Please login or register.

Login with username, password and session length


Author Topic: Reality Hits Me! Chapter TWO! Welcome to Manila, Lucy! (PAGE 8)  (Read 3832 times)

strawberry008

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3240
  • Karma: +99/-13
  • Strawberry ice cream is love! <3
    • spell crazy: T-R-I-S-H-A:D
Re: Reality Hits Me! Chapter ONE :))
« Reply #105 on: December 27, 2010, 05:20:17 pm »
hakyrej_inyourdreams:

Taama! Ako nabuking lang ako ng isang friend ko eh. Lula kasi ako ng mga panahon na yun! Ang sarap ko nga batukan eh! Hahaha.

gheyghey_16:

Yiiee. Kwento ka naman diyan! :D

I'm a BEE!
...Can you be my HONEY? ^-^
WATTY ACCOUNT

gheyghey_16

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4758
  • Karma: +47/-34
  • Hyped.
    • Tumblr
Re: Reality Hits Me! Chapter ONE :))
« Reply #106 on: December 27, 2010, 05:21:42 pm »
Di nga masaya pakakatama ng reality sa'kin eh. HAHA. We broke up nung 16, then ngayon, he decided not to talk to me ever  TT.TT
Ang bait ko shet.

strawberry008

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3240
  • Karma: +99/-13
  • Strawberry ice cream is love! <3
    • spell crazy: T-R-I-S-H-A:D
Re: Reality Hits Me! Chapter ONE :))
« Reply #107 on: December 27, 2010, 05:27:54 pm »
December 16? OMG! So, fresh pa lang pala? Nalungkot naman ako. Ngayon lang? Bakit naman hindi ka na niya kakausapin ever? Kwento :'(
I'm a BEE!
...Can you be my HONEY? ^-^
WATTY ACCOUNT

gheyghey_16

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4758
  • Karma: +47/-34
  • Hyped.
    • Tumblr
Re: Reality Hits Me! Chapter ONE :))
« Reply #108 on: December 27, 2010, 05:29:49 pm »
Kase sabi ko ayaw ko siyang maging kaibigan. Tsk. Nabigla lang naman ako nun, kakagising ko lang kasi T.T
Ang bait ko shet.

sweetmit08

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2502
  • Karma: +115/-6
Re: Reality Hits Me! Chapter ONE :))
« Reply #109 on: December 28, 2010, 12:23:57 am »


sweetmit08:

Alright Sprinkle. Hahaha. Saan kayo galing?


Sa MOA. Kaya ayun. Ginabi kami. Haha.

Aw. Parang feel ko yang si Lucy. Haha. Minsan parang naisip ko na,,, nakakainis pag nilalaglag ka nang mga kaibigan mo... kasi nakakahiya. Kahit ayaw mong magpaobvious.. sila naman ang nagpapaobvious.  ;D Gets mo ba yun?  ;D
Worst Battle = What I know Vs. What I feel.

strawberry008

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3240
  • Karma: +99/-13
  • Strawberry ice cream is love! <3
    • spell crazy: T-R-I-S-H-A:D
Re: Reality Hits Me! Chapter ONE :))
« Reply #110 on: December 30, 2010, 09:24:31 am »
Kase sabi ko ayaw ko siyang maging kaibigan. Tsk. Nabigla lang naman ako nun, kakagising ko lang kasi T.T

Aw. Ano na nangyari? Hindi na talaga kayo maguusap? :(
Sa MOA. Kaya ayun. Ginabi kami. Haha.

Aw. Parang feel ko yang si Lucy. Haha. Minsan parang naisip ko na,,, nakakainis pag nilalaglag ka nang mga kaibigan mo... kasi nakakahiya. Kahit ayaw mong magpaobvious.. sila naman ang nagpapaobvious.  ;D Gets mo ba yun?  ;D

Oo nga. Taaama! Nakakahiya. Hindi ka na nga nagpapaobvious pero sila yung nagpapaobvious LALO.
I'm a BEE!
...Can you be my HONEY? ^-^
WATTY ACCOUNT

gheyghey_16

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4758
  • Karma: +47/-34
  • Hyped.
    • Tumblr
Re: Reality Hits Me! Chapter ONE :))
« Reply #111 on: December 30, 2010, 11:50:07 am »
Nag-uusap na ulit. Parang ewan lang. Hahaha. Di nanaman nakatiis ang mokong. HAHA. Pero friends na lang talga.
Ang bait ko shet.

strawberry008

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3240
  • Karma: +99/-13
  • Strawberry ice cream is love! <3
    • spell crazy: T-R-I-S-H-A:D
Re: Reality Hits Me! Chapter TWO! Welcome to Manila, Lucy! (PAGE 8)
« Reply #112 on: September 30, 2012, 03:16:58 pm »
CHAPTER TWO

At last, summer na! Magrereview ako sa Manila para sa entrance exam. Hayy! Sana naman may mga gwapo! Wala lang naman, gusto ko lang makakita ng bagong views! Nagsasawa na ko sa mga classmates kong lalaki e. Mga mapang-asar! Grr. Anyway, ang bilis ng panahon no? Parang kahapon lang, winiwish ko na mag summer na. Tapos ngayon, ito na!

*TOOTOOT!*

Ay, may nagtext? Syempre, hindi ko binasa dahil alam kong GM na naman niya yan about sa love of his life niya. Bwisit! Anyway, binasa ko pa din. Ang gulo ko no? Sabi sa inyo, masochist e. HAHAHA! Mali pala ako. Si Haidee pala yung nagtext.

Eh bakit parang nadisappoint ako? -______-

Haidee: Saan ka magrereview?

Me: Experts. You? :)

Haidee: Saan yun? LOL!

Me: Mla. Ikaw? Uy, wala na akong load. See you tom!

Haidee: Sosyalera forevs! Hahaha! SECRET! Jk. Sa Study Partner! Don't worry, wala si ANO doon. Hahaha! Hindi ata siya magrereview e. BTW, see you tomo! Hirap ng walang love life no? Walang load, laging lowbat... LOL! Haylabyu!

SIYA NA HINDI MAGREREVIEW. MATALINO SIYA E! Teka nga, bakit ba ang bitter ko eh maayos naman kaming nag hiwalay ng landas?! Ako pa nga nagsabi na pwede na siya mag girlfriend e. Naloloka na talaga ko sa sarili ko. Whyyy?

Finast forward ko na nga pala yung mga happenings dahil madedepress lang kayo pag kinwento ko pa mga nangyari sakin at baka maging 'HOW TO BE A MARTYR/MASOCHIST 101' na ang title ng story na 'to.

*TOOTOOT*

May nagtext ulit. Leche! Ang sarap sarap ng nood ko ng Vampire Diaries at higa ko dito e tapos may mangiistorbo. Tiningnan ko na yung text...

Aiden: Happy 100 days, Alzea! Good afternoon! Magrereview pa ba kayo? Wag na!

Holy sht. Why did I even look at my phone? Dapat binalibag ko na kanina pa e. Dapat bang sabihin pag 100 days na sila? Eh ano naman kung 100 days na sila? Mas sweet pa nga kung private yon diba? Bakit kailangan pa i-group message. Kainis!

Hay nako shems! Alam niyo yung feeling ng buong school year, tiniis mo siya?! Lagi mo siyang nakikita! Syempre, classmate mo siya e. LOL! Kung pwede nga lang mag drop ng subject sa highschool, why not?

Pero kung meron man, hindi pa din pwede kasi classmate ko siya sa lahat ng subjects. Ayoko naman lumipat ng school. Ano siya siniswerte?! Hindi po umiikot ang mundo ko sakanya at nandito ang mga beloved friends ko na mga mapanukso!

Oo, until now, tinutukso nila ko. Obvious daw kasi ako. Hay nako naman. Bakit ko ba kasi siya naging classmate?! WHY LOYK THIS?! Pero in fairness, ngayon lang umeffect sakin yung sinasabi nilang 'So near yet so far'. Nakakaloka talaga!

Hayy. Nakakadepress pala mag move on no? Lalo na kung nakikita mo siya always with your friend. Ang saya saya ng buhay! Di naman ako galit dahil una naman talagang naging sakanya si friend. Oo, naunang naging sila. Kahit alam kong di seryoso relationship nila, mali pa din na patulan ko yung ex niya! She's my friend! Ang sama ko ba? Siguro nga. Karma nga siguro 'to. Hindi kasi ako nagiisip e.

"Lucy, ihanda mo na nga mga gamit mo! Bra't panty, meron na?" Napatalon naman ako sa pagkakahiga ko. Nakakatamad naman! Nakakatamad maligo, tumayo, at lahat lahat na! Parang gusto ko na lan humiga at manood forever. Helloooo?! Summer kaya!

"Mama, ano ba! Hindi naman ako pupunta sa ibang bansa no. Magrereview lang ako for 2 weeks. 2 weeks! Sa MANILA, hindi sa AFRICA." Nilapitan niya ko at umupo sa tabi ko tapos bigla akong binatukan.

"Aray naman, mama!" Natatawa tawa kong sagot habang hawak hawak ko batok ko. My mom glared at me. OMG! -___- Haha!

"Hoy hoy babae!" Nakapamewang pa! "Sa isang araw ka na luluwas! Ano ka ba naman! Mamaya may maiwan ka na namang mga gamit diyan, papuntahin mo na naman ako sa Manila. Alam mo naman yung mga tita mo..."

"Oo na, ma! Basta bukas ha, magkikita kami nila Haidee. Love you love you!"

"Sus, Haidee Haidee. Mamaya si ano na naman..." Yerp! Kilala ni Mama si Aiden. Haha! Ang alam lang niya, nanligaw tapos binasted ako dahil yun yung sinabi ko. Bawal pa kasi ako hangga't di pa nakakatapos pero feeling ko alam niyang MU kami. Alam nga niyang iniyak ko si Aiden kahit hindi ko naman sinasabi. You know, mom instincts.

"Lalala, gagayak na ko! Woooo!" *takip ears* At hinanda ko na nga mga gamit ko para sa isang araw.

Nanay ko talaga! Ang lakas mang-inis! Ano ba yan! By the way. nakaka-3 girlfriends, 2 MUs, and 5 flings na siya pero hindi pa din ako nakakamove on! SUMMER NA OH! Senior na ako sa pasukan! Psshhh! Pero syempre, ang sinasabi ko sa lahat, nakamove on na ko. Di nga lang naniniwala mga mapanukso kong friends.

Anyway, hindi na ako emo! Yun lang ata improvement ko! Hahaha! I'm happy because I have my friends with me...


FIRST DAY OF REVIEW:

Nasa Manila na ko! Actually, kahapon pa. Noong isang araw nga pala kami nagkita nila Haidee. Namimiss daw nila ko, yiieee. Nakita ko nga din pala si Aiden... kasama si friend sa arcade. Hehe! So meaning, 101 days na sila noong isang araw at 103 days na sila ngayon. Teka, bakit ko ba binibilang? I shouldn't care no. Tss. BTW, nag smile lang ako pero ang iniisip ko, bakit ang sama ng tingin sakin ni friend? Amp.

"Hey, c'mon, get up! Malelate ka na sa review mo." Napatalon ako, kinuha yung mga gamit ko, at dumiretso sa CR. Nadapa pa nga ako e. Yan tuloy, pinagtawanan ako ni Kuya. Oo, si kuya yung gumising sakin. Actually, kanina pa ko gising. Tinatamad lang ako bumangon. Ang lamig kasi sa kwarto!

Pagkatapos ko gumayak (Take note: Sabog sabog itsura ko at di pa ko nakakasuklay), hinatid na ako ni Kuya Rommel (driver namin) sa Katipunan pero commute lang kami. Ang galing no? Driver pero kasama ko mag commute kahit may car naman. Syempre, para daw matuto ako. Uuwi na nga pala siya sa province  pag natuto na ko. LOL!

Sumakay na kami ng jeep papuntang blumentritt tapos nag LRT papuntang D Jose. After non, naglakad na kami ng bridge papuntang Recto. Sumakay ulit kami ng LRT tapos naglakad hanggang sa makarating na kami sa EXPERT GUIDES.

Kinakabahan ako! First day na first day, late ako! =___=

I knocked on the door and opened it... HOOOO!

"H-hi, s-sorry po I'm late." I faked a smile. Kakahiya! Tumalikod silang lahat para tingnan ako. Ako naman, hindi ako makatingin sakanila. Sa teacher lang ako nakatingin...

Nakahinga ako ng malalim noong nag smile si teacher kaya nag smile din ako.

"Okay, you may now take your seat. And please, don't be late again."

"Yes, sir."Syempre, isa na lang naman yung upuan meaning ako lang yung late kaya naman umupo na ko.

"Hi. What's your name? I'm Feliz." She smiled. OMG! Ang pretty niya.

"Lucy." We exchanged smiles tapos nag shake hands kami.

"Are you alone? I mean, no friends or classmates?" I shook my head. "Ooooh. Sige, papakilala kita sakanila later."

"Magkakakilala kayong lahat?" O______O

"Nope, not really. Some lang. 10 yung classmates ko dito, 3 naman yung err schoolmates. Since 45 tayo sa room, hindi ko na kilala yung the rest pero malay mo. 2 weeks naman tayo magkakakasama so yeah, who knows? Madaming pwedeng mangyari sa 2 weeks. Sorry ang daldal ko or FC." Ang bait naman niya.

"No, it's okay. Thank you!"


BREAK TIME!

"Guys, meet Lucy!" At pinakilala na nga ako ni Feliz sa kanila. Mababait naman silang lahat pero yung 3 schoolmates niya, ang gwapo. O____O Bakit ba hindi ko sila napansin kanina pa lang? Kainis! Hahaha! Natigilan nga lang lahat nang may pumasok na dalawang lalaki.

"OMG! Why are they here?" Shane whispered.

"Oh geez." Siniko naman ako ni Feliz.

"B-bakit? A-ano meron?" Tanong ko. Yerp, gwapo nga sila. Meaning may limang gwapo sa room na 'to. Sino kaya sakanila ang pwede kong gawing crush? LOL!

"Why are you here, James?" Tanong ni girl na nakalimutan ko na yung name. Bestfriend siya ni Feliz and Shane. Mukha nga siyang siga e but she's cute.

"Because of her..." Tinuro niya si Feliz. I looked at Feliz pero nakayuko lang siya and she looks sad. What is happening? OP ako.

"Eh ikaw? Sino ka naman?" Tanong ulit ni girl na hindi ko kilala. Nakapamewang pa siya. Naaalala ko tuloy si mama.

"Wait, he's my friend."

"Hindi kita tinatanong, James." Tinaas niya kilay niya. Huhu! Ano ba nangyayari?

"Julian, we're late enrollees." At umupo na siya.

OMGGG! Chair ko yung inupuan niya! -________-

WELCOME TO MANILA, LUCY!
I'm a BEE!
...Can you be my HONEY? ^-^
WATTY ACCOUNT

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

What We Read: "Here"

by: marla, 2013-05-20

I won't deny it: I spend way too much time online. Mostly I'm just stalking people on Facebook and Instagram, other times I'm doing something more useful like reading articles...


ADVERTISEMENT

TEENTALK

  • << LUMPY SPACE CLARA >> I can be smooth; someone punch out my lumps! D:
    Lars Tenobor IX
    @Zai: It was a win-win situation then.. x]i'm just constantly disappointed with real life kaya puro mga ganung pinagaatupag ko..... Read more
    Posted on Today at 08:17:43 am
  • All about: Twitter
    tobi
    http://twitter.com/F ishesInTheSea (former TobiMeansLove)I don't follow back all the time but if I see that your tweets are inter... Read more
    Posted on Today at 07:18:22 am
  • The Diary of an Amoral
    xfvckdollx
    Chapter 1: Meet KevinMay 10.He called me at about 10PM Friday night. I was at a mini high school reunion with about six other pe... Read more
    Posted on Today at 07:06:39 am
  • Curious...
    im_numb10
    Lol. problema ko din to. Hahaha. Kaya di ako nag bublush on kasi lagi akong namumula. Pag mainit, pag naiinis, pag tumatawa Wala... Read more
    Posted on Today at 06:18:22 am
  • One year ago...
    im_numb10
    A year ago I was excited for college and writing updates for my story.Now, I am stress that school's starting again. HAHAHA. and... Read more
    Posted on Today at 06:16:24 am