Teentalk

Author Topic: The Priest & The Nun *CHAPTER 4 POSTED!! COMMENT ON!!!  (Read 1070 times)

ALTAMiRA

  • jellybean
  • **
  • Posts: 103
  • Karma: +4/-1
  • Ring teh alarm ♥
Re: The Priest & The Nun *Chapter 1 posted. 020711. Comments plox!
« Reply #30 on: February 15, 2011, 03:52:25 pm »
yiie. noh kaya yun?  ::) xDD

Thanks for reading sis! :D Hihi.

Haha!! Ang kulit nila! ;D
Sis, ano yung smexy? Combination ba yun ng smart and sexy? Cool!! 8)  I just learned a new word! Yipee!
Next na! :)  Haha. Kulit talaga nila magusap, promise.

Sort of and for other meanings, it's a sassy way too para for a change naman. Dibaaaa? :D

Readers
-Guys! Comment naman. Pleaseeeee? Wag na mag'silent reading. Mas ginaganahan ako pag alam kong mag nagçocomment e. Pleaseeee? Hihi! Tyyy. :D <3

culdesac25

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2545
  • Karma: +97/-17
  • Angry as the birds on ANGRY BIRDS
    • My Tumblr
Re: The Priest & The Nun *Chapter 1 posted. 020711. Comments plox!
« Reply #31 on: February 15, 2011, 04:10:04 pm »
WAAAH! Smexy pala ha! Hahaha. ::) Wooh, Kuya Pogi, if I know, padagdag points ka lang eh. :D Hahaha.

ALTAMiRA

  • jellybean
  • **
  • Posts: 103
  • Karma: +4/-1
  • Ring teh alarm ♥
Re: The Priest & The Nun *Chapter 1 posted. 020711. Comments plox!
« Reply #32 on: February 16, 2011, 04:23:05 pm »
WAAAH! Smexy pala ha! Hahaha. ::) Wooh, Kuya Pogi, if I know, padagdag points ka lang eh. :D Hahaha.

Pasaway si Chas no? Pakipot kipot pang nalalaman. Haha!

Readers, please comment? ;) Hihi. Mwa.

sjacc_01

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1463
  • Karma: +54/-10
  • Alex ♥
Re: The Priest & The Nun *Chapter 1 posted. 020711. Comments plox!
« Reply #33 on: February 16, 2011, 05:36:03 pm »
Sort of and for other meanings, it's a sassy way too para for a change naman. Dibaaaa? :D

Ah.. well, tama naman. :)  May point ka d'yan!

mageni cialle

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 35
  • Karma: +4/-0
  • no matter what ypu do, you can never change me..
Re: The Priest & The Nun *Chapter 1 posted. 020711. Comments plox!
« Reply #34 on: February 17, 2011, 07:46:19 pm »
Ang cool ni kuya pogi..may ganun po ba talagang lalaki??UPDATE!!



-mageni cialle
I don't think we're meant to be...







...coz you're too PERFECT for me..

ALTAMiRA

  • jellybean
  • **
  • Posts: 103
  • Karma: +4/-1
  • Ring teh alarm ♥
Re: The Priest & The Nun *Chapter 3*
« Reply #35 on: April 07, 2012, 04:32:55 pm »
Chapter 3: C

"Wala. No limits. Okay, that's your 1st question? MY TURN.
Bakit ginusto mong maging Teacher?"
Hala ayos?! Hindi ko alam na start na pala. Astig talaga tong lalaki na to, ibang klase. 

"Ha? Maging Teacher? Ano kas--....." BLACK SCREEN. Naglowbat?! AYOS! Lowbat. Haha. Ang saya saya ko. Sa totoo lang ang hirap kasi kausap ni G e, parang ang hangin na ewan?! Hindi mo maintindihan. Hay nako!

Pagkatapos ng ilang oras, nagsulat na ako ng mga visual aids ko for tomorrow. As usual, may klase nanaman ako. Ano pa nga ba? After ilang hours, humiga narin ako. Hay kama.... ang sarap mo, nakakamiss ka.

"Chas, mahal mo ba ako?" Ha? Ano to? Bakit nasa harapan nanaman kita?

"Oo. Mahal na mahal, pero bakit ganun? Bakit kailangan ko kayong makita na ganun? Magkasama kayo... masaya kayo? Ano nalang iisipin ko?" Tama na please. Ang sakit sakit na e.

"Bakit ba ganyan ka magsalita?! Nakita mo ba ha? Nakita mo ba kami?!"


*Gasp* Panaginip? Panaginip lang lahat... akala ko kasi, nakita ko nanaman siya. Kasi kung sakali ngang totoo yun... hindi pa ako handa e.  :-\ Hay! Hayaan na nga, ayoko na munang balikan ang nakaraan. Friday ngayon, last day of classes for this week. Wala ring pahinga sa weekend kasi nga, Teacher. Busy. Anyway, nag'prepare na ako. Teka... yung phone ko? Hay. Bahala na nga, hindi ko nacharge e.

Kumain na ako, naligo tapos nagbihis. After 30 minutes sa byahe nandito na ako sa campus. Kadalasan pag Friday masaya ang mga estudyante TGIF daw e, pero hindi nila alam.....
MAS MASAYA KAMING MGA TEACHERS!  :D Yahoo. Haha. Anyway pagdating ko sa faculty room narinig ko sila Thet pati yung iba kong co-teachers na nagkukuwentuhan.

"Oo nga e, nakakagulat nga at inatake si Mr. Oasis. Kala ko nga magaling na siya e." Ha? Si Mr. Oasis inatake? Siya yung Values Teacher ng mga bata e.

"Kaya nga girl e, kailan kaya tayo puwedeng bumisita?" Pumasok na ako ng dahan dahan, ayoko naman kasing nakakaistorbo sa mga usapan nila.

"Hmm, let's just ask the others kung kailan sila bibista pero as far as I know, medyo okay na si Mr. Oasis. Na-stress lang siguro sa dami ng inaasikaso this past few weeks." Naku, kawawa naman si Mr. Oasis, sobrang bait din kasi sa akin nun. Matanda na siya pero masayahing tao kaya lang, may sakit nga. Hay.

"Uyy! Andiyan ka na pala Chastine. Bakit hindi ka man lang nagrereact?!" Hindi ko napansin lahat na pala sila nakatingin sa akin, naku naman nakakahiya!

"Ah ehh.... para kasing napaka seryoso niyo e. Teka, totoo ba yung pinag-uusapan niyo? Na si Mr. Oasis inatake nanaman? Kamusta na kaya siya?"

"Medyo okay na siya Chas. Don't worry. Kaya lang balita ko nag'advice yung Doctor niya na magstay muna sa bahay nila or sa hospital for rest. Dapat daw complete rest. Hindi ko alam pero sa tingin ko months din aabutin nun.... kaya siguro naghire muna ng substitute sila Ma'am." Hay salamat. Kala ko naman may masama na talagang nangyari.

"Teka, so it means talagang humanap muna ng kapalit na Teacher?" Hindi naman sa ayaw ko pero magaling kasi si Mr.Oasis e, pagdating sa mga Teachers yun yung idol ko. Very dedicated kasi sa trabaho e!

"Oo. Yun ang balita ko, at ang alam ko ngayon na nga yung start niya e. Hmm.. e malapit na mag-bell tapos wala parin siya?" Sus baka kabado lang.

"Siguro paparating na yun. Sige Thet, wait lang ha? May kunin lang ako sa drawer ko."

I placed my things at my table. Pagkatapos nun, may kinuha ako saglit sa drawer ko. Mukhang good mood naman lahat, sabi ko sa inyo e?! Basta Friday! Hmm...may hinahanap ako ng biglang nagsalita yung co-teacher ko.

"Siya ba yung bago?" Ang dami kong whispers na naririnig, ano ba naman tong mga to parang nakakita ng artista. Hindi parin ako tumitingin sa new teacher kasi nawawala yung lesson plan ko. Hay... asan na ba yun.

"Infernes pogi siya ha!" Naku, siguraduhin lang nila na pogi talaga yan...

"Goodmorning sa inyong lahat. Ako pala si Justin Ledesma. Justin nalang for short." Parang familiar yung boses na yun ha? Hmm. Anyway, hindi parin ako umaalis sa puwesto ko... asan na ba yung lesson plan ko?! Ang dami ko paring naririnig na bulung-bulungan mula sa mga co-teachers ko, kesyo pogi daw ganyan-ganyan.

"Chas! Ano ba, tignan mo.... i-welcome mo naman. Busy ka masiyado e!" Ano ba naman tong si Thet?! Sino ba kasi yang lalaki na yan at pin.....................

Nagulat ako sa nakita ko?! Aba yung lalaking nakasabay ko sa busy-slash-nakausap ko sa phone kagabi na sobrang hangin....NANDITO?!

"IKAW?!"

"BAKIT KA NANDITO?"
« Last Edit: April 07, 2012, 04:36:52 pm by ALTAMiRA »

anime fanatic

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1219
  • Karma: +25/-22
  • amre enaj
Re: The Priest & The Nun *CHAPTER 3 POSTED!! COMMENT ON!!!
« Reply #36 on: April 07, 2012, 05:15:32 pm »
Hello! EJ nga pala, support. Hahaha. Ang ganda din kasi ng kulitan ni G at Chas. Can't wait for the next update. Magkakatuluyan ba sila? Hahaha. Gusto ko kasi sana eh.

ALTAMiRA

  • jellybean
  • **
  • Posts: 103
  • Karma: +4/-1
  • Ring teh alarm ♥
Re: The Priest & The Nun *CHAPTER 4POSTED!!!
« Reply #37 on: April 09, 2012, 01:27:06 pm »
Chapter 4: D

"Magkakilala kayo?!" Sabay sabay na tanong sakin ng mga co teacher ko. Ano ba yan.

"Hindi no. Hindi kami magkakilala niyan." Tsk. So siya pala yung bagong Teacher. Justin... ang layo naman ata sa G.

"Grabe ka naman, gabi gabi nga tayong magkausap tapos dinedeny mo pa na kakilala mo ako?" AYOS. Iba na talaga hangin nitong tao na to. Nagbulungan yung mga co-teacher ko sa paligid, hirap talaga sa nagtratrabaho kahit saan may chismis at pag may chismis, siyempre may mga chismosa.

"Excuse me, for the record I DO NOT KNOW YOU. And excuse me, I still got a class to attend to." And with that nag'walk-out na ako. Umagang umaga, binabadtrip ako ng mga tao sa paligid ko.

Dumeretso ako sa first class ko, siyempre advisory. Third year nga pala ang hawak ko for this school year, wala naman kaso kasi last year Seniors ang hinawakan ko so parang ganun rin naman ang experience with Juniors. Chemistry ang hawak kong subject, bigatin ba masiyado? Hindi naman ata. Ako din ang may hawak ng P.E sa school na to. After ng first class ko dumiretso na ako sa faculty, nilapag yung iba kong gamit tapos naglakad papuntang canteen. Habang naglalakad sa corridor narinig ko yung ibang bulung-bulungan ng mga estudyante.

"Ang guwapo nung bagong Teacher no grabe?!" Guwapo pa yun. Yuck!

"Oo nga e. May girlfriend na kaya si Sir? Ilang taon na kaya siya?"

"Yuck Aya, pati ba naman si Sir papatusin mo?" And with that nagtawanan sila. Hindi ata nila napansin na dumaan ako kaya nung narealize nila, natahimik sila.

"Hala? Narinig kaya ni T. Chas yun?" Sus, at ngayon pa nagsisi. Narinig ko naman ang lahat.

Anyway, pagdating ko sa canteen umorder na ako bali separate kasi yung canteen ng school namin for Teachers and Students, ang yaman nga nung principal kung tutuusin puwedeng iisa nalang naman diba? Pero pinagbukod niya to give boundaries for Student and Teacher interaction. Nakita ko sa usual table namin na pinagkakaguluhan ng ibang Teachers si Justin or... G, whatever.

"Huy, nakatitig ka kay Justin a?" Ako nakatingin?

"ASA. Hindi ha. Puwede ba Thet? Sa araw na to wala na akong ibang narinig kundi Justin... Justin... Justin. Baka ikaw may gusto diyan?" Hindi naman sa bitter, pero naiirita talaga ako sa kanya.

"Ewan ko ba sa'yo Chas, eversince your relationship went downhill with Mike nagkaganyan ka? Hindi naman lahat ng lalaki katulad ni Mike no. Why don't you give him a chance?"

"Bakit kailangan mo pang bangitin yung tungkol kay Mike ha? And no, sorry I don't give chances he proved once that he was a loser, dun sa bus!! Akalain mo nakatayo ako tas sila nung kaibigan niya nakaupo, nag-alok ng upuan hindi naman pala ako pauupuin. The nerve?!" Nanlaki yung mata ni Thet, kanina pa may sinesenyas tong baba......

"THE NERVE, sino ako?" Ah so eto pala yung sinesenyas ni Thet.

"Sige Thet maiwan muna kita, hirap sa mga biglang umeentra e."

"Teka nga Miss, bakit ba ang sungit sungit mo sa akin may ginawa ba ako sa'yo?" Meron, napaka-epal mo e.

"Wala. E ano naman sa'yo kung hindi kita pansinin?" And with that nag walk-out na ako. Ano ba! Bakit ganito ba tong araw na to?! Nakakainis.

Dumiretso ako sa rooftop ng school kadalasan pag wala akong ginagagawa dun ako nag-stay. Magrerelax nalang ako. Atleast dun may peace of mind ako. Pagkadating ko dun, umupo ako at pumikit. Makapagpahinga lang....

"Ano ba yan... Teacher natutulog." What the heck?

"ANO BANG PROBLEMA MO? BAKIT KA BA SUNOD NG SUNOD? HA?" Nakakainis talaga tong lalaki na to!

"Gusto sana kitang makausap e? E ikaw ba't ba ang sungit sungit mo sa akin wala naman akong ginagawa sa'yo?" Nakakainis! AKO MASUNGIT? Well oo aminado naman ako, mula kaninang umaga sinusungitan ko na siya. E bakit ba gusto ko e?!

"E pano kasi ang kulit kulit mo. Tapos sunod ka pa ng sunod ano ka tuta? Tsaka ano bang kailangan mo ha?"

"Ibabalik ko lang sana sa'yo to, nalaglag mo sa bus tapos tulog na tulog ka e nauna na kaming bumaba diba?" With that binigay niya sakin yung nawawala kong singsing. Actually, nung isang araw ko pa to hinahanap. Akala ko na misplace ko lang, mahalaga sakin to binigay kasi to ni Mike sa akin e...  :-\

"Ang ganda ha. Dapat nga isasanla ko na e. Joke lang. Naisip ko na pag di ko na ulit nakita may-ari nito, itatago ko nalang. Kaysa naman isangla ko diba? Kaya lang nagkataon nakita nga kita, dito ka rin pala nagtratrabaho." Tinignan ko siya, mukhang sincere naman siya pagkatapos niyang sabihin yun ngumiti siya.

At oo, dun ko nga lang napansin na oo medyo may itsura siya. Aish, sige na nga! ATTRACTIVE SIYA. Bakit hindi pogi yung ginamit ko na term? Simple kasi hindi naman talaga pero iba yung appeal niya e.

"Sige mauna na ako. Alam mo sabi ko sa sarili ko pag hindi mo pa ako pinansin ngayon, hindi ko na to ibabalik sa'yo buti nalang pinansin mo ako. Sige mauna na ako baka sungitan mo pa ulit ako." Gusto ko sana mag'Thank you pero pano? Malaki yung utang ng loob ko sakanya, nakita ko siyang lumakad papalayo papuntang hagdan pero bago pa siya makababa...

"JUSTIN!"

"Bakit? Miss mo na agad ako?" Ang kapal talaga ng mukha. Kung wala lang talaga akong utang ng loob dito...

"Ano kasi, mahalaga kasi sa akin yung singsing na to. Sobra. Salamat kasi binalik mo. Uhm, tapos kung ano sana ano kasi e..." Ano ba yan nakakahiya naman...hindi ko  masabi.

"Ano? Sabihin mo na? Nauutal utal ka pa diyan. Ang amo mo ngayon ha?" Maamo. Ayos. Ano ko hayop?

"Ano kasi... kung gusto mo kumain mamaya? Treat ko. Tutal binalik mo naman. Sobrang laki lang talaga ng utang ng loob ko sa'yo dahil dito." Pagkasabi ko nun ngumiti ang loko.

"DATE BA ITO?" Aba'y ayos nahipan nanaman ata ng masamang hangin at nahihibang na.

"No. It's called hanging out. Treat ko bahala ka. Ayaw mo?"Ano ba to, bakit ako pa nag-aaya ako babae diba? Ano ba to! Mali to. Maliiiii!

"Sige ba deal. Treat mo ha? Kita nalang mamaya."
Tsk. Bahala na nga si Batman kung ano man tong pinapasok ko.

At bumaba na kami after nun siyempre pagdating sa corridors naghiwalay na ulit kami mahirap nang ma-issue no. Okay naman so far mga klase ko. Wala na akong class by 3pm kaya dumiretso na ako ng Faculty. Although nakakapagod, TGIF padin! Masaya ang Friday puwera nalang sa "Hanging Out" namin nung Justin mamaya. Pagkadating ko sa Faculty inayos ko na mga gamit ko at nagcheck ng onting papel. Mahirap talaga maging Teacher pero mahal ko ang pagtuturo. Mga 3:30 pumasok na si Justin sa Faculty tapos narin siguro class ng mokong na to. Pinuntahan pa ako sa table ko. Tsk.

"Hoy. Tapos ka na ba mag-check? Tara na kaya." Aba pinagmamadali pa ako?

"Teka lang Mr. Justin. Kita mong inaayos ko pa gamit ko e. Excited, may lakad?'

"Oo may lakad... kasama pa nga kita e." Sabay tawanan ba naman ako. Ibang klase talaga tong lalaki na to. Since naayos narin naman lahat ng gamit ko pumayag na akong lumabas kami. Iniwan ko nalang yung iba sa drawer ko then I brought my bag with me.

"So, san mo gustong kumain?" Magkasabay kaming maglakad ngayon. Nakakamiss rin pala minsan yung kasama ka no? Ano ba to. Bakit ngayon ko pa to naiisip.

"Ikaw bahala. Ikaw manlilibre diba?" Oo nga pala. Treat ko.

Sabi ko uuwi na muna ako and coincidence siguro kasi taga Novaliches lang din si Justin pero minsan umuuwi siya mga relatives niya. Nagjeep nalang kami pauwi at nagdecide na kumain sa SM. Sa Savory kami kumain, favorite ko yung manok dun e tsaka para naman di ako mapahiya dito sa Justin na to, mukhang sossy e. Nag-order na kami at umupo, naiilang ako pero hindi puwede... minsan lang to.

"Alam mo dapat nag-KFC nalang tayo." Aba the nerve?! Nagsalita pa.

"Wag na. Nakakahiya naman sa'yo baka sabihin mo ang cheap cheap ko." Ngumiti ako after kong sabihin yun. He smiled back. Iba yung feeling ko nung nginitian niya rin ako, kinikilig? Aish. No way!

After ilang minutes dumating na order namin, galit galit muna... pagkain yung usapan e. After ng ilang minutong pananahimik, binasag ko din yung katahimikan di ako sanay e.

"So, Values para tinuturo mo sa mga bata?"

"Ah oo. So far okay naman sila. Mababait, siguro yung iba may konting kalokohan lang pero tolerable naman." Pagkatapos nun silence ulit. Ano ba to naiilang na ako.  :-[

Pagkatapos kumain naglibot libot kami ng onti sa mall, aba naenergize ata tong Justin na to sa kinain namin kasi nung naglalakad lakad kami ang daldal na e. Ang dami kong nalaman sa kanya. 24 years old na pala siya tapos, mahilig siyang magbasa ng libro tsaka magsulat. Not typical for a guy no? Hindi daw siya naninigarilyo nor umiinom. Bading ata to e. Tsaka, mahilig din siyang magjogging tuwing umaga.

"Lovelife?" Sht! Bakit bigla kong natanong to. Baka akalain nitong lalaki na to, interesado pa ko sakanya.

"Wala no. Zero.Wala akong panahon sa ganyan." Napansin kong medyo may nag-iba dun sa mata niya, ano kayang iniisip nitong lalaki na to? Mabait naman pala siya.

"Sa itsura mong yan wala ka pang girlfriend? I doubt."

"E ikaw, sa itsura mong yan wala ka pang boyfriend? I'm not surprised. Taray mo masiyado e." The nerve?! Ang kapal talaga ng mukha nito. Tinawanan ko na lang siya.

"Joke lang... Baka magalit ka pa. Maiba, bakit ba sobrang importante ng singsing na yan sa'yo? Buti nalang binalik ko pa."

"Ha, ahh e.. wala may nagbigay kasi nito. Importante lang talaga sakin." Kung bakit ba naman kasi napunta sa lovelife yung usapan e?

"Importante sa'yo o importante yung taong nagbigay sa'yo?" Sabay ngiti nanaman. Ano ba yan Justin, tama na nga yung pagngiti-ngiti na yan baka mahulog pa ako sa'yo ng wala saoras e.  :D Joke lang! Pero hindi, ibang klase kasi talaga yung dating niya e.

"Yung singsing mismo. Chismoso mo kalalaking tao e."

Habang naglalakad lakad ang dami parin naman napagkuwentuhan pagkatapos nun mga 7pm nadecide kami na umuwi na. It's time to call it a day.

"Salamat pala ha. And please, don't call me Justin...G nalang just like what I've told you."

"Ahh.. sige G? G. Okay. Sige mauna na ako, tatawid lang naman ako tapos dun na yung sakayan e. Okay na ako. Bbye. Chas nalang din pala itawag mo sakin. Salamat pala ulit na binalik mo yung singsing." I found myself smiling and waving back at him. Ano ba to?

Sumakay na ako at sa sobrang pagod ko deretso kama na ako. I found my phone then I charged it. Di ko namalayan nakatulog na pala ako. I woke up around 4am, groggy pero I tried checking my phone. 15 misscalls?! Kanina galing? Kay G lang pala lahat. Ano ba yun, ano kayang problema ng lalaki na to? Tapos may mga texts din pala siya...

Hey. Thank you! I enjoyed alot.

At may isa pa...

Pahabol lang, dapat talaga sinangla ko nalang. Sige. Goodnight.

And I found myself smiling.Hala? Wait rewind, smiling? Diba I was supposed to be angry? DAPAT mataray diba? Bakit parang ngumingiti ako. Tsaka pag naalala ko yung magkasama kami iba yung feeling......  :-\  :-[

Hay ano ba to? Ano ba to...mali to. Masiyadong mabilis ata? Putek naman...  :-\ Siguro masiyado lang akong nadadala ng emosyon. Pagkatapos ba naman akong iwanan ni Mike siyempre hinahanap hanap ko pa din yung feeling na sinasamahan ka minsan diba? Pero bakit ganito, pag naiisip ko yung kanina parang ang saya talaga kasama ni G. Magaan sa pakiramdam. Aish. ANOOOO BAAAAA? ???

« Last Edit: April 09, 2012, 01:35:15 pm by ALTAMiRA »

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website