Chapter 1: A
Sa wakas tapos nadin ang klase. Ang hirap maging Teacher! Kala niyo kayo lang mga estudyante ang busy? Kami rin 'no. Ang daming requirements, lesson plans at iba pang eche borek'ek na di ko na babanggitin kasi nakakatamad. Haha! Onga pala, ako si Chastine. Chas nalang for short, Teacher ako dito sa Manila.
From Blumentritt to Novaliches ang biyahe ko. Sa bus ako kaysa sa jeep. Wala lang mas mahangin. K ang boring ng reasons ko. Pasensya na. Pagboard ko ng bus, medyo maraming tao-- in short siksikan. No choice, tayo mode.
"Miss? Baka nangangawit ka na? Dito ka nalang." Hay sa wakas, nakaramdam din tong si kuya pogi.
Mga after 10 minutes hindi parin tumatayo si kuya pogi. Akala ko ba pauupuin ako nito?!
"Uhm, puwede na ba ako maupo?" "Ano bang akala mo? Tatayo ako? Hahaha! Dito ka sa gitna 'no. Aba, akala ko naman pauupuin ako. Sayang pogi pa man din e ang sungit sungit.
"Ako? Uupo diyan sa gitna tapos dalawa pa kayong lalaki? Wag nalang 'no. Magtitiis nalang ako. E mukhang ang hangin hangin pa ni kuya e.
"Bahala ka. Ikaw rin mangangawit. Hehe! Sabay ngisi pa ng loko. Sige ba, matira matibay.
Kaya lang after 15 minutes na pahinto hinto + plus traffic pa sa Sauyo e nangawit ako. Di ko narin kinaya kaya napilitan akong umupo. Take note, NAPILITAN HA. Napilitan. Kaya lang, sa gitna nga ako naupo e yung nasa right side ko lalaki siya na mahaba yung buhok tapos malaki yung mata, tingin ng tingin tapos tawa ng tawa?! Ano ba to addict? O_O
"Uhm, kuya...." Kinalabit ko si kuyang pogi na nasa left side ko.
"O bakit? Miss mo agad ako?" Grabe iba na talaga yabang nitong lalaking to. Nako, kung di ka lang pogi kanina pa kita
hinalikan Hahaha! Joke lang yun.
"Ang hangin talaga dito sa bus na to. Anyway, puwede bang magpalit tayo ng puwesto? Mukha kasing addict tong katabi ko e. Natatakot ako.""Grabe ka naman miss! Kaibigan ko yan at hindi yan addict, mukha lang talaga yang nakatira. Hahaha!" Ows talaga kaibigan mo to? Layo ng itsura niyo. Chos, ano namang gagawin niyo sa poging mayabang. Ha?!
"Oo nga naman, grabe ka naman makapanghusga miss." Bongga biglang nagsalita si kuya! Pero nakangisi parin siya. At mukha parin siyang addict.
Ayaw naman makipagpalit ni kuyang Pogi. Kung ayaw edi wag. Ayoko ring pilitin to. Tumahimik nalang ako tapos di ko namalayan nakatulog na pala ako. Nagising ako mga after 20 minutes, napansin ko wala na sila. Kinalkal ko yung bag ko kasi naniningil narin yung kundoktor. May nalaglag na maliit na papel galing dun sa bag ko. Hm, wala naman akong dinalang papel ha? Binuksan ko at eto ang nakalagay:
"Wow, sarap ng tulog natin ha. O eto, 09158214281. Magtext ka nalang. Mukha kang loner e. :p
-- PogiK. Grabe ang hangin talaga. Tinabi ko yung papel, bigay ko nalang sa co-teachers ko baka sakaling mapagtiyagaan nila to.
.
First update! Pasensya na kung medyo maikli. Trip ko talaga mambitin. Haha!