Chapter 1
Issa’s POV“Si Josh? Grabe ang galing nya kumiss!”“Really?! Eh paano mo alam?”“Duh! We hung out last night. He’s really sweet and grabe, sobrang gwapo!”“Huy, ano ka ba. Eh diba may girlfriend yun?”“So? I don’t mind sharing.” Hindi yan ang Josh ko. He wouldn’t do that to me.
Listen to yourself. Nasa harap mo na, hindi mo pa makita. Bulag ka ba o sadyang tanga?
Shut up.
“Isay, balita?”“Uy Carlo, wala naman. Musta na? Long time no see ah?”“Kaw kasi eh, lumayo ka. Eto, okay naman. Ano, break na ba kayo ni Josh?”“Ano ka ba, mag knock on wood ka!”Tumawa lang siya nun tapos tinabihan nya ko. Si Carlo ang pinakaunang naging best friend ko. Medyo lumayo ako sa kanya kasi pinagseselosan siya ni Josh.
*TEET TEET*
“Duty calls.”Napasimangot ako nun. Namimiss ko na si Carlo eh. Naglakad na ako papuntang gym namin. Varsity kasi si Josh ng basketball kaya madalas nasa gym siya.
“Hi babe.”“YIHEEEEE! ANG SWEET!”Hinila ako ni Josh nun sa tabi tapos umupo kami.
“Grabe ka naman eh. Nakakahiya sa teammates ko. Masabihan pa akong cheesy. Ikaw talaga minsan hindi ka nag-iisip.”Tinry kong hindi masaktan dun sa sinabi nya pero hindi ko magawa. Grabe eh, feeling ko kinakahiya nya ako.
Ano ka ba naman Issa! Sa tagal niyo nang kayo ikakahiya ka pa nya? Baliw ka ba?
Baliw ka talaga kasi hindi mo pa hinihiwalayan yang gagong yan.Shut up.
“Sorry, alam mo naman na hanggang ngayon hindi ko parin masabi ng harapan yung name mo eh diba. I Explained it to you before diba?”Oo, hindi ko masabi ng harapan sa kanya yung pangalan nya kasi kinikilig ako ng sobra. Parang there’s something in his name na hindi ko kayang sabihin. That’s how he affects me so much. Just his name sends me to heaven.
“Ano ba yan Issa, para ka namang bata eh. Bilhan mo na nga lang ako ng tubig. Oh, saka isang gatorade.”Inabot nya sakin yung money tapos nun tumakbo na siya palapit sa mga teammates nya.
Bumaba naman ako, being a good girlfriend, at binili yung mga kelangan nya.
“Nakita ko si Josh kagabi ah, may bagong kasamang girl na naman. Nakakaawa talaga si ate I---”“Ano ka ba! Andiyan lang siya oh!”Hindi ko sila nililingon. Ayoko kasing makita na kinaaawaan nila ako. Hindi nila ako kelangan kaawaan kasi sure ako, mahal ako ni Josh at hindi nya ako lolokohin.
Sigurado ka ba talaga diyan?Habang hinihintay kong matapos yung practice ni Josh eh pumunta muna ako ng library. Nagbasa basa lang ako dun ng mga pocketbooks. Nakakatuwa nga eh, ang gaganda kasi.
Feel na feel ko yung pagbabasa ko kasi may kasamang music pa. Habit ko na kasi yun na makinig sa ipod ko habang nagbabasa. It helps me relax.
Nakaramdam ako ng parang may iba pang tao sa lib nun kaya napaangat yung ulo ko. Nagulat ako may isang lalaking maputi na tumigil sa harap ko. Gwapo siya, as in. Pero mas gwapo parin si Josh. Wala na yatang tatalo sa kagwapuhan ni Josh eh.
Tinignan ko lang siya, tinignan rin nya ako. Nagkatinginan lang kami for almost 5 minutes bago gumalaw yung mapupulang labi nya.
Grabe Issa! Ano ba yang pinag-iisip mo!
Hindi ko mabasa sa labi nya yung mga sinabi nya kaya tinanggal ko yung isang earphone ko.
“---kouii desu ne.” Teka, ano daw?
“Ha?”“Nothing. See you around.” Tapos nginitian nya ako. Yung ngiti na, nakakakuha sa loob ng maraming kababaihan. Parang siya yung napapanaginipang prince charming ng lahat.
Except mine.
*TEET TEET*
Ayan na, ang totoong prince charming ko.
Sender: Babe
Message:
Uwi ka na. May pupuntahan
Pa pala ako.Ay, ganun.
Napahinga ako ng malalim nun tapos naghanda narin akong umuwi.
“Oh anak, bakit hindi ka hinatid ni Josh ngayon?”“Ma, na-extend po kasi yung practice nya. EH ayaw naman po nya ako na mag stay ng matagal dun kasi masyado na daw pong late matatapos.”“Ah ganun ba? Ang bait bait talaga ng batang yan ano?”Tumango nalang ako nun tapos dumiretso ako sa kwarto ko. Nilabas ko yung diary ko nun tapos nagsimula akong magsulat.
Dear Diary,
Marami na naman akong naririnig na tao na nagsasabi ng masama tungkol kay Josh. Nakakainis na nga eh, pero di bale, hindi ako makikinig sa mga pinagsasabi nila. Ang paniniwalaan ko lang si Josh. Ganun naman yung love diba?
Ang saya ko kanina nung nakita ko si Josh. Tinawag ko siyang babe pero medyo nainis siya. Naiintindihan ko naman kasi alam kong nahihiya siya sa teammates nya pero hindi ko mapigilang masaktan. 3 years na kami, diba dapat mas normal nalang sa kanya yun? Ewan, dibale, siguro marami lang siyang iniisip kaya rin nag snap sya ng ganun.
Sayang hindi kami sabay nakauwi. Yayayain ko sana siya kumain sa bagong bukas na yogurt shop malapit dito. Dibale, there’s always next time, right?
Much Love,
Issa.Pagkatapos kong magsulat eh nagcheck na ako sa facebook. May mga friend requests ako nun tapo inaccept ko lang yung mga kakilala ko. Nagulat ako sa isang nag add sakin.
Yue KoshikawaSiya yung lalaki kanina sa library ah. Paano nya kaya nalaman name ko?
Duh Issa, you’re super popular. Huh? Ako? Popular? Talaga?
Pinag-isipan ko talaga kung aadd ko o hahayaan ko nalang. Technically, I don’t really know him so pinakasafe siguro na hayaan ko muna.
Yup, that’s right.
The next day, maaga palang pumasok na ako. Gusto ko kasing mag-iwan ng note sa desk ni Josh. Wala lang, it doesn’t hurt to be sweet once in a while eh, diba?
Pagdating ko sa classroom nya eh sinilip ko kung may tao na. Okay, clear. Dahan dahan akong lumapit sa upuan nya ---- teka, wala ngang tao eh, bakit ako nagdadahan dahan? :|
Naglakad na ako ng maayos nun tapos iniwan ko sa compartment ng desk nya yung sulat ko. Tatanggalin ko na yung kamay ko nun nang biglang may naramdaman ako. Hindi bubblegum, isa pang paper.
Nacurious naman ako kaya binuklat ko.
Hey sweetie,
Thanks for the awesome night. Love and Kisses (which I know you’ll never forget).
FrexiaIt can’t be Josh’s. I’m sure. Hindi nya magagawa sakin to.
Kung sure ka, bakit ka umiiyak?Napaupo ako nun sa sobrang panghihina.
Can I still say that I trust him?

(