CHAPTER 1
“ah bungi! Ah bungi! Bungi nanaman si Erica!”
“hahaha!! Bungi! Bungi! Bungi!”
“tama na! isusumbong ko kayo sa mommy ko!”“kahit magsumbong ka pa bungi ka parin! Ah bungi bungi!!”
Pagkatapos nilang mang asar… iiyak nalang ako.
Ganon ako kahinang tao.
Nagpapadala sa pangungutya ng iba.
Nung kulot pa ko aasarin nila akong..
“kulot! Parang telephone wire naman yang buhok mo!”
“eew kadiri naman her hair! Parang pugad ng ibon!”
At nung nagpa-rebond na ko nung highschool…
“ay ano ba yan napaka trying hard naman nito..”
“masyado namang nagmamaganda…”
“kahit anong rebond niyan ganun parin itchura!”
Bakit ba kasi may mga taong
NILIKHA PARA GAWING MISERABLE ANG BUHAY NG IBA?
NG BUHAY KO?
Pano pa ba ko makakabangon?
Pano ko pa ba mababawi ang sarili kong nawala sa pangungutya nila?
Natapos ang tatlong taon ng high school at ganun parin ang pagtingin nila sakin. Nahirapan akong kausapin ang mommy ko para mailipat ako ng school. Kaya titiisin ko nalang ang huling taon ko sa miserableng eskwelahan na ito.
“anak, ipapalipat nalang kita ng section. Pasensya ka na sayang kasi yung scholarship mo sa school mo. Eh kailangang kailangan natin yung pera. Kakapabrace mo lang din kasi kaya mahirap talaga.”
“opo ma.” Para sakanila iinitindihin ko nalang. Titiisin ko nalang ang bawat araw.
Sa wakas, dumating na ang araw na pinakainiiwasan ko. Ang pasukan. Isa na nga pala akong Senior Student ngayon. At ang wish ko, sana maka graduate ako ng maayos.
….
Pasukan na, dumating na yung service sa labas ng bahay namin.
Service ko na si Mang Tony eversince pre-school pa ko. Minsan kapag umiiyak ako noon, pinasasakay niya ko sa likuran ng tricycle niya dun sa nilalagyan ng bag, para tumigil na yung luha ko, kasi mahihiya ako sa mga tao na makakakita sakin.
Effective naman yung taktika niya kasi hindi na nga ako umiiyak pagka uwi ko.
“Goodmorning Erica! Aba may brace ka na ata ngayon!”“goodmorning po mang tony.”“ang tamlay naman ng good morning mo. Bigyan mo naman ng buhay..”“GOOD MORNING MANG TONYYY!!!” ngumiti pa ko nun.
“ayan! That’s more like it! Tara na sumakay ka na, at susunduin natin yung bago mong kasabay.”
“may bago akong kasabay?”“oo…”“bago yan ah! Malayo din ba bahay niya sa school kagaya ko?”“malamang. Kaya nga kasabay mo eh. Hahaha..”“wow… minsan lang kasi ako nagkaron ng kasabay e.”“well at least ngayon meron ka nang kasabay palagi.”
Umandar na yung tricycle at pagkatapos ng 3 liko mula sa kapit-subdivision ng subdivision namin, tumigil kami sa isang malaking bahay na kulay puti.
“ang yaman naman nung kasabay ko.”
“bagong santa lang yan dito. Galing ibang bansa eh.”“ahh..”“sandali dodoorbell muna ko.”Tinignan ko si Mang tony na pumunta sa gate nung bago kong kasabay.
Kaso hindi parin nawawala sa isip ko yung kahihinatnan ko sa araw na ito…
“sandali lang po!” “ayan na pala e.”Bumalik naman na si mang tony sa tricycle.
“lalaki yung kasabay ko?”“ah oo..”May narinig ako na nagsara ng gate tapos..
“uhh.. excuse me? pwede kang umusog?”Tumingin ako sakanya...
Parang nagslow-mo bigla…
Black ang buhok, matangos ang ilong, maputi…
“ampogi mo naman..”.
“uhm… excuse me?”Nagambala ako bigla at nagbalik na muli sa realidad.
“ahh sorry.” Umusog ako. Ampogi naman ng katabi ko..
“Galing siya ng Qatar, nagaral siya sa isang school dun tapos nag transfer lang dito. Simula ngayon araw araw na kayong magkasama sa tricycle na to.”ARAW ARAW?!
Tumingin naman ako sakanya.
“Erica nga pala …” tapos inoffer ko yung hand ko para mag handshake.
“Dino.” Sinabi niya lang pero hindi siya nag handshake. Binaba ko nalang din yung kamay ko kasi baka mangalay.

Ang tapang ko naman magpakilala…
Palibhasa alam kong hindi niya pa alam yung mga kutya sakin ng mga kaklase ko.
Pano kaya kung malaman na niya… ano kaya magiging tingin niya sakin…
....................................
Erica -
Red Dino -
Blue Mang Tony -
GreenMrs. Rodriguez -
PurpleUnimportant persons - Black.
Please support.
