ONE
“Hey cuz, San ka na?” text ni Jamaica sa cellphone ko. Kakabalik ko lang kasi galing US at andito ako ngayon sa airport. Tumingin tingin ako sa paligid at baka malapit lang si Jamaica. Asan na kaya yun? Tatawagan ko na sana siya sa cp kaso biglang may bumangga saken. Nahulog tuloy yung cp ko. Sheet oh.
"Miss, sa susunod naman tumingin ka sa dinadaanan mo.” Pupulutin ko na sana yung cell ko nun pero naasar ako sa narinig ko.
"Excuse me? Kaw nga nangbangga diyan eh." Sabi ko pagtingin sa bumangga saken. Badtrip eh. Ang yabang.
"Question lang miss ha, are you plain stupid o stupid lang talaga?” Baliw pala to eh. Magbibigay lang din ng choices, pareho pa. Cute ng style diba? Pang-gagu.
"Jerk.” Tinulak ko siya sabay walkout palayo sa kanya. Eff. Walang kwentang tao. Siya na nga nakasakit, may gana pang manginsulto. Kapal.
Narinig kong tinatawag na ko ni Jamaica nun kaya napahinto ako sa paglalakad.
“Oi! Okay ka lang? Kanina pa ko tawag ng tawag dito ah.” sabi siya sa ‘kin pagkalapit niya.
“Sorry na. Hindi kita napansin eh.” Di naman talaga. BV kasi tong airport na to.
“Let me guess, badtrip ka na naman no?” As usual. Gets niya agad.
“Oo eh, teka nga, wala man lang bang miss you dyan o welcome back man lang?” sabi ko na naka-open arms.
“Oh yeah, nakalimutan ko. Miss you a lot cuz, promise!” Nakalimutan? HAHA. Pero infairness, hindi pa rin talaga nagbabago tong pinsan ko. She never fails to make me laugh.
“Baliw. Anyway, Miss you a lot din! Promise!” At ayun nga, may yakapan pa kaming nalalaman. Kinuha na nung driver yung mga gamit ko after nun. Sumakay na rin naman kami ng kotse. Sa likod kami nakasakay para maluwag. Sa left si Jamaica at ako sa right.
“Grabe Cuz! Sobrang namiss talaga kita. No joke. Bakit pala badtrip ka?” Kinuwento ko yung nangyari sa ‘kin sa airport sa kanya. At syempre, naasar din siya.
“OMG. Talaga? Wow! Napaka-ungentleman. Kung ako yun, katapusan na ng reproductive system niya.” Natawa na lang kami sa sinabi nya. Ayos talaga tong Cuz ko. Wala na agad ung pagkabadtrip ko.
Nagkwentuhan lang kami buong ride hanggang sa may tumunog bigla na cp. Kay manong driver pala, kala ko sa akin. Ang feeling ko talaga. HAHA. Speaking of cp. Kinapa ko yung bulsa ko nun para tignan yung akin. Sheet. Di ko napulot sa airport.
Oo. Ako na ang sagot sa ‘define stupid.’ Oh well, sa ‘define pretty’ din naman eh. HAHA. Kapal ko, sheet.
Since malayo-layo na rin kami sa airport, hindi na ko nag-abalang balikan pa. Pagod na ko eh. Bibili na lang ako ng bago.
Pagkatapos ng mahigit dalawang oras na tulog ay nakauwi na kami ng bahay. Grabe nga eh. Namiss ko to sobra. Sarap ng feeling. Umakyat na ko ng kwarto ko nun para magbihis. Nagpahinga lang ako sandali tapos tinawag na ako Jamaica para mag-dinner.
Sheet. Ang daming food. May banner pa na may nakasulat na:
“WB Tiffany Fontanilla. WMY. WLY. =)))” Aww. I love these people. Di tulad ni Dad sa US. God, ayoko muna siyang maalala.
“Thanks kahit tinamad kayong buo-in yung message.” Sabi ko pag-upo ko sa upuan.
“Worry no more lil sistah. Everything for you. Anyways, eat us already. ” Sabi ni Ate Pinka, maid namin. Bakla siya pero wag ka, nagmajor daw siya sa English Language. Well, sabi niya lang naman yun. Um-oo lang kami. HAHA.
“So Tiff, Musta na heart mo?” sabi ni Tito Ric, daddy ni Jamaica.
“I’m fine naman na Tito Ric, successful po yung operation.” kumuha ako ng food.
Ever since kasi bata ako, may cardiopathy na ako. Ano yun? Heart disease. Pinapa-nosebleed ko lang kayo. HAHA. To be exact, Ischaemic Heart Disease or IHD. Pakigoogle na lang para wag nang humaba ang explanation na to. HAHA. Basta magaling na ko or at least for a year na.
“San po pala si Tita Rita?” tanong ko kay Tito Ric dahil di ko pa nakikita.
“Nasa Tagaytay. May reunion with friends. Tom pa balik. Excited ka kasi umuwe eh.” Sagot ni Tito Ric. Natawa naman ako. Kulet talaga neto.
“Hala dad, baka magkita sila ng EX niya dun.” Sabi ni Jamaica na parang nag-aalala kunwari. Gawan ba ng issue yung mommy niya? Mana din to sa dad niya eh. HAHA.
“Okay lang. True love trusts naman eh. Diba Pinka?” Napatingin kami kay Ate Pinka nun na lumalamon na parang nadeprived sa pagkain since birth.
“Indefinitely!” Punong puno yung bibig niya ng food nung sumagot siya. Nabulunan tuloy ang bakla kaya natawa kaming lahat.
Kinuha agad ni Tito Ric yung pitchel at naglagay ng tubig sa baso. Akala ko nga ibibigay niya kay Ate Pinka kaya natawa ako nung siya yung uminom.
“Nakakauhaw talaga tong rice.” Sabi ni Tito Ric kahit wala naman siyang rice na kinakain. HAHA. Ang gagu.
Tapos nun, naglagay ulit siya ng tubig sa baso. Nag-gesture siya na iinumin niya ulit yung tubig kaya lumapit si Ate Pinka at inagaw yung baso sa kanya. Natapon tuloy yung tubig kaya kinuha agad ni Ate Pinka yung pitchel.
Nung lalagyan na niya yung baso, natawa ako lalo dahil wala ng laman. No choice tuloy siyang tumakbo papunta sa ref. HAHA. Grabe. Di na ko makahinga kakatawa. Kaya sobrang na-miss ko to eh.
“You are so devil, Sir Ric! You wanna saw me dead right here?” sabi ni Ate Pinka pagbalik niya. Tinawanan lang naman siya ni Tito Ric. HAHA. Kulet talaga neto. May plano pa atang patayin si Ate Pinka eh. HAHA.
Nakitawa lang din si Ate Pinka nun. Takot niya lang maging baklang tambay. HAHA. Saka ang lupet niya ha, may alam sa love. Ako nga wala eh.Oo na. Ako na virgin sa love. HAHA. Kayo ba? Di na kayo virgin no? HAHA. Pero seriously guys,
Ano ba feeling ng true love na yan?