Hello po. Soooooooobrang sorry ang tagal kong hindi nag update. Tatapusin ko po 'to. Promise! Wala po kasing pumapasok sa isip ko. Sorry talaga! Sa mga nagtatanong po kung tatapusin ko 'to, yes tatapusin ko. Hehe. Thank you sa mga old and new readers! Labyooo!
PS: Gusto niyo bang i-revise ko yung story? Medyo ang bilis kasi ng mga pangyayari pati ako naguguluhan na. Hahahaha! Sorry talaga! Peace be with you all! :*
CHAPTER 34.5
I texted "no" na ulit kay Josh. Naluha na lang ako dahil sa hindi ko alam na dahilan. Nakakainis! Ewan ko pero biglang bumaba self confidence ko. Pangit ba ko? Sabi naman nila maganda ako? Pero bakit wala pa din akong mahanap? Siguro kasi hindi ko binubuksan yung puso ko sa ibang tao. Naiiyak ako kasi wala akong mahanap na lalaking para talaga sa akin? This is sht. Ganito na ba ako kadesperada magkaroon ng lovelife o gusto ko lang talaga mapalitan si Justin. Ayoko na! Pwede bang alisin na lang talaga puso ko? Ipamassacre ko kaya sarili ko?
Hay ewan. Ayoko na magkapuso.
Pumasok si Josh.
"J-j-josh?"
Nanlaki yung mata ko kasi bigla siyang gumwapo? Hahaha! Nakabihis kasi siya as in formal talaga. Nahiya naman ako bigla sa suot ko. Helloooo?! Haggard na haggard na ko tapos siya may time pa para mag retouch. Nadaig ako. Bongga siya 'te

"Wait, papakagat lang ako sa aso."
Hindi kasi ako makapaniwala e. Feeling ko nananaginip ako. Ang gwapo kasi e. Ba't ba kasi siya nakaayos? Ako nga, natanggal na eyeliner ko eh. Buti waterproof kaya hindi umitim luha ko. Sht. Nahihiya talaga ako. I look so haggard and stressed T___T
Nakasmile lang siya sa akin.
"Huy, ano meron?"
Medyo kinakabahan ako... Oh no! Ayoko mag expect!
Lalo akong umiyak, "UWAAAAAAA!"
"Ano ba Rylie, baka akalain nila pinapaiyak kita. Pero bakit ka ba kasi umiiyak?"
Umupo siya sa tapat ko tapos biglang may nag violin sa harap namin. Shockness! Di pa din ako humihinto sa kakaiyak.
"Josh, ako pa din si Rylie. Ako pa din yung dating Rylie. Hopeless romantic pa din ako!"
"Shh. Ano ka ba. Wag mo ngang sabihin yan."
"Umaasa pa din ako na may matinong lalaki diyan sa tabi tabi na magmamahal sa akin. Umaasa pa din ako na mangyari sa akin yung mga nangyayari sa mga pelikula kung saan sobrang perfect ng bidang lalaki or sobrang sama niya pero nagbago siya para sa babae. Sobrang loser ko no?"
"Kuya, sige po pwede na po kayo umalis. Salamat ho." Sinabi niya sa mga tumutugtog.
"Tara na nga Rylie."
"Uh, saan tayo pupunta?"
"Basta!"
"Wait, yung bayad mo."
"Wag na."
"Ha? Ano ka ba Josh. Wag ka nam-"
"Nabayaran ko na, okay na? Happy? Tara na!"
"Wait kasi, saan ba tayo pupunta?" Pangungulit ko sakanya.
"Wala ka bang tiwala sa akin?"
Nag pout lang ako tapos nag okay kahit umiiyak pa din ako.
Sumakay na kami sa kotse niya pero walang nagsasalita kahit isa sa amin. Huminto na kami.
"O-o-oy Josh! Ba't nandito tayo?"
Nasa condominium kasi kami.
"Trust me."
"Okay, may tiwala naman ako sayo e."
Hindi na nga pala ako umiiyak pero namumugto pa din yung eyes ko and sabog pa din voice ko. Define Rylie!
Sumakay na kami sa elevator. Nasabi ko na ba sa inyo na medyo may trauma ako sa elevator? Hay basta. Magkkwento ako soon but not now. Nawweirdohan kasi ako dito kay Josh eh.
Bumaba na kami at laking gulat ko sa nakita ko.
"A-a-ang ganda."
Nasa rooftop kami. Ang daming stars. Oo, takot ako sa heights kaya nga hindi ako masyadong pumunta doon sa dulo. Kahit nandito ako, nakikita ko yung mga ilaw ng houses and stars. Sorry ang taas kasi ng condo ni Josh. Hayy.
"I know. Sige na, sigaw na."
"H-h-ha?"
"Sumigaw ka na. Dali, promise effective!"
"Josh?"
"Dali na! Ano ka ba Rylie, parang hindi mo yan napapanood sa mga movies or series ah. Nung una medyo hindi ako naniniwala na if you let it all out, mawawala lahat ng sakit. Uh yes, hindi totoo na mawawala lahat ng sakit pero at least, malelessen yung pain."
"Sure ka? Baka magalit sila sa akin."
"Hindi yan!"
"O-okay." Inhale. Exhale.
"HOY KAYONG MGA LALAKI! BAKIT BA KAYO GANYAN?! BAKIT BA ANG KONTI KONTI KONTI KOOOOONTI NA LANG NG MGA MATITINONG LALAKI?! HAAA?! YUNG TATAY KO NAMBABAE, YUNG ALMOST EX KO PINAGPUSTAHAN LANG AKO! BAKIT BA HINDI KAYO MAKUNTENTO SA ISAAAAA?! BAKIT BA KAILANGAN NIYO PA MANAKIT AT MANLOKOOOOOO?! BAKIIIIIIT?! NAIINIS NA KOOOOOOO!"
Huminga ako ng sobrang malalim at nag chuckle. Since gabi na, umupo na lang ako sa plastic chair at lumuha. Tumingin ako sa sky tapos napatingin ako sa star. Ang ganda kasi talaga. May isa kasing star na sobrang ningning.
"Hay nako." Nakatingin pa din ako sa sky.
"Alam ko naman na may mga matitino pa diyan eh. Ang labo ko at ang drama to the point na naiinis na ko sa sarili ko. Maybe ngayon lang kasi ako nag drama ng ganito kaya todo todo." I chuckled.
"Hindi ako desperate magkaroon ng guy. Sa totoo lang, ayoko na. Pagod na kasi ako. At inaamin ko din na ...."
"Mahal mo pa siya."
Napatingin lang ako then I gave him a weak smile.
"Kahit hindi mo naman sabihin..." Tumingin lang ako kay Josh na parang nagtataka.
"Sorry Rylie. Sorry."
"Ba't ka nagsosorry Josh? Wala ka namang kasalanan."
"Malalaman mo din. Anyway, hayaan ko na lang siya mag explain sayo ng lahat."
"Ha? Sinong siya?"
"Siya. Hoy ikaw, lumabas ka na diyan. Buking na kita kanina pa."
Lumabas siya pero namumugto yung mga mata niya.
Tama iniisip niyo. Siya nga.
"Josh, bakit nandito si T-ty-Justin?"
He kissed me on my forehead then he walked away. Ni-lock din niya yung door.
"Sheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet! Jooooooooooooosh! BUKSAN MO 'TO!"
Paulit ulit ko ginagawa yun. Sinipa sipa ko na din yung pinto pero wala pa din. Ano pa ba magagawa ko? Hayyy. Umupo na lang ako sa upuan malayo sakanya. Lumapit naman siya sa akin.
"Sino nagsabi sayo ng about sa dare namin ni Aish?"
"Ang kapal din naman pala ng mukha mo no?"
"Please let me explain."
"Para saan pa?"
"Narinig ko lahat ng sinabi mo kanina. Alam ko lahat ng nangyari sayo mula pa kanina nung nakikipagblind date ka hanggang nung sumisigaw ka diyan."
"You stalker!"
"Stalker na kung stalker pero ano pa nga ba magagawa ko, mahal pa din kita."
"So sa tingin mo maniniwala ako? Epal ka ba?"
Hindi ko na kasi talaga alam sasabihin ko. Nahihiya ako. Alam na niyang mahal ko pa din siya hanggang ngayon. Alam na niya...
WALA NA KONG PRIDE

"Rylie, please. Nakipagdare lang naman si Aish sa akin kasi he wanted me for you. Sobrang gusto niya na maging tayo kasi ang akala niya you deserve me. But she was wrong... Rylie, sorry. I didn't mean to hurt you. I loved you Rylie. I still love you."
Ang sarap sana marinig yan kung totoo. Ang sarap maniwala at ewan ko pero parang naniniwala ako sakanya. Oh sht, wag! Sabi ni Kris and Tim sa akin na wag dapat ako mabilis maniwala. Oo nga pala, sila yung nameet ko sa states. Nagkakilala kami kasi nakita akong umiiyak ni Tim tapos nagusap kami then kinwento ko sakanya lahat. Ewan ko, wala kasi ako mapagkwentuhan kaya sakanya ko nabuhos lahat. Kinwento niya ako sa girlfriend niya na si Kris tapos naging close kaming tatlo. Sobrang binigyan nila ko ng advice. Nakakainggit sila actually. Sobrang <3 Nakakainggit na nakakabitter.
Basta, alalahanin ko daw yung mga masasama and masasakit na ginawa or sinabi niya.
"Oo. Gusto ko nga si Janilyn! Maganda, matalino, at mabait. Si Rylie? Careless, Clumsy, Ulyanin, at mahina masyado. Ayoko sa ugali at kilos niya. Gustung gusto ako ni Aisha para sakanya kaya pinilit niya ako makipagdare sakanya...
"Bakit mo ko pinagsabihan ng kung anu ano? Ha? Bakit sabi mo gusto mo si Janilyn tapos sabi mo careless, clumsy, and sobrang weak ko. Alam ko naman totoo yun eh. Alam ko! Kaya nga sobrang nasaktan ako to the point na nafrustrate ako baguhin sarili ko. Oo, insecure ako at mahina self confidence pero umasa ako na may magmamahal sa akin dahil ako 'to, ako si Rylie. Umasa ako na may lalaki pa diyan na matino, at umasa ako na ikaw yun. Thanks ha. Dahil sayo, narealize ko na mali perception ko. Narealize ko na di dapat ako nagpapakatanga at nagpapakabulag sa love kasi yun lang sisira sakin! Nawala bestfriend ko ng dahil sayo!"
Hindi siya nagsasalita...
"Sayo din mismo nanggaling na gusto mo si Janilyn diba?"
"Pero napilitan lang ako sabihin yun..."
"Really?" I rolled my eyes.
Wala ng nagsasalita sa amin...
Ewan ko.
Ayoko na.
Pagod na ko.
"Tigilan na natin 'to kasi parehas na lang tayong naglolokohan."
Tumulo luha niya.
"Wait, may sasabihin lang ako. Please, kahit ngayon lang maniwala ka sa akin. After nito, titigilan na kita."
"Please, ayoko na makinig sayo. Ayoko na! Tongue !n@ naman Ty---Justin! Napanood ko, narinig ko lahat lahat! Alam kong pinagpustahan niyo lang ako na hindi mo ako gusto na malaki galit mo sa akin. Alam mo, tanggap ko pa yun e. Pero tinawagan kita, lasing ako nun. Ewan, yun lang naaalala ko. Paggising ko, nasa hospital na ko pero wala ka sa tabi ko dahil ibang babae binabantayan mo. Oh well, meron pa. Balita ko, everday ka daw nagpapalit ng girls ah? Cool. So sabihin mo sa akin ngayon, paano ako magtitiwala sayo?"
"Sorry Rylie. Sorry."
*JOSH*
Nagpunta agad ako sa bar at uminom at uminom at uminom. May mga lumalapit na babae pero wala akong pakielam sakanila.
"LUMAYO KAYO SAKIN."
Planado talaga ang blind date kanina. Sinadya ko na fail yung mga kadate niya pero maniwala man kayo't sa hindi, hindi ko talaga alam na babastusin siya ng isa sa mga lalaki doon. Ginawa ko lang naman fail yung mga kadate niya para sure na ako ang last na makkdate niya. Planado na ang lahat pero nung nakita kong umiiyak siya nang dahil sa mga katangahan ko, naisip kong mas mabuti kung maguusap sila at malaman niya yung totoong nangyari.
At maniwala din kayo't sa hindi, hindi ko alam na nakasunod sa amin si Tyler. Nalaman ko lang nung binugbog niya yung lalaking bumastos kay Rylie...
Alam kong mahal pa ni Tyler si Rylie dahil napanood ko ang buong video. Mahal na mahal niya si Rylie to the point na sinira niya yung buhay niya para sakanya.
Alam ko naguguluhan na kayo sa mga nangyayari...
Sobrang hirap ipaliwanag.
Ang alam ko lang...
Isa ako sa mga dahilan kung bakit nasasaktan ngayon ang taong mahal ko.