continued...
“Bayad po!”at ayun, kinilig nanaman ako dahil si Adrian ang kumuha ng bayad ko at nag-abot! Whaaaa… ang swerte naman, kaso, hindi pa din niya ako binabati. Haaay…
“San to bababa?”tanong ni manong drayber sakin, malamang. Haha..
“Tayuman po!”ayan, sinigaw ko na manong ah, baka hindi mo pa narinig.
“San bababa?”ay manong! Parrot kayo, parrot!!!!
“Sa Tayuman po!”uso na talaga mga parrot ngayon oh. Tapos, biglang nagsalita si Leone.
“Mary,”mahinang sabi sakin ni Leone. “Ang parrot ni manong drayber anoh?? Ang sarap sabihan ng, ‘Parrot ka, PARROT!!!’ hahaha.”
Pagkatapos na pagkatapos sabihin yun ni Leone ay tawanan talaga kami. Buti nalang konti lang yung tao sa jeep, kundi pahiya talaga kami. Haha.
“Haha. Ang kulet talaga. Haha.”nagulat ako. Nagsalita nanaman siya nang hindi ko inaasahan. Grabe, it’s a miracle. Haha.
“Kaya nga eh. Haha.”aba, nagkasundo pa tong dalawang to. Pero infairness ah, haha.
“Tsss. Parang yun lang eh. Mas magandang pagtuunan ng pansin ang kagwapuhan ko kaysa jan sa parrot na yan noh.”grabe, sa sobrang kayabangan ay nilipad nga kaming lahat sa Japan. Haha. Joke lang. Tinawanan lang naman namin siya, haha. Laugh trip naman ngayon sa jeep. Kanina sa Ice Cream House eh, haha. LOL.
“Ano ulet sabi mo Gelo? Did you hear what you said? Grabe, we’re crying our hearts out na kakatawa. Haha.”hindi talaga namin mapigilan yung tawa namin. Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa.
“Hmpf! Bahala nga kayo jan!”aba, nagalit agad? Bago pa man ako makasagot ay…
“Talaga. Kausapin mo nalang yang si Mikki oh. Haha. Alam ko namang miss na miss mo na siya eh.”
“Baliw ka talaga Adrian! Grabe, hindi naman ako mamimiss ni Gerard eh. Araw araw nga naming nakikita ang isa’t isa tapos mamimiss niya ako???”aba, defensive si ate. Haha.
“Kaya nga, bakit ko naman mamimiss yang babaeng yan? Baka nga siya pa nakamiss sakin eh.”
“Anong ako? Grabe, ang lakas naman ng hangin. Liliparin ako. GRABE.”
“Talagang malakas ang hangin, kasi nasa jeep po tayo, Miss Erza.”
Magsasalita pa sana si Mikki pero pinigilan ko siya nang sabihin kong…
“Sandali lang, bago niyo ituloy yang LQ niyo ay gusto ko lang sabihin sa inyo na thanks at nakasama ko kayo this day. Ang saya ah, infairness, laugh trip kasi dahil kay Gelo eh. Haha. Pati dahil sa bago nating katropa, si Mark!! Haha. Bababa na po kasi ako.”ang drama ng lola niyo anoh? Haha. Minsan lang yan.
“Sandra!!! Happy Birthday nalang ulet!! Sorry at wala kaming gift sa’yo ah. Next time nalang, pag may pera na kami.”
“Kaya nga Mary, next time nalang ako magreregalo sa’yo. Happy birthday.”
“Basta text kita mamaya, o kaya naman ay ichat kita sa FB. May sasabihin ako eh. Happy birthday.”
“Happy birthday bes. Alam ko namang ang kagwapuhan ko lang, okay na sa’yo na yun regalo ko eh. Haha. Joke lang ah, basta thanks for keeping my secret for a long time na.”tawa naman kami dun, pero ang ganda nung huli ah.
“Anong secret naman yun?”
“Wag niyo na alamin. If it’s the right time na, tsaka niyo yun malalaman.”
“Umm, Sandra, Happy Birthday ah. Kahit na hindi niyo pa ako ganun kakilala, sinama niyo ako. Thanks.”
“Happy Birthday ah. Sige, malapit ka na talaga bumaba oh.”
“Ahm, sige, bye guys, thanks ah.”
Ayun nga at bumaba na rin ako sa jeep. Totoo ba yun? O nananaginip lang ako? Binati niya nga ba talaga ako? Haaay, feeling ko nasa heaven na ako…
Nainterrupt ang aking napakagandang thoughts nang may magtext sakin. Sabay sabay pa sila ah.
4 messages received
Sabi yan sa screen ng cellphone ko. Tiningnan ko naman….
From: mikki – chan
Message: .bes, kilig tlga ako knina. grbe tlga, haaay, sna 22o un noh. hapi bday ah.
Hala, wala pala akong load. Ano ba tong buhay na to. Birthday na birthday ko, wala akong load. Basahin ko na nga lang lahat…
From: bespren
Message: Babae, hapi bday. Sna batiin kna nia ano? Haha. Dnt wori, babatiin ka dn nun.
Gusto kong isagot dito sa text na to ay, ‘Haaay nakooo bes, binati na niya ako. Harhar. Kilig to the bones!!!’ kaso nga, wala akong load.
From: arki ^__^
Message: ..happy birthday Cass!!!! haha, ayan ha, nd ko nkalimutan. asan regalo ko? JK. bsta im olweyz hir kpg nid mo ng kkmpi, and a shoulder to lean on..
Nakakatouch naman ang text ni Kuya Arki. Kahit na inaaway ko yan, alam ko namang mabait yan eh. Hindi na ako nasurprise na babatiin niya ako. Ang ikinagulat ko ay ang pinakahuling text na nabasa ko.
From: prince ko
Message: Happy birthday ah. Bsta bnti na kta. Sori kung wlng gift. Wish u ol d best. God bless. Bshin mo nlng ung nilgay ko sa card mo.
Pagkabasang pagkabasa ko ng text niya, kinuha ko yung card na gawa nina Mommy at Gianne. Hinanap ko yung sinulat niya at dahil doon ay nagsimula na akong umiyak. Pero tears of joy yun. Ang saya talaga ng araw ko ngayon. Hanggang sa pagtulog ko, yun ang iniisip ko. Ang mga nakasulat sa papel na yun.
“Happy b-day!!! Mary, pasensya na sa ginawa ko dati. Yun, take care and God bless.”