Teentalk

Author Topic: I Hate My Future Wife | 4 | *updated*  (Read 7620 times)

vampdubistaaa

  • Guest
Re: I Hate My Future Wife *NEW*
« Reply #30 on: December 21, 2010, 07:33:08 pm »
Kelan ipopost ang 1st chapter? Sobrang excited na 'ko! :D

itstrish

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4049
  • Karma: +35/-34
Re: I Hate My Future Wife *NEW*
« Reply #31 on: December 21, 2010, 08:23:51 pm »
Kelan ipopost ang 1st chapter? Sobrang excited na 'ko! :D
Bukas yung prologue :)
... But the best way to fall, is to fall in love with me ♥

vampdubistaaa

  • Guest
Re: I Hate My Future Wife *NEW*
« Reply #32 on: December 21, 2010, 08:26:53 pm »
^Yaaaay! Aabangan ko talaga yan. :)

Lavenderpink

  • taffy
  • ***
  • Posts: 441
  • Karma: +63/-3
Re: I Hate My Future Wife *NEW*
« Reply #33 on: December 22, 2010, 12:54:28 am »
support supporttt ;D
...Tonight I've fallen and I can't get up
I need your loving hands to come and pick me up
And every night I miss you
I can just look up
and know the stars are
holdin' you tonight...

gaile_louise

  • jellybean
  • **
  • Posts: 120
  • Karma: +3/-3
Re: I Hate My Future Wife *NEW*
« Reply #34 on: December 22, 2010, 01:07:53 am »
hi! :) silent reader ako sa I hate my future husband. support! :)

gErLaLuZz

  • jellybean
  • **
  • Posts: 111
  • Karma: +10/-1
  • How I wish my life is a FAiRYTALE. ♥
    • Tumblr
Re: I Hate My Future Wife | Prologue
« Reply #35 on: December 22, 2010, 11:56:00 am »
kailan mo po ipost yung first chap? :D
my had enough.
Z A B

itstrish

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4049
  • Karma: +35/-34
Re: I Hate My Future Wife | Prologue
« Reply #36 on: December 22, 2010, 11:58:02 am »
Prologue





Ito ang unang araw na makikilala ko ang babaeng papakasalan ko. Kung meron lang talaga akong magagawa.. Kaso ngayon, wala pa. Wala pa akong strategy. Ano na ba ang nangyari sakin? Lahat ng gusot kaya kong lusutan pero bakit eto, hindi ko kaya? :|


"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko Juno. Nakipagbreak pa ako dun sa babae kasi ayokong malaman niya yung tungkol sa walang sense na arranged marriage na pinasok ko. Sayang yun bro."


 Bago pa malaman nung bago kong girlfriend, ako na mismo ang nakipagbreak para hindi na niya ako masampal. Wait, sinampal niya pala ako kahapon sabay sabi na wala daw akong kwentang lalaki. Sus. Narinig ko na yun. Hundred times na. Yung mga pagmumura nila sakin wala na ring epekto sakin. Been there, done that.


"Akala ko ba magaling ka? Nasaan na yang kagalingan mo?" Sabi ni Juno sakin. Kababata ko si Juno. Saksi siya sa halos lahat ng nangyari sakin. At oo nga pala, hindi siya bading. Malakas din siya sa chicks. Gaya ko. ^-^

"Hiniritan mo pa ako. Konting antay lang malulusutan ko din to. Magaling nga ako diba?"

"Sa ngayon, hindi muna ako maniniwala sayo. Pag nalusutan mo na yang problema mo malamang maniniwala na ako sayo. Nakita mo na ba yung ipapakasal sayo?"

"Deins bro. Kinakabahan na nga ako."

Kung panget yun. Nako. Kalbaryo yun. Magpapakalayo-layo nalang ako habang buhay. Kung kailangan kong tumira sa bundok gagawin ko. Kahit tumira sa Antartica gagawin ko.

"Paano kung ex mo yun? Lagot ka!"

"Sino sakanila? ^-^" Sa dami kong naging girlfriend ni isa sakanila wala akong maalala. Teka, meron pala. Hindi na importante kung sino siya.

"Si Jill." Si Jill. The only girl I've loved.

"Patay na si Jill."

"Patay na o pinatay mo?"

"Patay na." Hindi ko naman talaga pinatay. Hindi ko kayang gawin yun sa kanya. Pinatay ko lang siya sa ala-ala ko. Simula nung nagkunwaring patay siya pero iniwan lang niya talaga ako, hindi na siya nageexist sa mundo ko.

"Sa pagkakaalam ko babae lang ang may karapatan maging bitter ng matagal."

"Sinong nagsabi sayo na bitter ako?"

"Sinabi ko ba na bitter ka? Napaghahalataan ka dude. :P" Bitter nga ba ako? Sabihin na nating oo. Sino ba naman ang hindi magiging bitter kapag ginawa yun sayo? Nadepress pa ako ng ilang buwan dahil patay na siya tapos malalaman ko na buhay pa pala siya at ang totoo iniwan niya lang ako? Hurts like hell.

"Wag na natin siyang pagusapan. Waste of time lang yan. Ah basta isang araw.. At oo nga pala meron namang divorce or annulment."

"Sa una lang yan bro. Pag ikaw napamahal sa babaeng yun -" Pinigilan ko agad siya.

"Ako? Mapapamahal dun? Sus."

"Hindi mo pa nga nakikita. Ewan ko ba sayo. Wag ka nalang magsalita ng tapos. Balitaan mo nalang ako bro diyan sa bago mong chick. Kailangan ko na umalis at may date pa ako."



//



"What is she like?" Tanong ko sa magulang ko. Paano pag pangit pala siya. Malas ko naman nun. Ni walang picture o pangalang binigay sakin o information tungkol sa babae. Surprise daw. Sus. Pasuspense pa.

"Well, she's a good girl." Good girl? Ayoko niyan. Walang thrill. For short, boring.

"Anak siya ng business partner namin. Hindi nila kayang ipagkatiwala sa ibang lalaki ang anak niya. Ikaw lang ang gusto nila para sa anak nila." Mahal ang talent fee ko ^-^

"Mom, Dad. I know I'm so handsome. But why me? Hindi pa nila magugustuhan ang ugali ko. I have an attitude problem. Hindi ba nila alam yun?" Cause I'm really bad, and I'm serious.

"I don't know too, son.  But the thing is, you can't do anything to stop the marriage. Kahit makabuntis ka pa ng maraming babae tuloy ang kasal."

"You need to learn your lesson." Sabi ni Mom.Ilang linggo na ang nakakaraan ng mapuno na ang magulang koat magdesisyon na ipapakasal ako sa isang babaeng hindi ko naman kilala. Nagtataka siguro kayo kung ano ang kasalanan ko.

Well, sabihin na natin na napagtripan ko nakawin ang isang bagong bagong Porsche. ::) It was just a dare pero hindi naintindihan ng magulang ko. Nakakahiya daw. Kaya ito ang parusa sakin sa lahat ng kagaguhan ko sa buhay.


"I promise I'll be good. ;) Basta wag na. Ayoko talaga."

"You might do something worse than stealing a car. Baka sa susunod maging akyat bahay gang ka na." :|

"It was just for fun. I mean the car thing. Mom.. Please. What do I need to do just to stop the freaking marriage?" Tinanong ko ulit si Mom baka sakaling magbago pa ang isip niya kahit last minute man lang.

"You don't need to do anything. Hindi magbabago ang isip namin. Our decision is final. How many times do I have to tell you that?"

"But Mom.. Dad.. What if she's ugly? Gusto niyo ba ng pangit sa pamilya?"

"Maybe she's pretty like what her parents told us." Hirit ni Dad.

"Kailan ba sinabi ng magulang na pangit ang anak nila? Never diba? Maybe it's a lie."


Bumukas ang pinto. Nakita ko ang future in-laws ko. Hindi naman sila pangit. Sana pati yung anak nila hindi din pangit.


"Hello mare. Where's your daughter?" Tanong ni Mom.

"Jill.." JILL. JILL. Oh ffffffu. Sana mali lang ang dinig ko.


Para akong nabunutan ng tinik nung nakita ko na hindi siya ang ex kong si Jill. Yun nga lang, magkapangalan sila. Marami namang pangalan sa mundo, Jill pa talaga. Wala na ba siyang ibang pangalan? Iisa lang ang Jill na kilala ko at patay na yun. Matagal na siyang patay sa mundo ko.

Kung tatanungin niyo ako kung pangit yung Jill na ipapakasal sakin, sasabihin ko hindi. Maganda naman siya gaya ng mga naging girlfriend ko kaso kakaiba siya eh. Hindi dahil stunning ang kagandahan niya. Basta, kakaiba siya. Para siyang alien.


"Good afternoon po." Holy cow. Nakakamesmerize siya. Sige sabihin na nating kaakit-akit siya pero may mali nga sakanya at hindi yun maganda.. Para siyang bata. Mukhang bata, nagaact na parang bata. Ipapakasal ba ako sa kanya para maging baby sitter?




Ako si Zeke at ito na ang buhay ko ngayon.



//
NASA PAGE 1 ANG MGA MUKHA NG MGA CHARACTERS BAKA GUSTO NIYO TIGNAN.
Btw, salamat sa mga nagssupport! :)
... But the best way to fall, is to fall in love with me ♥

raice03

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 13214
  • Karma: +616/-51
  • I am raice03 and I am Inevitable.
    • Twitter
Re: I Hate My Future Wife | Prologue
« Reply #37 on: December 22, 2010, 12:13:59 pm »
Weh? Lechugas sakalin na yung Jill na yun! Yung ex ah? Hahahaha. Lakas tama e. :D
Nako. Magbabago rin yan Zeke. Tignan mo. Hahahaha.

itstrish

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4049
  • Karma: +35/-34
Re: I Hate My Future Wife | Prologue
« Reply #38 on: December 22, 2010, 12:15:10 pm »
Weh? Lechugas sakalin na yung Jill na yun! Yung ex ah? Hahahaha. Lakas tama e. :D
Nako. Magbabago rin yan Zeke. Tignan mo. Hahahaha.
Sino ang magbabago? ;D
... But the best way to fall, is to fall in love with me ♥

x-iRis-x

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3229
  • Karma: +192/-44
  • Hasta la vista, BABY
Re: I Hate My Future Wife | Prologue
« Reply #39 on: December 22, 2010, 12:37:02 pm »
Sino ba ang dapat kainisan si Zeke , si Jill o Si Juno?  ;D
Parang si Zeke dapat eh magnakaw ba naman ng sasakyan ?!
Magiging inactive na

itstrish

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4049
  • Karma: +35/-34
Re: I Hate My Future Wife | Prologue
« Reply #40 on: December 22, 2010, 12:38:45 pm »
Sino ba ang dapat kainisan si Zeke , si Jill o Si Juno?  ;D
Parang si Zeke dapat eh magnakaw ba naman ng sasakyan ?!
For fun lang naman ;D
... But the best way to fall, is to fall in love with me ♥

x-iRis-x

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3229
  • Karma: +192/-44
  • Hasta la vista, BABY
Re: I Hate My Future Wife | Prologue
« Reply #41 on: December 22, 2010, 12:42:34 pm »
For fun lang naman ;D

 ;D Napaka ano naman nun talagang ginawa eh ala ng paki kung makulong man
Magiging inactive na

itstrish

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4049
  • Karma: +35/-34
Re: I Hate My Future Wife | Prologue
« Reply #42 on: December 22, 2010, 12:43:41 pm »
;D Napaka ano naman nun talagang ginawa eh ala ng paki kung makulong man
Nasisiraan na siya hahahaha :D
... But the best way to fall, is to fall in love with me ♥

vampdubistaaa

  • Guest
Re: I Hate My Future Wife | Prologue
« Reply #43 on: December 22, 2010, 12:56:01 pm »
Prologue pa lang... ALAM NA! Hahaha~ ;D Kupooooo Zeke... good luck na lang! LOL~ ;D

itstrish

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4049
  • Karma: +35/-34
Re: I Hate My Future Wife | Prologue
« Reply #44 on: December 22, 2010, 12:59:27 pm »
Prologue pa lang... ALAM NA! Hahaha~ ;D Kupooooo Zeke... good luck na lang! LOL~ ;D
Hahahaha anong meron? :D
... But the best way to fall, is to fall in love with me ♥

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website