C H A P T E R 02
Time flies so fast at kakatapos lang ng aming midterms. It’s the 2nd week of August. How's school? It’s been fine. Kilala ko na ang buong block namin, so far so good I can get along with them well. Since the first day, naging close na kami ni Channa though hindi na kami seatmate kasi alphabetical order daw dapat.
Medyo demanding na din ang school after ng midterms. Dami na pinapagawa. Sobrang long hours tuwing lab lalo na pag 6 hours per day. Nakakamatay ho yun -___-;;
Nasasanay na rin ako sa college—well a little bit. Minsan, naninibago pa rin ako pero I guess ganon talaga. Sumama ako sa Picture Perfect Photography Maniac Organization (PPPM). Haba noh? Nagulat din ako nung nalaman ko yung name. Nag taka nga si Channa nung nalaman niya na dun ako sumali bakit hindi daw related sa course namin. In-explain ko naman na matagal na akong may hilig sa Photography; just like my dad who’s a photographer. In-explain ko din na hindi kami magiging magkaibigan kung hindi ako nag MedTech. Siya, being a loyalist to our course, sumali siya sa Medical Technology Society (MTS).
After ng General Zoology classes namin which is last every Fridays ay pumunta naman ako sa meeting for our organization. Kailangan daw kasi ng orientation for new members, especially medyo marami daw mga freshies ang sumali sa org.
Agad naman ako pumunta sa conference room ng SDFA dahil sila naman talaga ang may hawak ng org. Kasi sympre, hello, photography is an art (doh). Buti nalang katapat lang ng building naming ang SDFA kundi, nako mapapagod lang ako sa kakalakad. Pag dating ko sa building nila, tinanong ko kung saan yung conference room for the PPPM tinuro naman saakin nung isang student. Pag dating ko sa conference room, medyo marami na ring tao. May mga students rin na galing sa College of Science-- mga kasali (at sasali) sa org dahil kami lang ang naka white na uniform -____-“
After ilang minutes, nag start na rin ang meeting. Nag pakilala yung org president na si Kuya Jacob, isang 4th year Photography student. Winelcome niya kaming mga new members at sinabi niya ang magiging activities namin this first semester.
“First, I’ll be showing you what had happened on our org. last semester in this AVP.”
Habang pinapanuod namin yung AVP, hindi ko maiwasan hindi humanga sa mga kuha ng mga members. Parang expert lang sila eh. Nang liliit naman ako, parang hindi ko kaya tumapat sa expertise ng mga co-members ko -_____-“
“Marami rin pala tayong nagawa last sem ah! Ayos, sino gumawa ng AVP? Expert eh.”
“You guys won’t believe this. Ang gumawa ng AVP ay si Alex.”
“Alex Alvarez? Yung 2nd year student ng Digital Filmmaking?”
“Yes it is!”
Biglang nag bulungan yung ibang tao sa paligid. Wait, igno ako, I don’t know who he is! Kaya tahimik na lang ako. Biglang may pumasok sa conference room..
“Ayan na pala siya!” sabay turo ni Kuya Jacob dun sa guy sa door.
“Well it isn’t the famous Alex Alvarez! Bakit ngayon lang namin nalaman na member ka pala ng PPPM?”
Hinila naman ni Kuya Jacob yung guy infront para mag salita.
“Magpakilala at mag explain ka nga, Alex. Lahat ng tao nagulat nung nalaman na ikaw yung gumawa ng AVP eh.”
“I’m Alex Alvarez, 2nd year Digital Filmmaking student. The reason why you guys don’t see me on the org’s activities last sem because I was pre-occupied with my other org, which is the Filmmakers Guild. To make it up, magiging active na rin ako ngayon dito.”
Kaya niya i-manage ang dalawang organization? Wow, bilib na ako sa taong ito.
“You guys heard from Alex and now.. Sa mga new members ng org, please introduce yourself. You can stay in your place para hindi na hassle.”
Oh no! Introduce?! Nakakatakot naman yan! Yikes! Pwede bang hindi na?
“Uuh, let’s start off sa mga taga College of Science since kayo ang nag stand out ngayon dahil medyo marami kayong naka white uniform dito. Name, year and course, and why you chose to join our organization. Let’s start off dun sa right side, yung unang girl dun sa back.”
Oh my gosh. Kinabahan ako at kami pa ang naunang mag introduce. Darn this white uniform at kami pa ang naturingan na may uniform of all colleges nakakainis naman.
After 5 students, now it’s my turn to introduce myself. I super hate introductions lalo na’t hindi mo kilala itong mga taong nasa paligid mo.
“Next!” napatayo ako agad.
“Uh, hi. I’m Jean.. Jean Louisse Tiongco, 1st year MedTech student. I joined this organization because photography is my passion ever since.”
“Jean? Yes, Jean. Silly question, pero are you somewhat related to Roberto Tiongco? Yung well-known photographer here in the Philippines?”
“Ye..yes.. He is my father.”
“What?!” biglang nag ingay ang conference room nung nalaman nila na tatay ko si Roberto Tiongco..
“Wow! Bigaten naman ang mga members natin this year!”
“Curious lang ako. Bakit MedTech ang kinuha mo instead na sumunod ka sa footsteps ng father mo? I mean, napaka well-known niya sa photography. I, myself is a great fan of him.”
“Kasi gusto ko rin ang MedTech. Actually, ayaw ng father ko na mag photography din ako katulad niya. According to him, wala raw akong magiging “future”. It’s kinda weird though.”
“Weird nga. Anyways, thank you, Jean. We expect na magiging active ka sa org. Since nalaman naming na Mr. Tiongco is your father *laughs* Next is...”
Na-conscious naman ako dahil parang lahat ng mata eh nakatingin saakin after nung big revelation ko. I hate this.
After natapos ng mga introductions, nag salita ng onti si Kuya Jacob about sa mechanics and requirements ng organization, natapos rin ang first meeting. Ang huling sinabi niya na natatandaan ko ay..
“And welcome to the PPPM!”
Yeah, welcome me.