Teentalk

Author Topic: LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!  (Read 15514 times)

elliedelights

  • jellybean
  • **
  • Posts: 242
  • Karma: +9/-8
  • A poet at ♥ & a crazy writer by choice.
    • ELLIEDELIGHTS OFFICIAL WEB SITE
LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!
« on: November 12, 2010, 09:14:03 pm »
LOVE-NAT
isang makulit na lovestory!!

by: elliedelights

romance ▌ humor ▌ friendship ▌

RATED K sa KAKULITAN!!!

LINKS

  LOVE-NAT COMPILATION
~Compiled na ang Love-nat chapters sa site na ito,
so you don't need to browse every page here.

  FACEBOOK ACCOUNT

  LOVE-NAT CHARACTERS
~Here is where you can find the pictures of the Casts
& other things related with the story.



Teaser.
(excerpt from Chapter)

He pressed me against the wall. He was dripping wet and I could see the beads of water running from his face down to his chest. He looked like a god who suddenly decided to set foot on earth. Sweet Jesus! Ano pa bang hahangarin ko?? This irritating guy who looked like some Greek god was only clad with a piece of towel... and his face was moving closer against mine.

Hinga Eleonor!! Hinga!!

"I can't believe this." He scoffed. "You are falling in love with me!" he said with an evil smirk plastered all over his god-like face.

Alam kong nangaasar lang siya, but my face wouldn't stop from blushing nor my heart couldn't stop from beating wild.

THERE IS NO WAY IN HELL...

NO WAY AT ALL...

THAT AN ELEONOR MALICSI DIMACULANGAN COULD FALL IN  LOVE WITH THIS LOATHSOME GUY!!!

Mapanot man ng tuluyan si P-noy!!! Tumangkad man lahat ng unano sa mundo!! Kahit manganak pa ng baboy ang manok!!!




WHAT HE SAID,


COULD NEVER EVER HAPPEN!!


© ELLIEDELIGHTS. 2010.



—————————————————————

NAVIGATION

oo. ●  o1. o2. o3.04.
 ● 05-1.05-2.06.07.08.
o9.10-1.10-2.11.12-1.
12-2.12-3.12-4.13.14.
15.16.17-1.17-2.18.
19.20.21.22.23.
24.25-1.25-2.25-3.

—————————————————————



Quote

Keep checking this FIRST POST for updates & announcements. Thanks.
« Last Edit: January 02, 2012, 08:17:46 pm by elliedelights »

elliedelights

  • jellybean
  • **
  • Posts: 242
  • Karma: +9/-8
  • A poet at ♥ & a crazy writer by choice.
    • ELLIEDELIGHTS OFFICIAL WEB SITE
Re: LOVE-NAT -- isang makulit na lovestory!! ♥
« Reply #1 on: November 12, 2010, 09:43:14 pm »
INTRO. Potchi is the Word.

Hindi biro ang buhay college. Hindi biro ang umupo ng walong oras sa loob ng classroom at magmuni-muni at magkunwaring nakikinig sa mga propesor. Hindi biro ang tuition fee na binabayaran ng mga magulang ko pang-kolehiyo ko. At higit sa lahat, hindi biro ang kumopya sa accounting quiz na siyang sinasagutan ko ngayon! Bawat numero, bawat puntos, MAHALAGA!

Kaya nga dito sa kursong nakuha ko - B.S. Accounting - tatlong bagay lang naman ang kinakailangan mo para mabuhay:

1.) calculator
2.) mga butihing KABARKADA na handang ibigay sayo ang sagot kahit sa ANO pang paraan!! Be creative!!
3.) and last but not the least, a pair of trained EYES para makita ang mga sagot kahit gaano pa ito kalayo!!!

Kung wala ka ni-isa sa mga ito. Ha. Good-bye!! Ika nga nila, "No man is an island!" At sinasabi ko na, take it from someone na nabuhay at nakaabot na ng 4th year dahil sa tatlong bagay na toh. Hinding-hindi ka tatagal sa kolehiyong ito kapag nagiisa ka lang!! Pero minsan talaga hindi maiiwasang magkalimutan... kaya't kinakailangan ko pang sipain ang upuan ng bestfriend kong si Borge na nasa harapan ko.

Si Borge nga pala ay isang babaeng nabuhay sa future. Isa siyang loka-lokang babae. Haha. Gets niyo naman na siguro yun! Chaka ko na i-explain ng maayos, busy pa ko sa pangongopya nuh!!!

So ayun na nga...nakuha na ni Borge ang malupet kong signal at bigla na siyang pumindot ng calculator niya. Tumingin muna ko kay prof. Area's clear! Sumimpleng tingin na ko sa calculator ni Borge. Una niyang tinaype e 1. Ibig sabihin question number 1. Tapos sumunod ee 950,000 na siyang sagot sa nasabing numero at dire-diretso na ang ritual naming dalwa. Itatype muna niya yung question number tapos yung mismong sagot!

Oh diba? Creative? Anong say niyo? Naisip ba yang gawin ni Einstein nun? Kahit nga si Newton o kahit sino pang genius yan... walang magagawa sa iba't ibang style namin ni Borge sa pangongopya!! haha. On with the story... baka naman isipin niyo B.I. na kami niyan.

Naku aa, hindi naman namin gawain ito. Medyo medyo lang. Basta kami ni Borge ang pagtatabihin niyo, asahan niyo na... asahan niyong wala kaming gagawing matino. haha. Saming limang magbabarkada kami talaga kasi ni Borge ang pinaka TANDEM, for short pinaka gagu at pasaway. Sa totoo lang, inseparable kami nitong si Borge.

Hindi niyo na itatanong. Meron akong reputasyong iniingatan dito sa Matute University... lagi kasi akong napagkakamalang tomboy tapos ganto pa ko umasta, lalo na at ganto pa itsura ko - short hair (boy cut) at ni walang kaarte-arte sa katawan. Ultimo bag ko, pang lalaki - bag pack.

Pagkatapos kong masagutan ang last na number, pinasa ko ng agad ang papel ko. Wala ng re-check re-check. Ee para san pa yun? Wala nga akong masagutan.

Prof: Oh, Ms. Dimaculangan mukang aral na aral ka ngayon aa?

Syempre ngumiti na lang ako. Hindi niya alam na ang lubos kong pinagaaralan kagabi ay kung ano seating arrangement namin nitong sila Borge at kung anong pinaka madaling paraan para makakopya!! haha.

At sa wakas... natapos na din ang linchak na quiz!! Ang hirap talagang mangopya!!! Bukod sa nakakapagod ee talaga namang nakakagutom... kaya naman pagkatapos na pagkatapos ee dumiretso na kaming lima sa McDo.

Borge: Hoy Ellie! Ano nakuha mo bang lahat kanina?

Siya nga pala ang pangalan ko ay Eleonor Malicsi Dimaculangan, Ellie na lang for short. I'm 19 years old taking up BS Accountancy sa Matute University of the Philippines.

Ako: Malamang. Gagu ka talaga ee. Kung di pa kita sisipain ee di mo pa ibibigay saken sagot ee malapit ng mag-time.

Borge: Lul. Masyado kang excited ee hindi ko pa tapos kunin sagot dito ke Sara.

Ako: Sigurado ba mga sagot naten?

Sara: Oo. Sigurado yun. Siguradong babagsak tayong lahat!!!

Ako: haha. Anakshota!!!

Jill: Magbagong buhay na nga kasi kayo!!

Meg: Asa ka jan ke Ellie at Borge!!

Borge: Oh, tae ako nanaman dadamay niyo! 'to ngang si Ellie malakas mangopya ee. Ewan ko ba jan, wala na ngang pinoproblema sa buhay hindi na lang mag-aral.

Ito ang usual scenario namin tuwing lunch pagtapos ng accounting period. Asaran. Kwentuhan. Tipikal na lunch break ng mga magbabarkada. Wag kayong magalala makikilala niyo rin ng lubusan ang mga loka-lokang 'toh sa mga susunod pang kabanata dahil ngayon umaatake nanaman ang sakit ko.

Ako: Sheet!!

Jill: [/color] Bakit?

Borge: Ano yun?

Ako: Tae!!!

Borge: Huh? Asan?

Sara: Kumakain kami diba?

Ako: Gagu. Na-popotchi ako!! Peram wet wipes!!! Dali!!!

Borge: hahaha. Anakshota ka talaga Ellie!! Alam mo minsan... ikapapahamak mo yang pag-potchi mong yan!!! Pigilan mo na yan!! Time na oh, may class pa tayo!!

Hindi ko naman aakalain na magkakatotoo ang sinabing 'to ni Borge. Sino ba naman magaakalang ikapapahamak ko ang pag-potchi kong ito??? Hindi man lang pumasok sa isip ko na kahit papano - kahit minsan - may sense din pala ang sinasabi niya. Minsan nga... iniisip ko... na sana pala... kung nakinig lang ako sa kanya nun... kung sana... pinigil ko na ang tiyan ko... siguro... siguro nga... hindi mangyayari ang dapat na mangyari... hindi mauuwi sa ganito ang lahat... ee di sana tahimik pa din sana ang takbo ng buhay ko... ee di sana... hindi ko na nakilala ang lalaking yun!!!!


To be continued...


Ano kayang kamalasang naghihintay kay Eleonor Malicsi Dimaculangan??

NOTE:
1. Matute University of the Philippines ~ does not exist!! Imbento ko lang po ito.
2. Potchi ~ it means, pupu. Pina-sosyal na nata-tae.
« Last Edit: November 15, 2010, 08:18:24 pm by elliedelights »

thecagedDOLL

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1625
  • Karma: +308/-275
    • Off~Line Forum.
Re: LOVE-NAT -- isang makulit na lovestory!! ♥
« Reply #2 on: November 12, 2010, 09:52:29 pm »
Ang ganda! Na aliw ako dito! :)

 

VISIT MY BLOG. (o)__(o)

LIKE MY PAGE

Sino nga ba ang manhid?
Ako o ikaw? </3

raice03

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 13214
  • Karma: +616/-51
  • I am raice03 and I am Inevitable.
    • Twitter
Re: LOVE-NAT -- isang makulit na lovestory!! ♥
« Reply #3 on: November 12, 2010, 10:04:20 pm »
Hahaha. Nakakatuwa naman ang story na 'to. New reader here! Rachelle nga pala. :)

elliedelights

  • jellybean
  • **
  • Posts: 242
  • Karma: +9/-8
  • A poet at ♥ & a crazy writer by choice.
    • ELLIEDELIGHTS OFFICIAL WEB SITE
Re: LOVE-NAT -- isang makulit na lovestory!! ♥
« Reply #4 on: November 12, 2010, 10:13:08 pm »
Yikes!!  ;D First story ko ito dito... and I'm glad na nagustuhan niyo. Thank you so much thecagedDOLL and Rachelle;D

yanyan7192

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4759
  • Karma: +330/-74
  • Hate, haters.
    • Formspring
Re: LOVE-NAT -- isang makulit na lovestory!! ♥
« Reply #5 on: November 12, 2010, 10:15:35 pm »
Ako din susuporta! Yanyan nga pala!

elliedelights

  • jellybean
  • **
  • Posts: 242
  • Karma: +9/-8
  • A poet at ♥ & a crazy writer by choice.
    • ELLIEDELIGHTS OFFICIAL WEB SITE
Re: LOVE-NAT -- isang makulit na lovestory!! ♥
« Reply #6 on: November 12, 2010, 11:02:47 pm »
Salamat Yanyan.  ;D

janee_bravo

  • jellybean
  • **
  • Posts: 132
  • Karma: +33/-1
Re: LOVE-NAT -- isang makulit na lovestory!! ♥
« Reply #7 on: November 12, 2010, 11:20:57 pm »
Makulit nga siya!  :D
Kaya dapat lang itong basahin ng mga tulad kong makulit.  8)
Jane here! I will support your story po.  :)

thecagedDOLL

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1625
  • Karma: +308/-275
    • Off~Line Forum.
Re: LOVE-NAT -- isang makulit na lovestory!! ♥
« Reply #8 on: November 12, 2010, 11:26:24 pm »
Ay, no problemo dear. Type ko ang story mo. :) Salamat nga pala sa pagsupporta nung akin. :)

 

VISIT MY BLOG. (o)__(o)

LIKE MY PAGE

Sino nga ba ang manhid?
Ako o ikaw? </3

iamkitkatjoy

  • Guest
Re:
« Reply #9 on: November 12, 2010, 11:33:45 pm »
Hellooo! Nakakatuwa nga naman, una palang patok na! O0
Naalala ko mga kabarkada ko nung highschool at kopyahan moves din namin. Haha. :D
JoyJoy nga pala, new reader.ü

elliedelights

  • jellybean
  • **
  • Posts: 242
  • Karma: +9/-8
  • A poet at ♥ & a crazy writer by choice.
    • ELLIEDELIGHTS OFFICIAL WEB SITE
Re: LOVE-NAT -- isang makulit na lovestory!! ♥
« Reply #10 on: November 13, 2010, 06:00:58 pm »
SALAMAT SALAMAT!!!  ;D

elliedelights

  • jellybean
  • **
  • Posts: 242
  • Karma: +9/-8
  • A poet at ♥ & a crazy writer by choice.
    • ELLIEDELIGHTS OFFICIAL WEB SITE
Re: LOVE-NAT -- ♥ CHAPTER 1 is up!!! ♥
« Reply #11 on: November 13, 2010, 07:17:38 pm »
o1. Boys' CR

Minsan talaga... may mga simpleng pangyayari sa buhay natin na kahit kelan hindi natin ineexpect na makakapag pabago ng takbo ng buhay natin. Simpleng pangyayari lang.

A simple encounter that could make your whole world turn upside down.

Who would have thought that something so typical, so ordinary could change your life forever?


Haii... bakit kasi walang manual ang buhay ng tao? Ee di sana naman nalaman ko na beforehand para naka pag-prepare ako sa mga susunod na mangayayari - lalo na ngayon!!

Naku, tama na nga sa mga mala- Edgar Allan Poe ko na introduction... haha.   ;D

Going back to where we've left off... Since time na nga at may next class pa kami sa Law pinauna ko na sila Borge, Sara, Meg at Jill sa room. Naku, strict ang propesor namin dun kaya walang magtangkang magpa-late. Malamang abogada kasi. Pero wala naman akong magagawa diba? Hindi naman pwedeng pigilan ko na lang ang tawag ng kalikasan.

Ganto talaga ang tiyan ko, masyadong maselan. Walang araw na ginawa ang Diyos na hindi ako nag-cCR sa school. Dalwang bagay lang naman ang kinakailangan ko para mabuhay sa mundong ibabaw: wet wipes o kea tissue at syempre matinding pabango. Kaya naman si Sara ang masugid kong sponsor dahil sakanya lahat ang gagamitin ko.

Ngunit, subalit, datapwat!!! Pagdating ko sa girls' CR, ang mga katagang "CLEANING TIME" ang siyang bumungad sa aken. Naka-lock ang pinto at napatingin ako sa aking relos. Oo nga pala saktong 1:20 naglilinis si ate janitor dito. Sh**t!!! Aruy ku pu!!! Lalabas na 'toh... malamig na pawis na ang tumatagaktak saken at nagsisitaasan na ang dulo ng mga buhok ko sa braso.  :-\

Diyos ko po Lord, pinapangako ko hinding-hindi na ko mangongopya... wag niyo lang ako parusahan ng ganito!!!! Hindi ko na talaga kakayanin toh!!!! Magpapakabait na ko... magiging mabuti na kong istudyante, anak, ate at mamamayang Pilipino...  :-\ :-\

Buti na lang at narinig ni Lord ang mga panalangin ko, paglingon ko sa kaliwa nakita kong bukas ang CR ng BOYS!!

I love you Lord!! Pramis, minsan minsan na lang talaga ko kukopya at susubukan ko sa abot ng aking makakayang magpakabait!!! hehe... sabay bawi ano?

Hindi man sa pagmamayabang ano, pero kasi lahat na ata ng CR dito sa buong Matute University of the Philippines ee nabinyagan ko na!! Name it, at siguradong na-potchian ko na yun pero ngayon lang... as in NGAYON lang... sa tanan ng buhay ko... ngayon ko lang 'toh gagawin... ang pumotchi sa boys' CR.

Tinignan ko muna ang hallway... walang tao... chaka ako sumilip sa loob ng boys' cr... wala ding kalalakihan. YAHOO!!! Kaya naman, dali-dali akong pumasok at ni-lock ko mismo ang entrance door!! Diyos ko Lord, alam kong trespassing toh pero sana naman maunawaan niyo... para sa tiyan at sa ikabubuti ng sambayanan... pagbigyan niyo na ko!!!

Pinatong ko lahat ng gamit ko sa may sink, kinuha ang wet wipes at pabango at pumasok sa cubicle.

Haiii... nakaraos din!!!! Salamat!!!

Mga ilang minuto na ang nakakalipas... at nagco-concentrate pa din ako... haii... pag biniyayaan ka nga naman ng gantong tiyan oh... maya-maya bigla ko naisip na sobrang tahimik ng kapaligiran... at naalala ko ang horror story na kumakalat sa unibersidad... meron daw nag-suicide na istudyante dito mismo sa CR ng boys at ayon pa nga daw sa sabi-sabi kapag kumanta ka dito sa CR ee merong magtutuloy ng kanta mo... bigla-bigla akong kinabahan... pano kung biglang may pugot na ulong lumabas sa ilalim ng cubicle? O kaya pano kung may kamay na humaltak sa paa ko? Biglang nawala ang hilab ng tiyan ko at napalitan ito ng mabilis na tibok ng puso ko... tama bang takutin ang sarili???

Ako: Easy ka lang Ellie... easy ka lang...

Bakit nga ba ko natatakot? Hindi naman totoo yun!! Kwento-kwento lang yun!!! Kaya naman naisip kong gawin ang imposible... sige, kakanta ako... tignan naten kung ano mangyayari!!!!

Ako:Cause I Don't Care eh eh eh eh eh.. I Don't Care eh eh eh eh eh Boy I Don't Care...

Hinihintay kong may mag tuloy ng kanta ko. Pero ang sumunod ay total silence. Malamang, napaka ambisyosong multo naman nun kung pati ang K-pop na kanta ng 2ne1 ee alam niya diba?

Perrroooo... kung bakit ako namutla at halos tumalon na palabas ang puso ko sa takot ay sa kadahilanan na biglang may nagtuloy na kanta ko...   :o

Boses:Dareun yeojadeurui darireul humchyeoboneun// Niga neomuneomu hansimhae// Maeil ppaenonneun keopeulling// Na mollae han sogaeting// Deoisang motchameulgeotgata// Oh oh oh

SBAM!!!

Despite the fact na takot na takot na ako nakuha ko pa din maglinis kahit na gusto ko ng tumakbo palabas! Pero pang-Guinness Book of Record talaga ang ginawa ko sa bilis kong nagpack up at lumabas ng cubicle... hindi ko na din nakuhang magamit ang pabangong pinahiram saken ni Sara... wala na kong pakialam... hindi ko pinangarap na maging biktima ni Sadako nuh!!!

Pero pagbukas ko ng pinto ng cubicle nanlaki lalo ang mga mata ko dahil hindi ko ineexpect na ang bubungad saken ay isang GWAPONG MULTO... ayun siya... oo ayun... nakaharap sa salamin at nakangiti na para bang naaaliw... pero kahit gaano pa siya kagwapo o kahit kamukha pa siya ni Brad Pit o Leonardo De Caprio o kahit siya pa si John Lloyd Cruz o Derek Ramsey... nakuuu hindi napigil ng ka-gwapuhan niya ang tindig ng balahibo ko sa TAKOT!!! Dali-dali ko ng hinablot ang bag ko at tumakbo palabas ng CR.



To be continued...

Magkita-kita ulit tayo sa susunod na kabanata... hahaha... patikim pa lang yan para sa intro ng prince charming ni Ellie... sana na-ENJOY kayo sa chap na 'toh... please read and review... See you all next time. Ciao!!!

●  LOVE-NAT OFFICIAL WEBSITE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌

« Last Edit: November 13, 2010, 07:34:50 pm by elliedelights »

raice03

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 13214
  • Karma: +616/-51
  • I am raice03 and I am Inevitable.
    • Twitter
Re: LOVE-NAT -- ♥ CHAPTER 1 is up!!! ♥
« Reply #12 on: November 13, 2010, 07:24:57 pm »
HAHAHAHAHA. Potek. Ang benta! Grabeng call of nature ang naganap e. :D Pero mas malupit si kuya! In fairness alam niya ang lyrics ng I Don't Care. Hahahaha. ;D Nice update sis! O0

elliedelights

  • jellybean
  • **
  • Posts: 242
  • Karma: +9/-8
  • A poet at ♥ & a crazy writer by choice.
    • ELLIEDELIGHTS OFFICIAL WEB SITE
Re: LOVE-NAT -- ♥ CHAPTER 1 -- BOY'S CR!!! ♥
« Reply #13 on: November 14, 2010, 03:00:07 am »
Awww.. haha... salamat, salamat!!!  ;D Tawang-tawa nga ako nung sinusulat ko tong chapter na toh ee.  :P



●  LOVE-NAT OFFICIAL WEBSITE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌

janee_bravo

  • jellybean
  • **
  • Posts: 132
  • Karma: +33/-1
Re: LOVE-NAT -- ♥ CHAPTER 1 -- BOY'S CR!!! ♥
« Reply #14 on: November 14, 2010, 08:33:59 am »
Nosebleed ako dun sa continuation ni guy ah.  :D
Baligtad kami ni Ellie.Ni minsan hindi pa ako nakopochi sa CR ng school namin. Hindi kasi school time ang sched ko eh.  ;)

Gwapong multo? Kahit araw-arawin niya
ang pagtakot sa akin, GAME AKO. :D

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website