Teentalk

Author Topic: The Bipolar Story - Chapter 30 Part 2 (New Update!)  (Read 3249 times)

sunnyshine

  • jellybean
  • **
  • Posts: 264
  • Karma: +12/-0
  • TeenTalker
Re: The Bipolar Story - Chapter 28 "Talaga?" *new*
« Reply #120 on: May 24, 2011, 05:19:40 pm »
aaaayysooowsh!

anu kayang pag uusapan? gagawin? wahahahhahahahahha

LOL kse si alex eeh..
LOVE IS UNDEFINED
-hi gays! ako si SUNSHINE ♥
:-*


pa add po-----> http://www.facebook.com/sunshine.gepilano

vampdubistaaa

  • Guest
Re: The Bipolar Story - Chapter 28 "Talaga?" *new*
« Reply #121 on: May 24, 2011, 05:21:09 pm »
Quote
Nagulat na lang ako at sa park kami nag stop. Ano naman gagawin namin dito??

Malamang mamamasyal. Ano pa bang ibang ginagawa sa park? Duh. Hahaha! Jean talaga oh! Laughtrip. ;D

Pareho pala kami ni Jean pag nahaharap sa crush. Nagiging tuod, tongue tied, balisa... lahat-lahat na. Lol. ;D

Woot. Mukhang may ka-love team na ngayon si Channa ah. ::) Hahaha. Good luck kay Prince. ;D
-Feii <3

Xiahnnen

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 14
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: The Bipolar Story - Chapter 28 "Talaga?" *new*
« Reply #122 on: May 27, 2011, 08:41:02 pm »
Waaahhh ang dami ko na namiss. XD Kinikilig ako pag nababasa ko yung pangalan ni Prince. HAHAHAHAHAHA
Ayos tong si Kyliee ah, mukhang may bago na naman akong aabangan na character. :)))
Trip ko rin yung loveteam ni Prince at Channa. :)))

tarush_gal

  • taffy
  • ***
  • Posts: 479
  • Karma: +8/-6
  • 직감 Intuition.
    • flavors.me
Re: The Bipolar Story - Chapter 29 (NEW UPDATE)
« Reply #123 on: June 02, 2011, 12:59:43 pm »
HELLO SA LAHAT! I'm so sorry at sobrang nahuhuli na ako sa pag u-update >__< my sincerest apologies lol. Natatamad kasi akong gumawa nang panibagong chapter kaya hindi ako makapag update. Pero ngayon, sana ganahan na ulit ako lalo na't malapit na mag pasukan. Soooo, hindi ko na patatagalin, ito na ang aking update.

- - - -


C H A P T E R 29 "Stars"

"Tara, baba na tayo."

Hindi na ako nag react, bumaba na ako agad.

Nauna mag lakad si Alex tapos naupo dun sa bench. Binabagalan ko lang yung lakad ko. Bakit? Kasi gusto ko lang.

Lumingon si Alex sa likod niya kung saan sa direksyon ko. Napansin niya ata na ang bagal kong maglakad. Pinalo niya yung sa right side niya as a sign dun ako maupo.

Nung umupo na ako, naglagay ako ng distance sa aming dalawa. Halata na naiilang nanaman ako sakanya. Eh nakakahiya naman talaga! Baka may makakita pa saamin dito at ma-issue kami. Awayin pa ako ni Margi.

Habang nakatingin ako sa harapan ko, nakita ko sa peripheral view ko na nakatigin si Alex sa langit. Tapos biglang humangin.

"Pasensya ka na.."

Napatingin ako sakanya nang wala sa oras. Pero nakatingin pa rin siya taas. Ano bang meron dun? Eti napatingin na rin ako, na-curious ako eh.

Wow. As in wow. Natameme na lang ako. Kaya pala kanina pa nakatingin si Alex sa taas kasi ang daming stars! Ang ganda! Dahil sa sobrang mangha ko, hindi na ako nakapagreact dun sa sinabi ni Alex.

"Naisama pa tuloy kita dito sa park."

"Hindi.. Okay lang."

Tapos tumingin na ako sakanya eh yun pala nakatingin na rin pala siya sa akin. Wenk wenk.. para akong naatake sa puso. Waaaah!

"Gusto ko lang kasi magpahangin. Nabasa ko din kagabi na maganda daw ang view ng constellations ngayon."

Napatingin nanaman ako sa langit. Ang ganda talaga. Parang ngayon lang ako nakakita nang napakaraming bituin.

"Ang ganda."

"Buti naman nagustuhan mo."

Freeze.

Kikiligin ba ako o hindi? Parang wala akong karapatan kiligin eh. Pero dahil hindi ko naman naco-control ang feelings ko ay kinilig pa din ako.

Tapos naalala ko. May isang bagay pala akong gustong kumpirmahin. Isang tanong kung totoo nga ba yung kumakalat na balita o hindi.

Dahil may sariling buhay yung bibig ko that time, bigla na lang nagsalita.

"May tanong ako."

"Ano yun?"

"Kayo ba ni Margi?"

Diba nga sabi ko sainyo may sariling buhay yung bibig ko?

It took him time bago siya sumagot. Medyo nagpapasalamat ako dahil nagawa ko itanong yun. Kasi gusto ko ikumpirma galing sa kanya. Para hindi na ako umasa.

Inaantay ko lang bago siya sumagot. Sa tingin ko hindi na siya sasagot. Haay. Sayang lang yung courage at effort ko para itanong yun. Feeling ko nailang siya kasi bat ko naman itatanong yun? Napaka chismosa ko naman siguro sa tingin niya. Nyay, nakakahiya naman.

"Sorry, masyado bang per--"

"Hindi.. Hindi kami ni Margi."







"Huh?"

Inayos niya yung upo niya. "Lumalala na talaga yung usapan na yan sa school."

"So.. Hindi totoo yung kumakalat na kayo?"

"Hindi. Sinabi ko naman na magkaibigan lang kami ni Margi."

Oh my.. Hindi sila. HINDI SILA! Ano ba yan, masyado kaming nagpapaapekto sa chismax sa school. Sasaya na ba ako?

"Yun.. kasi yung kumakalat." sabi ko habang nakatingin sa papag.

"Aalis na kasi si Margi."

Ano daw? Aalis? San naman siya pupunta?

"OJT na kasi nila sa Australia next month. Uuwi na lang siya dito next year, sa graduation nila."

Natahimik na lang ako. Di na ako nagsalita.

"Kaya siguro kumakalat na kami kasi napapadalas yung pagsasama namin. Totoo. May dahilan naman kung bakit. Kasi aalis na siya. At saka paano naman magiging kami eh may boyfriend si Marg."

Ano? May boyfriend si Margi? Eh bakit hindi kalat?

"Tago lang yung relasyon niya dun sa boyfriend niya. Ayaw niya may makaalam."

Teka teka, hindi naman ako nagtatanong bakit nasasagot niya yung mga nasa isip ko?? Weird.

"Kaya wag kang maniwala sa mga sabi-sabi. Hindi lahat ng naririnig niyo ay totoo."

Masyado kasi kaming nadadala sa mga sabi-sabi ng mga tao. I learned my lesson.. Hindi na ako maniniwala sa mga tsismis.

-----

Kwinento ko kina Channa at Kylee yung sinabi sa akin ni Alex dun sa park about sakanilang dalawa ni Margi. Ang stooopid daw nila at na-decieve sila sa mga nakikita nila kasi akala talaga nila na silang dalawa. Buti na lang daw at natanong ko daw yun. Alam daw nila na matatanong ko yun dahil hindi daw ako mapakali. Ayos din silang dalawa noh?

Nakaalis na rin pala si Margi. Actually last week pa nga eh. Meaning, nakaraan na nang isang buwan after nung park scene. After nun, hindi na ulit kami nagkikita ni Alex. As if naman may dahilan para magkita kami diba? Nagiging ka-close na rin namin sina Prince at Rishi. Kilala din pala nila si Kylee dahil nga nasa varsity si Kylee ng college namin. Ayun, hindi pa rin magkasundo sina Channa at Prince. Sabi ni Rishi, ganon na daw talaga yung dalawa-- hindi lumilipas ang isang araw na pag nagkita sila e hindi sila nagaaway. Kaya masanay na daw kami.

Nag meeting naman kami sa org at sabi na kailangan na daw namin maging prepared sa mga activities next sem.

Nami-miss ko na nga yung mga ka-groupmates ko eh. Hindi na kasi masyado ang mga GA's ngayon unlike last year.

Dahil nga mag fi-finals na next week, napaka busy nanaman nang mga tao. Ang bilis lang ng panahon, wala naman kasing nangyayari.

"Nagyaya sina Rishi na mag outing after ng finals."

"Mukhang maganda yan!"

Nakikinig lang ako sakanila Kylee at Channa. Gumagawa kasi ako ng assignment namin, nakalimutan kong gawin kagabi, nadala kasi ako sa scene sa Green Rose :p

"Saan naman yung outing at sinu-sino naman tayo?"

"Yung about sa lugar, hindi pa sure. Tanungin ko na lang daw siya sa finals week. Tayo-tayo lang. Tayong tatlo tapos silang 3 na barkada."

Panigurado pag sinabi kong ayoko sumama, kukulitin nila ako na sumama. Lalo na itong si Kylee, dakilang magala yan eh. Ready na ready sa lahat.

"Sabihin niyo sa akin kung saan kaagad ah. Para makapagpaalam ako agad."




Nag punta ako sa field mag isa. Wala lang, gusto ko lang mapagisa. Emo? Hindi. Medyo na s-stress na ako sa mga ginagawa namin sa school. Pinapanuod ko lang yung mga nag P-PE ng soccer kanina. Ngayon tapos na sila. Dahil walang magawa, tumayo ako tapos pumunta sa field. Nakita ko yung soccer ball na naiwan. Ibabalik ko sana kaso may pumasok sa isip ko na gagawin.


Ibabalik ko naman yung bola. Ma-try ngang i-goal ko ito. Try lang naman eh. Alam ko naman na hindi ko ito mago-goal.

Bago ako pumwesto, tumingin muna ako sa paligid. Baka kasi may nanunuod o nakatingin. Nakakahiya naman kasi pag lampa-lampa ako sumipa.
The coast is clear naman kaya pumwesto na ako. Lumayo ako tapos tumakbo papunta sa bola tapos sumipa.

Tinignan ko yung direksyon nung bola. Maya't maya, hindi ako makapaniwala na nag goal naman. Napatalon ako tapos nag "yes!" sa sarili. Ang babaw ko naman. Satisfied naman ako kaya kinuha ko yung bola. Ibabalik ko na sana yung bola kaso nabigla ako nung may narinig akong pumalakpak.

Xiahnnen

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 14
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: The Bipolar Story - Chapter 29 (NEW UPDATE)
« Reply #124 on: June 02, 2011, 09:11:59 pm »
WAHHHH! At sino naman kaya yung audience na yun! :">
Nakakakilig yung stargazing scene. <3 Parang sinadya talaga ni Alex na isama siya don.
Ahahahahahayyyyy.

sunnyshine

  • jellybean
  • **
  • Posts: 264
  • Karma: +12/-0
  • TeenTalker
Re: The Bipolar Story - Chapter 29 (NEW UPDATE)
« Reply #125 on: June 03, 2011, 09:20:03 pm »
alex ikaw ba un!!! ayiiee

anu ka kabute? wajajaja :O:
LOVE IS UNDEFINED
-hi gays! ako si SUNSHINE ♥
:-*


pa add po-----> http://www.facebook.com/sunshine.gepilano

tarush_gal

  • taffy
  • ***
  • Posts: 479
  • Karma: +8/-6
  • 직감 Intuition.
    • flavors.me
Re: The Bipolar Story - Chapter 30 P.1 (New Update!)
« Reply #126 on: June 09, 2011, 02:13:03 pm »
Before the update, I kinda want you guys to listen to the song featured on this chapter HAHAHA (nang plug ba? XD) Kasi perfect siya sa weather ngayon-- maulan at malamig. Wala lungsss. Sige ito na nga..


---


C H A P T E R 30 "Call it a day." PART 1

*clap clap clap*

Hinanap ko kung saan nanggagaling yung palakpak. Shocks! May nakakita ata nung ginawa ko! Nakakahiya! Aaah! Ano ba yan!

Naglakad na lang ako hawak hawak yung bola, nag a-act na wala akong narinig.

"Miss!"

Ako ba yung tinatawag? Baka naman hindi, kaya diretso lang ako.

"Miss! Yung bola!"

Ayun napahinto naman ako. May nakita akong lalake na patakbo sa direksyon ko, naka PE uniform.

Nung nasa tapat ko na siya, medyo hinihingal pa siya. Kaya inabot ko naman na yung bola sakanya.

"Uh.. Sorry."

"Bat ka nag so-sorry?"

"Eh kasi..ginamit ko yung bola?"

Toinks. Ayan nanaman ako sa question statement na hindi naman appropriate.

Nag smile siya tapos nag salita.

"Galing mo nga sumipa eh. Na-goal mo pa."

Shocks! Nakita pala niya! Siya siguro yung pumalakpak kanina. Nakakahiya naman! Naramdaman ko uminit yung pisnge ko waaah!

"Uy.. Namumula ka." tapos nag chuckle siya.

Napahawak tuloy ako sa pinsge ko. Eeeeh kahiya!

"Uh sige aalis na ako. May klase pa ako."

Hindi pa ako nakakalayo eh narinig ko siya na nag salita.

"Teka! Hindi ko pa alam kung anong pangalan mo."

Hindi na ako lumingon pero nag salita ako.

"Sorry late na talaga ako."

Lumakad ako. Pero hinarangan niya ako. Ngayon nasa harapan ko na siya.

Medyo nainis ako. Ang kulit eh. Totoo naman na may klase ako. Pagalitan pa ako.

"Late na talaga ako."

"Sige, ganito na lang. Pag naka-goal ka ulit, sasabihin mo sa akin kung anong pangalan mo. Pag hindi, next time na lang."

Tatanggi na sana ako kaso nag please siya. Errr. Pumayag na lang ako. Alam ko naman na hindi ko ito ma go-goal.

Pumunta kami dun sa pwesto ko kanina nung sumipa ako. Inayos niya yung bola. Lumayo ako, tumakbo tapos sinipa yung bola.





Lumapit sa akin yung guy na may isang grin sa kanyang mukha. Ugh.

Nag sigh ako tapos nag whisper na "fine". Ano pa bang magagawa ko eh pumayag ako sa deal.

Dahil gusto ko umalis, kinuha ko muna yung mga gamit ko.

"Jean."

---

After nung "soccer" incident, hindi ko na nakita yung guy. I don’t even know his name and diba nga hindi kami masyado gumagala sa school?

May place na rin pala ng "outing" sa sembreak. Sa isang mini resort nung tito ni Rishi sa Batangas. Ang layo nga eh pero wala naman ako magagawa kasi libre naman kaya sulitin na raw.

Dahil malapit na nga ang sembreak, excited naman sina Kylee at Channa. Hindi man lang nila naisip na may finals pang haharapin bago ang break? *sigh*

"Kailangan matapos na itong mga exams na ito! Sagabal lang."

"Ano ba, may exam pa tayo, bakasyon na agad iniisip niyo." sabi sabay basa sa libro.

"Sino bang hindi mae-excite? Hello, beach! BEACH!"

Oo nga pala, beach ang pupuntahan namin. Hindi ko na lang sila pinansin, nagaaral na lang ako dito.

"Panigurado naman na DL ka this sem. Naabuso na masyado ang discount mo every sem sa tuition."

"Nakakatulong naman ako sa parents ko noh. Nababawasan ang gastos nila sa akin." well, totoo naman.

"Hello, only child ka lang naman! Ikaw lang ang sinosoportahan!"

"Kahit na.. Basta! Magaral na nga kayo!"



-----




"Finally! My long awaited day!" sabay lagay ng baggage sa trunk ng van.

Yes, tama nga yang iniisip niyo, papunta na kami sa Batangas ngayon. 3days lang naman kami dun. Sa isang van na lang kami sasakay para tipid. Tapos ang driver namin sino pa nga ba, eti si Rishi. Andito kami ngayon sa garage nila Rishi kasi napagusapan na dito na lang kaming lahat magkikita-kita. Nagaayos muna kami ng mga gamit tapos pinakain rin kami ng mom ni Rishi bago kami umalis para daw diret-diretso daw ang aming biyahe.

Syempre dahil roadtrip ito, hindi maiiwasan ang mag baon ng mga snacks. Kaya yun, kahit hanggang sa trip eh kumakain kami. Katabi ko si Kylee sa van tapos magkatabi sina Prince at Channa (by popular demand ;P) tapos si Alex nasa passenger’s seat. Nung nasa SLEX na kami, biglang tumahimik kasi tulog yung iba. Kanina kausap ko lang itong si Kylee tapos maya’t maya yung sarili ko na lang pala ang kausap ko kasi nakatulog na pala siya -___-

(LISTEN: Hale – Toll Gate)

Medyo lumakas yung sound nung pinatugtong itong kanta ng Hale. Medyo senti-senti siya kaya ayun, nakadungaw ako sa bintana. Eksakto itong kantang na’to dahil kakadaan lang namin sa may toll gate. Coincidence?

I'm moving so fast I can't look back
The streetlights are changing
They mean nothin' at all
Maybe I'm stranded
I'm stuck in this place alone
I looked at the window
Tomorrow will be fine


Paka emo talaga nitong kantang ‘to. Ayan tuloy, napapa-emo rin ako dito. Babaw e noh?

It's over
I'm turning off the light
This day maybe through
I'm here without you
I don't have a clue

Ewan ko pero napatingin ako sa harapan tapos nakita ko na nakakababa yung headboard ni Alex tas naka-display yung mirror dun tapos nakita ko nakatingin siya sa likuran, sa amin. Okay, weird? Medyo nailang naman ako at tumingin ako ulit sa bintana.

But tomorrow will come
Tomorrow will come
Tomorrow will come
Tomorrow you'll come
Tomorrow you'll come


- - - -

“Tara maligo na tayo sa dagat!” agad sigaw nila Channa.

Kakarating lang namin, swimming agad nasa isip nitong mga ito. Di naman sila masyadong excited noh?

“Kung mag ayos muna kayo ng gamit e nuh?”

“Hayaan mo na silang ilagay yung mga bags natin sa room natin!” sabay turo kay Prince.

“Aba naman! Gawin ba namang alalay ang prinsipe? Ikaw dapat ang nagsisilbi saakin!”

Bago pa magsimula ang sagutang nung dalawang soon-to-be-lovebirds eh sumingit sa gitna si Rishi at sinabi na ilagay ang kanya-kanyang bag sa kwarto.

Pagdating namin sa kwarto, inayos na muna namin ang mga gamit namin at nag pahinga. Tapos maya’t maya, nagkayayaan nang pumunta sa beach at mag swimming o mag sight seeing. Dahil nga napaka excited nila Kylee at Channa ay nag swimming rin sila kasama si Prince. Kaming 5 except si Rishi ay nauna na, susunod na lang daw siya mamaya dahil may inasikaso raw siya.

Dahil dala ko ang aking camera, nag lakad-lakad naman akong mag isa at nag picture ng kung anu-ano. Tapos pag lingon ko sa likod, nakita ko from my view finder si Alex. Binababa ko naman yung camera ko agad.

“Nakita ko na nag lalakad ka lang magisa kaya pinuntahan kita.”

“Ah hehe. Uh, bat hindi ka nag swimming kasama sina Prince? Tuwang-tuwa nga sila eh.” Napatingin ako sakanila na nag swi-swimming.

“Gusto ko kasi makita yung sunset mamaya.”

“Pwede... mo naman makita yun habang nag swi-swimming ah?” okay, totoo naman diba? Natawa lang ako sa sarili kong statement. Haha weird me.

“Gusto ko kasi yung nakaupo lang sa buhangin tapos nakatingin sa sunset.”

Hindi na ako sumagot. Nauna ako nag lakad tapos kumuha nanaman ng mga pictures tapos narinig ko siya magsalita behind my back.

“Nag dra-drama ka ata kanina sa van.”

Napatigil naman ako sa ginagawa ko. Naalala ko yung nangyari kanina sa van. Tae nakita niya ako nakakahiya naman!

“Hindi kaya!”

Narinig ko siyang mag chuckle tapos tumabi siya saakin.

“Talaga lang ha. Base sa nakita ko kanina, mukhang nag dra-drama ka nga.”

Na-feel ko na tumaas lahat ng dugo ko sa mukha ko. Isa lang meaning nung, namumula nanaman ako. Agad naman ako napatingin sa baba para hindi niya makita. Kakahiya talaga. Kasalanan nung kanta yun eh!

Nag patuloy ulit kaming maglakad. Medyo nag se-set na ang araw. Ang ganda nga ng view ng dagat eh.

“Ang tagal rin nating hindi nag kita.. Kamusta?”

Shocksssss.. medyo nag pa-panic ang aking cells dito. What.. Ano ka ba naman Jean! Nagtatanong lang yung tao nang kamusta, hindi ka na mapakali?  Ang weird mo.

“A..ayos naman. Naging busy bago mag finals. I..Ikaw?”

“Busy din, sa mga majors.”

Katahimikan.

Bigla siyang umupo sa sand. Aalis na sana ako kaso bigla siyang nagsalita.

"Ayaw mo bang makita yung sunset?"

"Uhhh.. gusto?"

"E saan ka pupunta?"

"Sakanila?" sabay turo sakanila Channa.

Tapos nag chuckle siya. "Alam mo, ang cute mo. Bakit ba laging patanong mga sagot mo?"

AHHHHHH! HE CALLED ME CUTE, AGAIN! Kikiligin na ba ako? Naramdaman ko na uminit yung pinsge ko. Shocks.

"Hehe"

Wala na ako nasabi kundi yan. Ang tae naman! Kaya umupo na lang ako sa tabi niya.

"Bakit namumula ka?"

"Huh?" sabay hawak sa pisnge. Curse you, blood! Bakit kasi nangyayari pa mga ganito >__<

"Mainit ba?"

"Hindi.. Hindi naman."

Gaaah please stop looking! Naiilang ako nang bongga! Kaya nakatingin na lang ako sa dagat. Ayaw pa kasi mawala yung pula ng cheeks ko.

Narinig ko nanaman siyang nag chuckle.

"Ang cute mo talaga."

Tapos nabigla na lang ako sa susunod na ginawa niya.












He pinched my cheeks.








O________O




Naging statwa nanaman ako sa kalagayan ko, hindi ko na alam kung anong ire-react. Pwede bang matunaw?

"Hi..hindi ah!"

Yun na lang nasagot ko. Nag a-act ako na parang wala lang yung nangyari. Outside, wala lang pero on the inside, iajhshsjahdh unexplainable.

Biglang nag iba yung mood dahil nag se-set na yung sun. Tumahimik.

"First time ko lang makita ang sunset nang ganito."

"Ows?"

"Seryoso. Bihira lang naman ako pumunta sa dagat. Wala namang malapit na dagat saatin. Maliban na lang sa Manila bay."

"Ako rin."

Well yeah, totoo naman. First time ko ito na makakita ng sunset, ever. My parents are no fans of beaches. Kaya ganon.

Naalala ko na dala ko pala ang camera ko kaya pinicturan ko yung sunset.

"Balak ko pa nga dati na isama yung girlfriend ko na manuod ng sunset kasama siya."

I frooze, again. Pero kunyari parang wala lang sa akin, kaya kuha pa rin ako ng kuha ng litrato.

"Pero hindi natuloy kasi nag break kami."

Kuha lang ng kuha, Jean. Wag mong pairalin ang curiosity mo. Isipin pa ni Alex na ang echusera ko.

"So that makes you the first girl I ever watched a sunset with."

Dun. Duon na ako literal na nanigas. Kamuntikan ko na nga atang mahulog yung camera ko.

Naiinis na ako sakanya. Naiinis na! Kinikilig ako nang bongga dito eh! Ang hirap magpangap na wala lang sayo pero deep inside naman kinikilig ka :|

"Pahiram naman ng camera."

Binigay ko sakanya. Dahil hindi pa rin ako maka-getover sa mga pangyayari, nakatulala na lang ako sa view ng dagat. Dahil nga katabi ko lang siya, nakita ko from my peripheral view na nakatapat saakin yung camera bago pa ako lumingon, narinig ko yung shutter sound.

"Ba.. Anong ginawa mo?? Bakit mo ako kinuhaan ng picture?!"

"Remembrance."

"Para saan?!"

"Kung nakikinig ka man kanina sa sinasabi ko, ikaw nga ang unang babae na kasama kong makakita ng sunset."

Okay. Naloka ako dun. Bakit? Huh? Naguguluhan ako. Bakit? Hindi ko alam. Hindi ko maexplain kung anong nararamdaman ko. Halu-halo eh.

Narinig namin na may tumatawag saamin. Yun pala sina Rishi. Hinahanap na pala kami. Kaya tumayo na kami tapos pumunta na sakanila.

Xiahnnen

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 14
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: The Bipolar Story - Chapter 30 P.1 (New Update!)
« Reply #127 on: June 09, 2011, 04:56:56 pm »
May pag asa na si Jean kay Alex no. Nyahahahaha. Moment na niya to! <333
Lalo na't wala na si Margi. LOLWAT

Namiss ko pakinggan yang Toll Gate! :'(
Magpost ka pa ng mga kantang bagay dito sa kwento, nakakaset ng mood. Hahahahha!

sunnyshine

  • jellybean
  • **
  • Posts: 264
  • Karma: +12/-0
  • TeenTalker
Re: The Bipolar Story - Chapter 30 P.1 (New Update!)
« Reply #128 on: June 09, 2011, 08:46:13 pm »
ayiee!!


1st girl na kasama manuod ng sunset!!

at ayiiie!!

Girlfriend na ba ang next wahahah

ako din kinikilig
LOVE IS UNDEFINED
-hi gays! ako si SUNSHINE ♥
:-*


pa add po-----> http://www.facebook.com/sunshine.gepilano

tarush_gal

  • taffy
  • ***
  • Posts: 479
  • Karma: +8/-6
  • 직감 Intuition.
    • flavors.me
Re: The Bipolar Story - Chapter 30 Part 2 (New Update!)
« Reply #129 on: June 10, 2011, 09:50:01 pm »
C H A P T E R 30 "Call it a day." PART 2

Nasa kwarto kami nina Channa at Kylee. Inaantay ko lang silang matapos maligo kasi sabi after kakain na daw ng dinner.

"Saan ka ba nag su-suot kanina?"

"Nag lakad lang ako. Ayoko naman mag swimming."

"Kayong dalawa lang ni Alex ang wala kani-- OMG! Mag kasama siguro kayong dalawa noh?!"

Here we go again. Ayoko na mag salita. Pag nalaman nila Channa, paniguradong aasarin nanaman nila ako. I'll tell a lie.

"Hindi noh!"

Tinignan ako suspiciously ni Channa. Nag dududa.

"Hindi nga. Hindi ko nga siya nakita buong hapon."

Liliwanagin ko lang, hindi kasama ni Rishi sila Channa at Kylee kanina nung tinawag niya kami. Mag isa lang siya kanina. Kaya yun.

Eksakto namang lumabas ng banyo si Kylee kaya nawala yung suspicious looks ni Channa saakin. Whew!

Kukuhanin ko sana yung camera ko para tignan yung mga kinuha ko pero nung hinahanap ko, hindi ko makita. And shoot, naalala ko na’kay Alex pala! Kunin ko na nga lang personally kasi pag kasama ko itong mga ‘to, aasarin nila ako lalo.

“Saan ka pupunta?”

“Naiwan ko kasi yung camera ko sa counter sa lobby. Kukunin ko lang.”

Tuluyan na ako lumabas. Pumunta ako sa kabilang side kung saan andun yung kwarto nung tatlong guys. Andito na ako sa tapat ng kwarto nila. Bago ako kumatok, medyo kinakabahan ko na hind ko nanaman maintindihan. Pero here goes nothing.

*tok tok*

Kumatok ako ulit kasi parang walang nag re-respond. Hindi siguro nila marinig yung katok ko kasi medyo maingay sa loob ng room. Kumatok ulit ako for the last time. Pero wala pa rin. Aalis na sana ako kaso biglang bumukas yung pintuan.

“OMG!” bigla ako tumalikod.

Why?












I saw Prince in front of me, half naked. WTHECK!






He was only wearing boxers.


“Sino ba yan? Jean?!”

Nag semi-wave lang ako ng kamay pero nakatalikod pa rin ako.

“I uh, kukunin ko sana yung camera ko kay Alex pero.. I was taken aback because of that.”

“Ano ba naman Prince! Mag suot ka nga ng tshirt!”

“Aray naman! Kailangan pang batukan ako?”

“Oo! Alis!”

“Wala na si Prince, pwede ka nang humarap.”

Humarap ako. Tapos nag sigh in relief. Nakakaloka naman yung kanina.

“Pag pasensyahan mo na yung si Prince, nag fe-feeling kasi yun. Show off.”

“Hehe”

Nagulat ako sobra sa nakita ko. Hindi ko naman ine-expect na ganon pala ang magiging bungad ko pagbukas ng pintuan.

“Ano nga palang kailangan mo?”

“Yung camera ko na ‘kay Alex.”

“Ay oo nga pala! Sorry! Teka lang.”

Pumunta siya sa loob ng kwarto. Tapos maya’t maya nakita ko si Alex kasama si Rishi. Mukhang kakagising lang.

“Tulog, ginising ko lang.” Tapos umalis na.

Nanlaki mata ko.

“Oh my gosh. I’m so sorry! Naistorbo ko pa tulog mo!” in a panic-ky tone.

Medyo magulo pa nga buhok niya e pero he looks cute. Kinikilig tuloy ako ano ba. Nag stare muna siya saglit, parang nanibago. Kakagising lang syempre.

“Ah! Yung camera mo pala, teka lang.”
 
*after ilang seconds..*



“Sorry hindi ko pala naibigay sayo kanina.”

“Okay lang. Ako dapat mag sorry kasi nadistorbo ko tulog mo.”

“Kung hindi ako ginising ni Rishi, hindi na ako makakakain ng dinner.”

"Sige, alis na ako. Kakain na kasi."

Hindi ko na narinig yung sinabi ni Alex kasi nag mamadali na akong pumunta sa lobby kasi narinig ko yung boses nila Kylee.

After namin kumain, lumabas kami at naglakad lakad sa mga mini restobars by the beach. Parang Puerto Galera o Boracay lang dito kasi may night life rin pala.

Tumambay kami sa isang restobar, nakikinig lang sa banda. Ayun, kwentuhan, tawanan, inuman. Actually, si Kylee lang ang nakisali kasi umiinom naman talaga ito. Barako nga diba?

Tapos nagkayayaan nanaman na sumayaw sa dancefloor. Dahil nga may trauma na ako sa nangyari dati, hindi na ako sumama at saka hindi naman ako mahilig sa ganyan.

Lumabas na lang ako kasi medyo naiinip na rin ako sa loob at wala akong kausap. Pahangin na lang. Ilang meters away, may nakita akong nag e-exhibition na dalawang babae, pyro ba. Ang cool.


Palakad na ako nang..

"Jean!"

Napalingon ako. Kilala ko kung sino yun.

"O bakit?"

"Wala lang."

Wala lang? Anong wala lang? Gusto ko sanang sabihin pero hindi ko kaya.

"Huh?"

"Wala ka dun sa pwesto natin e. Akala ko nakisama ka rin sa dancefloor pero wala ka naman dun. Baka napano ka na, baka kinidnap ka na o ano."

Tumawa ako. Natawa kasi ako sa sinabi niya. Kidnap?!

"Bakit ka tumatawa?"

"Kidnap?!"

"Bakit? Malay mo lang naman diba. Ang dami ngang tao dito, malay mo isa dun kidnapper."

Lalo naman akong natawa. Kelan pa naging praning tong taong 'to??

"Praning ka Alex! Kung anu-ano pinagiisip mo!"

Nag lakad na ako papunta dun sa nag e-exhibition nung fire ball thing. Sinundan naman ako ni Alex na ngayon asa tabi ko na.

"Bat ka ba umalis?"

"E ayoko dun. Hindi naman ako sumasayaw. At saka wala akong kausap dun. Eh bakit ikaw, bakit ka lumabas?"

"Wala lang."

"Ano? Puros ka na lang wala lang."

"Papahangin."

'talaga lang ha' gusto ko sabihin pero hindi ko naman masabi.

Napadpad na kami sa nag e-exhibition. Dumadami na nga yung tao na nasa circle eh. Dahil nga dala ko yung camera ko, kumuha nanaman ako ng mga pictures. Syempre, di mawawala yun.

Lumibot ako sa circle hanggang sa nag stop na ako kasi napagod na ako at gusto ko rin naman panuorin yung nangyayari.

Ang cool nga ng effect eh. Pinapaikot nung mga babae yung dalawang fireball. Tapos di nakuntento, sinubo pa yung bola *gulp* di ko maimagine. Pero ang galing nga eh!

Napansin ko na mag katapat pala kami ni Alex. Nasa kabilang banda siya. Habang nakatingin sa kanya, nag thank you ako kay Lord nang dahil umapaw ang moments ko kasama siya. Ang babaw noh? Weird ko kasi. Hindi ko naman kasi akalaing halos buong araw ko siya nakasama. Ako na yata ang maswerteng babae na nagkakagusto sa kanya.

Inalis ko yung tingin ko nung napatingin siya saakin. Kinuha ko agad yung camera ko at nag kunwari na kumukuha ulit ng picture. Palusot Jean, palusot.

Nang matapos yung exhibition, naglakad lakad kami. Kumain pa nga kami e. Anong oras na at nagawa pa naming kumain. Napadpad din kami sa isang restobar, nakinig dun sa nag ja-jamming. Ang galing kasi nung vocalist.

"CR lang ako."

Tumayo si Alex tapos pumunta sa comfort room. Nakinig na lang ako dun sa kumakanta. Maya't maya..

"Hello beautiful.."

Bigla akong kinilabutan. Nataranta ako.

Umupo yung lalake na foreinger sa harapan ko. Hindi lang ako umiimik, nag a-act na wala lang.

"Why are you alone, beautiful? Not enjoying the night?"

Again, hindi ako umiimik at nakaharap lang ako sa may stage. Shocks, natatakot na ako. Ayoko pa naman ng ganito. Super traumatized na ako sa mga ganito.

"Ignoring me huh? If you still won't talk to me, I'll touch you."

*gulps* mama!!!! Ohmygoodness ano na gagawin ko?!! Pag umalis ako, baka sundan ako nitong bakulaw na 'to. Tapos pag nahabol niya ako, baka gahasain ako! OMG!! I'm too young to die!!

Nanginginig na nga ako dito na medyo nawawalan na nang hininga. Asan na ba kasi si Alex?!

"Still won't talk? Fine.."

Tumayo siya tapos lumapit sa akin.

Shocks!! Sisigaw na ba ako? Yun na lang ang paraan para ma-caught yung attention ng mga tao.

Ayan na! Hahawakan na niya yung braso ko... Noo!!

Napapikit ako tapos ready nang sumigaw.

"A--"

May dumaplis na kamay at kinuha yung kamay nung bakulaw.






"What do you think you're doing?!"

x-iRis-x

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3229
  • Karma: +192/-44
  • Hasta la vista, BABY
Re: The Bipolar Story - Chapter 30 Part 2 (New Update!)
« Reply #130 on: June 10, 2011, 10:36:17 pm »
Sige na kinikilig talaga ako lalo't na't nalaman kong hinde pala sila ni Margi haha! Go Girl Power haha
Magiging inactive na

tarush_gal

  • taffy
  • ***
  • Posts: 479
  • Karma: +8/-6
  • 직감 Intuition.
    • flavors.me
Re: The Bipolar Story - Chapter 30 Part 2 (New Update!)
« Reply #131 on: June 11, 2011, 06:04:30 pm »
Sige na kinikilig talaga ako lalo't na't nalaman kong hinde pala sila ni Margi haha! Go Girl Power haha

Haha talagang girl power eh? Oo nga, go girl power for Jean! Hehe  ;D

ayiee!!


1st girl na kasama manuod ng sunset!!

at ayiiie!!

Girlfriend na ba ang next wahahah

ako din kinikilig

Sana nga girlfriend na nga ang next. Ipanalangin nating lahat na JeLex supporters! Nyak! Hahaha!  :D

May pag asa na si Jean kay Alex no. Nyahahahaha. Moment na niya to! <333
Lalo na't wala na si Margi. LOLWAT

Namiss ko pakinggan yang Toll Gate! :'(
Magpost ka pa ng mga kantang bagay dito sa kwento, nakakaset ng mood. Hahahahha!

Yes, moment indeed! Ikaw na ang kinikilig teh! XD

Don't worry! Marami pang kanta ang mafe-feature dito sa story! Haha!

---

Salamat pala sa lahat ng nagbabasa (sa mga commenters at silent readers pero sana mag comment na rin ang mga silent readers haha!). Kahit na page 9 lang siya pero anong chapter na, natutuwa pa rin ako dahil may nag kakagusto at interested sa story. Sana keep on supporting this lang hanggang sa matapos. Ayun lang naman. XD Nag drama lang si awtor niyo XD

sunnyshine

  • jellybean
  • **
  • Posts: 264
  • Karma: +12/-0
  • TeenTalker
Re: The Bipolar Story - Chapter 30 Part 2 (New Update!)
« Reply #132 on: June 11, 2011, 08:19:23 pm »
"What do you think you're doing?!"....  to my GIRLFRIEND na ang line nya!! sana! wahhahahah

ahahaoo JELEX!! hehahahahahha
LOVE IS UNDEFINED
-hi gays! ako si SUNSHINE ♥
:-*


pa add po-----> http://www.facebook.com/sunshine.gepilano

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website