Chapter 5
New! New! New!
MAG-ISANG nakaupo si Zach sa may damuhan habang nagbabasa ng libro nang maramdaman niyang may lumapit at umupo sa tabi niya. Napaangat siya ng tingin dito. Si Ashley.
“HI!” bati sa kanya ni Ashley. Napakaganda ng ngiti nito sa kanya. Isang ngiti mukhang inosente pero mapanganib.
“What do you want, Ms. Madrigal?” tanong niya ngunit wala dito ang atensyon niya.
“IKAW”
Napatingin siya dito. Did he hear her right?
“O, bakit ganyan ang tingin mo sa akin, Sir Zach? Baka matunaw ako n’yan, mabawasan pa ang maganda sa mundo.” Natatawang sabi nito.
“Ano ba talagang kailangan mo, Ms. Madrigal?” may halong iritasyon sa boses niya.
“Ikaw nga, kulit, paulit-ulit, paulit-ulit,nakakabobo.” Pabibiro pa ni Ashley.
“Ms. Mad--”“It’s Ashley” pagtatama nito.
“Let’s break the formality Zach so just call me Ashley, ok. Nakakailang kasi na tinatawag akong Ms. Madrigal mga Prof lang tumatawag ng ganun” Isa pa magiging tayo rin naman sa mga susunod na araw. Di lang Ashley ang itatawag mo sa akin baka sweetheart pa,. hehe.Napailing lang siya. Ang hirap talagang makipag-usap sa babaing ito. And she will say whatever she wants to say and no one can stop her.
“Ms. Madrigal” napasimangot ang dalaga sa kanya
“wala ako sa mood para makipaglokohan sayo.”“Ganun, pero ako nasa mood, okay lang yun.”Sinarado ni Zach ang librong binabasa. Kahit anong gawing basa ang gawin niya hindi na niya maintindihan ito.
“Ms. Madrigal ngayon palang sinasabihan na kita at dini-discourage kung anumang plano mo. Hindi kita gusto! Alam ko hindi mo rin ako talaga gusto, you’re just do it kasi trip mo, trip nyo ng mga kabarkada mo kaya ngayon palang tigilan mo bago ka pa mapahiya sa kanila.”Natahimik ang dalaga, sa tingin niya hindi nito napaghandaan na alam niya ang tungkol sa trip ng barkada niya. Salamat sa isang text na natanggap niya nagbabala sa kanya sa pangugulo ni Ashley sa buhay niya.
Walang sabi-sabi biglang tumayo si Ashley sa harapan niya.
“Ganun, paano kung hindi totoo yun? O di kaya, totoo talaga yun pero in a process gusto ko ng malapit sa’yo hindi dahil sa trip kundi dahil sa mahal na kita? Pano kung sabihin ko sa’yong mahal kita?”Napamaang siya.
“Zack Montilla, I love you and yes, I will do anything to make you mine. Itaga mo yan sa puso mo.” Sabi nito bago siya iniwan. Napamura siya nang makalayo na si Ashley.
Langya! Napatulala siya don. Mukhang siya ata ang hindi handa sa kanila o sadyang nakakapang-hypnotize lang ang mga mata ni Ashley habang sinasabi ang mga yon.
“ASHLEY, hija sabihin mo nga sa akin sino bang may birthday sa mga kaibigan mo at nagluluto ka ngayon?” tanong sa kanya ni Lola Anicia.
“E diba, anak tapos na ang birthday ni Casey at Gerald, tapos ang birthday ni Mia sa Mayo pa?” dagdag pa ni Yaya Lara.
Maaga kasi siyang gumising para magluto ng isang espesyal na breakfast. Kagabi palang nakaayos na ang mga lulutuin niya.
“Wala pong may birthday La, Nay” sagot ni Ashley habang naghihiwa ng carrots.
“Kung ganun, para kanino yang niluluto mo?” tanong pa ng lola niya.
“Sa isang tao na makikilala niyo rin balang araw.” Pag naging kami na! “At sino naman yan?” sabay na tanong ng dalawang matanda.
“Basta po, secret mo na. Saka na lang pagpumasa na ako sa kanya.”“Wag mong sabihin, ASHLEY KEIXIA MADRIGAL! Ikaw ang nanliligaw sa lalaking yun.”“La, ang puso baka malaglag. Opo, ganun nga, saka wag na kayong magulat la uso na yun ngayon na babae ang nanliligaw.”“Ano?!?” parang aatakihin sa pusong sabi ng lola niya.
“Sa gandang mong yan, anak ikaw pa ang nanliligaw doon. Bakit hindi ka ba niya gusto? Hindi ka ba niya pansin?” “Masakit man aminin pero hindi niya po ako pansin. Ni hindi niya nga ako gusto eh.”
“ANO?!?!” si Lola Anicia
“Bulag ba yung lalaking yun?” si Yaya Lara.
“OO , BULAG YUN!, hindi ba naman magandahan sa apo ko eh. Sa ganda ng lahi namin hindi niya pinapansin ang maganda kong apo.” Natawa siya huling sinabi ng lola niya.
“Hay naku! La, Nay wag nyo muna nga akong daldalin baka hindi mapaayos ‘tong niluluto ko at hindi ako mapadali sa inyo. May pasok pa ako baka ma-late pa ko nito.” Pagtataboy niya sa dalawang matanda.
“Ayaw mo pa kasing magpatulong eh” sabi ni Yaya Lara.
“Hindi na po, kaya ko na’to at gusto ko po ako talaga ng magluluto.”“Wag mo ng iluto yan walang kwenta naman pala yung pgbibigayan mo niya. Hindi ba naman siya magandahan sa’yo” Ang lola niya hindi makapag-move-on.
“Hay naku! La, wala naman po siyang sinabing ganun, assume ko lang yun. Sige na po alis muna kayo, bye” aniya.
“Hay! Ang apo ko in love na.” narinig niyang sabi ng lola niya bago umalis ang mga ito sa kusina.
Palabas lang lahat ng ito. Matatalo siya kung yung unang plano yung susundin niya siguro kung sa ibang lalaki niya yun susubukan sa una palang bumagsak na iyon sa kanya pero iba si Zach. Ibang-iba!
Binago niya lang naman ng konti ang plano. Taming Zach Montilla in Ashley’s pa-tweetums ways. Ayaw kasi ng binata sa reputasyon niya kaya umiiwas ito sa kanya kaya medyo babaguhin niya ng konti yung ugali niya. [KONTI LANG at sa HARAP lang ni ZACH (hahaha)]. Ayaw ni Zach ng rebellious type gusto niya nice girl well ibibigay niya ang gusto nito, pero sabi nga in ASHLEY WAY!!
Korean Food ang niluto niya sabi kasi ng magkakatiwalaang source niya na si Macky ito raw ang paboritong pagkain ni Zach. Ito ang napili niya tanungin dahil mas mukha itong matino kaysa don sa Ton at talagang nakipagkulitan pa siya dito kahapon. Sinabihan niya rin itong wag maingay kay Zach kundi malalagot ito sa kanya.
Hindi niya pa rin nababawi si Shadow kaya hatid-sundo pa rin siya ni Mang Lando.
“WOW! P’re mukhang ang sarap niyang baon mo ah?” tanong ni Ton.
“Sino nagluto? Kapatid mo?” si Macky.
“Hindi, nakita ko lang ‘to sa table ko kanina” walang kwenta niyang sabi.
“Wow, pare ang swerte mo naman may tagapagluto ko na at itsura palang ng pagkain mukhang masarap na”“Siya ba talaga ang nagluto?” bulong niya.
“Kainin na yan" sabi ni Macky.
Kahit papaano naman nakakain siya ng pagkain na alam niyang nanggaling kay Ashley. Kahit hindi pa nito lagyan ng pangalan ang note na kasama nung lunchbox alam na niyang sa dalaga ito nanggaling.
ZACH,
Eat well! Hope you like it and I know you will.
Ako ang nagluto niyan kay kainin mo. OKAY?!Your Secret Admirer,
ME
At masasabi niyang masarap ang luto nito kung ito nga talaga ang nagluto ng pagkain. Pwede kasing binili niya lang ito at inilagay sa lunchbox para magmukhang homemade. Naniniwala naman siyang magaling ito magluto para san pa’t Culinary ang kurso nito kung hindi naman ito marunong magluto. Pero yung mag-e-effort na magluto ng ganito para sa isang trip lang at bagong prospect, Malabo!
MASAYA si Ashley ngayon dahil sa tingin niya mukhang nagustuhan ni Zach yun nito niya. Kunwari kasi siyang napadaan lang sa cafeteria kanina para tignan kung kakainin ni Zach yung niluto niya. At kinain nga nito iyon ngunit mukhang mas maraming nakain yung mga kaibigan nito kaysa s binata.
“Pasaway talaga yung si Macky! Alam naman niyang para lang yun kay Zach. Ang takaw nila!” anas niya.
Vacant siya ngayon kaya eto pagagala siya sa campus. Magkakaiba kasi sila na magkakaibigan kaya minsan lang sila magkasabay-sabay minsan hindi pa.
Wala siyang maisipang pwedeng tambayan hanggang sa mapatingin siya sa mataas na building ng Engineering Department. ROOFTOP!
Why not! Hapon na, malamig doon at mahangin.Umakayat siya sa doon. Malapit na siya sa rooftop ng tawagin siya ng inang kalikasan. Buti na lang kada floor may CR.
Nagmadali siyang pumasok sa cubicle at umihi.
Hay, salamat!Kakalabas niya lang sa cubicle nang may marinig siyang magkaluskos at paggalabog mula sa dulong cubicle.
“Hoy! sino ka? Akala mo natatakot ako sa’yo? Hindi totoo ang multo! Wag mo akong takutin” aniya pero handa ng tumakbo palabas ng CR.
Ngunit patuloy pa rin ang inggay na nanggagaling mula sa dulong cubicle.
Mommy! May multo ata dito. Gusto niya na talagang lumabas pero mas malakas ang tulak ng pagiging curious niya kung anong meron doon kaya kahit takot na siya nagawa niya pa rin buksan ang pinto ng last cubicle.
“AAAHHHH!!!” napasigaw ng konti pero natigil din na mapag-alamang tao yung nakita niya at hindi si Sadako.
Isang babaeng mahaba ang buhok na naka-braid, mapayat at may salamin in short NERD ang nakita niya sa loob ng cubicle (Sadako talaga ang datingan naka-SALAMIN lang). Nakatali ang paa at makamay nito, tapos may nakatakip sa bibig at basang-basa ito.
“Hoy! ano'ng drama ‘to?! Anong ginagawa mo dito?” tanong niya.
“Hmmmmmmm” hindi maunawaan yung sinasabi nito dahil sa nakatakip sa tuwalya sa bibig nito.
“Ay! Sorry naman” aniya at tinanggal ang takip sa bibig pati na rin ang pgkakatali nito.
Ang bait mo Ashley! Pwede ka nang kunin ni LORD!!
“Salamat” sa walang kadahilanang dahilan bigla na lang napaiyak sa harapan niya yung babae.
“Hoy! bakit ka umiiyak diyan? At bakit ka ba nandito’t nakatali at basang basa?”“May nangtrip kasi sa akin.” Patuloy sa pag-iyak na sabi nito.
“Ay tanga! Hindi ka man lang lumaban? Hinayaan mo lang na ganyanin ko at magmukhang basahan.”“Madami sila eh. Isa lang ako.”“E ano naman kung marami sila? Edi lumaban ka pa rin kung hindi naman takbuhan mo.”“Paano ako makakatakbo eh nakaharang sila?”“Ay!—sarap magmura! Hindi mo ba kayang ipaglaban ang sarili mo?”“Hindi”“Pwes ngayon kailangan matuto ka na! Tignan mo nga yang sarili mo mukha kang talunan, daig mo yung basahang pinanlilinis ng buong floors ng building na ‘to araw-araw. Pa’no kung hindi ako napadaan dito, edi bukas may natagpuan ng bangkay dito sa CR.” Panenermon niya.
Natahimik lang ito. Napailing naman siya.
“Hay! Pasalamat ka talaga! Isa akong fairy godmother ngayon at tinulungan kita at may practice kami kanina. Oh. .magpalit ka ng damit nang makauwi ka na, wag kang mag-alala malinis yan hindi naman ako pinagpawisan kanina at wala akong masamang amoy. Kaya safe ka.” aniya at inabot dito ang damit.
Inabot naman nito akmang aalis na siya ng bigla siyang yakpi nito.
“OMG! Bitiwan mo! Mababasa ako!” aniya naparang nandidiring ewan.
“Sorry! SORRY talaga! Masaya lang ako kasi ang bait mo sa akin.” anito.
“Okay lang, sige na” Lumabas na siya sa CR at tumuloy sa rooftop.
pasensya na kung ngayon lang. . busy kasi sa school eh. .
COMMENTS na po kayo!! pagsinipag baka may continuation pa yan ngayon. . pag hindi next chapter na lang. . hehehe