Chapter 42
Round Twelve (Part 1)
WALA ng isang linggo ikakasal na rin sila sa wakas ni Ashley. Lahat ng kailangan asikasuhin ay inasikaso na ng mga magulang nila. Mula sa pag-aayos ng mga documents nila hanggang sa mga susuotin sa kasal, ang venue, ang reception lahat pati ang mga bisita ay ayos na rin. Ang kailangan na lang nilang gawin ni Ashley ay magpakasal. Ang matagal niya ng pinapangarap na mangyari sa wakas ay magkakaroon na ng katuparan sa lalung madaling panahon. Ngunit may bumabagabag pa rin sa kanya—si Sabrina.
“Ano na naman ang problema ngayon at naglalasing ka, pare?” tanong ni Ton.
“Huwag mong sabihing si Ash na naman? Hindi pa rin ba kayo nakakapag-usap na dalawa?” sabat ni Macky.
Napabuntong-hininga siya. Isa pa yun sa problema niya. Ikakasal na sila ni Ashley pero hindi pa rin sila nakakapag-usap ng sarilinan pagkatapos silang mahuli at kausapin ng mga magulang nila. At nitong nakaraan dapat ay kakausapin na niya ang dalaga ngunit nakita niya itong kausap si Migz. At nakita niyang niyakap nito ang dalaga kung hindi lang nakita at napigilan ni Daphne nang mga oras marahil ay nasuntok niya na si Migz.
“Diba dapat masaya ka ngayon at ikakasal na kayo ni Ash? Ano ito’t nagpapakamiserable ka na naman pare?”“Masaya ako pero. .pero hindi ko alam kung masaya siya kung ikakasal kami” puno ng emosyong sabi ni Zach.
Napangisi ang dalawang kaibigan niya.
“Ano ba naman pare, ngayon ka pa nag-alinlangan? Nasaan na yung Zach na madalas magsabi na. . “SHE’S MINE ALONE!. Wag mong sabihing aatras ka pa ngayon” si Ton.
“Hindi, not no, not forever” he said.
“Pero bakit parang nag-aalinlangan ata ng sagot mo pare?”Napatingin siya kay Macky.
“Pare sinabi ko na sa iyo ‘to dati pero sa sbihin ko ulit. Hindi mo na kailangan pang mag-alinlangan pa kung mahal ka ni Ashley cause it shows all over her face. Ikaw na rin naman ang nagsabing mahal ka pa niya. Bakit kailangan mo pang mag-alinlangan? Ang problema lang sa inyo hindi kayo nakakapag-usap ng maayos, at hindi pwedeng hindi kayo nagtatalo. Mahal niyo ang isa’t-isa pero ayaw naman ninyong mag-aminan.”Inubos ni Zach ang laman ng baso nahawak niya at muling nagsalin ng alak dito.
“I’d understand Ashley kung bakit siya ganyan, nasaktan mo siya noon. Kung naghihigante man siya ngayon o iniingatan niya lang ang sariling mahulog sa iyo natural lang iyon dahil labis mo siyang pinahirapan at sinaktan noon.” Pagpapatuloy pa ni Macky.
“Alam ko, pero nasaktan din naman ako nang iwan niya ako.”“Hay naku! Tama na nga niyang kadramahan mo pare. Daig mo pa ang babae kung mag-inarte dyan” sabat ni Ton.
Matalim na tingin ang ibinigay ni Zach kay Ton.
“Madali lang yang problema mo. Edi kausapin mo si Ash, at pleaselang pare wag mong sabayan ang init ng ulo niya para magkaintindihan kayo. Tapos. Kadali-dali lng ng solusyon” naiiling na sabi ni Ton.
“Palibhasa hindi ka pa naiin-love ng sobra pare kaya akala mo ganun lang yun kadali.”“I-try mo kayang magmahal ng totoo Ton at tapusin mo na yang pagiging playboy mo. Magseryoso ka na at maghanap ng babaeng mamahalin at pakakasalan.”“Ha-ha sorry pero sa nakikita kong kamiserablehang ginagawa ninyo dalawa ng dahil lang sa babae . .Hmm! NEVER!! Bakit ko kailangan magseryoso sa pag-ibig kung pwede silang maging akin na walang commitment? Sakit lang sa ulo yan. At enjoy ako sa ganito.”“Sinasabi mo lang yan pare. Bakit di mo kaya i-try si Carol?”Naningkit ang mga mata nito na tumingin sa kanya.
“At bakit naman napunta sa usapan ang makulit na babaeng yun?”“Oo nga pare matagal ka na ring nililigawan non ah, ever since high school malakas na ang amats non sayo” natatawang sabi ni Macky.
“Tse! Tigilan niyo ko. Uminom na nga lang tayo”“Pikon!” Napailing na lang siya at muling uminom.
“Papaano na nga pala si Sabrina pare?” biglang natanong ni Macky.
“Huh?”“Diba pumayag ka ng magpakasal sa kanya? Paano na yun ngayong ikakasal na kayo ni Ashley?”“Tama! Pagkakaalam ko tapos ng asikasuhin ni Sabrina ang lahat para sa kasal nyo DAPAT.” “Nagkausap na ba kayo?”Huminga siya ng malalim bago nagsalita.
“Oo and she really disappointed sa nangyari.”“Natural pare, pumayag ka ba naman na magpakasal sa kanya para tulungan siya sa problema niya bigla-bigla ikakasal ka sa iba. Masakit yun umasa yung tao na okay na yung usapan niyo.”“Alam ko yun pare. Akala ko kasi hindi na matutuloy ang plano ko na ikasal kami ni Ash. Halos sumuko na ako sa pagmamatigas niya at pagtataboy niya sa akin hanggang sa mangyari na ang nangyari.” Napasapo sa noo si Zach.
“So ano’ng balak mo ngayon? Paano na si Sabrina?”“Hindi ko alam, pero hindi ko aatrasan ang kasal naming ni Ash. Kakausapin ko na lang uli si Sabrina.”“Ayan na nga ba ang ayoko sa kasal-kasal na yan eh, nakakasakal!”Muli napasapo sa noo si Zach. At biglang pumasok sa gunita niya ang mukha ni Sabrina ng huli silang mag-usap nito.
“GANUN NA LANG?!” puno ng hinanakit na sabi ni Sabrina pagkatapos niyang sabihin dito ang nalalapit nilang kasal ni Ashley.
“I’m sorry Sab, pero hindi--”
“Pero ano, dahil mahal mo siya at ako HINDI.”
“Hindi sa ganun, pero. .kasi ano. .”
“Kasi ano? Kasi ito na yung pagkakataon mo. Matutupad na rin ang gusto mong maikasal sa babaeng mahal mo? Ganun? At ako at ang kasal natin basta mo na lang tatalikuran ng basta-basta dahil sa kanya?” mangiyak-ngiyak na sabi ni Sabrina.
Naawa siya sa itsura ng dalaga. Alam niyang malaki ang kasalanan niya dito. Biruin ba naman na aatras siya sa kasal nilang dalawa at magpapakasal sa iba wala ng isang linggo mula ngayon. Sino ba naman ang hindi maghi-hysterical ng ganun.Pero ang nga ba ang dapat niyang gawin?
“Zach akala ko pa naman tutulungan mo ako sa problema ko. Na magpapakasal ka sa akin para makuha ko ang mana k okay daddy at matupad ang last will and testament niya. At akala ko sa pagkakataon na maikasal tayo magagawa mo rin akong mahalin katulad ng pagmamahal ko sayo mula pa ng bata tayo.”
Napabigla siya huling sinabi nito. Mahal siya ni Sabrina!
“Ano?”
“Bakit nagulat ka? Mahal kita Zach mula pa noon. Ikaw lang wala ng iba. Hindi ko alam na hindi mo pala mahalata samantalang sa lahat ng ginagawa ko para maiparating sayo kung gaano kita kamahal. Ganun ka ba kamanhid?”
“I-I’m sorry h-hindi ko alam”
“Sorry?” sarkastikong sabi nito. “Paano mo malalaman kung sa iba lagi nakatingin yang mga mata po. Una si Angela tapos si Ashley na halos kontrolin ang buong sistema mo.”
Sinubukan niyang hawakan ang mga kamay ni Sabrina ngunit umiwas ito sa kanya at umatras palayo.
“Ang tanga ko talaga!”
“Sabrina hi--“
“No! Wag kang lumapit. Hindi ko kailangan ng awa mo ngayon Zach.”
Nahilamos niya ang mga kamay sa mukha.
“Siguro kailangan na talaga kitang kalimutan at ibaon sa limot ang damdamin ko para sayo.Wagkang mag-alala akong bahalang magsabi kila mommy at sa iba hindi mo na kailangang mag-abala pang samahan ako sa kanila.Bye Zach!”pagpapaalam nito at naglakad papunta sa pinto.
Napatingin lang siya dito. Gusto man niyang pigilan ito ngunit hindi niya magawa. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito.
Bago tuluyang umalis si Sabrina ay muli itong tumingin sa kanya.
“Wag kang mag-alala hindi ako manggugulo sa kasal niyo. At siguro ito na ang huli nating pagkikita Zach.” sabi ng dalaga pagkuwa’y iniwan na siya.IKALIMANG araw na ito mula nang mangyari ang insidente na nagging dahilan kung bakit siya ikakasal ngayon kay Zach. Ngunit hanggang ngyon hindi pa rin sila nagkakausap na dalawa. Wala ng isang linggo ikakasal na sila pero wala pa ring maayos na usapan na nangyayari sa pagitan nilang dalawa ng binata.
Nung dumating ito kasama si Sabrina may dalawang tatlong araw na mula ngayon pero mula noon hindi pa ulit nagpapakita sa kanya ang binata ni hindi ito pumupunta sa Heart Palace Café.
“Ikakasal na ako sa kanya” wala sa loob na sabi ni Ashley sa sarili.
Hindi ba dapat masaya ako? Aaminin ko mula noon hanggang ngayon walang nagbago sa damdamin ko par kay Zach maliban sa lalu lang itong lumalim. Mula noon siya lang. Pagkuwa’y may umagos ng mg luha mula sa kanyang mga mata.
Paano nga ba siya magsasaya ngayong alam niyang nakasira siya ng relasyon ng iba. To the point na ikakasal na sila Zach at Sabrina ngunit sinamantala niya ang nagdaang gabi para maangkin ang una.
Ngunit hindi naman yun ang gusto niyang mangyari gusto niya lang makakuha ng magandang alaala ng binata pagkatapos ay hindi na siya magpapakita dito. Dahil hindi niya alam kung kakayanin na Makita na ikakasal ito sa iba.
Pero hindi ganun ang nangyari! Ngayon mapipilitang magpakasal sa kanya si Zach. Paano na si Sabrina? Ang alam niya ayos na lahat para sa nalalapit na kasal nito sa binata. Ngunit ngayon mukhang hindi na yun mangyayari dahil . .sa KASAKIMAN niya!.
Masyado na ba siyang naging makasarili?
may part 2 pa po ito. . pero underconstruction pa. .sorry!! tamad tamad ko talaga