◘Chapter 3◘
Bata pa nga lang ako nun, hindi ko pa maintindihan ang lahat. Hello? Ikaw ba naman kasi makita mo yung mga kaklase mong may mga tatay tapos ikaw wala, anong mararamdaman mo? Hindi mo talaga maiiwasang magtanong. Sabi ni Mama baby palang daw ako nung iniwan na kami ng tatay ko sa panghabangbuhay. Wala na, hindi ko manlang nalaman yung itsura niya, wala kasing pictures, pero kung nasan man siya ngayon sana masaya siya.
Nakakarelate naman sa akin si Kin dyan kasi nung 8 yrs old palang kami, namatay yung papa niya. Tinatawag ko rin ngang papa rin yung papa niya dati kaya nung namantay siya, gabalde rin yung iniyak ko, lampas-lampas isang drum siguro yung pinagsamang luha naming ni Kin at Keno.
Grabe! Ang sakit talaga!
Ok, enough na ng drama na yan. Wag ng alalahanin ang nakaraan.
Pagkatapos nga naming magdididikit eh lumabas na kami at kumain ng tanghalian. Ang sarap nga eh, chicken curry yung ulam, favorite ko. Naenjoy ko yung pagkain ko, buti nalang talaga hindi ako nagkajetlag.
Pagkatapos naming kumain eh sakto namang dumating si Keno. Whoah! Bat naman mukhang mas matangkad pa siya sa akin?
“Keno?” sabay turo ko sa kanya.
“Uy, Ate Alexis, nakarating ka na pala. Kumusta ang biyahe?”
Lumapit siya dun sa table. Magkatabi na kami. Whoah, mas matangkad nga siya saken, pero konti lang naman. Pero hello? Mas matanda kaya ako sa kanya ng 2 yrs. mukhang magkaheight sila ni Kin.
“Ok lang naman. Wow naman Keno, ang tangkad mo na ah, ang cute-cute mo pa.”
Ginulo ko ng konti yung buhok niya tsaka pinisil ko ng konti yung pisngi niya. Konti lang, puro pawis eh.
“Nasamid ako, nasamid ako.”
“Pano ka namang masasamid eh tapos ka na ngang kumain.”
“Shh.. Alexis may mata ka ba? Cute? Yuck!”
“May taste kasi si Ate Alexis, di katulad mo.”
“Naku! Pasalamat ka kumakain ka kung hindi binatukan na kita.” nagkunwari naman siya na babatukan si Keno.
“Kayo nga. Ikaw Keno, saan ka ba galing?”
“Diyan lang po Ma sa Basketball Court. Naglaro lang kami.” kaya pala siya pawis na pawis.
Sabi ko ako nalang yung maghuhugas ng pinggan pero sabi ni Tita eh siya nalang daw at kami daw ni Kin ay mag-ayos nalang ng mga gamit ko.
Umakyat na kami dun sa taas. Yep, sa taas nga pala yung kwarto naming ni Kin.
Konti lang naman nga yung gamit ko kaya mabilis din kaming natapos. Nagkwentu-kwentuhan nalang kami dun.
“Oo nga pala, enrollment sa susunod na bukas. Sabay na tayo tapos ililibot narin kita sa school.”
“O-k”
Ayun. Naging maayos naman nga yung pagdating ko at nakatulog naman ako ng mahimbing sa taas ng double deck ni Kin.
◘◘◘
Maaga naman akong nagising nung Monday. Sabi ni Kin mas maganda daw kung mas maaga kasi pag late na kami dumating eh mahaba-habang pila ang gagawin namin.
Naglakad lang kami kasi di naman yun kalayuan tsaka sabi ko rin para matandaan ko na yung mga daan-daanan dito.
Siguro mga 10 minutes lang din eh nakarating na kami sa school.
“Welcome to Estrella National High School.”
Whoah! Ang ganda ng school na to ah. Sa entrance palang mukhang bonga na siya.
“Hindi kagandahan, pagpasensyahan.”
“Hindi? Ang ganda nga eh, entrance palang.”
“Sabi ko na wala ka talagang taste.”
“Kasi naman kung ikukumpara naman ito sa school ko dati talagang malayo sila.”
“Ah.. kaya naman pala. Kung halos 3 taon ba naman kasi ng buhay mo eh nandito ka, malamang magsasawa ka na rin.”
Pumasok na kami sa loob tapos nag-umpisa na kami sa pag-eenroll. Hindi nga kami ganun katagal eh. 30 minutes lang siguro tapos na kami. Buti nalang talaga nagpaaga kami.
“Ang bilis natin no. sabi ko sayo eh. Ililibot na kita dito. Anong oras na ba?”
Hinanap ko naman yung phone ko sa maliit kong shoulder bag. What the! Where’s my phone?
“Yung pho-phone ko Kin, wa..wala sa bag ko.”
“Hah? Sigurado ka bang dinala mo yun?”
“Hah? E-ewan. May dala ba ako kanina? Nakita mo bang hawak ko?”
“Wala, wala akong nakita.”
“Oh? Sana naiwan ko lang sa bahay niyo.”
“Natin. Tara tingnan muna natin sa taas para sure.”
Bumalik kami dun sa pinilahan naming kanina. Wala naman. Feeling ko nga nasa bahay nil- namin yun. Hindi ko rin kasi nadala yung sling bag ko eh.
Maaga pa naman. Sa phone nalang ni Kin kami tumingin ng oras, wala kasi kaming mga relo. Mag-e-8 palang naman. Ang aga no. 7 palang nandito na kami kanina eh.
Tinour niya lang ako sa Estrella. Sinabi niya kung san yung mga ganyan ganun. Hindi ko rin nga maalala lahat eh. Basta ang alam ko, ang laki ng Estrella.. para sa akin.
Sandal lang kaming naglibot kasi titingnan na naming kung nasa bahay yung phone ko. Luckily, pagdating naming ni Kin eh nakita ko agad sa center table. Hay! Buti nalang. Mahirap na ngayon ang walang cellphone.
Binuksan ko agad yung phone. May 2 missed calls nga eh. Naku patay! Si mama siguro to. Wala rin kasing tao dito kaya di siguro napansin. Pero unknown number yung tumawag saken ng dalawang beses. Sino naman kaya to? Nireplayan ko nga eh.
“hello”
Napakahaba no? gusto ko lang malaman kung sino to kasi ayoko ng may unknown number. Gusto ko kilala ko kung sino man sila.
After 1 hour wala paring reply. Ano yun nantrip lang? Hay naku naman mga tao.
Ewan ko nga pero kahit hindi siya nagreply eh sinave ko yung number niya.
◘◘◘
Malapit narin yung pasukan. Bumili na kami kahapon ni Kin ng mga gamit naming. Si Mama nga wala parin, medyo matatagalan pa raw siyang sumunod ng dahil sa kung ano mang ginagawa niya, kesyo tinatapos niya pa daw yung isa niyang trabaho at inaayos yung ganyan ganun. Hay naku naman Mah!
Nagpaload ako kahapon para todo-todo text kami nung mga kaklase ko dati. Si Aira nga eh nagpaload din para maging magkatext kami. Nakaenroll na nga rin sila eh. Grabe talaga, ang ganda na pa naman ng buhay ko dun. Kasama nga ako sa School’s Body Government dun eh. Hay! Sayang talaga.
“Nku ung la2king un! Kulang nlng tlaga e bumli dn ng ticket at sumunod dyan seu.”
Ang laki talaga ng topak nitong si Aira. Pagdiskitahan ba si Gary? Speaking of Gary, katext ko rin siya. Pero sabi ko sa mga katext ko eh mamaya nalang ulit dahil kakain na kami.
Pagkatapos naming kumain eh nagpresenta na akong maghugas. Aba nakakahiya na kung parati nalang akong pass sa hugasan. Tinulungan din naman ako ni Kin.
Balik nanaman ako sa pagtetext pagkatapos maghugas pero naubusan ako ng katext kasi si Aira at yung iba eh kakain narin daw, si Gary naman eh pinapaayos daw ng mama niya ng doorknob ng pinto nila at kaya ako wala ng katext.
Ewan ko nga kung ano nanamang pumasok sa utak ko at itetext ko nanaman itong number na to. Yung nakaraang isang araw tinext ko rin, wala paring reply, kahapon nung nagpaload ako eh tinext ko rin, wala parin eh, ngayon kaya?
“hello”
Yan lang yung parati kong sinesend sa kanya. Hay! Asa pa ako, 30 minutes na ata ang lumipas, deadma parin talaga si Caller. Pero biglang nagvibrate yung phone ko.
“likewise! hus dis?”