@
hakyrej_inyourdreams: Nakakakilig ba si Dayle?

Haha. Salamat!
@
vampdubistaaa: Swerte talaga

Si Kuya Drix? Hm... Hindi pa ata? Wee~ Salamat~!
@
Ramona: Binudburan ko ng lahat ng klase ng asukal si Dayle kaya obligado siyang maging sweet~ Haha. Salamat!
Gaya ng sabi ko, super hiatus mode ang story na ito (yes... hiatus... again and again and again...), pero mukhang hindi naman talaga magiging super... kung magpapatuloy ang pagiging atat ko na matapos ito. Haha.
Muli, walang smiley... Dahil tinatamad ako

-
30-
“D-Dayle?” Halos dumoble ang laki ng mata ko ng biglang sumulpot sa harapan ko si Dayle habang pasimple akong tumitingin-tingin ng street foods na pwedeng papakin. Maaga-aga din kasi kaming pinauwi at walang teacher ang nagbigay ng assignment.
“Ba’t parang ayaw mo akong makita?” Sumimangot siya nun pero agad din naman niyang binawi at isang pang-toothpaste commercial na ngiti na naman ang idinisplay niya.
“Nag-cutting ka?”“Kumain ka na lang.” Ipinasak ko sa bibig niya yung stick ng fishball na karamay ko habang tumitingin-tingin ako ng pagkain.
“Salamat. Let’s go.”Hindi ko na nagawa pang magtanong dahil bigla na lang niya akong naisakay sa kotseng nakaparada sa di kalayuan. Hanep. May future maging kidnapper ang boyfriend ko.
“Himala, hindi ikaw ang nagda-drive.”“Kasama ko kanina si Mama. Hindi na ako pinayagan na sunduin ka ng ako ang nagda-drive.”“Ipinagpaalam mo ba itong pangi-ngidnap mo sa angkan namin?”“Oo naman. Pero kailangan kitang ibalik by 8 o’clock dahil ngayon ang balik ng daddy mo.”Syempre, sa mall na lang ako dinala ni Dayle. Nagpaikot-ikot kami hanggang sa ma-realize namin na panunuod lang ng sine ang magkakasya sa oras na meron kami.
“Pwede naman kasing sa Saturday na tayo lumabas.”“Hindi mo ba ako na-miss? Ilang araw din tayong di nagkita.”Tinawanan ko lang naman siya at bago pa ako makapaglambing ay isang pares na ng braso ang pumulupot sa kanya. Pero anak ng kamote! Libreng tsansing si Ate. Naunahan pa ako. Teka- Kelan pa ako natutong manantsing?
“Oh my gosh Dayle! Na-miss kita!” Ay naku Ate, hindi halata. Ano ka? Girlfriend na sampung taon na hindi dinalaw ni Dayle?
“Jen.” Madali namang nailayo ni Dayle ang sarili sa babae. Buti na lang, kundi baka magmaktol ako sa kinatatayuan ko ng wala sa oras. Kung hindi man, baka kumuha na lang ako ng popcorn at dumukot ng silya. Tapos aantayin ko na lang yung cue ko na ipagtanggol ang sarili ko.
“Yes?” Mukhang natauhan yung babae.
“If you don’t mind…” Ipinulupot naman ni Dayle yung braso niya sa balikat ko. Grabe ah. Di man lang nag-abala na mag-alcohol. Malay natin, may germs na bitbit yung babae.
“I’m with my girlfriend.”Isang shocked expression ang binigay nung babae. Ano ba? Feeling naman niya pinagtaksilan siya nung lalaki. Pero ano ba? Kasama na ako sa eksena? Sayang. Hindi man lang ako nakabili ng popcorn.
Pero mabait akong tao kaya itinago ko na lang sa sarili ko yung maldita kong side na kanina pa nagbibigay ng comment.
“Hello.” Inextend ko yung kamay ko dun sa babae pero tiningnan lang niya yun saka ako pinasadahan ng tingin – from head to foot.
“Okay… Nice to meet you na lang.”“Nawalan ka na ng taste sa babae my dear?”Ewan ko kung paano ko nagawang pigilan ang sarili ko na itirik ang mga mata ko. May endearment pa talaga. Hello, Ate! May girlfriend na siya at nasa harap mo! Pasampal kita sa Mommy ko eh!
“Dayle, let’s go? Baka hindi natin maabutan yung start ng movie.”Mukhang satisfied naman si Dayle sa ikinilos ko. Pero syempre, nagkunwari pa akong nainis sa nangyari.
“Hey- Galit ka ba?”“Sus! Bakit naman ako magagalit?” Nginitian ko pa siya ng todo.
“Pero grabe pare, ang ganda nun. Ano nga bang nangyari sa taste mo?” Itinuro ko pa yung sarili ko bago ko siya pilit na inakbayan.
“Girlfriend mo rin?”“Llex.”“What?” Humiwalay na ako pagkatapos ay patakbong pumunta sa bakanteng upuan.
“Jen’s my ex.”“I’m not asking you to explain things.”“Ang gulo mo.” Iiling-iling na lang siyang umupo sa katabi kong upuan.
Hindi naman niya ako kinulit. Masyadong cheesy rin yung movie na napanuod namin kaya naman hindi na ako magtataka kung bigla na lang siyang lumabas ng sinehan.
“Let’s go.”“Hindi pa tapos…”Pinagtaasan ko siya ng kilay bago ko siya tuluyang kinaladkad palabas. Obvious naman kasi na nababagot na siya sa pinapanuod namin. Well, sumobra din sa pagiging cheesy yung movie kaya inayawan ko na rin.
Since may halos dalawang oras pang natitira – yes, halos patapos na yung movie ng lumabas kami ng sinehan – ay nagpasama na lang ako kay Dayle na tumingin ng cellphone. Two years na din kasi sa akin ang cellphone ko at nagmamakaawa na si Mommy at Daddy na i-dispose ko na. Siguro talagang gusto akong i-spoil ng parents ko.
“Nagpalit ka pa.”“Eh gusto ko ng simple lang eh.”Ano bang masama kung China phone ang ipalit ko sa pinaka-iingatan kong cellphone?
After naming isa-isahin yung mga shop ay nagmerienda muna kami. Syempre, kahit gusto kong makihati sa gastos ay hindi ako pinayagan ni Dayle. Ayun pa nga’t binantaan ako na hahalikan ako sa harap ng lahat ng nilalang na nasa loob ng fastfood chain. At dahil dakilang KJ ako ay nanahimik na lang ako.
I know. Boring akong nilalang. Pero, fifteen pa lang kami. Fine. Nagkaroon kami ng kissing scene sa simula pa lang ng aming love story – according to Charlene. Pero hindi ko naman yun ginusto. It was fate’s work, na ginamit namang instrument si Charlene para mangyari yun.
“Hindi mo na naman ako pinapansin.” Nakasimangot akong kinalabit ni Dayle. Infairness, ang cute niya kapag nagtatampo.
“Tapos kinukuhanan mo pa ako ng picture.”“Ang cute mo eh.” Agad kong itinago yung cellphone ko.
“Di bale… May picture mo naman ako na galing kay Charlene.”“A-ano?”Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko yung sinasabi niyang picture.
“Saan mo nakuha- Burahin mo yan.”“Ayaw ko nga.” Binalik din naman niya sa bulsa niya yung cellphone niya.
In case you’re wondering… And I bet that you are. Iyon ay kuha pa isang oras bago ako kaladkarin ni Charlene papunta sa wedding booth kung saan ko unang nakita si Dayle. Pareho kaming may suot na super laking eyeglasses at may hawak pa kaming super laki na laruang lollipop. Cute kung cute, pero nakakahiya naman para sa akin.
“You should loosen up, Llex.”Napatitig ako kay Dayle. I should what?
“I’m not saying that you’re boring, because you’re not. Pero unless na makilala ka ng lubos ng mga tao, hindi nila malalaman yun. They’re seeing you as a different person at hindi as Llex na kilala naming lahat.”“Dayle…”“But I’m not forcing you to change. Nagsa-suggest lang ako.” Hinawakan niya ulit yung kamay ko. Then he planted a kiss on it.
“Come to think of it… You should stay that way.”“Ang gulo mo.”“Baka lang kasi may iba ka pang ma-attract na lalaki. Ayaw ko lang na magkaroon ng kaagaw.”