Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Want to know the latest about your favorite teen celebs? Check out Candy Buzz



Poll

Which tandem? :)

Ara + Sky!
 Ara + Lux!
Ara + New Guy!
Sam + Sky!
Sam + Lux!
Sam + New Guy!

Author Topic: Memoirs of a Ruthless Heartbreaker 2 - Chapter 9 UPDATED  (Read 20687 times)

sweetrax

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2942
  • Karma: +304/-25
  • Mara
Re: Memoirs of a Ruthless Heartbreaker 2 - Chapter 9 UPDATED
« Reply #285 on: January 05, 2014, 11:41:19 AM »
Chapter Ten: Liar Liar Pants on Fire


 

SAM

 

 

Guni-guni ko lang ba o talagang sinusulyapan niya ako?
 

 Huminga muna ako ng malalim bago pasimpleng sumulyap ulit kay Lux. Gusto ko lang talaga siguraduhin na hindi ako nag-a-ambisyosa lamang. Yun lang talaga. Promise.


 Oh god.

 
 Agad akong nagbawi ng tingin nang magtama ang mga mata namin. I could feel my blood rushing to my cheeks. Holy macaroons. Lux Cabrera was staring at me!

 Si Lux, na isa pang boyfriend ni Ara, ay lihim na sumusulyap sa akin. No joke! Walang halong ka-echosan. Dammit!

 
 Kumaripas ang tibok ng puso ko. Bigla yata sumikip itong van na sinasakyan namin. Nahihirapan akong huminga. Palihim kong kinurot ang sarili ko para masigurado kong hindi ako nananaginip.

 
 Gaaaah!

 

 ”Last na talaga,” sabi ko sa sarili ko bago ako ulit sumulyap kay Lux. However, this time, hindi ko na mabawi ang tingin ko sa kanya. What's the use, eh, nahuli na niya ako? So much for being discreet.

 

 Lux met my gaze full on. Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Clearly, he was amused with what happened. Ako? Eto, nahihiya pero deep inside labis labis na kilig ang nararamdaman ko. Our stare down lasted for a few seconds hanggang sa si Lux na mismo ang nagbawi ng tingin.

 

 Naagaw ng tunog ng cellphone ko ang atensyon ko. The green LED was blinking, indicating a message. Nang mabasa ko kanino galing iyon, hindi ko na napigil ang ngiti ko.

 

 Kainis, kinikilig talaga ako!


 

Quote
LUX
You look pretty when you blush. ;)

 

Quote
SAM
Shut up.  :P

 

Lalong namula ang mga pisngi ko nang marinig ang tawa ni Lux. Okay, hindi na nakakakilig. Medyo nakakahiya na dahil mag-isa lang siyang tumatawa at alam kong ako ang tinatawanan niya. Ugh.

 

“Hey, what's so funny, Lux?” tanong ni Ara. She was sitting on the far left of the van, with Sky in between her and Lux. Pansin kong ang tahimik niya ngayon. Mula nang umalis kami sa bahay nila, wala siyang ibang ginawa kundi sumandal sa balikat ni Sky.

 

“Nothing,” Lux replied na halatang ikinainis ni Ara.

 

I wonder if alam niya yung nangyari sa'min ni Lux two weeks ago...

 

Ah, parang ang tagal na pala. Two weeks. Mula nang mangyari yun, ngayon na lang ulit kami nagkita ni Lux. Kanina sobrang awkward kasi I dont really know how to act around him. We made out pero it doesnt mean something's going on between us. Syempre, this is Lux we're talking about and if we say Lux, we mean Lux AND Ara. Package deal kumbaga. Mahirap mag-assume na he likes me lalo na't silang dalawa pa rin ni Ara. However, from the looks of it, we're cool. Siguro I should act like nothing happened... kahit sa isip ko, the memory of that kiss was still fresh like it's just yesterday.

 

“Manong, daan muna tayo sa pinakamalapit na gas station ha? I need to use the restroom,” paalala ni Sky doon sa driver nila.

 

“Yes sir.”

 

Siguro hindi pa alam ni Ara... kasi if she does, hindi naman nila ako siguro iinvite para sa birthday celebration ni Sky, di ba? I wouldn't be riding in this van going to Batangas kung alam na niya. Kasi for sure, ayaw na akong makita ni Ara pag nangyari yun.

 

Aww, shet, napaparanoid ako. Sigh.

 

As soon as we hit the SLEX, ihininto ng driver ang sasakyan sa unang gas station na nadaanan. Bumaba rin ako to some candies. Medyo nahilo ako sa kakaisip kung anong gagawin ni Ara if ever (if ever lang!) mawala sa kanya si Lux or mag-away sila ni Lux the moment malaman niya na you know... I kissed her boyfriend #2.

 

“Hey there, Miss Beautiful.”


 

“Ay kabayo!” Out of impulse, nahampas ko kung sino man ang bumulong sa tainga ko at umakbay sa akin. I must stay out of drinking three cups of coffee every morning.

 

Nang marinig ko ang pamilyar na tawa na iyon, no doubt, kilala ko na kung sino yun. Wala namang ibang nagpapabilis ng tibok ng puso kung di siya lang eh.

 

“Lux! You know what?”
kunyari ay inis na sabi ko. He just raised his brow on me, telling me to go on. “I hate you. Like super hate you.”

 

“Meeh, you're lying,” he retorted. He's got that smug look on his face. Para bang alam niyang tama siya.

 

And of course he was right. I was lying.

 

 

x

 

 

ARA

 


“What's going on with those two?” tanong ni Ann Margaret, best friend ko, habang tinatanaw ang kung sino man sa labas ng convenience store. I didn’t bother looking as I was busy searching for anything to eat habang nasa biyahe.

 

“Sino naman yan?”

 

“Sino pa, edi si Sam saka yung ex-lover boy mo. In fairness, it took him awhile before maka-move on si Lux sa’yo ha.”


 

At the mere mention of Lux’s name, my head shot up and looked at the direction Ann Margaret was staring at. True enough, there was Sam and my Lux, looking cozy and at ease together. It seems like something was really going on between the two.

 

“Impossible,” I muttered to myself. Totoo naman eh. Lux is mine. For sure, Sam is just one of those girls na ginagamit ni Lux para maitago ang relationship namin. Hindi pwedeng mag-move on si Lux. Akin lang siya. Ako ang mahal niya.

 

“You think may gusto si Sam kay Lux?” tuloy na pagtatanong ni Ann Margaret.

 

“Sino bang hindi magkakagusto kay Lux? He’s the perfect guy,” I said matter-of-factly.

 

Biglang bumaling sa akin si Ann Margaret. Akala mo tinubuan ako ng dalawa pang ulo kung makatingin siya. Nang irapan ko siya ay bigla na lamang siya tumawa. Iyong tipo ng tawa na alam mong may alam at may halong amazement.

 

“Oh, my god. Ara, I can’t believe you.” She looked at me, amazed with whatever thought she had in mind. Lalo lang ako nainis sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

 

“What?!” tanong ko sa kanya tapos ay pinagtaasan ng kilay. Nang hindi niya ako sinagot at mas piniling tawanan ako, I left her and proceeded to the check out counter.

 

Habang inaayos ang mga pinamili, my eyes wandered to where Lux was. Of course, kasama pa rin niya si Sam. From the last time I saw them, hindi naman sila ganito ka-close at kakumportable sa isa’t isa. Maybe something happened between them. Something that Lux failed to tell me…

 

Damn! The thought of Lux keeping secrets from me infuriates me. Iniisip ko pa lang yun, pano kapag nalaman kong totoo nga? Baka makapatay ako ng tao. Ugh. I hate this. I hate this feeling.

 

“Naka-move on ka na ba talaga, Ara?”

 


“What the !@#$, Ann?!” I snapped at her na ikinagulat ni Ann at maging ng mga nasa cashier. !@#$, I’m losing my cool. I took a few deep breaths para kalmahin ang sarili ko. What the hell is happening to me?

 

You feel like Lux is slipping away from you, that’s why.

 

I scolded myself for thinking that way. Of course, that’s not true. Pampalipas oras lang ni Lux si Sam habang hinihintay niya ako. Akin si Lux. Akin. Ako ang mahal ni Lux at hindi si Sam.

 

Pero kapag hindi ka pa nakipagbreak kay Sky as soon as possible, malaki ang possibility na maubos ang pasensya ni Lux at iwan ka.

 

AAAAAAAAHHHHHHHHHH!

 

If only it wouldn’t be weird na sabunutan ang sarili ko right now, baka ginawa ko. Ano ba kasi itong mga naiisip ko? Dapat ay hindi ko na lang inimbita si Sam. God, I don’t feel like I’m myself. Seeing them together drives me crazy.

 

“So, ano nga Ara? Have you moved on from your heartbreak with Lux? It’s been years, girl. Kung makaasta ka ngayon ay parang sa’yo pa rin si Lux. You hate seeing them together, don’t you?”

 

Bumilis ang tibok ng puso ko. Am I that transparent? Or is this Ann Margaret we’re talking about? Having been friends since we were kids sure helped her see through me. Pero alam na nga kaya niya ang totoo? That after three years, I still haven’t gotten over my first love—over Lux? That despite what we said three years ago ay hindi naman talaga kami nag-break?

 

Does she know?

 

“What are you talking about?” I looked at her, acting perplexed at what she just said. Kung alam man niya, fine. But if she doesn’t, well, I couldn’t risk our secret. “Alam mong kami na ni Sky ngayon. Si Sky na ang mahal ko.”

 

“Pero Ara, if I remember it correctly, naging kayo lang dahil nakialam ang parents ni Sky. Kung hindi naman kayo nahuli noon, baka nagkabalikan pa kayo ni Lux. Ganun kayo ka-intense, girl.”

 

I smiled bitterly at her remark. Lahat ng sinabi ni Ann ay totoo. Kung hindi lang talaga kami nahuli noon, baka ako ang kasama ni Lux ngayon instead of Sam. Oh well, we can’t change the past anymore, but all this will end soon.

 

“Whatever, Ann Margaret. Kung anu-ano ang iniisip mo.”

 

Iniwanan ko na siya doon sa counter at naglakad papunta sa van. Agad akong sumakay sa van at naupo sa tabi ni Sky. I hugged Sky as if kayang burahin ng yakap niya ang lahat ng negatibong bagay na iniisip ko ngayon. But sadly, it couldn’t even compare to the feeling of having Lux wrap his arms around me. Kung baga… walang spark. Kahit nang halikan ni Sky ang noo—a gesture I love the most—wala… wala talaga.

 

“Hey, Ann. Okay lang bang palit tayo ng pwesto?” tanong ni Lux pagbalik nila ni Sam sa sasakyan. Nakasakay na si Ann sa last row ng van.

 

“Oh, uhm, sure?”
alanganing sagot ni Ann. Nang magtama ang tingin namin bago siya bumaba ay nagkibit balikat lamang siya.

 

Sa sobrang inis ay mas lalo akong sumiksik kay Sky at pinilit na lamang matulog hanggang sa makarating kami sa beach resort sa Batangas. Pero kahit pala pag-gising ko ay hindi rin maganda ang mabubungaran ko. Pag silip ko sa rear view mirror ay nakita kong nakaakbay si Lux kay Sam habang natutulog sa balikat nito ang babae. Agad na kumunot ang noo ko sa inis.

 

“Hey, babe, okay ka lang? You seem so down,” concerned na tanong ni Sky.

 

“Okay lang ako. I just had a bad dream.” I pecked his lips then rested my head on his shoulder.

 

God, hindi pa man nagsisimula ang overnight stay namin ay gusto ko nang umuwi. Pinilit ko na lang ulit ang sarili ko na makatulog ngunit hindi ko magawa. All I could see was how happy Lux and Sam were. It should’ve been me.

 

BZZT! BZZT!

 

2 new messages.
Kumalas ako sa yakap ni Sky before I swiped the lock button to check kung kanino galing ang mga mensahe.


 
Quote
FROM: LUX
Don’t be mad, Ara. You know I love you, sweetheart.

 

Quote
FROM: LUX
I love you. I love you. I love you. Smile for me?

 

And indeed, I managed to smile… Ngunit agad ding nawala iyon nang mabasa ko ang bagong text na natanggap ko.

 

Quote
FROM: ANN MARGARET
You know I’m right, Ara. Save yourself from the mess you’ve created. ;)

 

!@#$. !@#$. !@#$. I’m so close to freaking out.

 
Quote
FROM: ARA
I don’t know what you’re talking about.

 

Quote
FROM: ANN MARGARET
You still love Lux.

 

Quote
FROM: ARA
I don’t. I love Sky and we’re getting married.

 

Quote
FROM: ANN MARGARET
Liar liar, pants on fire. :P

 

And of course she was right. I was lying.



amberry

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 1
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: Memoirs of a Ruthless Heartbreaker 2 - Chapter 9 UPDATED
« Reply #286 on: January 05, 2014, 06:29:20 PM »
Ang ganda po niya. Start palang pero ang ganda na!
 :D :D :D :D :D ;D ;D ;D :) :-*

iamMsK

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 5
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: Memoirs of a Ruthless Heartbreaker 2 - Chapter 9 UPDATED
« Reply #287 on: January 10, 2014, 11:04:24 PM »
Eto na nga baaa. First story na nabasa ko dito sa candy mag  :-*

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Happiness in a Coke Bottle

by: guest, 2014-08-01

We’ve heard about it, we’ve seen the videos and we’ve wanted to get our hands on our very own Coke bottle ever since. After years of waiting, Coca-Cola has finally brought the Share-a-Coke...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved