Teentalk

Author Topic: I Do?  (Read 4481 times)

hakyrej_inyourdreams

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2751
  • Karma: +107/-28
  • Take a risk. Tempt fates. Stand out. Never regret.
    • Facebook Page! <3
Re: I Do? -04- || update lang ng update~
« Reply #15 on: January 08, 2011, 04:52:53 pm »
Support ko po ito!
Walangya naman 'yung mga nam-bully kay Llex. >:(
Tss.
Nakakatuwa! Astig ng Mommy nila :D
Never lose hope. Someday, you will have your own coloured rainbows.

vampdubistaaa

  • Guest
Re: I Do? -04- || update lang ng update~
« Reply #16 on: January 08, 2011, 04:57:08 pm »
Nakakatuwa naman yung story na 'to. As in mega-sugod talaga mommy niya sa school ha~ ;D I'm a new reader, BTW. I'm Feii. I'm so excited! I can't imagine what could happen next! :D

doncellamarie

  • Guest
Re: I Do? -04- || update lang ng update~
« Reply #17 on: January 08, 2011, 05:26:36 pm »
ayos, k-pop fan pala si Llex.  8) [pati ba yung author?] peace!  ;D

aww, terror pala si mommy. buti na lang at lilipat na siya ng school. :)

angel_devil

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2487
  • Karma: +63/-13
  • Buhay Kabute
    • Nagsusulat daw ako
Re: I Do? -04- || update lang ng update~
« Reply #18 on: January 08, 2011, 06:36:04 pm »
Mukhang nasinghot ko yung Baygon na inispray sa bahay kanina :D Ba't ang bibo ng kamay ko ngayon? :D :D Tapos aliw na aliw ako sa smiley na ito → :D

Trivia: Malapit ng umabot ang naka-post dito sa # ng chapter na nagawa ko na sa MS Word. Tumatagas na ang utak ko :D

Again... Salamat po ng marami... :D :D :D :D :D



-05-
“Drix, sino yan?” Isang lalaki na ka-age ata ni kuya ang lumapit sa table na inoccupy namin.

“Ah. Si Llexandria, sister ko.”

“H-Hello…” :-[ Napatungo ulit ako.

“She’s so cute! Ba’t di mo sinabing cute ang kapatid mo?” :D

“Rex, don’t even think of laying a finger on her.” Seryosong sabi ni kuya dun kay Rex.

“Sobra ka naman! Wala akong plano na mabura sa mundong ito.” :D 8) Nag-lean naman pa-forward sa akin si Rex. “Hi. Ako si Kuya Rex.” At pinat nya yung ulo ko. “Pwedeng baby sister ko na din sya?” ;)

“Shut up.” >:(

Ilang kakilala pa ni kuya ang lumapit sa amin, lahat sila eh sinasabing gusto nila akong maging little sister or whatever. Syempre, naiilang na naman ako. :-[

“Oh my gosh! Drix bakit naman may kasama kang taga-public school?” :o ::)  Isang babae na naka-todo ang pagsusuot ng accessory ang lumapit.

“Meryl, it’s a semi-public school.” Naiiritang sagot ni kuya.

“Whatever. Ba’t ba yan pinapasok dito? Yuck!”

“She’s going to transfer here.” Tapos inakbayan pa ako ni kuya. Dahil nga nakayuko ako eh hindi napapansin yung kakaunting resemblance naming magkapatid. :-[

“Really?” :o At pinaypayan pa nya yung sarili nya using her hand. Ganito ba kaaarte yung mga tao dito? Mas maarte ng ilang beses kaysa dun sa mga schoolmate ko dati ah. “Yah- new kid, be thankful na may mga kumakausap sa’yo.” 8)

Mukhang napuno na si kuya kaya naman sinagot nya na ng bongga yung babae. “Stop talking like that to my sister.” >:(

“S-sister?” :o :o :o

“You heard me.” ::)

Inalis din naman ako ni kuya sa lugar na yun at dahil 2 hours daw ang break time nila eh itinour na nya ako.

“Mukhang kailangan kitang bantayan dito ng maiigi ah.” Sabi nya sa akin habang papasok kami ng gym kung saan may mga nagka-klase daw.

“Okay naman ako dun sa school ko eh…”

“Anong okay? Eh baka sa susunod ay umuwi ka na na may bukol.” >:( Sinimangutan nya ako at sinimangutan ko din sya.

“Drix!” :D :-* :D

Teka nga- Mr. Popular ba ang kuya ko dito? ??? Kanina pa kasi may mga bumabati sa kanya pagkatapos madami-daming babae din ang nahuli kong nagpapacute. :P

“I’m not that kind of popular Nics.”

“Eh?” ???

“Madalas lang talaga akong mapagtripan ng mga teacher na isali sa kung anu-anong contest kaya nakikilala nila ako.” ^-^

“Ows?” :P

“Ikaw talaga!” Napatigil naman sya sa pag-gulo sa buhok ko ng muntikan na akong mahagip ng bola. “Sinong huling humawak nito?!” >:(

“Kuya…” :-[

“Sorry…”

“Oh Milo.” :)

“Naligaw ka dito Drix?” ???

“Ah. Itino-tour ko lang ‘tong kapatid ko.” 8) Again, ang mahiwagang akbay. “Meet my sister, Llexandria.” 8)

“Hi!” :)

“H-Hello…”

Tumitig lang naman sa akin saglit si Milo bago bumalik sa practice nila.

“Naks! May nagkaka-crush na agad sa’yo.” :D

“Kuya naman eh!” >:(

“Akala ko iwinala mo na ang kapatid mo.” Nakasandal si mommy dun sa kotse habang nakatingin sa amin.

Napangiti lang kami sa kanya. Mukhang hindi na kasi mainit ang ulo nya. “May uniform na si Nics?”

“Yeah. Nasa kotse na. Let’s go Llex?”

“Bye kuya! Pasalubong ko ah.” ;)

Nag-kiss na ako kay kuya pagkatapos ay sumakay na ako.

Pagdating sa bahay ay ipinasukat kaagad sa akin yung uniform. Okay naman at saktong-sakto sa akin.

“Mas bagay sa’yo ang ganyang uniform.” :D

“Ang ikli!” :'(

“Hindi naman ah!”

Napakamot naman ako sa ulo ko. As if naman kasi na may magagawa pa ako di ba? ::)

When I was younger, I saw my daddy cry
And curse at the wind
He broke his own heart and I watched
As he tried to reassemble it…


Suot ang uniform ko at ready ng pumasok eh nagkulong muna ako sa kwarto at nagsimulang kumanta. Ganito ang routine ko sa tuwing may gagawin ako at talaga namang nagwawala ang nervous system ko. Ang weird di ba? :P

I’ve got a tight grip on reality
But I can’t let go of what’s in front of me here…


“Nicole!” Ayan na. Kumakatok na…

“Oo na!”

Binitawan ko na yung gitara ko at naglakad na palabas. Kinakabahan talaga ako…

Room 3-A. Ito na ba yun? ??? This is really is it na? ??? As in? :D

“Kinakabahan ka?”

“Masyado ng obvious kuya?” :D Tumingala talaga ako sa kanya.

“Medyo lang.” :D ;D Tinawanan nya ako bago tuluyang sumilip dun sa room. Narinig ko pa nga na may mga tumili sa presence nya.

“Oh Drix.”

“Milo, ikaw na munang bahala sa kapatid ko ah.” ^-^ ^-^ ^-^
So I'll be hurting more...

hakyrej_inyourdreams

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2751
  • Karma: +107/-28
  • Take a risk. Tempt fates. Stand out. Never regret.
    • Facebook Page! <3
Re: I Do? -05- Milo~
« Reply #19 on: January 08, 2011, 06:44:09 pm »
Ay grabe!
Classmate niya si Milo na muntik ng makatama ng bola sa kanya :D
Never lose hope. Someday, you will have your own coloured rainbows.

thecagedDOLL

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1625
  • Karma: +308/-275
    • Off~Line Forum.
Re: I Do? -04- || update lang ng update~
« Reply #20 on: January 08, 2011, 07:57:54 pm »
OMG.OMG.OMG.Angelique. :'(
Seryosong na miss kita. SOBRA KITANG NAMISS. :(
Grabe. Haha. Ilang years na ba tayo di nagkausap?
Akala ko nga naman hindi ka na magpapakita dito sa Teentalk! :D
I'll start reading your story. Kasi naman eee, nung nakita ko `yung username mo, agad akong nagpost ng comment dito! :D

Creative Corner misses you a lot! :D

 

VISIT MY BLOG. (o)__(o)

LIKE MY PAGE

Sino nga ba ang manhid?
Ako o ikaw? </3

angel_devil

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2487
  • Karma: +63/-13
  • Buhay Kabute
    • Nagsusulat daw ako
Re: I Do? -05- Milo~
« Reply #21 on: January 08, 2011, 08:45:13 pm »
Ay grabe!
Classmate niya si Milo na muntik ng makatama ng bola sa kanya :D

Oo nga eh  :D  Weeeee~ Salamat. Ano nga palang name mo sis? :D

OMG.OMG.OMG.Angelique. :'(
Seryosong na miss kita. SOBRA KITANG NAMISS. :(
Grabe. Haha. Ilang years na ba tayo di nagkausap?
Akala ko nga naman hindi ka na magpapakita dito sa Teentalk! :D
I'll start reading your story. Kasi naman eee, nung nakita ko `yung username mo, agad akong nagpost ng comment dito! :D

Creative Corner misses you a lot! :D


Hmm... One year ata? Buong 2010 kasi bihira akong mag-stay ng kahit isang oras man lang dito eh :( Haha. Na-miss ko lahat dito sa Teentalk... Lalo na sa Creative Corner, kaya ito, sulat-sulat ulit ng kwento kahit iginagapos na ako ng mga assignment & projects :D

---

Ayie~ Bukas naman yung next chapter :) Baka maabutan na ng tuluyan yung copy ko... At hindi maaari yun! :D Salamat po ulit sa comments & page views. Haha. I love you all~♥
So I'll be hurting more...

jhennylicious

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 959
  • Karma: +67/-4
  • jUsT aLwAyS sMiLe ;)
Re: I Do? -05- Milo~
« Reply #22 on: January 08, 2011, 09:30:04 pm »
hi! bagong tagasuporta, type ko si Drix e
akin na lang siya :P
ayi~ si milo umeepal! :D
'Someday.. I will get that Freedom,
The Freedom, to do everything.
And the FREEDOM.. to choose the one I LOVE.'

doncellamarie

  • Guest
Re: I Do? -05- Milo~
« Reply #23 on: January 08, 2011, 09:36:01 pm »
ang dami naman niyang kuyas. haha!  :D
infairness, protective si kuya.  ;D
ayiee, crush at first sight ba ito?  8)

O, Milo, alagaan mo daw si Nics ah. *kilig kilig*

hakyrej_inyourdreams

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2751
  • Karma: +107/-28
  • Take a risk. Tempt fates. Stand out. Never regret.
    • Facebook Page! <3
Re: I Do? -05- Milo~
« Reply #24 on: January 09, 2011, 03:21:49 am »
Haha!
No biggie ;)
I'm Jeh nga po pala. :)
Ikaw po?
Never lose hope. Someday, you will have your own coloured rainbows.

angel_devil

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2487
  • Karma: +63/-13
  • Buhay Kabute
    • Nagsusulat daw ako
Re: I Do? -05- Milo~
« Reply #25 on: January 09, 2011, 12:30:17 pm »
hi! bagong tagasuporta, type ko si Drix e
akin na lang siya :P
ayi~ si milo umeepal! :D

Hello. "I LABYUUUU~" oi Drix, kumalma ka dyan :D Haha. Salamat sis!

ang dami naman niyang kuyas. haha!  :D
infairness, protective si kuya.  ;D
ayiee, crush at first sight ba ito?  8)

O, Milo, alagaan mo daw si Nics ah. *kilig kilig*


Yes. Kailangan madami syang kuyas. Lols. At tungkol pala dun sa isa mong comment (yes, naaalala ko pa) K-pop fan ka din naman ah >:D Salamats~

Haha!
No biggie ;)
I'm Jeh nga po pala. :)
Ikaw po?

Ako naman si Angelique :D Weeeee~ Salamat ulit :)

---

Wala pa akong nat-type na bago... Wala pa din akong assignment... At hindi ko pa nahahanap yung assignment ko na hindi nirecord ng prof ko >< Maghihimagsik na ako sa faculty eh >< Haha. Tingnan ko kung maipo-post ko yung Chapter 7 mamaya... Pero dipende yun kung madadagdagan ko yung chapters na meron ako~ ><




-06-
Okay naman sa loob ng room maliban na lang sa paglingon nilang lahat sa akin. :-[

“Milo, sino yan?” Isang lalaki ang lumapit sa amin.

“Ah. Kapatid ni Drix.” ^-^ Pakilala naman sa akin at lalong naging interisado yung ilan. Ano kaya ang pakilala sa akin ni kuya dito sa mga ito? ???

“Ang cute mo naman! Ako nga pala si Aaron.” :D :) :D

“Llexandria…” :-[

“Ang cute mo talaga!” :D At pinisil pa talaga yung pisngi ko.

“Wag mo masyadong panggigilan, baka malaman ni Drix.” ;D

“Oo nga pala.” Natatawa naman syang bumitaw sa akin.

Nag-start na din yung klase nila. Medyo advance sila compared dun sa school ko dati pero wala namang problema since nakakapag-advance reading ako noon pa. ;)

“Ano? Inalagaan nyo ba ‘to?” >:D Yun agad ang bati ni kuya kay Aaron at Milo pagdating nya sa cafeteria. Ang weird nga kasi may mga kasama ako – at mga lalaki pa.

“I-check mo pa kung may galos.” Nakangiting sagot ni Aaron at ginawa nga ng kuya ko. :D

After nilang bumili ng pagkain eh may babaeng lumapit sa amin. “Hi guys!”

“Danielle!” :D Tumayo naman si Milo tapos alam nyo na, yung usual greetings ng mag-boyfriend tapos may kiss sa cheeks. :-*

Tumawa naman nun si Danielle. “Who is she?”

“My sister.” 8) Proud na proud na naman ang kuya ko.

“Hello. I’m Danielle.” :)

“Llexandria…”

Nagkwentuhan naman sila ulit dun tapos ako naman eh nag-advance reading. Ayaw ko naman na tumunganga sa klase mamaya at walang maintindihan na kahit ano.

Syempre, inihatid ulit ako ni kuya sa classroom kahit na kasama ko na sila Aaron. At dahil sa kabilang section lang si Danielle eh isinabay na din sya.

“Llex…”

“A-ano yun?”

“Stay away from my boyfriend, okay?” Pabulong nyang sabi.

“Huh?” ???

“Gawin mo na lang.” >:( At kinurot pa ako sa braso. Salamat na lang sa self-control dahil napigilan ko ang sarili ko na sumigaw dahil sa sakit. Anong klaseng kurot ba yun? :'(

“O-okay…”

“Good.” Tumigil na sya nun sa paglalakad. “Hey guys. Dito na ako. See you later!” :)

“Uy! Ayos ka lang?” Napansin ata ni Aaron na di na maalis yung kamay ko sa braso ko. Ang lupit naman kasi mangurot nun. :'(

“Ah- oo…” :-\ Yumuko na ako ulit pagkatapos ay pumasok na ako sa room.

Natapos yung araw at natapos yung week, pati na rin yung month. Ewan ko kung paano ako nakapag-adjust. Well, ganun pa din naman ako pero di katulad sa dati kong school, kinakausap na ako ng mga tao.

“Sana maisipan ni Tita na sa Mayville ka naman pag-aralin next school year.” 8) Pinandilatan ko naman si Charlene sa idea nya.

“Hindi pa nga ako nakakapag-adjust eh.”

“Sus! Oo nga pala, may chika ako tungkol kay Dayle.” :D At kinilig pa talaga sya. “May bago na naman syang girlfriend – and promise, bagay sila.”

“Good. Then you can now stop…” :-X

“There’s no way na papayagan kong hindi mo man lang maging boyfriend yun.” >:D

Sa totoo lang, matagal ko ng di nakikita si Dayle. Di ko naman nami-miss since hindi naman kami close and si Charlene naman talaga ang gusto nung tao. ;)

“Sa’yo yun may gusto Char.” ::)

“Don’t say bad words best friend!” >:(

“Ano naman ang bad dun sa sinabi ko? I’m stating a fact.” ^-^

“Uy Llex!” Napalingon naman ako. Si Milo pala kasama si Danielle.

“Hi Llex!” Sus! Pa-friendly effect pa. :P

“Sino yun?”

“Si Milo, classmate ko. Tapos yung isa, girlfriend nya, si Danielle.” Itinuloy ko na yung pagbabasa ko ng novel na pinabili ko kay daddy.

“Grabe ah. Ang gwapo. Ka-level ni Dayle sa ka-gwapuhan.” :D :D :D

“Yan ka na naman.” ::)

“Hindi sila bagay ng girlfriend nya… Mas bagay kayo friend.” ^-^

“Nino? Ni Danielle?” ???

“Of course not! Kayo nung Milo. Gosh.” ;)

“Pwede ba Charlene, sarili mo na lang ang bigyan mo ng lovelife at huwag na ako.”

To be honest, hindi naman strict ang pamilya ko pagdating sa lovelife – ako lang talaga yung may problema. Ayaw ko kasi… Alam nyo na, mga kung anu-anong complications din kasi sa buhay ang dala ng pagkakaroon ng lovelife. :P

“Oh my gosh…” :o

“Ano na naman?”

“Si Dayle nandito din.” :D
So I'll be hurting more...

palmahall.up

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1879
  • Karma: +117/-13
  • spanish, chinese, filipino blood in me <3
Re: I Do? -06-
« Reply #26 on: January 09, 2011, 06:12:52 pm »
hulaan ko..

kapatid nung danielle si dayle.. hahaha

vampdubistaaa

  • Guest
Re: I Do? -06-
« Reply #27 on: January 09, 2011, 06:43:53 pm »
hulaan ko..

kapatid nung danielle si dayle.. hahaha

Sa tingin ko nga rin eh... Tama po ba, Miss Author? :D

hakyrej_inyourdreams

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2751
  • Karma: +107/-28
  • Take a risk. Tempt fates. Stand out. Never regret.
    • Facebook Page! <3
Re: I Do? -06-
« Reply #28 on: January 09, 2011, 08:25:40 pm »
Hello Angelique!

Grabe, ang sama naman ni Danielle. >.<
Hala, tama ba si palmahall.up?! Kapatid ng masamang si Danielle si Dayle?! :o
Worst, they might be twins. Yayks! :-X
Never lose hope. Someday, you will have your own coloured rainbows.

doncellamarie

  • Guest
Re: I Do? -06-
« Reply #29 on: January 09, 2011, 08:34:29 pm »
bad Danielle! bakit nangungurot ka?
isusumbong kita sa principal.  >:( :P

 :o o ano itong kumakalat? magkapatid si Danielle at Dayle???
wag naman sana sa bruhang 'yon.


[K-pop fan ka din naman ah >:D Salamats~




HAHA, kpop fan din ba ako? XD hindi naman, slight lang.  :P

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website