AAH! *SABUNOT SA SARILI* HINDI KO MAPIGILAN... HINDI KO MAGAWANG... naka-caps lock pala ako >< Sorry~ Pero ayun nga... Hindi ko magawang buklatin yung notes ko para sa exam namin bukas & yung book ko para naman sa assignment namin. Haha. Ang tamad ko~
Maraming salamat pala ulit~
-
08-
Step one, you say, “We need to talk”
He walks, you say, “Sit down, it’s just a talk”Kumanta naman na ako. May mga nagulat since hindi naman ako kumakanta sa kahit saan na makikita nila ako – ngayon lang. Sa kalagitnaan nung so-called performance ko eh napatingin ako sa bintana at muntik na akong mapatayo dahil nandun si kuya at kinukuhanan na naman ako ng video.
As he begins to raise his voice
You lower yours and grant him one last choice
Drive until you lost the road
Or break with the ones you’ve followed…“I love you Llex!” 
Napayuko ako ng todo pagkarinig ko nun. Hindi ko naman na na-recognize yung boses kahit na malakas yung pagkakasabi nun.
“I love you Llexandria!” Ayan na naman.
And I would have stayed up with you all night
Had I known how to save a life…Finally, tumayo na ako at bumalik sa upuan ko which is sa gitna ni Aaron at Milo. Bantay ko sila di ba?
“Ang galing mo Llex!” 
At nag-thumbs up pa si Aaron sa akin.
“S-salamat…”

Ba’t naman kaya biglang nagbago ang mood nitong si Milo? For the rest of the day kasi eh hindi na nya ako kinulit. Oh well.
“Uy okay ka lang?” Pasensya, hindi na ako nakatiis eh.
“Ah. Oo.”Tumango na lang ako saka kumaway sa kanya. May sayad siguro sya ngayon.
Simula nun eh naging weird na si Milo, which means halos hindi na nya ako pinapansin. Ano bang nagawa ko sa kanya?

Wait- ano ba sa akin kung hindi nya ako pansinin di ba?
“Hoy!”Huh?
“Hoy babae!” Maya-maya pa ay may humila na sa akin.
“Bakit nandito ka pa, huh?!”
“Ano bang sinasabi mo?”“Huwag kang magkunwari dyan.” Hindi na nya tinapos ang sasabihin nya at bigla na lang lumipad yung palad nya papunta sa pisngi ko.
“Trust me- Babalik at babalik si Milo sa akin!” 
Napansin ko na may mga nakatingin sa amin sa hallway. Ano ba yun?

Babalik sa kanya si Milo? Di ba sya na ang girlfriend ni Milo? Di ba?
“And stay away from Dayle!” Wait- Magkakilala sila ni Dayle?

Umalis naman sya nun at ako naman eh tuluyan ng pumasok sa classroom.
“Milo ano bang problema ni Danielle?” Seryoso pero mahinahon akong umupo dun sa upuan ko bago ako humarap kay Milo. Napatingin naman sya sa akin pagkatapos ay medyo nanlaki yung mata nya.
“Anong…”
“Wala. Wala. Ayusin nyo nga yung problema nyo. Pati ako eh nadadamay.” 
Tumayo naman ulit ako pagkatapos ay lumabas na muna ng room.
“Llex!”“Oh, Aaron…”
“May problema?” Tinitigan ako ni Aaron pagkatapos ay kumurap-kurap pa sya.
“Huh?”“Wala.”

Pinilit ko ang sarili ko nun na ngumiti.
“Ah. Bakit ka nandito sa labas? Di ka na naman inaaliw ni Milo?”
“Bakit? Clown ko ba kayo?”“Pwede din.” 
Ngumiti naman sya.
“Wait lang.” Nagmamadali syang sumugod sa loob ng room pagkatapos ay nakarinig ako ng mga natumbang silya.
“Ano ba Aaron?!” 
Yun ang narinig ko galing sa class president namin.
“Umayos-ayos ka Milo ah!” Halata sa boses ni Aaron na galit sya at ang nakakapagtaka ay yung paglabas nya ng room na para bang walang nangyari.
“Nagawa mo na ba yung assignment natin sa History? Grabe magbigay ng assignment si Sir, ‘no? Parang ilang lumang libro ata yung kailangan nating buklatin.”

Tulad ng dati, si Aaron lang ang consistent na nangulit sa akin. Si Milo? Ayun at hindi na pinakikialaman ni Aaron.

Nung isang araw eh ipinadala si kuya sa giyera – I mean, sa isang competition at five days din silang mag-s-stay dun kaya naman mag-isa lang akong umuuwi. Pero mukhang tumagos sa akin ang ilang percentage ng kabaliwan ni Aaron kaya nag-stay muna ako sa bahay nila Charlene.
“Good afternoon Tita.” 
Nag-bow ako nun sa mom ni Charlene na si Tita Danica.
“Oh Llex. Ngayon na lang ulit kita nakita dito.”“Pa’no ba naman Mommy, ipinagpapalit ako sa mga boys nya sa school.” 
Pinandilatan ko naman si Charlene.
“Kantahan mo ako friend.” Ayun pa’t ginawa akong giant teddy bear ng bruha.
“Ano namang kakantahin ko?”
“Kahit ano.” 
Yun lang ang sinabi nya pagkatapos ay iniabot nya na sa akin yung gitara nya.
Isang weird na bagay kay Charlene ay ang unintentional na pagkalimot nya kung paano mag-gitara. Ilang beses ko na syang tinuruan – natututo naman pero after one day eh nakakalimutan nya na. Sabi pa nga nya dati eh galit-galit sila ng music.
Wondering why, you’re acting this way, baby
Wondering why, you can’t find any words to say
Maybe someone told you a lie
Or maybe you’re just being shy
Keep wondering why…Why when you see me
You pretend I’m not there…Nagulat na lang ako ng humablot ng tissue si Charlene at ipinahid sa pisngi ko. Teka- Umiiyak ako?
“C-Char…” Hindi na ako tuluyang nakapagsalita nun ng bigla nyang inagaw sa akin yung gitara at inakap ako. Ayun nga… Umiiyak talaga ako.
“Sshh… Sige lang, umiyak ka lang muna.”Ano ba Llexandria? Bakit ka ba umiiyak? Kailan ka pa umiyak ng walang dahilan?
“Normal lang yan…” Ayun pa’t parang palaisipan sa akin ang bawat sabihin ni Charlene.
“There’s always a first for everything… Nagkataon lang na yung first mo ay sa kanya.” 
Napatigil na ako ng tuluyan. Wala akong maintindihan.
“Char?”“What?” 
Ngumiti naman sya.
“A-ano ba yang mga sinasabi mo?”“Hindi mo talaga alam?”Ano ba?!

Gusto ko na talagang umiyak ulit. Ayaw ko ng ganito. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung ano ang dapat kong isipin – yung problema ko ba sa pag-iyak o yung pag-intindi sa kung ano mang gustong sabihin ng best friend ko.
“Please naman Char…”“Come on Llex! Matalino ka. You should…”“I’m not!” 
Nagulat ako sa sarili ko nun pero mas nagulat ako sa reaction ni Charlene. Imbis kasi na magulat sya eh lalo pa syang ngumiti.
“Magaling nga siguro ako sa academics, pero I’m not like you. Wala akong…”“You’re in love Llexandria.”I’m what?
“You’re joking…”“I’m not.” Huminga naman sya ng malalim bago diretsong tumingin sa mga mata ko.
“Don’t you think it is now time for you to fall for a guy?”