Teentalk

Poll

Reader ka ba neto? [Pakisagot. Dalawang click lang to, wag nang tamad. Haha. =P]

Oo. Ang gwapo kasi nung Author e. Tapos maganda/gwapo pa akong reader. Bwahaha.
Hindi. Tangenang to. Napindot ko lang, reader na? Feeling ka din e no? Btw, Tangena ko din, pakyu pa. Haha. XD

Author Topic: DEVILTALE [EPILOGUE] - Author's sht sa p. 88. Haha. Pa-ano sa wattpad! =D  (Read 45658 times)

Zivheart

  • Guest
Quote
A/N: Sup maganda/gwapo na reader? It's Grei again. Ang gwapong author ng ARCHDESTINY (Pumaparaan ng promote. LOL) Anyway, Ang storyang eto ay guy's POV kaya ang pagiging openminded ay malupet kong ipinapayo. Pero don't worry. Walang obscene-wtf-scenes dito dahil gwapo lang talaga ako pero wholesome ako. LOL. Alam niyong joke yun diba? Kung hindi, tawa nalang kayo. Haha.

WARNING: Ang storyang ito ay puno ng kahanginan, bolahan at kalokohan. Maraming salamat kay prettychq18 dahil kundi dahil sa kanya, di ko maiisip gawin to. LOL.

Please leave a comment and vote sa poll. XD


ONE

“Wow. Mr. Villarino, na-late ka ata?” sabi ni Ms. Z nang sarcastic pagpasok ko ng classroom. Amp. Kailan kaya to masasanay na may isang sobrang gwapo na laging mala-late sa klase niya? Ang tagal e. Mga matatanda talaga, nagsysyntax error yung utak minsan e.

Bobolahin ko na sana yung gurang kong teacher para papasukin pa ko kaso  may  dumating na magandang babae sa gilid ko na pagod na pagod.

Patay. Pagod na pagod o. ALAM NA.

Naghandan siya! Bwahaha. Nag-activate ba yung berde niyong utak? Sorry ah. Di naman kasi lahat ng gwapo, mabogli eh. Tapos, sobrang gwapo ko pa. Kaya sobrang wholesome kong tao. Palag? Pakyu na lang po! O teka, wholesome din yan a!

“Ms Z. Late din oh.” Tinuro ko yung babae sa gilid ko kaya tinignan siya nung gurang naming teacher. Tama yan. Kausapin mo siya.

“What’s your name, Miss?” tanong ni Ms. Z sa babaeng di ko alam ang pangalan.

Transferee siguro to. Kasi kung hindi, imposibleng di ko siya kilala e. Ako pa. Lahat ata ng magandang babae dito naging girlfriend ko na. Oo. Siryoso.. Ikaw ba namang maging sobrang gwapong tulad ko e. Tapos matalino, mayaman, talented at hot pa. Sino ba namang matinong babae ang mambubusted sakin? Wala diba?

Unti unti na kong umupo sa tabi ng katropa kong si Izzard habang busy si Ms. Z kay miss transferee.
 
“I’m Alexi Henson.” Nagpunas siya ng pawis niya pagtapos niyang sumagot. Wew. Ang ganda niya kahit pawis na pawis. Ganito yung mga masarap maging girlfriend e. Maganda nang di nageeffort.

Yung iba kasi kahit todo make up na. Wala pa ring nangyayari e. LOL. Joke lang ah. Naniniwala talaga ako na maganda lahat ng babae kahit di sila magmake up. Siryoso. Yun nga lang. Medyo exempted yung iba. =D

“I see. Ikaw yung transferee, tama?” Nice one, Aero Villarino. Ang galing mo. Transferee nga siya. Iba talaga ang mga sobrang gwapong tulad mo. Damn hot and amazing e. =D

Pinaupo na ni Ms. Z si Alexi nun habang ako, nagtulug-tulugan na nakasandal sa desk yung ulo.

“Mr. Villarino, pinapasok na ba kita?” nag-hikab ako kunwari pagtaas ko ng ulo ko.

“Po?” sabi ko na kunwaring nagtataka.

“Pre, anong sinasabi ni Ms. Z?” tanong ko kay Izzard na nagshrug lang ng balikat. Amp. Ang kj talaga neto. Minsan nga ayoko ng maging katropa to e. Pano napakatahimik tapos ang moody pa ng gagu.

“Miss, Kanina pa po siya andiyan.” Sabi ni Liel. Bestfriend kong babae. Naalala niyo yung sinabi kong lahat ng maganda dito naging gf ko na? Well, exempted siya dun.

Ang totoo kasi, natotorpe akong ligawan siya. Saka, may iba siyang gusto e. Amp nga e, ako na pinakagwapo sa iskwelahang to, tapos may iba pa siyang gusto. Di kapanipaniwala e no?

“Oo nga Ms. Z. Siya nga po nagbukas nung classroom kanina e.” Sabi naman ni Zain, katropa ko din. Ayos yan. Maloko ding tulad ko. Siya nga yung gusto ni Liel pero amp, napakamanhid na gagu.

Pucha kasi e. Kung ako nalang kasi sana yung minahal ni Liel edi sana masaya pa kami pareho.

Pero sige. Dahil katropa ko naman si Zain. Aaminin ko. May pagkagwapo din yang gagung yan at ang moody na gagung si Izzard. Pero kahit san pang angulo niyo tignan, ako talaga pinakagwapo e. =D

“Diba kakapasok niya lang?” tanong ni Miss Z nang nagtataka.

“Hala, Miss. Baka Pinaparanormal activity na naman kayo.” Nagtawanan yung mga classmates ko sa sinabi ko.

Nung third day of classes kasi, kinwento ni Ms. Z na may nakita siyang estudyanteng pugot ang ulo nung nagovertime siya. At dahil, gwapo at matalino ako, ginagamit kong palusot na may doppelganger ako kapag late ako sa klase niya. Pero minsan ko lang namang gawin yon. Most of the time kasi, nadadaan din siya sa bola.

Oo. Kahit mga gurang na, kinikilig pa din pag nasabihan ng maganda sila. Lalong lalo na pag galing sa isang sobrang gwapong tulad ko. Di naman porket menopause, di na marunong kiligin diba?

“Susmaryosep. Class dismiss!” sabi ni Ms. Z na nagsign of the crosss pa at nagmamadaling lumabas ng classroom. Nagtawanan naman kami.

“Nice one, pre. Nakalusot ka na naman kay Miss Z. San tayo?” sabi sakin ni Zain pagtayo ko.

“Kain tayo. Di pa ko nagbbreakfast e.” Paalis na dapat kami kaso hinarangan kami ni Alexi.

“What the hell was that?” tanong niya na parang badtrip. Wew. Ang ganda niya padin kahit badtrip.

“Ang sama ni Miss Transferee o. What daw si Ms. Z.” sabi ko sa mga classmates ko kaya nagtawanan sila. Inirapan naman ako ni Alexi.

“Shut up. Walang nakakatawa. Napakawalang respeto niyo!” Napashut up naman yung mga classmate ko.

“Like, loosen up, girl. Who on earth do you think you are ba?” sabi ni Yulary. Ex ko na hanggang ngayon, obsessed padin sakin. Nagsisisi nga akong pinatulan ko yan e. Wala pa kasing isang oras na naging kami, nag-aya na agad mag-alam niyo na. Pero syempre, bilang isang gentleman na gwapo, di ako pumayag. Saka, naka-reserved na kasi ang unang kaligayahan ko para kay Liel e. =D

“Yulary, calm down, alright?” napatingin kami lahat kay Liel na lumapit kay Alexi. Ganda talaga oh. Kaya mahal na mahal ko yan e.

“Hi Alexi. I’m the president of this class. You can call me, Liel.” Nagoffer  siya magshakehands  kay Alexi pero tinignan lang siya ng babaeng transferee. Pucha. Binastos yung mahal ko. >=|

“Anong klaseng president ka? Imbis na pagsabihan mo tong mga loko mong classmate, sumasawsaw ka pa.” sabi ni Alexi pagtapos niyang di pansinin yung kamay ni Liel. Amp. Para yun lang, galit na galit na?

“Alam mo Miss Transferee, uso yon dito kaya wag ka nang pumalag. Kung may problema ka dun, magdrop ka. Ganon lang kasimple yon.” Sabi ko para makaalis na kami. Nagwawala na kasi yung esophagus ko e. Gusto ng madaanan ng pagkaen.

“Alam mo Mr. Maangas, di porket uso, tama na. Walang excuse sa pagiging mali at walang respeto.” Lumapit ako sa kanya nang siryoso pagsabi niya nun.

“Weh? Ba’t ang ganda mo?” Parang umewan yung itsura niya na parang namula kaya natawa ako.

“Joke yon.” Pagkasabi ko nun, nagtawanan yung mga classmates ko. Parang nagalit naman yung itsura ni Alexi kaya nagsmirk ako.

“Yabang mo.” sabi niya nang galit tapos lumapit siya at binasag niya yung weakest point ng pagkalalake ko. Napaupo tuloy ako sa upuan habang naglalakad paalis si Alexi.

Amp. Manyak na babae! Manghihipo lang mananakit pa? Payag naman akong magpaharass e. =D

“Pre, gusto mo ng ice?” sabi ni Izzard na pinipigil yung tawa kaya tinignan ko siya ng masama.

Tangena. Humanda yang Alexi Henson na yan. Gaganti ako. Babasagin ko din yung weakest point ng pagkababae  niya. >=|
« Last Edit: March 14, 2012, 08:02:33 pm by Zivheart »

pot90

  • jellybean
  • **
  • Posts: 120
  • Karma: +19/-5
  • time moves on because it has to, and so do i. <|3
Re: DEVILTALE [#1] - NEW STORY! READERS? :)
« Reply #1 on: January 03, 2011, 11:00:47 pm »
first! haha. Potpretty here!  :D :D support ko din toh kua! pero basa muna.  ;D

--edit:
grabe. MAHANGIN nga siya. wahaha. ;D pati gurang na teacher inaano! bad. LOL. tsaka yung linyang.. "Weh? bat ang ganda mo?" grabe rin. matawa tawa ako. bolerong mahangin eh? :D :D
« Last Edit: January 03, 2011, 11:08:45 pm by pot90 »
i might have faked some smiles i show. but i'm pretty sure i never faked those tears i cry. :P

shieteukie

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 546
  • Karma: +18/-2
  • saranghae<3
    • FACEBOOK
Re: DEVILTALE [#1] - NEW STORY! READERS? :)
« Reply #2 on: January 04, 2011, 02:36:53 am »
support ko din to hahaha

nakakaloko si ano name nung guy haha?? basta tawa ko ng tawa habang nagbabasa ang hangin sobra haha tapos pati teacher binobola hahaha:)))))))))))))))))
♥KPOP IS LOVE♥
♥EverLastingFriends forever♥
♥LEETEUK♥

cheerie_bliss

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 542
  • Karma: +17/-5
  • chrisbliss
Re: DEVILTALE [#1] - NEW STORY! READERS? :)
« Reply #3 on: January 04, 2011, 11:29:04 am »
support... kung bakit?. pati ako clueless...

isa lang ang tanong ko, paano nya babasagin ang weakest point ni Alexi?. Hmmnnn... makes me think...

cheerie hir. :)
Chefantastic's Corner

Try it...:)

THE ACADEMY

THE CLASH OF OUR MARRIAGES

culdesac25

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2545
  • Karma: +97/-17
  • Angry as the birds on ANGRY BIRDS
    • My Tumblr
Re: DEVILTALE [#1] - NEW STORY! READERS? :)
« Reply #4 on: January 04, 2011, 02:07:28 pm »
Ang haba naman... tamad ako magbasa. Haha! joke lang, nabasa ko na nga.
Ay, ang taray ni Alexi. Chuseraa. :>
Haha, YULARY= Yuri + Hilary? haha. cool.
Hahaha! yaan, magbasagan kayo ng weakest point nyo! :P hahah!!

junachoopxz

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2228
  • Karma: +86/-38
  • is undeniably in ♡
Re: DEVILTALE [#1] - NEW STORY! READERS? :)
« Reply #5 on: January 04, 2011, 02:36:14 pm »
Grabe. May Grei's disorder din si Aero. ;D Napakafeeler din pala ng character eh no? Like author like character ba ang drama neto? ;D Loljk! Hahaha! Laughtrip naman ung si Ms. Z! Ay, ang bongga ni Alexi! Hahahaha. Ay so ngayon full force na si Yuri at Hilary? Yulary na? ;D Malandi pa rin pala ang kanilang character dito. ;D

Natatawa ako sa mga names ng characters mo! Hahaha.

Aero yung yung. . Aeroplane? HAHAHA! Tapos Izzard parang Lizzard. ;D La lang. Ang kulet kasi eh. :D Hehe. Tawa ka! Nahawa lang ako sa ka-cornihan mo. ;D

envyhurts

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 526
  • Karma: +28/-6
  • Hi! I'm April Salvador
    • Personal Blog
Re: DEVILTALE [#1] - NEW STORY! READERS? :)
« Reply #6 on: January 04, 2011, 02:49:40 pm »
haha go girl alexi! kampi ako sayo! mga walng respeto mga bully :D hahah nice one author!

rance

  • jellybean
  • **
  • Posts: 186
  • Karma: +7/-2
  • pano ba magpataba..? help! >.<
Re: DEVILTALE [#1] - NEW STORY! READERS? :)
« Reply #7 on: January 04, 2011, 05:30:43 pm »
yo grei! em back! at kasabay ng pagbabalik ko ay ang pagsupport ko sa bago mong story. ;)

kahit gustong-gusto ko yung iba mong stories, i'm gonna announce this as my favorite. haha. seryoso!

binabagyo sa kahanginan ang lead naten ah. hahaha.

Quote
Wew. Ang ganda niya kahit pawis na pawis. Ganito yung mga masarap maging girlfriend e. Maganda nang di nageeffort.

pero natuwa naman ako sa sinabi niyang to. aprub! ;)

at mas natuwa ako dito:

Quote
“Alam mo Mr. Maangas, di porket uso, tama na. Walang excuse sa pagiging mali at walang respeto.” Lumapit ako sa kanya ng siryoso pagsabi niya nun.

“Weh? Ba’t ang ganda mo?” Parang umewan yung itsura niya na parang namula kaya natawa ako.

HAHAHA. mabenta to!


Grabe. May Grei's disorder din si Aero. ;D Napakafeeler din pala ng character eh no? Like author like character ba ang drama neto? ;D Loljk! Hahaha! Laughtrip naman ung si Ms. Z! Ay, ang bongga ni Alexi! Hahahaha. Ay so ngayon full force na si Yuri at Hilary? Yulary na? ;D Malandi pa rin pala ang kanilang character dito. ;D

Natatawa ako sa mga names ng characters mo! Hahaha.

Aero yung yung. . Aeroplane? HAHAHA! Tapos Izzard parang Lizzard. ;D La lang. Ang kulet kasi eh. :D Hehe. Tawa ka! Nahawa lang ako sa ka-cornihan mo. ;D

TAMAAAA! ;)


bilisan mo grei, mag-update ka na! hahaha. ;)

Zivheart

  • Guest
Re: DEVILTALE [#1] - NEW STORY! READERS? :)
« Reply #8 on: January 04, 2011, 05:46:12 pm »
@Rance. Hey. Welcome back! :) Talaga, favorite mo to kahit chapter one palang? Bwahaha.Yep. May pinagmanahan ng kahanginan e. Haha. Baka tom pa update neto. Sinasabaw ang imagination ko e. Di ko malagyan ng matinong plot. Haha.

@JAne(Envyhurts). Hahaha. Nice. Makatao ka din? Hehe.

@Juna. Bwahaha.  Napansin mo pa yung Yulary? Pinaghalo ko kasi yung characters nila dito e. Haha. Sama mo. Nakita ko lang sa internet world yang mga pangalan na yan. Tapos kakaiba kaya napagtripan kong gawing character. LOL. Hoy. Ikaw lang ang corny. Wag mandamay. Hahaha. JK.

@Isay. Yep. Yulary. LOL. Maikli lang yan. Nagmukha lang mahaba dahil sa teentalk. LOL.

@Cheerie. Hey. Thanks for the read! :) Di ko din alam. Pero gets mo naman yugn weakest point diba? LOL.

@Shiela. Aero name niya. LOL. Ganon talaga ang buhay bolero, pati teacher kasali. Haha.

@Potpretty. Ikaw first reader ko dito. LOL. Thanks! Bwahaha. Tamang pangbasag lang e no? Hahaha. Oo, bolerong mahangin eh? :)

gheyghey_16

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4856
  • Karma: +47/-33
  • Hyped.
    • Tumblr
Re: DEVILTALE [#1] - NEW STORY! READERS? :)
« Reply #9 on: January 04, 2011, 05:58:12 pm »
Kastress. Babasagin din niya weakest point ng pagkababae niya. Overr :D
Ang bait ko shet.

sjacc_01

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1463
  • Karma: +54/-10
  • Alex ♥
Re: DEVILTALE [#1] - NEW STORY! READERS? :)
« Reply #10 on: January 04, 2011, 06:01:00 pm »
Huwahahahaha! ;D

So windy here ha. I remember a classmate of mine (pero hindi siya kasing-hangin ni Aero. Galing! :P

Alex nga pala, 17. :)  Habol sana ako dun sa Archdestiny, kaso tamad na'ko magbasa e. Dito na lang ako babawi. :P

Support ko 'to! O0  And BTW po, I didn't know na lalaki ka pala. ;D

Zivheart

  • Guest
Re: DEVILTALE [#1] - NEW STORY! READERS? :)
« Reply #11 on: January 04, 2011, 06:08:49 pm »
@Alex. Hey. Thanks for the support. :) Tsk. Ganda ganda, tamad magbasa. Hahaha. Jk.

@Abi. LOL. ANONG WEAKEST POINT BA INIISIP MO? HAHAHA. THANKS SA PAGBASA! :) GANDA MO TALAGA. HAHA.

@READERS. WHOLESOME PO SI AERO. PINAPAALALA KO LANG. HAHA.

gheyghey_16

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4856
  • Karma: +47/-33
  • Hyped.
    • Tumblr
Re: DEVILTALE [#1] - NEW STORY! READERS? :)
« Reply #12 on: January 04, 2011, 06:10:09 pm »
Hahayaang mafall tapos ibbreak? HAHAHA. Ewan :)
Sows!
Ang bait ko shet.

sjacc_01

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1463
  • Karma: +54/-10
  • Alex ♥
Re: DEVILTALE [#1] - NEW STORY! READERS? :)
« Reply #13 on: January 04, 2011, 06:21:49 pm »
@Alex. Hey. Thanks for the support. :) Tsk. Ganda ganda, tamad magbasa. Hahaha. Jk.

Don't mention it, bro. ;)  Haha. Paano mo nalamang maganda ako? Haha joke :P 

iameunice

  • jellybean
  • **
  • Posts: 134
  • Karma: +15/-0
  • stainless, hindi plastic! >:)
Re: DEVILTALE [#1] - NEW STORY! READERS? :)
« Reply #14 on: January 04, 2011, 06:40:46 pm »
Oi grei! ano ba naman tong story mo? napakahangen! hahah. dame kong tawa, siguro buong chapter nakangisi ako. lol. hahahaha. support ko din to! yulary talaga e nu. update ka na!
It's what you do, unthinking, that makes the quick tear start; The tear may be forgotten -- but the hurt stays in the heart.
-- Ella Higginson

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website