Teentalk

Author Topic: I Do?  (Read 4481 times)

angel_devil

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2487
  • Karma: +63/-13
  • Buhay Kabute
    • Nagsusulat daw ako
I Do?
« on: January 04, 2011, 02:34:38 pm »
I Do?
Dreaming of You 3: I Do?
by angel_devil

Maybe this is wishful thinking
Probably mindless dreaming
But if we loved again, I swear I'd love you right

I'd go back in time and change it, but I can't
So if the chain is on your door, I understand

This is me swallowing my pride
Standing in front of you, saying I'm sorry for that night
And I go back to December

I go back to December, turn around and make it right
I go back to December, turn around and change my own mind
I go back to December all the time...


2011



Steps Down The Aisle

00 01 02 03 04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
31 32 33 34 35 36 37 38 39 40

The Invitations

01 02 03

Their Songs
Dreaming Of You, Back To December, Love Story, Enchanted, The Only Exception, Baby Now That I Found You, How To Save A Life, Why, Tonight, Moment Of Truth, JoJo, Life, The Story Of Us, You'll Never Get To Heaven, Lucifer, Your Name,



-00-
“Ano ba kasing kalokohan ‘to Charlene?” Promise. Kung hindi ko lang best friend ang babaeng ‘to eh kanina ko pa sya ibinalibag. Sayang ang mga itinuro sa akin ni kuya na mga self-defense moves. :P

“Bilis na! Para naman magkaroon ng kahit katiting na thrill yang buhay mo.”

Llexandria Nicole Concepcion. Ang babaeng takot sa tao. Which means hindi nararapat na magkaroon ng thrill ang buhay ko. Hindi bagay sa aking image!

“Charlene naman eh!”

Kung ang buhay ko eh walang ka-thrill-thrill, ang buhay naman ni Charlene Richardson ay nag-uumapaw sa thrill. Pa’no ba naman, ilang beses ko ng nabalitaan na nagpa-panic yung parents nya dahil sa pabigla-bigla nyang pag-alis. First year high school pa nga lang ata kami eh nakarating na sya sa kung saang parte ng Mindanao. :D

“What the- Ba’t naman dito mo ako binitbit sa wedding booth?”

“Basta. Wait. Ihahanap kita ng groom.” 8)

At kasing bilis pa ng kidlat na nawala sa paningin ko ang bruha. Hindi pa nga nakuntento at inihabilin pa ako sa mga maton na bantay ng nasabing booth.

Bakit nga ba ulit ako sumama sa kanya dito sa kung anong klaseng event? Aba. Hindi ko alam. Na-hypnotize nya ata ang mga magulang ko, ang kapatid ko at pati na rin ata ako.

“Eh kuya di pa ba ako pwedeng umalis?” Nagmamakaawa na ako dun sa isang maton. Halos isang oras na din kasi akong trap sa wedding booth at naiirita na akong makita yung mga nagpapakasal na kung makapag-kiss the bride eh kinakarir talaga.

“Llex!” Napalingon naman ako at nakita ko si Charlene na may hatak-hatak na lalaki.

“A-ano?” :o

“Ito na po yung ipapakasal ko.”

Napatingin naman ako dun sa lalaki. “Hoy Charlene, kilala mo?”

“Ka-batch natin at schoolmate ko.” Hindi na sya nag-bother na mag-explain at itinulak na nya kami dun.

Infairness, okay din naman yung lalaki. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, maganda ang mga mata… Ganun. Pang-K-pop idol ang dating. :D

“Wala bang tututol sa kasalang ito?”

“Subukan nyong tumutol at ipapabaril ko kayo.” Pagbabanta naman ni Charlene kaya natawa kaming lahat.

Ayun at kung anu-ano na ang mga pinagsasasabi nung fake na pari. “Do you take this stranger as your fake wife?”

“Huh?”

“Ehem!”

“I… Do?” ???

“Do you take this stranger as your fake husband?”

“No?”

“Llexandria!” >:(

“What?”

Aba’t tingnan daw ba ako ng masama? :-X

“I do?” ???

“Alright. You may now kiss each other.”

“Ay ang bagal!” At bago pa kami makapagreact ay pinagdikit na ni Charlene ang mga mukha namin.
« Last Edit: April 21, 2012, 01:54:07 am by angel_devil »
So I'll be hurting more...

Ramona

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4898
  • Karma: +252/-31
  • Master's Degree! :)
Re: I Do?
« Reply #1 on: January 04, 2011, 09:06:14 pm »
Angelique support ko story mo!!! Sino naman kaya yung kawawang napikot? Ha ha! Next na! :)
MY STORIES: MUL2 TP3 TMW2

palmahall.up

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1879
  • Karma: +117/-13
  • spanish, chinese, filipino blood in me <3
Re: I Do?
« Reply #2 on: January 04, 2011, 09:13:57 pm »
hahaha ;D

what a weird start :D

i'm corrs btw :)

angel_devil

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2487
  • Karma: +63/-13
  • Buhay Kabute
    • Nagsusulat daw ako
Re: I Do?
« Reply #3 on: January 05, 2011, 06:57:16 pm »
Improving! Gumagana ang utak ko para sa story na ito ^^ Ayun... Medyo weird ang story na ito dahil medyo weird ang aking brain... So... pasensya na po >< I labyu~ *naghahangad ng maraming page view* :D Oo nga pala, ako ay may major major na pagkakamali kaya... Pinalitan ko ang apelyido ng ating bida ><

Angelique support ko story mo!!! Sino naman kaya yung kawawang napikot? Ha ha! Next na! :)
Heylooo Ate Pau! Weeeeeeeee~  :-* Saglit... Na-hyper ako dahil nandito you *hyper mode* Hmm... Sino nga kaya? ^-^ Next! Next! Salamat ng many many.

hahaha ;D

what a weird start :D

i'm corrs btw :)
Heylooo Corrs! Haha :D :D :D Maraming salamat pala~



-01-
Long were the nights when my days once revolved around you
Counting my footsteps praying the floor won’t fall through again…


“Good morning kuya!” Binati ko nun ang kuya ko na si Llendrix Ansel. “Sila Mommy?”

“Nakalimutan mo? Ngayon yung pinlano nilang bakasyon ni Daddy.”

Napatitig naman ako saglit sa kanya bago ko tuluyang naalala. Oh! Yun pala yung dahilan kung bakit nung isang linggo eh bigla akong hinatak ni mommy sa mall para mag-shopping. Naku! :D

“So ikaw ang babysitter ko?” ^-^ Ayun nga’t kinalikot ko pa yung buhok nya.

“Ano pa nga ba?” Inayos nya ulit yung buhok nya bago ako tiningnan. Syempre, nakatingala pa din ako. “Ang liit talaga ng kapatid ko.”

“Kuya naman eh!” Nag-pout ako kaya naman tumawa sya ng tumawa.

“Bilisan mo na at ihahatid pa kita.”

Third year ako at si kuya naman eh fourth year. Kahit na pareho kaming nasa high school at magkasunod lang eh never pa kaming naging magkasama sa iisang school. Ang weird nga eh – pero ganun talaga. Mas trip ko kasi na sa semi-private school mag-aral samantalang sya eh mas trip yung air-conditioned na rooms.

“Wala ka talagang balak iwan yung mga hindi air-conditioned na rooms Nics?” ???

Oo nga pala, mas prefer ni kuya na tawagin akong Nics.

“Ayan ka na naman kuya eh.”

“Ano ka ba? Nag-aalala lang ako sa’yo. Bakit hindi mo i-try yung school na pinapasukan ni Charlene?” ^-^

“Hindi ako bagay dun kuya.” :-[ Pinandilatan ko na sya. Sa school ko kasi eh yung normal na length na palda ang gamit namin – yung typical na uniform sa Pilipinas; pero yung kanila Charlene? Japanese style.

“Ayan ka na naman.”

Pagkahatid nya sa akin sa school ay sumakay ulit sya kaagad ng jeep. Malayo-layo din kasi ang school nya sa school ko.

Dumiretso naman ako sa room namin. First day pa lang kaya inaasahan na ng lahat ng konti ang papasok at may ibang teacher na hindi pa present.

“Oh my gosh best friend!” Halos ibato ko yung cellphone ko pagkarinig ko sa boses ni Charlene.

“Ano na naman ba yan Char?” ???

“Classmate ko ang iyong fake husband.” At nagtititili na naman sya.

Speaking of fake husband, wala na akong nalaman tungkol sa kanya – not even his name. Pa’no ba naman, pagkatapos ng aming munting kissing scene ay kumaripas na ako ng takbo at buong bakasyon kong hindi pinansin si Charlene. Pasalamat na lang sya at bored na ako kaya ko sinagot yung tawag nya.

“And then?” Walang kagana-gana kong sagot sa kanya. Ano bang inaasahan ng babaeng ito? Na kilikigin ako dito sa kinauupuan ko? ???

“O-em-gee! Sino yung kasama nya? Best friend magiging stalker muna ako ah. Talk to you later.” :D

Naka-drugs siguro yung babaeng yun. Maisumbong nga kay tita. ^-^

Natapos naman yung araw ng himalang hindi ako nakakatulog. Pero sa totoo lang… Masakit yung katawan ko dahil dun.

Tinext ako nun ni kuya na susunduin nya ako. Kaya naman hindi na ako nagulat nung makita kong may nagkukumpulang mga babae dun sa tapat ng school.

“Anong name mo?”  :) Isang malanding senior student ang dumikit ng bongga sa kuya ko.

“May girlfriend ka na ba?” Tanong naman nung isa na senior na din.

“Kuya sinong inaantay mo dito?” Ngayon naman eh sophomore yung nagtanong.

Bilib din talaga ako sa hatak ng kuya ko sa mga babae. Pa’no kaya sya nakaka-survive sa school nila? :D

“Nics!” Nagsilingunan naman sa akin yung mga babae. Syempre kilala ako sa school dahil sa pagiging matatakutin ko sa tao.

“Oh my God! Ba’t nya nilalapitan yang si Ll- whatever?” :o

“Oo nga. Ang weird weird ng babaeng yan eh.”

Inakbayan naman na ako ni kuya pagdating nya sa pwesto ko. “Ba’t naman dito mo ako sinundo?”

“Eh? Bakit? Bawal ba dito?” 8)

“Hindi naman.”

“Oh. Hindi naman pala eh.”

Who would have thought na magiging big deal ang pagsundo sa akin ni kuya nung araw na yun? Biruin nyong kung anu-ano na naman ang pinagsasasabi nung mga babaeng nahumaling sa kuya ko. Naku! ::)

“Best friend!”

“Yeah. Good morning Char.”

Pumasok na ako sa room at umupo sa upuan ko.

“Naku best friend. Sayang ang fake husband mo… May girlfriend na pala.” :'(

“Ano ngayon?” ??? Napansin ko naman na may papalapit sa akin na dalawang babae. “Ei Char… Mamaya na lang ah.”

“Ayaw mo na akong kausap best friend?” Ayan. Nagpapaawa na naman.

“Huwag ka ng mag-drama dyan. Iti-treat na lang kita kapag nagkita tayo, okay?”

“Sure best friend.” :)

Itinago ko naman na yung phone ko sa bulsa.

“Hi Ll- Concepcion.”

“Llex.” :) Ayan ah. Ibinigay ko na yung nickname ko.

“Whatever.” At tarayan daw ba ako?

“Kaano-ano mo yung lalaki kahapon?”

“Feeling mo naman. Siguro nagpaawa ka dun para sunduin ka dito ‘no?”

Ano daw? ???

“Palibhasa walang lalaki dito sa school ang nagkakamaling lumapit sa’yo.”

Eh lumalayo nga ako sa tao di ba? ???

Kung anu-ano pa yung mga sinabi nila na wala naman akong naintindihan at pinatulan. In fact, gusto ko silang tawanan. Kung alam lang nila na magkapatid kami nung pinagpapantasyahan nila. :P
So I'll be hurting more...

palmahall.up

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1879
  • Karma: +117/-13
  • spanish, chinese, filipino blood in me <3
Re: I Do? -01-
« Reply #4 on: January 05, 2011, 07:22:44 pm »
wahahaha
hindi ba sa magkamukha at hindi sila napagkamalang magkapatid?

nakakainis naman umg babae dun sa school ni nics
hindi naman kilala ung kuya niya tapos sobrang possesive

ang kulit nung bestfiend ni nics :D

naaalala ko dito ung nangyari sakin nung highschool ako...
kasi ung kuya ko tsaka ako sabay umuuwi nun... tapos akala nung classmate ko bf ko siya tapos one time nagsumbong sakin ung classmate ko na niloloko daw ako nung bf ko w/c is my kuya kasi nakita daw niya si kuya na may ka-holding hands nun sa mall.. tapos sobrang clueless talaga ako nung time na yun kung sino ung sinasabi niyang bf ko tapos yun nga narealize ko kuya ko pala ung tunitukoy niya

doncellamarie

  • Guest
Re: I Do? -01-
« Reply #5 on: January 05, 2011, 11:56:45 pm »
Hi, new reader po pala.  ;)
nakakatuwa naman. mga anak pala nila ang magbestfriend. :D
love it~!
go, anak! next na. :)

-jay-em here-  :D


angel_devil

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2487
  • Karma: +63/-13
  • Buhay Kabute
    • Nagsusulat daw ako
Re: I Do? -02-
« Reply #6 on: January 06, 2011, 08:58:19 pm »
Mabuhay! Hindi pa ako sinasakal ng school kaya tuloy-tuloy pa ang pag-a-update ko :D At hindi dapat ako ngayon mag-a-update... Pero kailangang sulitin ang ganitong mga pagkakataon... Kung hindi... Baka mabakante itong story na ito katulad nung... :-X

wahahaha
hindi ba sa magkamukha at hindi sila napagkamalang magkapatid?

nakakainis naman umg babae dun sa school ni nics
hindi naman kilala ung kuya niya tapos sobrang possesive

ang kulit nung bestfiend ni nics :D

naaalala ko dito ung nangyari sakin nung highschool ako...
kasi ung kuya ko tsaka ako sabay umuuwi nun... tapos akala nung classmate ko bf ko siya tapos one time nagsumbong sakin ung classmate ko na niloloko daw ako nung bf ko w/c is my kuya kasi nakita daw niya si kuya na may ka-holding hands nun sa mall.. tapos sobrang clueless talaga ako nung time na yun kung sino ung sinasabi niyang bf ko tapos yun nga narealize ko kuya ko pala ung tunitukoy niya

Hmm... Hindi ata sila magkamukha? ??? :D Oh~ Ang kulit naman nun :D isinumbong talaga :D Salamat nga pala ulit ^^

Hi, new reader po pala.  ;)
nakakatuwa naman. mga anak pala nila ang magbestfriend. :D
love it~!
go, anak! next na. :)

-jay-em here-  :D



*ignores you* joke lang~ huwag kang mag-"po" sa akin... alam nating dalawa na mas matanda ka sa akin >< Aja! Salamat din pala ;)


-02-
“Seryoso ka?” Halos sigawan ko na si kuya nung bigla nya akong tinawagan para sabihin na susunduin nya ulit ako sa tapat ng school. “Nag-enjoy ka naman sa pagiging popular mo dito?” ::)

“Hindi ah! Nakakatawa lang kasi sila.” At tumawa sya ng parang wala ng bukas. “Buti na lang hindi tayo magkahawig hangga’t di tayo natititigan ng maiigi.”

“Naloloka ka na naman. Sige na, nakikita ko na yung teacher namin.”

“Bye pinakamamahal kong kapatid.”

“Ako lang ang kapatid mo.”

“Oo nga pala. See you later baby sis!”

Baby what? ???

Natapos naman kaagad yung last subject namin at pagkatapos kong iligpit yung gamit ko eh dumiretso na ako sa gate kung saan pinagkakaguluhan na naman si kuya.

Nakita ko din yung ibang babae na sinasabing mag-disappear na lang ako bigla para naman ma-solo nila ang kapatid ko. Ayun pa nga at hindi na ako tuluyang napansin ni kuya.

15 minutes. Aba naman! >:(

“Kuya!!” >:( For the first time eh sumigaw ako sa school. Ayun at parang nag-stop yung time. :-[

“Kanina ka pa dyan?” Tumakbo naman sya kaagad sa tabi ko. “Sabi na sa’yo magpatangkad ka pa. Natabunan ka tuloy.” 8)

“W-What?! Magkapatid sila?” Mga ganung salita ang narinig ko galing sa madlang kababaihan.

“Halika na.” Inagaw naman ni kuya yung bag ko pagkatapos eh inilayo na ako dun.

Nag-merienda naman kami sa kung saan. Syempre, isinabit namin si Charlene.

“Oh sino? Gwapo ba?” :D Napatitig naman ako sa kuya ko na curious na curious sa aking so-called fake husband. Mabuti na nga lang at hindi nababanggit ni Charlene yung tungkol sa malagim na kissing scene.

“Oo kuya Drix. Classmate ko nga sya eh.” :D

“Makabisita nga dyan sa school nyo tapos ituro mo sa akin.” 8)

“Sure kuya!” At tuwang-tuwa pa ang bruha. “Pero may girlfriend sya ngayon eh.”

“Maganda?”

“Naku! Mas maganda ng di hamak itong si Llex.” ^-^

“Tigilan nyo akong dalawa.” Inilabas ko na yung notebook ko sa Filipino.

“Oo nga pala!” Biglang napa-palakpak nun si Charlene bago humugot ng kung ano mula sa kanyang bag. “Ito. Tickets para dun sa play sa school namin. Required kaming lahat na manuod kaya for sure eh makikita nyo sya dun.” :P

“Charlene!” >:(

“At magkano naman ‘to Char?”

“Naku. Nahingi ko lang yan dun sa kung kanino na may balak tumakas.”

Nagkwentuhan pa sila nun bago namin naisipan na umuwi. Alam nyo na… Baka kasi kapag na-late ng bongga si Charlene eh magpatawag na ng pulis ang mama nya.

Tulad nung mga nakaraang araw, inihatid ako ni kuya sa school. Okay naman pero naging weird yung ilang babae – pa’no naman, bigla-biglang nagiging mabait sa akin. Palibhasa crush ata yung kuya ko. Kung alam lang nila na alam ni kuya lahat ng nangyayari sa school. Nope. Hindi naman ako nagsusumbong… Talagang close lang kami. ::)

Lumipas pa yung ilang araw at sa wakas eh Friday na. “Best friend!” Todo kaway sa akin si Charlene nun habang suot nya yung uniform nya. Kung tutuusin, cute naman talaga ang uniform nila. “Kuya Drix!” :D

Syempre medyo nakatingin sa amin yung mga tao. Dahil pareho kaming naka-uniform ni kuya, obvious na obvious kung saang school kami galing. May mga babae na nahuhumaling na naman sa kuya ko at may ilang nilalang na hindi mo maintindihan kung ano ang tingin sa akin. :-[ :-\

“Let’s go!” Kumapit na si Charlene sa braso ko pagkatapos ay kinaladkad na ako.

Dahil nga maaga pa kami eh may mga nag-special number sa stage. Hindi planado pero dahil malalakas ang loob at talagang may binatbat eh napapapalakpak yung mga tao sa kanila. ;)

“Sino pa ang gustong mag-share ng talent dyan? Anyone from our special audience?” At saktong tumingin sa direksyon namin yung host. “Anyone?”

“Yung best friend ko!” Proud na proud na pag-sigaw ni Charlene sabay tayo at turo sa akin. :o

“Oh I see. Come on stage.” ;)

“Charlene naman!”

Wala na akong nagawa dahil itinulak na ako ni kuya at hinatak na ako ni Charlene. Pahamak talaga. >:(  Dahil na din siguro sa uniform ko kaya medyo nagbubulungan yung mga tao. Let’s just say na sa panahon ngayon, medyo big deal ang difference between our schools. Ano bang laban ng de-electric fan na classrooms dun sa mga fully air-conditioned di ba? ??? :P

Inabutan naman nila ako ng gitara since pinagsisigawan ni Charlene na kakanta ako habang papunta kami dun sa stage, at napansin ko din na may hawak na digital camera ang magaling kong kapatid. :o >:(

Since para akong naging bato dun sa stage eh umakyat si Charlene pagkatapos ay pinaupo ako dun sa upuan saka inayos yung microphone sa harap ko. Asar talaga! >:(

Bahala na… :-[

We were both young when I first saw you
I close my eyes
And the flashback starts
I’m standing there
On a balcony in summer air…


Nakayuko ako habang tumutugtog. Grabe naman… :-[  Oo, nakakatugtog ako sa harap ng mga tao pero tuwing may family gathering lang. Never pa akong tumugtog ng kagaya nito. Nakakahiya talaga, lalo pa’t minamaliit ng iba yung pagkatao ko. :-[

That you were Romeo, you were throwing pebbles
And my daddy said stay away from Juliet
And I was crying on the staircase
Begging you please don’t go…


Nagulat naman ako ng may bumagsak na rose sa may paanan ko. Medyo iniangat ko yung ulo ko at nakita ko si Charlene na ready ng makipagsabunutan sa kung sino man na babae na inagawan nya ng rose. :D ;D

Romeo save me, they try to tell me how to feel
This love is difficult, but it’s real
Don’t be afraid, we’ll make it out of this mess
It’s a love story baby just say yes…


Sakto naman na sisilipin ko sana yung kuya ko ng mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na nilalang. And promise, kung pwede lang akong mabaon sa lupa ngayon ay ginawa ko na. :-[ :-[ :-[

I got tired of waiting
Wondering if you were ever coming around
My faith in you was fading
When I met you on the outskirts of town, and I said…


Ah! Ang malas ko! Ba’t sya nakatingin dito? :'(

Romeo save me I’ve been feeling so alone
I keep waiting for you but you never come
Is this in my head? I don’t know what to think
He knelt to the ground and pulled out a ring


And said, marry me Juliet
You’ll never have to be alone
I love you and that’s all I really know
I talked to your dad, go pick out a white dress
It’s a love story baby just say yes…

So I'll be hurting more...

palmahall.up

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1879
  • Karma: +117/-13
  • spanish, chinese, filipino blood in me <3
Re: I Do? -02-
« Reply #7 on: January 06, 2011, 10:05:37 pm »
sobrang nakakatawa si charlene..
hyper masyado parang hindi nauubusan ng energy sa katawan :D


doncellamarie

  • Guest
Re: I Do? -02-
« Reply #8 on: January 07, 2011, 11:05:51 am »
*ignores you* joke lang~ huwag kang mag-"po" sa akin... alam nating dalawa na mas matanda ka sa akin >< Aja! Salamat din pala ;)


oo nga pala, ako pala ang mas matanda. sorry sorry naman.  :D

kulit ni Charlene pati yung kuya niya. haha! nagdala pa talaga ng digi cam. hindi naman siya prepared e 'no. ;D

thecagedDOLL

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1625
  • Karma: +308/-275
    • Off~Line Forum.
Re: I Do? -02-
« Reply #9 on: January 07, 2011, 02:05:21 pm »
Angelique! Bumalik ka na ng CC! Matagal na kitang hinahanap hanap dito sa Teentalk, saang lupalop ka ba napadpad?! Haha. Naalala mo pa ba ako? Si Grace 'to, andaya! Na miss kita nang sobra sobra. Sana naalala mo pa ako! :)

I'll support this story! Namiss ko ang Dreaming of You& At the first place! :)

 

VISIT MY BLOG. (o)__(o)

LIKE MY PAGE

Sino nga ba ang manhid?
Ako o ikaw? </3

angel_devil

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2487
  • Karma: +63/-13
  • Buhay Kabute
    • Nagsusulat daw ako
Re: I Do? -03-
« Reply #10 on: January 07, 2011, 03:39:15 pm »
sobrang nakakatawa si charlene..
hyper masyado parang hindi nauubusan ng energy sa katawan :D



:D :D :D "Heyloooooooooooooo!" :D :D :D Salamat~~ :)

oo nga pala, ako pala ang mas matanda. sorry sorry naman.  :D

kulit ni Charlene pati yung kuya niya. haha! nagdala pa talaga ng digi cam. hindi naman siya prepared e 'no. ;D


*sorry sorry sorry sorry* Dagdag sa allowance ang kapalit ng magandang video ni Llex eh :D hahaha. salamats~

Angelique! Bumalik ka na ng CC! Matagal na kitang hinahanap hanap dito sa Teentalk, saang lupalop ka ba napadpad?! Haha. Naalala mo pa ba ako? Si Grace 'to, andaya! Na miss kita nang sobra sobra. Sana naalala mo pa ako! :)

I'll support this story! Namiss ko ang Dreaming of You& At the first place! :)

*hinga ng malalim* Grace~! :D Haha. Nakabalik ako ng Teentalk :D :D Hmm... Nilamon ako ng school :'( Syempre naman naaalala kita ^-^ ^-^ ^-^ miss you~~ :-* Weeee~ Salamat~ :)


--
Ang saya! Di ako bumalik sa school dahil di ko mahanap yung assignment ko :D *stretch* Malaya pa ako hanggang Sunday~ Mabuhay! :D Ba't bigla akong na-hyper? :D :D :D


-03-
“Ang galing talaga ng best friend ko!” :D Inakap naman ako kaagad ni Charlene pagkababa ko ng stage. Ayaw ko naman na ma-corner ako nung host. Hihimatayin na ako kapag nag-stay pa ako sa stage na yun.

Nakabalik naman kami ng matiwasay sa upuan namin. May pailan-ilan na nagtatanong ng pangalan ko at buti na lang at umarte na strict na manager si Charlene. ;D

“Tataas ang allowance ko dahil dito.” Ipinakita naman sa akin ni kuya yung kinuha nyang video. Nakakahiya talaga! :-[

Hinampas ko sya nun at na-save sya sa matinding pambubugbog ng iannounce na magsisimula na yung play.

“Oh, akala ko ba ituturo mo sa akin Charlene?” Naman! Hindi talaga yun nakalimutan ni kuya?

“Wait lang kuya. Oops! Wait, kikidnapin ko lang.” At kumaripas na ng takbo yung bruha.

Ilang minuto pa ay hatak-hatak na ni Charlene yung kaawa-awang nilalang. Ayan. Gusto ko na namang magpabaon sa lupa. :-[

“Kuya Drix, best friend Llexandria, this is Dayle. Dayle, naaalala mo naman yung best friend ko di ba?” 8)

Hindi ko alam kung paano ko nagawang gawing bingi ang sarili ko. Dahil nga na-blanko ako eh hindi ko naintindihan kung bakit biglang nag-evaporate sa eksena ang kuya ko. :o

“Oh my gosh! Masyado na palang late! O paano ba yan? Dayle, pakihatid naman itong best friend ko. Salamat!” ;) At ayun nga, naiwan kaming dalawa ni Dayle.

“Let’s go?”

“Uh- Hindi mo na ako kailangang ihatid.” Naman eh! Ayaw ko ng ganito! :-[ :'(

“Charlene would kill me.” Napapailing na lang si Dayle, siguro nai-imagine nya yung pag-torture sa kanya ni Charlene.

“You like Charlene?” :) Napangiti ako bigla sa sinabi ko.

“Huh?” Halatang nag-panic sya based na rin sa expression nya.

“Nevermind.” Ngumiti na lang ako ulit nun bago nagsimulang maglakad.

Sinundan naman nya ako.

“Bakit hindi ka dito nag-aaral?”

“Ayaw ko sa air-conditioned rooms.” :D

“Huh?” ??? ??? ???

“Nah- Actually… Hindi ko matandaan yung reason ko…” ;D Natawa na ako sa sarili ko. Wow. Hindi na ako kinakabahan sa tabi nya. Amazing! “Wait- Okay lang sa’yong sumakay ng jeep?” ??? :-\

“Oo naman.” :) Ngayon eh siya naman yung napangiti.

Hindi naman kami nag-usap at nag-focus na lang ako dun sa view na nadadaanan namin. Since medyo malayo din yung school nila sa bahay namin eh 20 minutes din kaming nagtiis.

“Pasensya na ah. Malayo.”

Tinanguan lang din naman nya ako.

“Eh paano kung may nangyari sa kapatid mo?” ??? >:( Nakapamewang si mommy nun sa gitna ng kalsada. Wait- Mommy? :o

“Mom?”

“Look, nandito na sya.” At itinuro pa talaga ako ni kuya.

Tumingin sa direksyon namin si mommy pagkatapos ay napangiti ng bongga. “Baby ko!” :D :-* :D Ayun at kung paano nakalipad papunta sa akin ang nanay ko eh hindi ko alam.

“Mom may kasama ako.” :-[ Napalingon kaming lahat kay Dayle na sa kabutihang palad eh hindi nawi-weirdohan sa amin.

“Good evening po.” :)

“Good evening din.” Mga isang minuto din ata syang tinitigan ng nanay ko. “You are?” ::)

“Dayle. Dayle Quiason.” :) Infairness, magalang sya.

“Ah. I’m Llexandria’s mom.” :) Nag-smile na nun si mommy pero hindi pa rin ako panatag. “Would you like to join us for dinner? You can’t say no hijo.” >:D And before I knew it ay hatak-hatak na niya si Dayle. Nakakahiya! :-[

“Inihatid ka pala talaga.” ^-^ Nakangiting sabi sa akin ni kuya.

“Alam mo?”

“Of course. Tinext ako ni Charlene.”

Pag-uuntugin ko talaga sila! >:(

Nakapag-dinner naman kami ang abot hanggang langit ang pag-sorry ko kay Dayle. Una, hindi sya agad nakauwi dahil inihatid nya pa ako. Pangalawa naman ay yung paghatak sa kanya ni mommy para mag-dinner kasama namin. Mabuti na lang talaga at naawat ni daddy si mommy sa pag-torture kay Dayle. :)

“Pasenya na talaga ah.” Nag-bow pa ako.

“Ano ka ba? Okay lang yun.” ;D ;)

Umalis na din sya nun pagkatapos ay nagkulong na ako sa kwarto ko.

“Good morning.”

Kinukusot-kusot ko pa yung mata ko habang pababa ako ng hagdan.

“Good morning!” Ayun at hinalikan ako kaagad ni mommy. :D

“Ah mom, pwede ba akong umalis mamaya? Bibili lang ako ng materials para dun sa project namin.” Nakakainis talaga! First week pa lang eh hinagisan na kami ng project. >:(

“O sige. Dun ka na lang sa daddy mo humingi ng pera.” ;) At pabiro pa akong kinindatan.

Naupo naman ako at kumain na ng breakfast. Si kuya? Ayun at malamang eh naghihilik pa.

Nag-ayos naman ako kaagad ng sarili ko pagkatapos ay tinawagan ko si Charlene, pero sad to say, pinagbawalan ang bruha na umalis. Siguro kung saan na naman sya napadpad. :D ;D

“Thanks dad!” Nag-kiss na ako nun kay daddy pagkatapos ay bumaba na ng kotse. Ang sweet ng daddy ko ‘no? Palibhasa unica hija daw ako. :D

Pagkabili ko nung materials para sa project ko eh nag-ikot pa ako. Naman! Wala pa kaya akong isang oras dito sa mall. Sayang ang paghahatid sa akin ni daddy.

“Good morning ma’am!” Pumasok ako sa isang toy shop. Grabe ang daming magagandang stuffed toy pero hindi naman ako pwedeng bumili since hindi pa ako nakakapag-ayos ng kwarto ko at hindi ko alam kung may space pa para dun.

In the end, hindi ko din napigilan ang sarili ko na bumili ng keychain. Ay ang weird ko talaga! :D

“May poster pa po ba ‘to?” :) Nilingon ko yung saleslady habang hawak-hawak yung CD na gusto kong bilhin. “Miss?” ???

Aba? Hindi man lang ako tiningnan?

“Miss may poster pa bang kasama ‘to?” Nakita kong may dumampot nung isa pang copy nung CD sa rack saka itinaas para makita nung saleslady.

“Ah. Yes sir.” Aba’t nagpa-cute pa si ate?

“Oh, meron pa daw.”

W-wait… “Dayle?” :o
So I'll be hurting more...

jhoyie

  • jellybean
  • **
  • Posts: 175
  • Karma: +58/-1
  • love love love
Re: I Do? -03- || update lang ng update~
« Reply #11 on: January 07, 2011, 04:45:00 pm »
hi! joy here..  ;)
support ko to.. :)

palmahall.up

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1879
  • Karma: +117/-13
  • spanish, chinese, filipino blood in me <3
Re: I Do? -03- || update lang ng update~
« Reply #12 on: January 07, 2011, 07:37:06 pm »
puro hyper mga tao sa story na to hahaha

ang swwweeetttt ni dayle

angel_devil

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2487
  • Karma: +63/-13
  • Buhay Kabute
    • Nagsusulat daw ako
Re: I Do? -03- || update lang ng update~
« Reply #13 on: January 08, 2011, 04:21:43 pm »
Joy: Hello! Wee~ Salamat ng many many :-*

Corrs: Simula pa lang daw kasi kaya marami pang energy :D Haha. Salamat~


Naloloka na naman ako... Like this → :D :D :D :D :D Haha. Na-miss ko talaga yung mga smiley dito :D


-04-
“Hi.”  8) Cool na cool na bati nya sa akin.

“Hello.” Napatango naman ako.

For the second time eh nilingon ko yung saleslady para dun sa CD, pero ayun at dineadma na naman ako.

“Ano ba yun?” ??? Hindi ko na pinigilan ang sarili ko na sumimangot. Customer din naman ako dito ah!

“Akin na…” Kinuha nya sa akin yung CD and naglakad na sya papunta sa counter, syempre inentertain sya kaagad. Unfair! :'( “Here you go.” 8)

“Oh wait, yung bayad…”

“Nah. I-treat mo na lang ako for lunch.” ;)

Napatitig naman ako sa kanya habang papalabas sya ng shop. Infairness, gaano ba kamahal yung gusto nyang lunch? 500 pesos din itong CD ah!

“Akala mo kagandahan… Isa din naman sa weird na nahuhumaling sa mga Koreano.” ::) Sinadya kong lingunin yung saleslady. Ano ba talaga sa kanya kung K-pop CD ang bilhin ko? Customer kaya ako dito. >:(

“Hello?” Sinagot ko yung phonecall habang naglalakad palabas ng shop.

“Llex, sabi sa akin nung staff ko eh dumating na daw yung CD na pinapaabangan mo.”

“Oh yes Tita May. Kakabili ko lang po sa shop nyo.” :)

Narinig kong suminghap yung saleslady pero deadma na lang. Tsaka hindi naman ako magsusumbong.

Dahil nga ililibre ko si Dayle ng lunch eh sinamahan na namin ang isa’t isa sa pag-iikot. Okay lang naman sa aming dalawa since pareho kaming walang gagawin. :D

“So K-pop fan ka?” Napatingala ako kay Dayle nun.

“Yeah… Since last year…” :-[ Medyo nahihiya pa ako. Pa’no ba naman kasi, iilan lang ang nakakaalam nun tungkol sa akin at kung minsan pa eh nawi-weirdohan sila sa akin. :-\

“Ah.” :)

“Bakit?”

“Wala naman. Naninibago lang siguro ako sa’yo… Yung iba kasi na katulad mo, kapag naitanong ko na yun eh walang tigil sa kaka-kwento.” :D

“Hindi naman ako mahilig mag-kwento eh.” :-\

Naglakad na ulit kami nun, but this time eh papunta na sa kung saan man na gusto nyang kainan.

“Saan mo gustong kumain?” Tumigil sya sa paglalakad nun.

Medyo nagulat ako sa kanya nun at nagturuan pa kami – mga fifteen minutes din kaming nakatayo bago naming napagkasunduan na dun na lang kami sa restaurant na nasa tapat namin. :D

Hindi naman kami masyadong nag-usap ang okay na okay ako dun. At least mapo-protektahan ang image ko na takot sa tao. ;)

“Ihahatid na kita.”

“Ah. Hindi na.” Nag-bow naman ako sa kanya. “Salamat ah. Sige.” :)

Pumara naman ako kaagad ng taxi.

“Sila mommy?” Yun ang pambungad kong tanong kay kuya na busy sa kanyang laptop habang nakaupo sa sofa.

“Umalis. Niyaya nila Tita May somewhere.” ::)

Umakyat naman na ako sa kwarto ko and before I knew it, lumipas na ang weekends.

Like always, si Daddy or si Mommy ang naghahatid sa amin ni Kuya. Of course hindi pa maaaring mag-drive ang kuya ko kahit na marunong na sya. Ayun pa nga’t kumaway-kaway pa yung ilang babae dun sa kotse namin. :P

Naging okay naman ako kahit na maya’t maya ang pambubulabog nila sa akin.

Thursday. Ayun at bumabaha ng love letter para kay Kuya sa table ko. Nakakainis! >:(

“Ano ba? Parang nagpapatulong lang naman sa’yo!” Bulyaw sa akin nung fourth year na sumugod sa akin.

“Eh wala naman akong magagawa kung…”

“You’re his sister. Imposibleng balewalain nya yung sasabihin mo.” Ayan na naman sila. Hindi ko naman pwedeng kontrolin ang kuya ko. :(

“Wala nga akong magagawa…” Napayuko na lang ako. :-\

Maya-maya pa eh dumapo na sa pisngi ko yung palad nya. :o “Tsk!”

Buong araw eh nagsimula na silang guluhin ako ng todo. Nandyan yung paninipa sa upuan ko, pagbangga sa akin, paghila sa uniform ko at kung anu-ano pa. Masakit na nga kung minsan. :'(

“Baby sister!” :-* Inakap ako kaagad ni kuya pagkauwi ko. Ako naman eh nakayuko lang… Nagkaroon kasi ako ng gasgas sa mukha. “Hey- Ba’t ayaw mong tingnan ang gwapo mong kuya?” ??? 8) ???

“Kuya…” :-\

“Ma! Si Llexandria!” >:( >:( >:(

“Nananahimik ang anak ko dito sa school na ito tapos binully nyo pa?” >:( >:( >:( To the highest level ang katarayan at kasungitan na pinasabog ni mommy sa principal’s office. Well, pinilit nya akong isa-isahin yung mga nam-bully sa akin.

“Mrs. Concepcion…” Sinubukan namang pakalmahin ng principal si mommy, pero syempre hindi nya kaya. “Mga bata lang din sila…” :-X

“Bata? Most of them are on their senior year already.” >:( ::) ??? Tinaasan ng kilay ni mommy yung principal. “Ibigay nyo sa akin ngayon din ang transcript ng anak ko.” >:(

“B-but Mrs. Concepcion…” :-X

“Now!” >:( >:D

Pinalabas na naman yung mga estudyante at kami na lang ni mommy yung naiwan sa office. Nakakahiya! :-[

“Mommy naman…”

“Lilipat ka na ng school. It’s about time na magsama kayo ng kuya mo sa iisang school.”

School ni kuya? “Mom!”

“You’ll do what I say Llexandria.” >:(

Nanahimik na ako nun. Seryoso… Hindi ko ma-imagine na suot ko yung uniform ng school nila kuya. Pa’no ba naman, mas maikli yung skirt ng girls nila ng ilang centimeter kaysa sa uniform nila Charlene. As in, hello? Hindi nga ako lumalabas ng naka-shorts! :'(

Pagkagaling sa school ay dumiretso naman kami kaagad sa St. Francis, ang school na pinapasukan ni kuya.

“Ma- Pinagtitinginan nila ako…” :-[ Kung pwede lang akong magtago sa bag ni mommy eh ginawa ko na. Naka-uniform pa kasi ako kaya ayun at pinag-uusapan na naman ako.

“Mom! Nics!” :D :D Sabay kaming lumingon nun kay kuya.

“Oh. It’s a good thing that you’re here. Pakainin mo muna ng lunch yang si Llexandria.” :) Inabutan naman ng pera ni mommy si kuya.

“Keep the change?” :)

“Oo na.” :D ;D :D Natatawang sagot ni mommy bago sya pumasok sa main building ng St. Francis.

“Let’s go!” :D :D :D

Damn. Anong nangyayari sa buhay ko?
So I'll be hurting more...

palmahall.up

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1879
  • Karma: +117/-13
  • spanish, chinese, filipino blood in me <3
Re: I Do? -04- || update lang ng update~
« Reply #14 on: January 08, 2011, 04:28:14 pm »
ok lang yan llex! at least medyo mas may breeding naman ata ang mga babae diyan sa school ng kuya mo...


sobrang BV nung mga babae din sa dati niyang school >:(

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website