Teentalk

Poll

Kaninong LOVETEAM ka?

Ash & Zach
Ash & Kean
Ash & Migz
Kean & Ms. Author
Kean & Ms. Reader
Migz & Ms. Reader

Author Topic: Taming MRS. ZACH MONTILLA [42] Round Twelve (Part 1)  (Read 21297 times)

ishe

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 877
  • Karma: +15/-1
Taming MRS. ZACH MONTILLA [42] Round Twelve (Part 1)
« on: March 02, 2011, 05:17:38 pm »
Prologue


“BALITA ko nga nagpalaglag daw kaya ngayon lang nakapasok”


“Malandi kasi, hindi na yun nakakapagtaka baka nga mamaya nakilang pagpapalaglag na yan eh”

Napatingin lang siya sa dalawang babaeng nag-chi-chismisan sa corridor at umalis naman kaagad ang dalawa.


Bzzzzzt. .
(1 message received)
Quote
Casey: Ash, How are you? Have you heard the rumor?

Bzzzzzt. .
(1 message received)
Quote
New number: ASHLEY KEIXIA MADRIGAL nagpalaglag!
Nakakahiya! Pero hindi na yun nakapagtaka sa isang malanding tulad niya. Maswerte nga lang siya dahil isa sa mga stock holder ng sckool ang lolo niya. Kaya ang kapal ng mukhang gumawa ng kalokohan. Kababaeng tao hindi na NAHIYA!

“Anak ng----------ouch!” Nabitawan niya ang kanyang cellphone dahil sa may lalaking tumatakbo na bumunggo sa kanya.

“Sorry.” Sabi nung lalaking nakabunggo sa kanya ngunit walang kaemoemosyon ang boses. Kinuha nito yung nalaglag niyang cellphone at inabot sa kanya, pagkuwa’y umalis na rin ito kaagad.

Gwapo yung lalaki pero parang ngayon niya lang ito nakita sa school. Bago? Transfer? Pero kalagitnaan na ng school year.

Muli ay na focus yung atensyon niya sa huling text message na nabasa niya.

“Nagpalaglag pala ah!” sabi niya at inilagay ang cellphone sa bulsa ng bag.




NAVIGATION
(01) (01.5) (02) (03) (04) (05) (05.5) (06) (06.5) (07) (08) (09) (10) (11) (11.5) (12) (13) (14) (15) (16) (17) (18) (19) (20) (21) (22)


CAST OF CHARACTERS
(for your imagination ONLY!!!)



SUPPORTING CASTS

Casey Gatchallian
Mia Carylle Lopez
Gerald "GeraldINE" Miguel Tan
Camae Mercado
Antonio "Ton" Juangco
Daphne Locsin-Madrigal
« Last Edit: October 28, 2011, 03:27:38 pm by ishe »

ishe

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 877
  • Karma: +15/-1
Re: Taming ZACH MONTILLA in ASHLEY way! Chapter 1(Need Readers po)
« Reply #1 on: March 03, 2011, 08:39:14 am »
Chapter 1

-ZACH MONTILLA- He will be MINE!
ASHLEY KEIXIA MADRIGAL. She’s nineteen year old. Third year college student major in Culinary Art.Sino ba ang hindi nakakakilala sa kanya? Halos buong sulok ata ng eskwelahan matunog ang pangalan na yan. Hindi lang sa dahil sa apo siya ng may pinakamalaking stockholder ng school kundi sa dami ng mga titulong nakakabit sa pangalan niya.


CAMPUS SEX GODDESS! Bansag sa kanya ng mga kalalakihan. CAMPUS WELL-KNOWN FLIRT! GIRLFRIEND NG LAHAT! Naman sa mga babae at kabaklaan na naiinggit sa kanya. REBEL PRINCESS! Sa mga professors ng eskwelahan nila.

Oo, maganda ang siya. Masasabi ring siya nga ang may-ari ng pinakamagandang mukha sa STU. Morena, makinis, curly ang dulo ng buhok tulad ng karaniwang buhok ng mga MYTH GODDESSES, seksi ang katawan at 5’5 ft in height. Hindi nga talaga mapagkakailangan kung tawagin siyang CAMPUS SEX GODDESS.

Totoo rin na girlfriend siya ng lahat dahil sa dami na naging boyfriend niya sa school pero actually she really don’t consider them as her boyfriends, siguro fling pwede pa at kung may iko-consider man siyang boyfriend siguro mga nasa tatlo lang.
Madalas din siyang napapaaway dahil na rin sa mga humors naginawa patungkol sa kanya. Eversince na maghighschool ata siya lagi na siyang nagiging laman ng guidance office. Suki! Na nga ang tawag sa kanya ng guidance councilor nila.

“Oh! There we go again” bulong niya sa sarili.

Makakasalubong na niya ang grupo nila Daphne, ang grupo ng mga inggitera sa eskwelahan nila. Grupo ng magagandang lang pero walang utak. Ayaw niyang makasalubong ang mga ‘to. Over her death sexy body hindi siya takot ng mga mukhang nasubsob sa harina, gusto niya munang umiwas sa gulo. Kagagaling lang niya sa sakit. BULUTONG! Oo nitong matatapos na Christmas Vacation lang siya  nagkabulutong and thank God wala namang iniwang masamang marka ang bulutong niya. Magdadalawang linggo na mula ng pasukan at ngayon lang siya pumasok.
Pilitin niya mang hindi makasalubong ang mga ito ay wala siyang ibang daang pwedeng daanan papunta sa first subject niya kundi itong daang lang na ito na may nakaharang na mga witch.

“Look who’s here” si Daphne natinignan pa siya mula ulo hanggang paa at mapanuyang ngumiti sa kanya.
She just rolled her eyeballs.
“Wow! Hindi halata ah” si Germaine isa sa mga alipores ni Daphne.
“Natural, sanay na. Nakakailan na kaya siya.” Tugon ni Daphne. Ngumiti siya. A cute smile.
“Wala ako sa mood para makipag-usap sa mga mukhang espasol na tulad n’yo. At kung ayaw ninyong tumilapon isa-isa, umalis na kayo sa dadaan ko. Okay?!” Akmang lalagpasan na niya ang mga ito, nang bigla siyang hawakan ni Daphne sa braso upang pigilan. Ngunit malakas niya itong natabig na kinatumba naman ng dalaga. Pasalamat na lang ito, dahil nasapo kaagad siya ng mga kasama.

“How dare you?” galit na sabi ni Daphne.
“Me? Or how dare you to dare me? Sinabi ko na diba, wag kayong humarang sa daraanan ko kung ayaw ninyong tumilapon. Bingi ba o tanga lang talaga?” siya naman ang ngumiti ng may panunuya.

Tumayo si Daphne. Lumapit sa kanya upang siya’y sampalin ngunit naagapan niya ang kamay nito. At ikalawang pagkakataon ay bumagsak uli ito ngunit sa pangalawa hindi na ito nasapo ng mga kasama kaya natumba na talaga ito sa semento.
“Oh! Sorry hindi ko sinasadya. Sige ha, una na ko sa inyo” ngumiti siya ng puno ng pang-aasar.

“P-------------! Ashley, magbabayad ka talaga! Mang-aagaw!” galit na galit na sigaw ni Daphne pero hindi na niya pinansin pa.




CAFETERIA.

“Ano ba Mia, tumigil ka na nga?!” sabi ng baklang si GeraldINE.
“Ang sama niya talaga.” Bigkas ni Mia sa gitna ng mga hikbi.
“Ang kulit kasi sinabi na naming manloloko lang yun eh” si Casey.
“Pero mahal ko si Mico. Siya lang yung nagparamdam sa akin ng ganong pagmamahal”
“Oo na nandoon na kami. Mahal mo siya pero mahal niya ay iba at ginamit ka lang ng lalaking yun. At yung sinasabing pagmamahal kunwari lang yun. Natural ipakita niyang mahal ka niya para maniwala ka. Ikaw naman ‘to nagpakatanga Sabi pa ni bakla at lalung napaiyak si Mia.

“Hay! Kaloka. Ano ba hindi lang siya ang papalicious sa mundo”
“Mia, tama na”
“Tumahan ka na. Igaganti kita. Pagnanligaw sa akin yun basted kaagad yun. Langya! Ang sarap manapak ng tao ngayon.” sabi ni Ashley. OO! Siya yung tinutukoy nilang MAHAL NA IBA ni Mico. Kinaibigan kunwari’t niligawan ang kaibigan niya para lang pala mapalapit sa kanya. MANGGAGAMIT!

“Wag!” Napatingin naman silang tatlo kay Mia.
“At bakit? Wag mong sabihin na ipagtatanggol mo pa ang lalaking yun.”
“ Kalimutan mo na siya, Mia”
“He is not worthy! Hindi iniiyakan ang mga lalaki” sabi nya.
“Hindi” Pinupanasn nito ang mga luha sa mata. “What I mean, wag ikaw ang gumanti sa kanya. Sa akin siya may atraso kaya akong ang gaganti.” Matigas na bigkas nito na kinatuwa naman nilang magkakaibigan.Ngumiti rin ito.

“WOW! First time in history yan. Sige support ko yan, sis. Ngayon ko lang makikitang gaganti ang isang mabait. Grabe, mukhang nahawa ka na sa kamalditahan ni Ashley ah.”
“Che!” sabi niya sabay irap.
“Mukhang tahimik ngayon ang buhay at mukhang walang balak resbakan yung mga nagpakalat ng nagpalaglag ka raw ah. Pati ba yun kamalditahan mo sis ay nagkabulutong kaya walang ginagwang action nga ang isang ASHLEY MADRIGAL?!”
“Hoy bakla tumigil ka nga. Parang gusto mo laging napapaaway si Ash ah.”
“Curious lang naman.”
“Wala ako sa mood” tinatamad niyang sabi. Humigop siya ng icedtea.

“Nakita ko nga pala si Matt may ibang nilalanding babae kanina” tukoy nito sa currently boyfriend niya.
“Ah! Okay lang wala na akong paki don. Walang kwenta yun, napakaboring. Puro kabastusan lang ata alam non eh. Mabuti na yun sa ibang babae na lang siya. Nandidiri ako don”
“Ganun, edi pa’no yan loveless ka ngayon sis. Tandaan mo malapit ang birthday ng pinakamamahal mong pinsan. Padadaig ka ba don. Wala kang papa na dadalhin sa party niya.”
“Syempre, HINDI NO! Buti pinaalala mo malapit na pala ang party ng bruhildang yun.”
“So, anong balak mo?” si Casey.
“Edi syempre kailangan ko ng boyfriend before and during that party.”
“Before and during lang? wala talagang after?”
“Kilala mo naman ang LOLA mo?” sabi niya.
Casey rolled her eyeballs.

“Oo, sige maganda yan pero mas maganda lagyan natin ng twist.”
“Anong klaseng twist?” tanong nilang tatlo.
“Ako ang mamimili kung sino ang kailangang maging boyfriend mo.”
“Nyek! Baka panget ang piliin mo. Ayoko nga!”
“Bruha! Hindi no. Kailangan ikaw yung manliligaw.”
“Hmm” napataas ang kilay niya.
“Mukhang masaya nga yan”
“Hoy! bakla lalu mong tinuturuan ng masama ‘tong si Ashley eh.”
“Hindi ah.” Bumaling uli ito sa kanya. “Kailangan yung guy naliligawan mo yung mahihirapan ka yung tipong hindi pansin yung kagandahan mo.” Sabi ni GeraldIne habang palinga-linga sa paligid na parang may hinahanap.
“Meron pa bang lalaki sa school na hindi nakakapansin sa ganda ni Ash.” Sabi ni Mia na nakihanap na rin.
“Kaya nga maghahanap tayo. Dapat yung tipo na iisnobing ang beauty ng kaibigan natin.”

Pare-pareho na silang naghanap ng new prospect.
“Perfect!” bigkas ni GeraldINE.
“H-huh?!” anila.
“Right there. Nakaupo, tatlong table mula sa atin. Yung may kasamang dalawang cute na papa rin ang datingan.” Pabulong na sabi nito.

Napatingin naman silang tatlo sa tinutukoy nito. Siya yung kanina!. Yun yung lalaking nakabunggo niya kaninang umaga.

“Tama! Oo perfect nga siya.”
“May girlfriend na ata yan. Atsaka masungit daw yan.”
“Perfect nga yon para ma-test natin ang kung gaano kalakas charm ng friend natin.”
“Sino ba s’ya?” Sabay-sabay namang napalingon sa kanya ang mga kaibigan na parang may nasabi siyang mali.
“Hindi mo siya kilala?” tanong ng mga ito.
“Natural, tatanong ko ba kung kilala ko siya.”
“Grabe ka sis. Chairman siya ng taekwando club. One of the dean’s lister. Ang pinaka-hot ng CAMPUS ICON ngayon. Hindi mo kilala? OH MY GOSH!”
“Sino nga siya?”
“Zach Louie Montilla. A head siya sa atin. Fourth year na siya. Business Management.”
“ahh. . ngayon ko lang siya nakita o ngayon ko lang siya na pansin? Hehehe.” Kung hindi niya pa ako nabunggo kanina.
“Grabe talaga! Ngayon mo lang napansin ang ganyang ka-hot na papa?!”

Hindi na niya pinansin ang kaeksaharadong komento ni GeraldINE. Tinignan niyang mabuti si Zach.

Fourth year. Business Management. Dean’s lister. Chairman ng taekwando. Masungit. Well tignan natin kung hanggang saan ang sungit sa katawan mo. ZACH MONTILLA.



“He will be mine” aniya. Napahiyaw naman ang mga kaibigan niya maliban kay Casey.
« Last Edit: April 14, 2011, 08:35:15 am by ishe »

Kaishti

  • jellybean
  • **
  • Posts: 131
  • Karma: +7/-3
  • I miss you my 'Happiness'
Re: Taming ZACH MONTILLA in ASHLEY way! Chapter 1 (Need READERS po!)
« Reply #2 on: March 03, 2011, 09:54:34 am »
Nice story!!!!  ;) hope to read more chapters.. haha demanding much  ::) anyway, keep it up.. will definitely support this..  ;)
FOLLOW ME ON TWITTER: @kathrynelabis

ishe

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 877
  • Karma: +15/-1
Re: Taming ZACH MONTILLA in ASHLEY way! Chapter 1 (Need READERS po!)
« Reply #3 on: March 04, 2011, 06:27:55 am »
Nice story!!!!  ;) hope to read more chapters.. haha demanding much  ::) anyway, keep it up.. will definitely support this..  ;)

thanks po!!  ;)

i will update as soon as i finish all my requirements in school. . magbabakasyon na kasi kaya maraming gagawin. . ang sama ng mga prof!!  :'(
« Last Edit: March 04, 2011, 07:15:26 am by ishe »

Kaishti

  • jellybean
  • **
  • Posts: 131
  • Karma: +7/-3
  • I miss you my 'Happiness'
Re: Taming ZACH MONTILLA in ASHLEY way! Chapter 1 (Need READERS po!)
« Reply #4 on: March 05, 2011, 01:12:47 am »
thanks po!!  ;)

i will update as soon as i finish all my requirements in school. . magbabakasyon na kasi kaya maraming gagawin. . ang sama ng mga prof!!  :'(

No probs!!! well.. take your time sissy.. finish first your requirements in school.. im sure readers can wait naman.. especially me  ;) naku.. ganyan tlaga, pahirapan pag malapit na bakasyon.. pwo ok lang yan..  8)
FOLLOW ME ON TWITTER: @kathrynelabis

ishe

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 877
  • Karma: +15/-1
Re: Taming ZACH MONTILLA in ASHLEY way! Chapter 1 (Need READERS po!)
« Reply #5 on: March 05, 2011, 06:29:19 am »
No probs!!! well.. take your time sissy.. finish first your requirements in school.. im sure readers can wait naman.. especially me  ;) naku.. ganyan tlaga, pahirapan pag malapit na bakasyon.. pwo ok lang yan..  8)

tama! hehehehehe. .

pero meron pa naman akong isang story. . yung WHAT's MY ROLL?. . tignan mo na din if you want. .  ;)

ishe

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 877
  • Karma: +15/-1
Re: Taming ZACH MONTILLA in ASHLEY way! Chapter 1 (Need READERS po!)
« Reply #6 on: March 05, 2011, 12:18:26 pm »
continuation lang. .
“TIGNAN ninyo kung sino ang nakatingin sa direksyon natin.” Sabi ni Anthony. Napatingin naman sina Zach at Macky sa tinutukoy na kaibigan.

“Ohhh. . mukhang patay tayo d’yan. Sino kaya ang balak biktimahin sa atin.” Bigkas ni Macky na hindi napigilan ang pagngiti.
“Wala akong pakielam” sabi lang ni Zach.
“Baka ako?”
“Asa ka! Ton. Tignan mo nga ang mga mata ng PRINCESS ng lahat nasa kaibigan natin.” Sabi ni Macky sabay akbay kay Zach.

Tinaggal niya naman ang mga pagkakaakbay ng kamay nito sa kanya.

“Tumigil nga kayo”
“Pare, iba ka talaga ng lakas ng magnet mo sa chicks at mukhang pati ang CAMPUS SEX GODDESS nakuha mo ang atensyon. IDOL na talaga kita.”
Nakibit- balikat lang siya. Hindi siya interesado.
“Ingat ka pare. Balita ko iba talaga ang appeal n’yan kita naman siguro. At baka pati yung magiging bunga n’yo ipalaglag niya.”
“Siraulo!”
“Hahahaha”
“Tumigil na lang kayo. Kung ako man ang bagong bibiktimahin niya. Pasensya na lang siya at wala akong balak makipaglaro sa kanya.”

Nagkatinginan lang ang dalawa. Mabilis niyang inubos ang kanyang kinakain dahil ayaw niya ng ASHLEYSPHERE sa loob ng cafeteria.

Hindi sa ayaw niya kay Ashley pero ayaw niya lang talaga sa katulad nito. TIMER, walang balak magseryoso sa buhay, laging laman ng away o gulo sa campus. Kung sino-sino ang nababalitaan niyang nagiging boyfriend nito. Malandi ang tingin niya sa dalaga at iyon ang number one na ayaw niya sa babae. Basta ayaw niya ng lahat tungkol dito maliban na lang sa magandang mukhang taglay nito. Oo, natural lang na magandahan din siya dito. Totoo namang maganda ito, masasabi niya pang pinakamaganda pero hanggang doon lang yun. Hanggang MUKHA lang.

At kung siya man ang balak biktimahin ng dalaga ay wala siyang pakielam. At gagawin niya ang lahat para lubayan siya nito kung gayunman.
 
Niyaya na niyang umalis ang mga kasama pagkatapos niyang kumain. Lalu na nang mapansin niyang tumayo ang dalaga.

Papalabas na sila ng cafeteria nang may magsalita mula sa kanilang likuran.

“Hi!”
Napahinto sila ngunit hindi siya lumingon. He knows who's that girl.

“Excuse me” sabi uli nito.

Napabuntong-hininga siya bago lumingon sa dalaga. He was right, si Ashley nga. Nakatingin ito sa kanya ngunit hindi tulad nang inaasahan niya. She was staring at him like he do something wrong.

“Pwede ka bang umalis sa daraanan ko?” sabi ni Ashley.
“Huh?!” Kumunot ang noo niya. Wala talagang galang ang babaeng ‘to. Ang gaspang magsalita.

Tumabi siya upang makaraan ang dalaga.

Kung dadaan ito ? sino ang sinabihan nito ng “hi”.


Sinundan niya kung saan patungo si Ashley at doon nakita niya na may nilapitan itong isang lalaki.

“Akala ko pa naman P’re ikaw na ang bagong biktima.” Bulong sa kanya ni Ton.
Napatingin lang siya dito at muling naglakad palabas ng Cafeteria. Akala niya rin.

Mabuti kung ganun nga!






MATAMIS ang ngiti sa labi ni Ashley matapos ang unang encounter niya kay Zach.
Mukha ngang masungit ito dahil hindi kaagad siya nito nilingon nung una siyang nagsalita. Mabuti na lang at magaling siyang umarte at naisalba niya ang kanyang pride na muntik ng mapahiya.

Buong buhay niya wala pang hindi pumansin sa kanya, tanging si Zach palang.
Masaya siya dahil kahit papaano naisahan niya ito.

“Mukhang magiging masaya ito” bulong niya pa sa sarili at muling sinundan ng tingin ang papalayong si Zach.



COMMENT po kayo please!

« Last Edit: April 14, 2011, 08:37:49 am by ishe »

anji07

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1162
  • Karma: +75/-14
  • >11.15.2011<
Re: Taming ZACH MONTILLA in ASHLEY way! Chapter 1 (Need READERS po!)
« Reply #7 on: March 05, 2011, 12:46:16 pm »
Haha! ;D :D Muntik na syang mapahiya doon eh. ::)

Kapal naman nung Zach para husgahan lang siya. Ibig sabihin nun, isa lang sya sa mga taong nagpapadala sa mga Hearsay. She knows her name, but not her story. :D

Angel Here pala!
Don't forget to like me cause' you do.

ishe

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 877
  • Karma: +15/-1
Re: Taming ZACH MONTILLA in ASHLEY way! Chapter 1 (Need READERS po!)
« Reply #8 on: March 05, 2011, 03:21:30 pm »
Haha! ;D :D Muntik na syang mapahiya doon eh. ::)

Kapal naman nung Zach para husgahan lang siya. Ibig sabihin nun, isa lang sya sa mga taong nagpapadala sa mga Hearsay. She knows her name, but not her story. :D

Angel Here pala!

hi angel!

kaya nga eh, pero may something kase kaya ganun ang tingin ni zach sa kanya. .


yeah Zach is a SUCK!. . hehehehe

kate_ein

  • jellybean
  • **
  • Posts: 155
  • Karma: +4/-0
  • TeenTalker
Re: Taming ZACH MONTILLA in ASHLEY way! Chapter 1 (Need READERS po!)
« Reply #9 on: March 05, 2011, 03:53:03 pm »
bago?

sige, tuloy mo lang suportahan ko kahit madalang lang ako magbukas  ;D

animelover_hetty

  • jellybean
  • **
  • Posts: 128
  • Karma: +2/-0
  • TeenTalker
    • Anime Forever
Re: Taming ZACH MONTILLA in ASHLEY way! Chapter 1 (Need READERS po!)
« Reply #10 on: March 05, 2011, 03:58:15 pm »
Nice!

Gusto ko ang mga ganyang story..
Napaka nakakainis naman ng mga stUDent diyan sa skul na yan.
Tama bA namang husgahan ang kapwa!!
Go ashley!
Kaya m0 yan!
Pero sana, kapag nainlove siya sayo, wag muna pakawalan pa..
Mukha kasi siyang go0d guy.. :D

kate_ein

  • jellybean
  • **
  • Posts: 155
  • Karma: +4/-0
  • TeenTalker
Re: Taming ZACH MONTILLA in ASHLEY way! Chapter 1 (Need READERS po!)
« Reply #11 on: March 05, 2011, 04:06:22 pm »
dumadami na kami! update na bruha!

x-iRis-x

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3229
  • Karma: +192/-44
  • Hasta la vista, BABY
Re: Taming ZACH MONTILLA in ASHLEY way! Chapter 1 (Need READERS po!)
« Reply #12 on: March 05, 2011, 04:14:25 pm »
Support
Magiging inactive na

ishe

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 877
  • Karma: +15/-1
Re: Taming ZACH MONTILLA in ASHLEY way! Chapter 1 (Need READERS po!)
« Reply #13 on: March 05, 2011, 04:42:15 pm »
bago?

sige, tuloy mo lang suportahan ko kahit madalang lang ako magbukas  ;D

ganyan ka naman eh. . hehehe joke bruha!

Nice!

Gusto ko ang mga ganyang story..
Napaka nakakainis naman ng mga stUDent diyan sa skul na yan.
Tama bA namang husgahan ang kapwa!!
Go ashley!
Kaya m0 yan!
Pero sana, kapag nainlove siya sayo, wag muna pakawalan pa..
Mukha kasi siyang go0d guy.. :D

well, tignan natin kung mga pwedeng possible na mangyayari  ::)
thanks! sa comment at sa pagbasa!

Support
thanks! super thanks talaga!  ;)

ishe

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 877
  • Karma: +15/-1
Re: Taming ZACH MONTILLA in ASHLEY way! Chapter 2
« Reply #14 on: March 05, 2011, 06:32:45 pm »
Chapter 2
The Plans
“HI, anak kain ka na?” bati sa kanya ni Yaya Lara.
“Sige po, Nay nu po ba ang hinanda n’yo para sa akin?” paglalabing niya sa matandang babae. Ngumiti naman ito.
“Yung paborito mo. Siomai. “
“Oh!” sabay yakap dito. “Thanks, Nay”
“Sige, magbihis ka muna habang inihahain ko yung kakainin mo.”
“Ok" bumitiw na siya dito, saka umakyat sa itaas ng bahay.


“Nay” na ang nakaugalian niyang itawag kay Yaya Lara at “anak” naman ang tawag nito sa kanya, ito na kasi ang nag-alaga sa kanya mula pa noong bata pala lamang siya, lalu na nung mamatay ang kanyang ina. Sampung-taon palang siya non. Pagkalunod ang kinamatay nito. Mas tinuturing niya pa ngang mga magulang ang kanyang Lola Anicia at Yaya Lara, dahil mas madalas niyang kasama ang mga ito.

Super close sila ng Lola niya parang hindi nga sila maglola para silang magkaibigan at kung makihalubilo sa kanya ng kanyang Lola parang hindi ito matanda. Spoil siya sa dalawang matanda, spoil din siya sa daddy niya ngunit sa ibang paraan.
Isang mayamang businessman ang kanyang ama at madalas itong lumalabas ng bansa. Pagkatapos mamatay ang kanyang ina, lalung sinubsob ng kanyang ama ang sarili sa pagtatrabaho, hindi na siya nito naalagaan pagkatpos non. Binigyan lang siya nito ng pera panggastos niya. Ibinibigay kung ano ang gusto niya. Kung alam lang nito na hindi yun ang gusto niya.

She wants love from his dad. Nag-iisang anak lang siya ngunit hindi siya magawang alagaaan nito. Gusto niya mahalin din siya nito, alagaan tulad nung nakikita niya sa mga classmates niya. Ni hindi nga ito nakapunta noong graduation niya nung highschool. Kaya ang Lola Anicia niya na lang ang sumama sa kanya noon.
Hindi niya alam kung bakit? Siguro hanggang ngayon sinisisi pa rin nito sa kanya ang pagkamatay ng kanyng ina.

Pero okay lang, nandyan naman si Nanay Lara at si Lola Anicia.

Mabilis na nagpalit ng damit si Ashley pagkatapos ay dali-daling pumunta sa kusina. Sinabayan na rin siyang kumain ni Yaya Lara.
“Para ka pa ring bata kung kumain anak” komento ni Yaya Lara.
‘Ganun talaga, ‘nay. Paborito ko eh, masarap pa” Ngumiti siya na parang bata.



TATLONG linggo na lang ang natitira kay Ashley bago sumapit ang kaarawan ng kanyang pinakamamahal na pinsan sa balat ng hell na si Lorraine. Basta hindi sila good vibes na dalawa. Inggetera kasi ang pinsan niyang yun, palibhasa siya ang paboritong apo ni Lola Anicia. Eversince na maghighschool sila lagi nang nakikipagtalbugan sa kanya ang kanyang pinsan. Lalu pgdating sa pagandahan. Maganda rin kasi si Lorraine, aminado siya doon. Wala eh, lahi kami ng magaganda!. Ngunit lagi niya pa ring natatalo ang pinsan kaya lalu naman itong nagagalit sa kanya.

At ngayon papalapit na ang kaarawan ni Lorraine hindi maaring wala siyang dalhing escort. Na wala siyang ipakikilala ditong boyfriend dahil sa malamang iinisin at paririgan lang siya nito sa buong gabi ng party. Well, hindi naman talaga niya problema ang boyfriend dahil marami d’yan na pwede, pero she’s need a boyfriend na pagnakita ng pinsan niya ay malalaglag ang panty nito sa kagwapuhan ng boyfriend niya like Zach for an instance. At isa pa na-thrill siya sa challenge ni GeraldINE na ligawan ito. Total, boring naman ang buhay niya why not na subukan si Zach. Mukha namang mag-eenjoy siya sa binata.

“So, what’s the plan?” tanong ni GeraldINE.
“Hmm. . secret!” malandi niyang sabi.
“Secret ka pa dyan! Bruha ka talaga! Sabihin mo na!”

Napatawa lang siya. Sila lang ngayong dalawa ang magkasama, nasa BLOG (papernew club sa school nila) kasi si Mia, isa kasi ‘to sa mga writer doon samantalang may practice naman sa volleyball si Casey.

Sinabi niya rin kay bakla ng plano niya. At ipinakita ang mga sinearch niyang information patungkol kay Zach.

“Ang bongga mo talaga sisterette!. Naiisip mo ang lahat ng yun!” bulaslas nito matapos niyang sabihin lahat ng plano niya na siguradong magpapabagsak kay Zach sa mga kamay niya. Hahaha!
“Naman ako pa!”
“Panalo ka talaga!Talagang pinagplanuhan, kung ganon kailan ang simula nang palabas?.”
“Natural! NGAYON! Diba bakit pa ipagpapabukas na makuha ang pa trying hard to get niyang puso kung pwedeng pwede naman NGAYON!” ngumiti siya ng bonggang-bongga.
“Ang landi mo talaga sisterette! IDOL talaga kita!”
“Lika na”




COMMENTS po!
« Last Edit: April 14, 2011, 08:38:35 am by ishe »

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website