipolar Story - Chapter 12 & 13
« Reply #36 on: April 12, 2011, 11:30:59 pm »
wuw! nakarami na ng chapters
btw, hello sis
new reader
support ko pa rin 'to


Silent reader ka? :O Thank you :)

Ay teh! Ayos, dalawang chapters sa isang update! \:D/
Bait naman ni Alex dito. Kala ko magiging bad boy siya eh =)))) /shot
Teh, ikaw na techie. XD Ikaw na may slr XDDDDDDD

Bad boy? Di bagay  ;D
Si Jean na ang techie! Inggit me, laki ng lens niya eh  :D

tarush_gal

  • taffy
  • ***
  • Posts: 479
  • Karma: +8/-6
  • 직감 Intuition.
    • flavors.me
Re: The Bipolar Story - Chapter 15 (Masipag kasi ako mag update) XD
« Reply #37 on: April 13, 2011, 06:14:09 pm »
C H A P T E R  14


After nag hasik nang kadiliman si Channa ay este, after nung pangyayari na yon, bumalik na siya sa kanyang normal self. Nakakatakot itong si Channa, bigla-bigla na lang may sasabihin na hindi kanais-nais -____-

Ngayon na ang last day ng university fair. To end the activities, mag kakaron ng concert mamayang gabi. Dahil ang trabaho naming mga taga PPPM ay mag cover ng mga events, kailangan namin mag cover sa concert mamaya. Dumating ako sa school ng 6PM, dahil 7 ang start ng concert. Hindi na ako late ngayon >:) hindi katulad noong first event.

*ring*

“He—"

“Jean! Asan ka ba? Kanina pa kita hinahanap!”

“Andito ako sa backstage, inaayos ko yung equipments ko. Asan ka ba?”


“Puntahan kita jan.”


“Wait, hindi ka makakapasok dito kung wala kang pass. Punta ka na lang sa tabi ng stage, puntahan kita.”

“Sige.”

Itong si Channa naman, demanding. Teka, parang hindi na ako nasanay. Lumabas ako galing sa backstage. Tamang-tama andun na rin si Channa. Inabot ko sa kanya yung isang extra na pass ko para makapasok siya loob.

“Pasalamat ka at may extra akong pass kung hindi, makikipag siksikan ka sa mga audience mamaya.”

“Oh no, you’ll thank me later.”
*grins*

I smell something fishy.. may binabalak nanaman na hindi maganda itong si Channa. Hay nako bruhilda talaga ito.


- - - - - -

“ARE YOU GUYS HAVING FUN?!!”


“YESSSSS!!!”

Pwes ako hindi. Kanina pa ako nabibingi dito. Pano ba naman Paikot-ikot lang ako dito sa harapan ng stage. Minsan sa tabi ng amplifier o diba bongga, basag eardrums ko nito. 11 na nang matapos ang concert. Nag pahinga muna kami ng onti nina Channa at Alex at umalis na rin sa school. Dahil wala ng available na food at wala na rin nag titinda sa school, nag pasya muna kami na dumaan sa Mcdo para kumain dahil lahat kami ay gutom.

“No no no! Ikaw ang manglibre! Ikaw nagyaya kumain!”


“Pumayag naman kayo na kuma—"

“Thanks Alex, you’re the best!” bigla ako hinila ni Channa at umupo sa malapit na table.

Kahit hating gabi na, napaka hyper pa rin nitong si Channa. Di ata ito nauubusan ng energy eh -__-

“Parang inaabuso mo na ata yung pinsan mo ah.”

“Sus, wala yun. In the end, siya pa rin naman ang magbabayad. Joke lang niya yun.”

Kung titignan mo, para silang mag boyfriend-girlfriend. Hindi na ako magtataka kung pagkamalan sila ng ibang tao dahil parang nga pero hindi naman dahil mag pinsan sila.

Maya-maya dumating si Alex hawak ang isang tray ng mga pagkain namin. Wasting no time, kumain na kami dahil gutom na gutom na talaga kami.

“Nabingi ako sa concert, seriously.

“Pero enjoy naman at masaya!”

Napintingin ako kay Channa, anong masaya dun? Halos mabasag na nga eardrums ko eh!

“Maganda mag cover ng mga concerts. Kahit ako, enjoy.”

Napatingin din ako kay Alex. Mag pinsan talaga tong dalawang two, parehas na weird.
Napasarap pa kami sa kwentuhan at hindi namin namalayan na mag o-one o’clock na pala. Tumawag kasi si mama saakin at tinanong kung asan na ako at madaling araw na raw.

Habang papalakad, naramdam ko na nag vibrate yung phone ko. Binasa ko naman yung message.

“Congratulations, you just won 1 million pesos. You can now claim your price by calling this number blah blah. Hanggang ngayon may gan—ARAY!"


Kanina, nag lalakad lang ako at nagbabasa ng message. Ngayon, nasa harapan ko si Alex, at hawak niya ako, eye to eye contact.

“O ano nangyari?”

Feeling ko parang slow motion ang lahat ng nangyari. Napa blink na lang ako sa harapan niya at nung bumalik na ang aking senses, umayos na ako ng tayo. Bigla tuloy ako nahiya. Feeling ko tumaas lahat ng dugo ko sa pisnge ko. Hindi naman mangyayari ito kung hindi ako tinulak at alam ko na kung sino!

Humarap ako kay Channa at tinignan siya ng masama. Itong bruhildang ito!

“Sorry! Naglalaro kasi ako hindi ko namalayan na ang bagal mo pala mag lakad.” Pinakita niya saakin yung iTouch niya.

“Kasi naman nag lalaro habang naglalakad..” naglakad si Alex papalayo at papunta sa kotse.

Hanggang ngayon masama pa rin ang tingin ko kay Channa. Linapitan naman niya ako at inakbayan.

“Salamat pala sa free pass ha!”

With that, inalis niya yung akbay niya saakin at naglakad papunta sa kotse.

wanderrlust

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 9
  • Karma: +0/-0
  • Nothing's Over~ (atm)
    • Tumblr.
Re: The Bipolar Story - Chapter 15 (Masipag kasi ako mag update) XD
« Reply #38 on: April 13, 2011, 07:16:05 pm »
Finally ako na ulit ang nauna magcomment!

BENTA SI CHANNA! I AM SO CHANNA! =)))))))))
Yikeeeeeeee nanalo pa naman si Jean ng 1million /shot tapos
BOG
YIKEEEEE KINIKILIG AKO ! Ako na ang mababaw. Mamaya awayin pa ko dito ni Xiahnnen. :)))
Update na ulit! <3

mizty

  • jellybean
  • **
  • Posts: 258
  • Karma: +6/-1
  • hurting inside
Re: The Bipolar Story - Chapter 15 (Masipag kasi ako mag update) XD
« Reply #39 on: April 14, 2011, 12:42:26 am »
magpinsan talga..haha
i have a silly switch :)

NICQii 7:^|

  • Guest
Re: The Bipolar Story - Chapter 15 (Masipag kasi ako mag update) XD
« Reply #40 on: April 14, 2011, 10:03:55 am »
Silent reader ka? :O Thank you :)

hindi .. ngayon ko pa lang basahin to ..
nasa chapter 5 plang ako ee..
marami pa pero gusto kong basahin 'to ee..
like ko..
thumbs up!

tarush_gal

  • taffy
  • ***
  • Posts: 479
  • Karma: +8/-6
  • 직감 Intuition.
    • flavors.me
Re: The Bipolar Story - Chapter 15 (NEW) Mali yung nauna, typo XD
« Reply #41 on: April 14, 2011, 03:14:47 pm »
C H A P T E R 15

Nakalipas ang isang linggo matapos ang pangyayari na ginawa ni Channa, wala na akong mukhang maihaharap. Sympre joke lang. Dahil sa pangyayaring yun, naging mailap na ako kay Alex. Ni hindi ko na malapitan yung tao dahil sa hiya ko.

*FLASHBACK*

“Okay ka lang?”

“Hu..huh? Oo naman? Ay, oo naman!” ano ba yun, naging patanong pa ang sagot ko kung okay ako.

“Sigurado ka?”

“Bakit mo ba natanong?” *walks away*

“Kung iniisip mo pa rin yung nangyari last week, wala lang ‘yon sa akin. Kung sinasadya man ni Channa, alam mo naman na loko-loko yun eh.”

Bigla na lang ako napatigil. KASALANAN MO TALAGA ITO CHANNA!


*END OF FLASHBACK*


- - - - -

“Malapit na ang Christmas break! Nae-excite na ako!”

Andito kami ngayon sa chem. Lab, inaantay ang prof namin. Break nanaman ang nasa isip nitong babaeng ito. Hindi ko na pinansin si Channa, kaya’t pinagpatuloy ko na lang ang aking pagbabasa sa aking notebook.

“Huy! Wag ka na mag aral! Papasa ka naman eh!” sabay hablot sa notebook ko.

“Akin na nga yan! Ayoko bumagsak! Lahat nga tayo dito nag hihirap jan sa Chem, tapos nagagawa mo pang di mag aral.” Sabay hablot ng notebook.

“Sorry naman! San pala kayo mag ce-celebrate ng Christmas?”

“Sa lola ko.”

“May province ba parents mo?”

“Yes.”

Maya-maya dumating na rin ang professor namin.

“Let’s start with a quiz!”


- - - - - -

“Kamusta na ang mga compilations niyo ng mga pictures sa mga events?”

Nag patawag ng meeting si Ate Hannah. Dahil nga required sa amin na magkaron ng mga compilations ng mga events sa school, kailangan mag co-ordinate kami per group.

“On the process na ate. Malapit na kami matapos.”
Sabi ni Carlo.

“That’s good. Kayo, Channa? Kamusta yung sainyong dalawa ni Alex?”

“Tapos na namin. Ise-send na lang namin sainyo.”

Oo, tapos na namin gawin. Pero hindi kami sa isang place gumawa. Magkahiwalay. Weird? Ako ang weird. Sabi ko mag hiwalay na lang kami dahil naiilang pa din ako dahil dun sa ginawa ni Channa. Excuse ko na lang ay marami kaming ginagawa. Ayos ba? XD

“Great! Ano ba yan, lagi na lang missing in action si Alex pag may meeting. Kung hindi man wala, late. Ano ba nangyayari sa partner mo, Channa?”

Nyek, bat ako pa ang tinanong? Malay ko ba. Di ko na nga siya nakakausap masyado eh.

“Hi..hindi ko alam. Di ko na nakakausap yun these past days eh.”

“Balita ko may joint activity ata ang Mass Comm and DigiFilm sa January. Kaya siguro di masyadong visible si Alex ngayon dahil dun.”

“Siguro nga.”


I don’t have any clue about that.

Nag hiwalay na kami nung matapos ang mini meeting. Naglakad na ako palabas ng school pero nakita ko si Channa.

“Ano pa ginagawa mo dito?”

“Inaantay ko si Alex. May pupuntahan kasi kami. Teka, nakita mo ba siya? Kanina ko pa siya hinahanap.”

“Sa akin ka pa nag tanong eh diba nga hindi kami masyado nag uusap eversince..”

“Eversince nung nangyari after nung concert..”

“Kasi kasalanan mo kung bakit.”

“Huh? Ano ginawa ko?  :o"

“Dahil jan sa pagtulak mo, nailang na tuloy ako sakanya.”

“HA! Sabi ko na nga ba you’ll thank me eh!”

“Ano kamo?”

“Ang sabi ko, magpapasalamat ka saakin!”

“Weird mo, alam mo yun. Bat naman ako mag papasalamat sayo?  ???"


“Eh teka nga, bakit ka naiilang sa kanya kung wala lang naman sayo yung nangyari?  ???

“Eh!!”

Nakatingin lang sa akin si Channa, hinihintay ang isasagot ko. Bakit nga ba? Eh kasi naiilang ako! Basta ang awkward!

“Nakakailang kasi!”


“Ewan ko kung bakit big deal sayo yun. Kausapin, ayaw. Ni makatingin, hindi magawa. Ano bang problema mo? Gusto mo ba siya?


Nag iba ang aura ni Channa, naging seryoso. Ano ba ‘to. Hindi na tuloy ako makapagsalita, baka kung ano pa masabi ko. Natakot tuloy ako kay Channa. Bigla tuloy tumahimik ang paligid. Parang ako pa ang may sala tuloy. Naka cross arms pa rin si Channa hanggang ngayon. Bipolar ata itong babaeng to, bigla na lang nag iiba ang mood.

“Chans, sorry hindi na ako nakapag reply kasi.. o Jean andito ka pala.”

Bigla na lang ako napatingin kay Alex pero si Channa nakatingin pa rin sa akin na seryoso. Seriously, natatakot na ako!

“Pauwi na ako kaso nakita ko si Channa. Sige, una na ako.”

“Hatid ka na lang namin.”

“No, thanks. May sundo naman ako and besides, may lakad daw kayo kaya mauna na kayo.”

“Oh, okay. Ingat na lang.”


Di na ako nag respond, kaya dumiretso na lang ako maglakad. I lied, wala naman akong sundo. Mag co-commute lang ako.


“Ewan ko kung bakit big deal sayo yun. Kausapin, ayaw. Ni makatingin, hindi magawa. Ano bang problema mo? Gusto mo ba siya?”



-----

Finally ako na ulit ang nauna magcomment!

BENTA SI CHANNA! I AM SO CHANNA! =)))))))))
Yikeeeeeeee nanalo pa naman si Jean ng 1million /shot tapos
BOG
YIKEEEEE KINIKILIG AKO ! Ako na ang mababaw. Mamaya awayin pa ko dito ni Xiahnnen. :)))
Update na ulit! <3

Diba uso pa rin yung mga ganon? XD

magpinsan talga..haha

Sinabi mo pa. Blood related eh XD


hindi .. ngayon ko pa lang basahin to ..
nasa chapter 5 plang ako ee..
marami pa pero gusto kong basahin 'to ee..
like ko..
thumbs up!


Aww. Thanks! Medyo madami ka pa palang hahabulin haha.

Xiahnnen

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 14
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: The Bipolar Story - Chapter 15 (NEW) Mali yung nauna, typo XD
« Reply #42 on: April 15, 2011, 12:41:01 am »
WAHHHHH! Kinilegs na naman ako teh!
=)))))) Ang bitin. Update na ulit omg omg omg! SPAZZZZ XD

Hoy H1! Anong pinagsasasabi mo diyan? Di kita nagets. LMAO

tarush_gal

  • taffy
  • ***
  • Posts: 479
  • Karma: +8/-6
  • 직감 Intuition.
    • flavors.me
Re: The Bipolar Story - Chapter 16 Part 1
« Reply #43 on: April 15, 2011, 01:38:14 pm »
C H A P T E R 16 – PART 1

“MERRY CHRISTMAS BLOCKMATES!!”

Andito kami sa classroom namin, nag ce-celebrate nang aming mini Christmas party. Yes, last day na namin ngayon at bukas na ang start ng pinaka aantay na Christmas break ng mga students.

“Start na tayo sa exchange gifts! Ibigay niyo na sa mga nabunot niyo yung gift niyo. Go!”

Agad naman ako lumapit kay Marcus at inabot na ang aking gift.

“Merry Christmas, Marcus!”

“Ikaw pala ang nakabunot sa akin! Wow, thanks!”

“Nahirapan nga ako maghanap ng gift para sayo eh. Hindi ko alam kung ano gusto mo. Sana magustuhan mo yung gift ko.”

“Wala yun! Anything’s okay!”

May isa pa akong gift na hawak pero hindi ko alam kung pano ko ito ibibigay. Nahihiya ako. Dahil wala naman magagawa ang hiya ko, linapitan ko na siya.

“Merry Christmas, Channa. Bati na tayo, okay?”
agad ko naman inabot yung gift ko sakanya.

Bigla siyang tumawa.

“Bati? Bakit, nag away ba tayo?”

“You’re not talking to me so I assumed that you’re mad at me.”

“Silly! Why would I be mad at you? At saan naman tayo nag away?”

“The night—”

“Ano ka ba, I was just joking that time. I was about to laugh at you kaso biglang dumating si Geoff.”

“Geoff?”


“Ah I forgot, Geoff pala tawag namin kay Alex. Geoffroi, his second name. Anyway, tapos umalis ka naman. Sorry. And I wasn’t able to talk to you after that kasi on the rush ako lagi umuwi kasi may practice kami for our grandparents’ golden anniversary tomorrow.”

Nag assume pa ako na galit sa akin itong babaeng to tapos hindi pala? Pwede bang ilublob itong babaeng ito para matauhan?

“Lang ya ka! All this time joke time lang pala yun?! Nakakainis ka!"
*hila ng hair*

“Aray! Sorry na nga eh! Kelan ka pa naging brutal?”

“Ever since na lagi mo akong niloloko!”

Di pa rin ako makapaniwala dito kay Channa! Hay nako! Sarap talaga sabunutan!

“Merry Christmas!” sabay abot sa gift sa akin.

“May puso ka rin pala. Thanks!”

“Aba! Nag babago ka na.. pero for the worse!”

“Shut up! Ang laki mo kasing impluwensya! Isang bad influence!”

It’s nice to have Channa back! Grabe, na-miss ko pala tong baliw na babae na ito.

- - - - -

“Hindi ako pwede sa Monday, mag o-out of town kami ng parents ko. Gawain na kasi namin yun every year.”

May Christmas party pala ang PPPM sa Monday pero hindi ako pwede dahil pupunta kami sa Batac (Ilocos Norte). Province ni Mama dun eh. Dun kami nag ce-celebrate ng Christmas every year, sa mother side. Tapos sa New Year naman, sa father side.

“Ay sayang naman yan. First Christmas party pa naman natin sa org yun.”

“I know. Hindi pwede eh. Enjoy na lang kayo!”

“Dahil hindi ka makakasama, kumain na lang tayo sa labas!”

“Huh? Ngayon na?”

“Yes! It's now or never!”

Hinila na ako ni Ate Hannah kasama nung iba naming mga groupmates. Nagulat naman ako sa mga ito.

“Where to?”

“Mag Red Box kaya tayo? For a change.”

Nag hail na sila ng taxi at pumunta sa Red Box. Bakit dun pa eh hindi naman ako kumakanta -___- ang lalakas din pala ng trip nitong mga ‘to. Totally unexpected! Since mga students pa naman kami, mag student discount kami basta ipakita lang namin ang mga ID namin.

Nag start na silang kumanta. Ayun, nag wi-wild silang lahat samantalang ako, nakaupo dito, nanunuod at kumakain na lang. Di ko naman hilig kumanta eh. Nag pahinga sila tas kumain. Habang nagkakatuwaan kaming lima, may kulang.. si Alex.

“Pupunta ba si Alex dito?”

Speaking of..

“Hahabol daw siya. May practice daw sila para sa Golden Anniversary ng grandparents niya.”

Siguro magkasama sila ni Channa. Malamang! Mag pinsan eh. Ano ba, Jean!

“Jean! Ikaw naman ang kumanta! Ikaw na lang ang hindi kumakanta eh!”

“Kaya nga! Ang unfair mo! Dali na!”
inabot sa akin ang mic.

“Eh.. I don’t sing.”

“Kamon naman! Lahat tayo kumakanta, may tono man o wala. Sige na!”

“Fine.” Kinuha ko yung mic.

“A..... B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z, now I know my ABC, next time won’t you sing with me. There!”

Nakatingin lang silang lima sa akin. What?! I sang naman diba?

“Alam mo, ang corny mo.”

“Alam mo, oo nga.”

“Ang KJ mo! Ito..” inabot sa akin ang song book. “Pumili ka jan ng kakantahin mo. Dapat after ko kumanta, meron ka nang napili ah!”

Wala na akong choice kundi um-oo na lang. Ay nako tong mga to.

Hindi ko namalayan na tapos na palang kumanta si Carlo. Nako, wala pa akong napipiling kanta! In-open ko yung song book tapos pumili na lang ng random na kanta na nakita ko.

“Jean, anong number?”

“76859”

Tas biglang nag play..


“It's getting late
I'm making my way over to my favorite place
I gotta get my body moving, shake the stress away
I wasn't looking for nobody when you looked my way
Possible candidate, yeah.”

Like what I’ve said, random song lang to. Di ko naman inexpect na pang party O_O

“Do you know what you've started?
I just came here to party
But now we're rocking on the dancefloor, acting naughty
Your hands around my waist
Just let the music play
We're hand in hand
Chest to chest and now we're face to face”

Nag wi-wild nanaman yung apat at may nalalaman pang pasayaw-sayaw. Oh my gosh, hindi ko akalain na may side pala tong mga ito na ganto! Nakakahiya XD

“I wanna take you away
Let's escape into the music DJ let it play
I just can't refuse it
Like the way you do this
Keep on rockin to it
Please don't stop the, please don't stop the music
I wanna take you away
Let's escape into the music DJ let it play
I just can't refuse it
Like the way you do this
Keep on rockin to it
Please don't stop the, please don't stop the, please don't stop the—”

“Did I miss anything?”

“music.”


----

WAHHHHH! Kinilegs na naman ako teh!
=)))))) Ang bitin. Update na ulit omg omg omg! SPAZZZZ XD

Hoy H1! Anong pinagsasasabi mo diyan? Di kita nagets. LMAO

Sige, ikaw na ang kinilig  ;D Alam mo naman yang si H1, adik XD

NICQii 7:^|

  • Guest
Re: The Bipolar Story - Chapter 15 (NEW) Mali yung nauna, typo XD
« Reply #44 on: April 15, 2011, 02:25:10 pm »
Aww. Thanks! Medyo madami ka pa palang hahabulin haha.

oo. pero try ko makahabol ;)
nasa chapter 10 nako . yehey ..
6 pa oh!
 tapos baka magupdate ka ulit .
mas rarami na ulit babasahin ko :D


NASL mo pla sis?

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website