Chapter 37
[He's back]Ashley's POVSinundo ako ni Zyrene para sabay kaming pumasok sa University. Sa totoo nga lang, hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung magiging reaction ko kapag nakita ko siya ulit.

What if, may maganda siyang reason kung bakit niya ako iniwan ng walang pasabi? What if, sabihin niyang mahal pa rin niya ako hanggang ngayon?
Babalikan ba siya nitong puso ko? O hindi, dahil alam kong worth it yung taong pumalit sa position niya nung mga oras na hinahanap-hanap ko siya?
"Ash, nandito na tayo." Sabi ni Zyrene na may pagka-cold yung boses.
"Di ba, sabi ko sayo wag ka ng mag-alala? Nakapag-move on na ako sa kaniya."Nginitian ko lang naman siya habang siya tumango lang saka kami lumabas ng kotse niya. Pagpasok namin ng University, sobrang gulo at dami ng tao na nagkukumpol-kumpol sa isang place.
Nagulat naman kami nung pagdaan namin nakatitig sila sa amin na parang nagtataka. Teka, oo nga naman. Imbis na si Alexei kasi na boyfriend ko, si Zyrene ang kasama ko ngayon. Wala na akong pake kung isipin nilang flirt ako, basta ayoko lang makita si Alexei.
"Gusto mo bang pumunta na ako sa building namin o ihatid muna kita?""Wag na, hindi naman na ako bata. Kaya ko na yung sarili ko."Pagdating na pagdating ko ng classroom, yung ingay biglang nagturn into an awkward silence. Siguro nga kumalat na sa buong campus na iniwan ako ng napakagaling kong boyfriend.
"Ash, alam mo na ba?" Tanong sa akin ni Cass paglapit niya sakin.
"Yung ano?""Yung.. a-ano. Ah, wala.""Na babalik na si Alexei? Oo naman! Magpapahuli ba ako sa balita?" Sabi ko ng patawa-tawa kunwari.
Ti-nap lang naman ni Cass yung likod ko saka ako naghanap ng empty seat. After 15 minutes, dumating na rin yung prof namin. Kasabay rin ng pagpasok ng prof namin si Alexei na naupo sa iisang empty seat sa tabi ko.
"Pag trip ka nga naman ni pareng destiny oh." Bulong ko sa sarili ko.
Buong first subject, nagdodoodle lang ako sa likod ng notebook ko. Sobrang nakakailang na ewan sa pakiramdam. Kung katabi mo ba naman yung lalaking mahal mo na iniwan ka na hindi mo alam kung mahal mo pa rin hanggang ngayon.

Eto pa, alam niyo ba yung feeling na may parang may nakatingin sa inyo? Yun bang kita sa peripheral vision kaya mas sobrang nakakailang? Ayun kasi yung feeling ko. O sadyang feelingera lang ako na nakatingin si Alexei sa akin?

Mabilis namang lumipas yung oras tapos uwian na namin. Half day lang naman kami kasi first meeting pa lang, next time na lang daw ang discussion. Pag tamad nga naman ang Prof.

Nung uwian, inintay ko lang si Zyrene sa isang bench sa school namin. Nagpresinta kasi si Zy na maghatid sa akin. Um-oo lang naman ako kasi alam kong hindi siya magpapatalo. Habang iniintay ko siya, may nakita akong familiar na mukha.
Mukhang kahit kailanman ay hindi maalis sa aking isipan.Pumunta sila dun sa ilalim ng puno sa parang garden tapos medyo malayo sa bench na inuupuan ko. Pero kahit medyo malayo, kitang-kita ko pa rin sila. Siya kasama si Fionna.

Nagulat na lang ako nung biglang lumapit yung mukha nila sa isa't isa. Hindi ko alam kung paano naging sila habang wala ako. Kung bakit ganito sila sa isa't isa kahit ako pa rin ang girlfriend. Hanggang sa nagdikit yung mga labi nila na ikinaguho ng mundo ko.
Walang tigil na tumulo yung mga luha ko nang biglang may nagtakip ng mga mata ko saka ako hinarap sa kaniya sabay yakap.
"Kahit kailan talaga, *sobs* savior kita.""Sorry, sorry, sorry. Sorry Ash, patawarin mo ko.""Bakit naman? Para kang sira, dapat nga ako yung magsorry kasi sabi ko nakamove-on na ako pero in the end, apektadong-apektado pa rin ako." Tinakpan niya naman yung labi ko gamit yung index finger niya.
"Sorry kasi hinayaan na naman kitang umiyak nang dahil sa gag0ng yun."
Hello! Sa wakas at nagkaroon na rin ako ng update!
PLEASE LIKE THIS PAGE, THANK YOU!