Teentalk

Poll

Hi. Continue or not?

Please continue!
No need. Waste of time :'(

Author Topic: Re: My Missing Piece- Chapter 6 on pg. 9 :))  (Read 3486 times)

strawberry008

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2961
  • Karma: +92/-10
  • STRAWBERRY ICECREAM IS LOVE<3
    • spell crazy: T-R-I-S-H-A:D
Re: My Missing Piece- Chapter 6 on pg. 9 :))
« on: January 09, 2011, 03:58:00 pm »
PROLOGUE:

MY MISSING PIECE


"Mahirap lang ako. Natanggal pa ko sa trabaho. Bakit ba ang malas ko? Binuhay nga ako ng nanay ko, pinahirapan naman ako. Tapos ako pa ang  bumubuhay sa kapatid ko na mas matanda sa akin na walang alam kundi maglakwacha kahit wala siyang trabaho at sa nanay ko na puro tong its ang alam."


"Mayaman ako. Gwapo ako. Pero walang kwenta buhay ko. Tatay ko, pinipilit akong magasawa. Nanay ko pinipilit akong magdoktor. Lola ko pinipilit akong imanage yung company.  Ano yun, multitasking? Mahirap ata yun. May mahal din akong babae, girlfriend ko siya. Pero sampung beses na niya nirereject yung proposal ko. Singer kasi siya."


"Bakit ba kasi nung nagbuhos si Lord ng kaswertehan, naghihilik ako. Sobrang tulog ako. Hanggang tingin na lang tuloy ako sa mga magagandang damit sa mall. Wala na din akong pakielam kung ano itsura ko. Wala na nga pala akong tatay. Nasa heaven na siya ::)"


"Bakit kahit nasa akin na ang lahat, kumpleto pamliya ko, mayaman ako at pogi, wala pa din. Olats pag dating sa buhay ko. Mapapamilya man o babae. Laging may kulang. Laging rejected. Laging silang may ineexpect."


"Ako ang bumubuhay sakanila pero parang hindi naman nila naappreciate. Sinasayang lang nila."


"Gusto ko man sundin lahat ng gusto nila pero mas gusto kong sundin kung saan ako liligaya. Ang malas natin no?!"


"Mas malas ako. Nasayo na lahat. Ako, wala ni lovelife."


"Cheers?"


"CHEERS!"

_________________________________________

Hello kapatids. Continue ko ba or wag na?
« Last Edit: March 12, 2011, 08:56:23 am by strawberry008 »
I'm a BEE!
...Can you be my HONEY? ^-^

amft001

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1441
  • Karma: +302/-133
  • A.D. Domingo
Re: My Missing Piece *NEW* Readers please? :))
« Reply #1 on: January 09, 2011, 04:24:27 pm »
Ms. Lim, suppppport ko to ^____^

namisss kita

-AJness
tooot-tooot

x-iRis-x

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3229
  • Karma: +192/-44
  • Hasta la vista, BABY
Re: My Missing Piece *NEW* Readers please? :))
« Reply #2 on: January 09, 2011, 05:18:33 pm »
Support  :D
Magiging inactive na

gheeyah

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4147
  • Karma: +109/-41
  • Young.Wild.Free <3333
    • little by little
Re: My Missing Piece *NEW* Readers please? :))
« Reply #3 on: January 09, 2011, 05:24:51 pm »
hahaha ako rin alaang lovelife kaya support ko to baka mahanap ko rin ang missing piece ko. CHOS haha

strawberry008

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2961
  • Karma: +92/-10
  • STRAWBERRY ICECREAM IS LOVE<3
    • spell crazy: T-R-I-S-H-A:D
Re: My Missing Piece Chapter 1 Readers please? :))
« Reply #4 on: January 09, 2011, 07:01:35 pm »
BACK TO BACK WITH FOR HIRE: A Damn Good Kisser :D


CHAPTER 1

Ako si Raicca Marge Perez. 19 years old. NBSB ako pero nainlove na ako. Yun nga lang, walang naiinlove sa akin. Maniwala kayo't sa hindi, walang nangliligaw sa akin. Sige meron, pero eeeeh? Ayoko sakanila at wala pa sa utak ko yan.

"Maaaaarge!"

Tinatawag na ko ng boss ko.

"Poooo?"

"Madami ng nagrereklamo, sobrang bagal daw ng delivery. Ano ba ginagawa mo?!"

"Sorry po. Tinatawagan po kasi ako ng nanay ko, ang dami pong inuutos. Tapos nanghihingi pa po ng pera kapatid ko kaya naghahanap pa po ako ng part time job bukod dito."

"Alam mo, kung hindi mo kaya magconcentrate sa trabaho mo. Mas mabuti pang magresign ka na lang. Madami pang nangangailangan ng trabaho. Hindi lang ikaw."

"Ma'am please naman po. Wag niyo po ako tanggalin. Kailangan ko po nito. Pagbubutihan ko na po."

"Ilang beses mo na ba sinabi yan? Sawang sawa na akong tawagin ka para lang masermonan kita. Hindi ka ba nagsasawa?"

"Promise po. Pagbubutihan ko na talaga."

"Isa lang din ang pupuntahan ng usapan na 'to."

"Ano po yun?"

"You're fired. No ifs no buts. No explanation, no complaints. Lalabas ka ng restaurant na 'to ng tahimik. Wag ka na din babaik pa. Ang laki ng nilugi mo dito."

Palabas na sana ako ng restaurant pero...

"Wala po ba akong sweldo?"

"May utang ka pa nga diba?"

Umalis na ako doon. Takteng buhay oh! Ano ba ginawa ko para mangyari sakin 'to. Naging mabait naman akong anak at kapatid. Sobrang bait ko nga eh. Loooord!

Pumunta ako sa simbahan at lumuhod ako sa dulo ng aisle.

"Lord..."

Lumakad ako na nakaluhod.

"Mabait naman po ako diba? Naniniwala at nagdadasal naman po ako sa inyo araw araw? Hindi naman ako nagdedemand eh. Gusto ko lang po magkaroon ng masarap na buhay. Kahit konting kasarapan lang. Mahal na mahal ko po pamilya ko pero bakit pinahihirapan nila ako? Sorry po kung masyado akong maemote."

Nakarating na ako sa gitna ng aisle.

"Ayan na Lord. Malapit na ako sa inyo. Ang wish ko po, konting kasarapan lang at pwede po bang pakiwarningan ako pag magkakalove life na ako? Sige na naman po. 19 years old na ako pero wala pa akong boyfriend..."

Malapit na ako.

"Sabagay nga naman, wala na nga akong pera, magkakaroon pa ko ng boyfriend. Pero kung may pera naman po yung ibibigay niyo sa akin, okay na po ako doon."

Nakarating na ako malapit sa altar.

"Joke lang po. Pero ito po, seryoso na, kayo na po bahala sa future ko. Basta ako magsisikap para yumaman. Pag nakaangat na po kahit konti, magaaral na po ako para maging sikat na writer."

Tumayo na ako at nakita kong nakatingin sa akin si Father. Lumapit ako sakanya at nagbless.

"Iha, siguro maitim na yung tuhod mo."

"Paano niyo po alam?"

"Halos araw araw ka nandito at lumuluhod."

"Kailangan po. Baka sakaling matupad po wish ko."

Nagusap kami ni Father at nalaman nga niyang nawalan ako ng trabaho dahil ayun nga. Patience lang daw. Siguro nga, ako na ang pinakapatient na tao sa buong sanlibutan!

"Bechay: Mooooommy Maaaarge!"

Niyakap niya ako mula sa likuran.

"Ayan na pala yung isang anak mo."

Actually, madami kasi akong anak dito sa simabahan.

"Hulaan ko kung sino 'to ah?"

"Bechay: Heeheehee."

"Ikaw si Bechay."

Tapos humarap ako sakanya.

"Tama ako no!"

"Bechay: Galing mo talaga moooommy maaarge!"

"Nasaan na yung iba?"

"Bechay: Naglalaro po."

Nakipaglaro ako sakanila sandali at lumabas na din ako ng simbahan at pumunta sa mall para maghanap ng trabaho. Salesladay, tindera, kahit ano! Pero wala, malas! Walang tumatanggap. Kesyo hindi daw ako college graduate ganito ganyan. Leche na yan.

Nilabas ko cellphone ko. Tinext ko mga kakilala ko. Naghahanap kasi ako ng mapagkakautangan o pwedeng magsuggest ng trabaho.

"Hello Aleng Miniang?"

"Kung mangungutang ka, wala akong ipapautang sa'yo. Magbayad ka muna sa utang mo!"

"Pero.."

Binaba na niya yung phone. Nyemas!

"Hi Jack."

"Kung mangungutang ka, wala akong pera. Bye!"

"Teka, hindi naman yun eh."

"Talaga? Ano?"

"May alam ka bang mapapasukang trabaho? Kahit ano?"

"GRO?"

"Sira ulo!"

Binaba ko na yung phone. Eh tongeks pala yun. NBSB nga ako. Never been kissed. Never been touched yata 'to. Tapos papaganunin niya ako. Tang!na naman pala!

"Nins, please wag mong ibababa. Hindi ako mangungutang. Magpapahanap lang sana ako ng trabaho."

"Ano ka ba Marge. Alam mo namang bestfriend kita. Hinding hindi kita bababaan. Sige, ihahanap kita ng trabaho. Pero wag muna ngayon ha? I'm with my boyfriend. Alam mo na."

"Ah. Sorry sa istorbo ah? Sige. Thank you."

Binaba ko na yung phone. Anong klaseng kamalasan ba ang meron ako?

Maitext nga si Kevin.

*BAGSH!*

May nabunggo ako at nalaglag cellphone ko. Ano ba, kahit China phone yan pinagipunan ko yan.

"Pwede ba ms. Tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Nalalaglag tuloy cellphone ko."

"Excuse me Mister. Sa pagkakaalam ko, hindi ka din tumitingin sa dinadaanan mo."

"Nakakabadtrip ka."

"Same to you!"

Pinulot ko na ang nagkalagas lagas na phone ko. Iniwan ko na yung lalaki doon. Bakit ba? Tsh. Tinry kong buksan phone ko, at bumukas naman siya.

Teka, hindi ko 'to wallpaper ah? Tiningnan ko yung messages.

Quote
From: Hon

Hon, let's meet later sa shangrila hotel.

May hon ako? Kailan pa ko nagkahon? Oh no. Hindi akin 'to. Nagkapalit kami ng phone ng lalaki. Sabagay, kung bubuksan ko yung akin, hindi na yun gagana. Pero ito, gumana siya at matibay pa.

Quote
From: Hon

See you there sweetie.

Quote
From: Hon

Hon, pwede mo ba ako ihanap ng Personal Assistant? Yung pwede kong pagkatiwalaan. Ninakawan ako ng PA ko :( Kahit magkano. I'll pay her.

Kailangan ko yung babaeng 'to. I need to find her.

Is this the sign Lord?

THANK YOU PO.

BASTA, PUPUNTA AKO MAMAYA SA SHANGRILA HOTEL :D
________________________________________________________

@amft001: Namiss din kita AJ. :) Thank you very much ;D :-*

@x-iRis-x: Hello Iris (sabi sa username) HAHAHA! Thank you very much. Hope you'll like this :)

@gheeyah: Prettysis, wala din akong lovelife. Hahaha. Sana mahanap na natin missing piece natin. Thank yooouuuu :-*
« Last Edit: January 11, 2011, 09:23:19 am by strawberry008 »
I'm a BEE!
...Can you be my HONEY? ^-^

amft001

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1441
  • Karma: +302/-133
  • A.D. Domingo
Re: My Missing Piece Chapter 1 Readers please? :))
« Reply #5 on: January 09, 2011, 07:33:32 pm »
trishaaaaness

ano ba yang babaeng yan? luhurin daw ba yung buong simbahan? ang sakit kaya nun sa tuhod. Hahaha. sabagay, kung ganun nga ang problema mo, malamang gawin mo din yun

yun ba yung bida? mukang gwapo. Hahaha. ang mga gwapo lang ang may karapatang magsungit. trololo
tooot-tooot

strawberry008

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2961
  • Karma: +92/-10
  • STRAWBERRY ICECREAM IS LOVE<3
    • spell crazy: T-R-I-S-H-A:D
Re: My Missing Piece Chapter 1 Readers please? :))
« Reply #6 on: January 09, 2011, 07:36:39 pm »
Grabe! Padami ng padami nickname ko sa'yo. May Trizuuuh na, may Trishaness pa. Ikaw din eh. Arizuuuh. ajness. Hahahaha! So kung ano nickname mo, nickname ko din? Ganon? LMAO :D Anyways, tats naman ako :D

Kilala mo na ko. Hahaha. Oo, luluhurin ko rin yan. Wala kasi akong hiya. Ba't parang minura ko sarili ko? :D

HAHAHAHA! MAS OKAY KUNG MABAIT NA NGA, GWAPO PA! :D JACKPOT! :D
I'm a BEE!
...Can you be my HONEY? ^-^

amft001

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1441
  • Karma: +302/-133
  • A.D. Domingo
Re: My Missing Piece Chapter 1 Readers please? :))
« Reply #7 on: January 09, 2011, 07:41:26 pm »
yessir. Hahaha. naaadopt ko na mga salita mo. Yessir, Lmao. Kbye. Hahahaha. Henubehyen. Hahaha

Luluhurin ko din yan, mapasa akin lang si Chace Crawford, kahit lahat ng simbahan sa Pilipinas.. Nagbago isip, kahit sa bulacan na lang. Hahahaha. Joke ulit yun. Tawa na. Hahaha

Oo nga. Bonus kung mabait pa. Trololol. pero mahirap ng humanap niyan, kumbaga, extinct na. Hahaha
tooot-tooot

strawberry008

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2961
  • Karma: +92/-10
  • STRAWBERRY ICECREAM IS LOVE<3
    • spell crazy: T-R-I-S-H-A:D
Re: My Missing Piece Chapter 1 Readers please? :))
« Reply #8 on: January 09, 2011, 07:45:48 pm »
HAHAHAHA! Oo nga. Naimpluwensyahan ko din yung isang friend ko dito sa TTALK eh. Sa WW thread. LMAO :D Natatawa ko sa'yo. Mga salitang alien ni Trisha. So Alien ka din? :o MAGAGANDANG ALIEN :D

Ako, para mapasaakin lang si Lee Min Ho o kaya si Logan Lerman. Pwede na ako mamatay kapag naging kami. Magtotwotime ako. Ako na ambisosya! Hahaha. Sige tatawa ko. Ha Ha Ha. Ayan na naman. Napapatawa mo ko AJ :D

Meron pa, badingerzi naman. Amp. Atsaka meron pa ding ganyan kaso its either taken na o babaero. Mabait na babaero :D
I'm a BEE!
...Can you be my HONEY? ^-^

cheerie_bliss

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 542
  • Karma: +17/-5
  • chrisbliss
Re: My Missing Piece Chapter 1 Readers please? :))
« Reply #9 on: January 09, 2011, 07:57:44 pm »
go on sis...
new reader here...
che is the name!

"may hon sya?. sana ako rin meron, echos!"

oh well, up na!  ;)
Chefantastic's Corner

Try it...:)

THE ACADEMY

THE CLASH OF OUR MARRIAGES

amft001

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1441
  • Karma: +302/-133
  • A.D. Domingo
Re: My Missing Piece Chapter 1 Readers please? :))
« Reply #10 on: January 09, 2011, 08:01:07 pm »
naghahasik ka ng Alienic Trend dito. Lmao. May ganun bang salita? ??? hahaha. Dahil sinabi mong maganda, fine. ALIEN na ako!! Hahaha

Logan Lerman, andami kong kakilalang may crush diyan, hindi ko maintindihan kung bakit. Hahahaha. ANg weird ko. O siya, nagiging joker na ako. Hahaha

Badingerkz. Sinayang ang mukha. Hahaha. Dapat hindi nagiging bading ang gwapo. Tss. Nakaka BV yun eh. Lmao
tooot-tooot

lynne.lalalove

  • Guest
Re: My Missing Piece Chapter 1 Readers please? :))
« Reply #11 on: January 09, 2011, 08:08:28 pm »
Magpopost muna ako dito para mahabol ko na to ah, kasi naman e, walang net sa ospital. T_T

sweetmit08

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2664
  • Karma: +115/-6
Re: My Missing Piece Chapter 1 Readers please? :))
« Reply #12 on: January 09, 2011, 08:34:41 pm »
Twinkleee.
Babasahin ko munaa.  :D

- - - - -

Ang galing!
Destined nga talaga sa kanya yung trabaho!  :D
Kaya mo yan! Basta may tiyaga may nilaga at kanin! HAHA.  :D (Dagdag lang yung kanin, alangan namang ulam lang?) HAHA.  :D
« Last Edit: January 09, 2011, 09:11:40 pm by sweetmit08 »
Worst Battle = What I know Vs. What I feel.

regiereg

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2993
  • Karma: +171/-26
  • waiting on the world to change....
Re: Re: My Missing Piece Chapter 1 Readers please? :))
« Reply #13 on: January 10, 2011, 08:03:44 am »
hindi ka man lang nagsasabi na may bagong story ka. survival of the fittest! puntaha mo talaga para magkatrabaho ka na.

strawberry008

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2961
  • Karma: +92/-10
  • STRAWBERRY ICECREAM IS LOVE<3
    • spell crazy: T-R-I-S-H-A:D
Re: My Missing Piece Chapter 1 Readers please? :))
« Reply #14 on: January 10, 2011, 06:42:56 pm »
@cheerie_bliss: Hi Che! Thank youuu :-* Hahaha. Ako din sana meron. Joke! :D

@amft001: Dahil may sarili tayong dictionary, sige, meron salitang ganun. Hahahaha. Maghasik! :D Ikaw ang pinakamagandang alien sa balat ng ibon. Joke! :D I love you Arizaness. Peace be with you. hahahaha!

Gwapo kaya. Pero hindi eh. May bago na kong crush. Phil Younghusband! Tae! Mamamatay na ako pag nahawakan ko siya. :D

Sinayang ang lahi. Kumokonti tuloy mga gwapo sa mundo :D

@lynne.lalalove: Aw. Sige loves. Hahaha :D Thank you :)

@sweetmit08: Ganyan talaga pag may faith kay papa Jesus. Tapos may sipag at tiyaga pa. Hahahaha! Yiieee. Gumaganon ako, hindi bagay sakin :D Thank you Sprinkle. I miss you! :)

@regiereg: Ate Reeeeg! Namiss kita :'( Sobra! Hahaha. Naks naman. Thank you. May naalala ako sa survival of the fittest. LMAO :D Magiging ermitanyo na si Marge tapos diba wala siyang trabaho dito, baka sa africa taong gubat na siya tapos may mahabang balbas. Yikes! Hindi bagay. Sorry naman. Umaandar si imagination eh ;D
I'm a BEE!
...Can you be my HONEY? ^-^

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website