Teentalk

Author Topic: Migraine -- new story :D 1st update posted ;)  (Read 435 times)

sympathetic.deathfall

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1526
  • Karma: +163/-11
Migraine -- new story :D 1st update posted ;)
« on: January 16, 2011, 09:39:13 pm »
Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sayo
Hindi sinasadya
Na hanapin pa ang lugar ko
Asan nga ba ako? Andiyan pa ba sa iyo?

Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?

Nasusuka ako, kinakain na ang loob
Masakit na mga tuhod, kailangan bang lumuhod?
Gusto ko lang naman, yung totoo
Yung tipong ang sagot, ay di rin isang tanong

Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Asan ba ko sayo?
Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?

Dahil, di na makatulog (makatulog)
Dahil di na makakain (makakain)
Dahil di na makatawa (makatawa)
Dahil, di na

Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito na lang ako

Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Asan ba ko sayo?
Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?
Nahihilo... Nahihilo...
Nalilito...



Nasubukan nyo na ba yung ganon? Yung akala mo yun na pero hindi pa pala? Yung hindi mo sigurado kung ano ba kayo, kung ano ka ba sakanya, kung ano bang meron kayo. Ang sarap tanungin na "May patutunguhan ba to?".

Ang sakit nga naman sa ulo ng love. Hindi lang sa ulo, pati narin sa puso. Lalo na kung hindi mo sigurado kung ano ba lagay nyo. Tipong litong lito ka na sa signs na pinapakita nya. Minsan masasaktan ka pa nga e. Pero hindi ka makapag-decide kung dapat na bang tigilan at mag-move on nalang dahil may mga bagay syang pinapakitang nagbibigay sayo ng hope na one day, magiging sigurado ka rin sa kung ano bang meron sainyo.

Mga lalake talaga, minsan hindi mo alam kung seryoso ba sa ginagawa at sinasabi o hindi.





Hi girls, ako nga pala si Dess. New story ko to. Sana may magsupport. Thank you :-*
« Last Edit: January 17, 2011, 11:34:59 am by sympathetic.deathfall »

Es_Bee

  • Guest
Re: Migraine -- new story :D
« Reply #1 on: January 16, 2011, 09:42:22 pm »
masasabi ko lang

TAMA!! nakakatuwa yung title, kasi totoong may migraine ako at yung kantang yan pinipilit kong kantahin kahit pumipiyok nako ;D

Quote
Mga lalake talaga, minsan hindi mo alam kung seryoso ba sa ginagawa at sinasabi o hindi.

isang TAMA ulit!


anu bayan ang wild ko na.  ;D
btw, Esbee here.

sympathetic.deathfall

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1526
  • Karma: +163/-11
Re: Migraine -- new story :D
« Reply #2 on: January 16, 2011, 09:45:26 pm »
^ Hi Esbee, yay for you dahil ikaw ang unang napadaan dito sa story ko :D Ako nga pala si Dess ;)

Nako, adik na adik na nga ako sa kantang yan e. Tumugma pa sa recently lang na nangyari sa aking lovelife. Haha. Anyway, sana'y umokay na ang migraine mo at sabay tayong kumanta with the piyok piyok factor ;D ;D


Es_Bee

  • Guest
Re: Migraine -- new story :D
« Reply #3 on: January 16, 2011, 09:54:49 pm »
 ;D Thanks sa yay Des!
ahh..kaya pala, may pinaghugutan :)
Kelan tsapter 1 neto ?? :D

gingersnap

  • jellybean
  • **
  • Posts: 288
  • Karma: +27/-12
  • Chin
    • Baby Dolls In Reality
Re: Migraine -- new story :D
« Reply #4 on: January 16, 2011, 10:05:10 pm »
parang familiar iyong intro. but im gonna support this..Hi Dess Im Chin.. :) ilang taon na po kayo?

sympathetic.deathfall

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1526
  • Karma: +163/-11
Re: Migraine -- new story :D
« Reply #5 on: January 16, 2011, 10:15:25 pm »
Esbee: Welcome! :D Nako, medyo medyo may pinaghuhugutan nga. Haha. Anyway, bukas ang Chapter 1. Sana di kayo madisappoint sa update :D

Chin: Hi Chin, thank you and yay for you! Song yang intro kaya baka familiar ;) 18 na ako, ikaw?

gingersnap

  • jellybean
  • **
  • Posts: 288
  • Karma: +27/-12
  • Chin
    • Baby Dolls In Reality
Re: Migraine -- new story :D
« Reply #6 on: January 17, 2011, 09:53:56 am »
hahahahaha.. ;D song pala yan..ngayong ko lang nalaman sorry..ah ate dess pala kita ..anu po gusto niyo itawag ko sa inyo?kelan po pala first chapter? ;)thanks po sa yay!

sympathetic.deathfall

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1526
  • Karma: +163/-11
Re: Migraine -- new story :D
« Reply #7 on: January 17, 2011, 11:34:19 am »
Chin: Hahaha. It's alright & welcome :D Wait, ilan taon ka na ba? Kung 17 lang di mo na ko kailangan tawaging ate :D At eto na ang 1st update. Sana wag kayo madisappoint. Kabado much talaga ko ;D





One.



“Nitz, pa-sit in muna sainyo? 10:30 pa talaga class ko e. Wag mo kong isusumbong kila Coach tsaka kay ate Rache ha” Natawa naman sya.

“Nako, ikaw talaga NJ. O sige, sa St. Ansgar’s building room ko nyan ng 8:00” 

“Sige lang, kahit saan. Basta wag akong makita ng team”

Kakatapos lang namin magshower, kakagaling sa training. Actually hindi pa tapos ang training, sumabay lang akong umalis kasama ng mga may class ng 7:30 at 8:00 dahil tamad na tamad akong magtraining ngayon. Varsity nga pala ako sa school namin, football. Yes, football player ako o soccer para sa iba. NJ ang nickname ko, parang panlalake ba? Haha. Nickie Jazz F. Abalos kasi pangalan ko.

Etong kasama ko nga pala ngayon e si Nitzel, teammate ko. BS Management and Entrepreneurship ang course nya at ako naman e BSBA Marketing and Corporate Communications. In short, magkaiba kami ng course. Hahaha. Kaya ayun nga, makiki-sit in muna ako para may mapuntahan. Tinatamad naman akong umuwi muna kahit na walking distance lang dito yung bahay namin.

Pagdating sa classroom, WOW. Di ko naman akalaing section pala ng mga gwapo tong section ni Nitzel. 1st yr palang kami kaya di ko pa kakilala lahat ng mga kabatch kong 1st yr dito sa university namin. Although may mga kakilala ako from other courses at departments dahil teammates ko o nameet ko lang, ilang months na din naman kasi kami dito sa school. Pero usap-usapan na din sa school na ang Entrep daw sa school namin e course ng mga pogi. Hindi ko alam bakit pero napatunayan ko, right before my very own eyes, na gwapo nga ang mga Entrep guys dito sa school namin.

Anyway, enough of the course keme. Umupo lang ako sa tabi ni Nitzel nung naghihintay sila ng prof at may mga tumabi na din sakanyang iba. Friendly naman yung mga blockmates nya at kinakausap din ako.

“Nitz, diba kaklase mo si Jenna?” si Jenna yung isa pa naming teammate na medyo tamad din magtraining. Pero magaling yun. Mas magaling kesa sakin. OMG erase, hindi ako palaging tamad magtraining ha. Ngayon lang, buong gabi ko kasing ginawa yung reflection paper ko sa Phil. Lit. At masisipag din naman ang teammates kong magtrain, etong si Jenna lang talaga yung madalas na MIA (missing in action) o kaya naman late tuwing training.

“Oo. Pero laging late yun. Maya maya darating na rin yun” ano ba yan, hanggang sa klase pala late yung si Jenna.

“Nitz, meron ka na ba nung assignment sa Algebra? Pakopya” singit nung isa nilang blockmate.

“Sige.  Eto” tapos umupo yung lalake sa upuan sa harap ni Nitz.

“Ay. Si NJ nga pala, teammate ko. NJ, si JC”

“Hi NJ” bati naman nung JC daw. Tapos inextend nya yung kamay nya para makipagshake hands.

“Hi din”

“Cute no? Parehong dalawang letters lang yung pangalan natin.” Natawa naman ako ng konti.

“Oo nga e”

“Alam mo parang nakita na kita dati?”

“Bakit, kamukha ko yung next girlfriend mo?” Sus, alam ko na to boy! Hahaha ;D

“Hindi” Aba, kala ko pipick-up line to e. Di pala. Infairness, medyo napahiya ako dun :D

“E saan, sa panaginip mo?” ::)

“Oo. Ikaw kasi ang dream girl ko” natawa sila, ako naman medyo namula. Tapos naka-smile lang the whole time ‘yong si JC.

“Umayos ka nga dyan JC, baka matakot na sa block natin nyan tong si NJ” tumatawa pa din si Nitzel, nag-smile lang si JC.

Dun ko lang napansin na meron syang sobrang lalim na dimples sa magkabilang cheeks. Cutie. Pero mas iniispot-an ko yung isa nilang kaklase na kamukha ni Enchong Dee. Na unfortunately e hindi pinakilala sakin. Hindi rin dumating yung prof nila kaya matagal tagal din akong nag-stay dun sa room full of poging papas.

Nung 10:30 na, tumakbo na agad ako sa St. Joachim’s bldg. dahil dun yung classroom ko. Hingal na hingal ako pagdating. Saktong nagaattendance pagdating ko yung prof.

“Takte, Jess. May tubig ka ba dyan? Uhaw na uhaw ako.”

“San ka ba galing? Lapit lang ng bahay nyo malelate ka pa” Si Jess nga pala e super close friend ko. Kung inaakala niyong Jess short for Jessica ang pangalan nya e nagkakamali kayo. Jesse ang pangalan nya. Kung iniisip niyo ulit na guy bestfriend to e nagkakamali ulit kayo. Bading to ;D Pero hindi sya yung cross-dresser BadingerZ tulad ng iba, lalake parin to manamit.

“Gaga hindi. Nag-sit in ako sa CBME1” section nila Nitzel.

“Oh? Bakit? What’s up ketchup?”

“Tinamad kasi ako tapusin yung training e. Haha. May scoop ako sayo”

“Oh, ano naman ang scoop mo bakla?”

“Confirmed! Pogi nga mga Entrep na lalake!”

“Talaga??”

“Oo”

“Turo mo pag nakasalubong natin ha”

“Sure, sure. I'd love to” tapos nag-appear kami



Pero ‘di ko akalain na magkakaron pala ng impact sa buhay ko ang araw na yun...
« Last Edit: January 17, 2011, 07:02:08 pm by sympathetic.deathfall »

gingersnap

  • jellybean
  • **
  • Posts: 288
  • Karma: +27/-12
  • Chin
    • Baby Dolls In Reality
Re: Migraine -- new story :D 1st update posted ;)
« Reply #8 on: January 17, 2011, 12:26:47 pm »
wait basa mode..haha..15 palang ako ate..hehe

=========================================

hahahhaa...tinamad pala si NJ nakisit-in..hahha..sana sa high school din pwede iyong ganyan..para naki sit-in din ako imbis na nagabsent ngayon..hahaha..tinamad rin akong pumasok today..hahaha..I think magkakasundo kami ni NJ niyan..hhahahha...kalurkey...
naku ang dami kong naalala dito sa chapter one iyong sa badinggerZ naalala ko iyong palabas na mazinger z.kapag naaalala ko iyon hindi ko mapigilan tumawa parang iyong sa nangyayari ngayon..sakit ng chan ko kakatawa.. :D ;D  naalala ko din iyong friend/classmate kong gay ..hindi mo mapaghahalataang baklushi kasi super gwapo talaga as in..hahaha..ayan O.A na pero iyon nga ang gwapo tapos lalaki rin kung manamit..hahah..kung di lang bakla iyon ako na nanligaw..hahaha..
mahilig din pala maggossip tong dalawang magbff.. ;D
nice chapter next na!!!!!!!!!!!!
« Last Edit: January 17, 2011, 12:40:13 pm by gingersnap »

sympathetic.deathfall

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1526
  • Karma: +163/-11
Re: Migraine -- new story :D 1st update posted ;)
« Reply #9 on: January 17, 2011, 12:34:58 pm »
wait basa mode..haha..15 palang ako ate..hehe

haha. sige sis. hala, 15 ka palang?? baby ka pa pala :D wala kang class?

gingersnap

  • jellybean
  • **
  • Posts: 288
  • Karma: +27/-12
  • Chin
    • Baby Dolls In Reality
Re: Migraine -- new story :D 1st update posted ;)
« Reply #10 on: January 17, 2011, 12:41:11 pm »
actually may klase ngayon pero tinanghali ako ng gising ang sarap kasi matulog hahaha..ang bad ko no sorry.. ;D

sympathetic.deathfall

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1526
  • Karma: +163/-11
Re: Migraine -- new story :D 1st update posted ;)
« Reply #11 on: January 17, 2011, 12:45:14 pm »
^ hahaha. Tama ka dyan sis. Lamig din kasi ng panahon kaya sarap mag-sleep :D

gingersnap

  • jellybean
  • **
  • Posts: 288
  • Karma: +27/-12
  • Chin
    • Baby Dolls In Reality
Re: Migraine -- new story :D 1st update posted ;)
« Reply #12 on: January 17, 2011, 12:49:05 pm »
kaya nga eh..  :D kasi kagabi galing ako sa party ayun nasarapan ako ng tulog..hahaha..kaw ba ate wala kang class today?

sympathetic.deathfall

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1526
  • Karma: +163/-11
Re: Migraine -- new story :D 1st update posted ;)
« Reply #13 on: January 17, 2011, 01:06:17 pm »
aba ang bata mo pa pumaparty ka na? Hahaha ;D wala akong class today, midterms kasi namin this week. Aral day daw :D

gingersnap

  • jellybean
  • **
  • Posts: 288
  • Karma: +27/-12
  • Chin
    • Baby Dolls In Reality
Re: Migraine -- new story :D 1st update posted ;)
« Reply #14 on: January 17, 2011, 02:30:49 pm »
hahhaha..aral day kuno..hahaha.. ;D hindi naman iyong party na as in sa mga bar hindi ganun parang merong occasion ganun..hahah..natakot nga ako kasi ginabi ako ng uwi..hahah..buti nalang si motherhood eh busy ayun nakalusot ako..hahha..speaking of exams hindi pa ako nakapgexam ng finals ng third grading..nyahaha..2 subjects iyon ..hahhaah..ewan..tsaka na kapag hindi na ako busy..hahhaa.. :D kamusta naman araw mo teh?

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website