- THREE -
"ano nga? kayo na?"nagulat naman ako sa tanong sakin ni amanda. baka napapansin niyang nagiging close na kami ni jordan. na parang kami na nga. pero sa totoo lang, wala naman talagang namumuong feelings eh. para sakin siguro, wala. yun ang alam ko.

nung nagsummer class kasi siya, tinuturuan ko rin siya para mas madalian lang siya. kumbaga, yung ituturo kinabukasan, ituturo ko na sakanya a day before. tinututor ko siya. minsan naman, magkasama kami sa mall. magkasama kaming gumagala. magkasama kami madalas. sobrang close na nga.
hindi ko na sinagot yung tanong ni amanda kasi dumating na si jordan. ngayon, magkasama na kami ulit.
"anong ideal man mo?"sinagot ko na lang,
"di ko alam. wala akong idea sa kung anong klaseng tao ba yung magiging boyfriend ko."ngumiti lang siya at nanahimik ulit. tapos nagtanong siya sakin.
"pero anong gusto mong maging katangin ng boyfriend mo?" isasagot ko sanang, parang si papa cam ko, o parang ikaw. pero hindi na. hindi niya din alam na may gusto ako kay cam eh.
"ewan ko. siguro yung typical na boyfriend? wala akong idea eh." huminga siya ng malalim at nanahimik na. sa totoo lang. hindi ko alam kung bakit niya yun natanong sakin. tapos tinanong ko siya.
"masarap bang mainlove?" tinignan niya ako bago sumagot.
"depende sa taong mamahalin mo." ano daw? tinignan ko siya ng pataka na para bang nagtatanong nang
bakit depende?"sa totoo lang, masarap magmahal. nasabi ko lang na depende kasi. ewan ko. paano ba to? kasi, masarap magmahal ng tao. kahit hindi naman kayo. pero mas masarap naman magmahal ng tao, kung alam mong sayo lang siya, at wala kang kahati sakanya. malinaw na ba?" hindi ko pa rin naintindihan yung sinabi niya.
"sisimplehan ko, masarap magmahal. pero mas masarap magmahal, kung alam mong mahal ka rin niya. at wala nang iba.""MALINAW NA. eh, nagmahal ka na ba ng taong hindi naman sayo?" nag sigh naman siya at um-oo. sino kaya?
"natotorpe ako eh. pero promise, makakapagtapat na ako sa taong yun, bago matapos tng araw na to." sino nga kaya yung babaeng yun?
to be continued...
replies, next time na din.
